Chapter 27

1846 Words
Maagang nagising si Yago dahil iyon ang unang araw niya bilang isa sa utusan ni Hector. Alam niyang mas madami ang magiging oras niya sa labas kay sa loob ng bahay. Ngunit hindi naman siya nangangamba. Wala namang nakakakilala kay Yago. Maliban kay Dale at Yaya Constancia. Kahit si Jean ay hindi pa kilala ng lubusan si Yago. Iyon ang malaking kasalanan niya sa dalaga na aaminin din niya sa tamang panahon. Nagkakape sa kusina si Yago kasama si Yaya Constancia at si Jean ng pumasok si Hector at bihis na bihis. "Constancia, siya na ba ang sinasabi ni Dale na magiging personal driver namin dito?" bungad kaagad ni Hector sa kanila habang nakatingin kay Yago. Bigla namang napatayo si Yago. "Maganda umaga po sir. Ako po si Yago na inutusan po ni Sir Dale na maging driver po ninyo," pakilala ni Yago ng suriin siya ni Hector mula ulo hanggang paa. Lihim namang napangiwi si Jean sa pagsasalita ni Yago. Nagtataka talaga siya pag mabilis ang pagsasalita ng tagalog ni Yago nag-iiba ang tono. Para bang English accent na Tagalog version. "Sigurado kang magaling kang magmaneho? Baka mamaya dahil sa pangit mong mukha ay maaksidente tayo," may halong panlalait sa boses ni Hector kaya napakuyom ng kamao si Jean. Kung hindi lang ito kamag-anak ni Mr. Y ay talagang masisigawan niya ito. Wala itong karapatang manlait ng tao. Lalo na ang taong iyon ay ang lalaking mahal niya. Hinawakan naman ni Yaya Constancia ang kamao ni Jean na nakakuyom para mapakalma ang dalaga. "Professional driver ako sir at may lisensya ako." Iniabot ni Yago ang drivers license niya kay Hector. Napatango na lang si Hector ng makita iyon. "Mabuti kong ganoon. Hindi ako kumuha ng driver para lang ipahamak ang pamilya ko." "Daddy," matinis na tawag ni Hareya kay Hector ng makapasok ito ng kusina. Kitang-kita nila kung gaano ka sweet si Hareya sa ama-amahan. Pagkalapit ng dalaga ay niyakap niyo si Hector ganoon din si Hector dito at hinalikan ng dalaga sa pisngi ang ama. Hindi naman nila masisi ang mga ito. Lumaki sa ibang bansa si Hareya kasama si Hector kaya siguro ganoon ang gawi ng dalaga kahit hindi naman nito tunay na ama ang lalaki. "Daddy, hindi ka nga sasama sa store? Sinong magmamaneho para sa akin. Hindi naman ako pwede. I don't have a license here. Kaya po ihatid mo na ako daddy, bago ka magtungo sa pupuntahan mo," maarteng saad ni Hareya bago tinungo ang lamesa. Ang tindahan tinutukoy ni Hareya ay isang luxury store ng mga mamahaling bags, at kung anu-anong klase ng alahas na gawa sa diamonds at ginto. Hindi biro ang halagang binitawan para maipatayo ang tindahang iyon. Hindi nga nila nabalitaan ni Dale ang opening ng tindahang iyon. Ngunit bago pa umuwi ang Tito Hector niya at ang pamilya nito, ay bukas na ang tindahan. Iyon ang dahilan kung bakit din umuwi si Hector noon at nakita nila sa loob ng Dayorama. Huli na nga lang ng makuha nila ang impormasyon na iyon dahil nasabi na ni Hector kay Dale, ang tungkol sa tindahan bago pa nila nakuha ang impormasyon noon. Napatingin naman si Jean kay Hareya na dadaan sa kanyang harapan kaya nagbigay daan siya para makaupo ang dalaga. "Can I have my orange juice manang. Fresh yon ha," anito at muling binalingan si Hector. "Daddy paano nga ako? Ayaw kong magcommute. Hindi ako sanay." "Baby, ihahatid ka ni Yago. Kailangan kong makipag-usap sa mga supplier ngayon araw." "Who's Yago?" Ipinakilala naman ni Hector si Yago kay Hareya kaya naman bigla itong napatayo sa kinauupuan. "No, no, no daddy! You can't do this to me. Yang pangit na yan ang magiging driver ko? No! Baka nakakahawa pa ang sakit niya. Tapos mahawahan pa ako. Ayaw ko sa kanya daddy! Nandidiri ako!" Sigaw ni Hareya na halos maghestirya pa. Nagulat naman si Jean sa sinabi ni Hareya. Gusto sana niyang sugurin ang babae at pagsalitaan ng kung anu-ano. Wala itong karapatang lait-laitin si Yago. Ngunit bigla na lang siyang hinigit ni Yago sa akmang pagsugod niya sa babae. "Relax Jean. Nararamdaman ko ang galit mo. Nanginginig ka na. But relax. I'm okay baby. Don't worry about me. Hindi ako nasasaktan sa mga ganoong salita. Mas mahalaga pa rin sa akin ay ang pagtanggap mo sa akin kahit ganito ako. Relax na," bulong pa ni Yago sa kasintahan. Kahit nanginginig sa galit si Jean ay pinilit niyang ikalma ang sarili. Ayaw naman niya ng dahil sa kanya ay pagsalitaan na naman ng kung sino si Yago ng masasakit na salita. Dahil busy sa pagsigaw si Hareya at ang atensyon ni Hector ay nandito ay hindi nila napansin ang paghalik ni Yago sa ulo ni Jean para mapakalma ito. Si Yaya Constancia lang ang lihim na kinikilig sa dalawa sa kabila ng edad nito. "No daddy! Hindi ako sasakay sa kahit na anong kotse kung siya lang din naman ang magiging driver ko," ulit pa ni Hareya na hindi malaman kung paano iiling. "Hareya!" Malakas na sigaw mula sa bungad ng kusina ang kanilang narinig kaya naagaw nito ang atensyon nilang lahat. "Mommy!" "Anong naririnig ko sayo Hareya. Hindi naman kita pinalaki ng ganyan ah. Bakit ka naging mapanghusga? Hindi mo ba alam na nakakasakit ka ng damdamin ng ibang tao sa mga sinasabi mo!" "Mommy, inakusahan mo ako ng mapanghusga? Gayong totoo naman ang sinasabi ko. Paano kung may nakakahawa pala siyang sakit? Kahapon pa ba siya dito? Nakapag disinfect na ba sila para walang kumapit na sakit sa lahat ng nahawakan niya. Paano kung lahat tayo ay...." Natigil sa pagsasalita si Hareya ng tumama sa kanyang pisngi ang palad ng mommy niya. Bigla na lang bumuhos ang masaganang luha sa kanyang nadarama. Bukod sa sampal ay natapakan pa ang ego niya dahil sa ginawa ng ina. "Harlene!" Sigaw naman ni Hector at mabilis na hinawakan sa pulso ang asawa at inilayo kay Hareya. Sa bilis ng pangyayari ay nagulat na lang sila sa pagsampal ni Hector sa asawa. "Daddy!" Napatingin naman sila kay Hatex at Halene ng sumigaw ang mga ito. Mabilis namang tinakbo ng dalawang bata ang ina. "Bakit po ninyo sinaktan ang mommy?" tanong ni Halene na umiiyak sa tabi ng ina. Halos natigilan silang lahat sa bilis ng pangyayari. Puro hikbi na lang ni Halene ang maririnig sa buong kusina ng pumasok si Dale. "What happened?" naguguluhan nitong tanong ng lumabas si Hector ng kusina at iniwan silang lahat. Pabagsak nitong ibinalibag ang pintuan ng library ng makapasok ito. Napatingin pa si Dale kay Hareya na hilam din ang mga mata at namumula ang pisngi. Ngunit bago pa may magsalita ay mabilis din itong lumabas ng kusina at tinungo naman ang hagdanan paakyat. Inalalayan naman ni Dale si Harlene na makaupo sa upuang nandoon. Mabilis naman ang kilos ni Yaya Constancia para abutan ito ng tubig. Nakayakap naman kay Harlene ang dalawang anak. Alam niyang kino-comfort ng mga ito ang ina. Sa kabila ng pananakit dito ng daddy nila. Napatingin naman si Dale kay Jean at Yago na hindi aware sa pwesto nila. Magkayakap ang dalawa habang nakatayo at hinahalikan pa ni Yago ang ulo ni Jean. Nakatingin lang pareho ang dalawa sa mag-iina kaya hindi napapansin ang kalagayan nila. Sunod niyang binalingan si Yaya Constancia na nakatingin na rin sa dalawa. Nang makita siya nito ay sinenyasan siya ng matanda na wag maingay kaya naman nilapitan na lang niya ito. "Anong meron sa dalawa?" bulong ni Yaya Constancia kay Dale ng makalapit sa kanya ang binata. "Yaya Constancia, pakiramdam ko magkakapera talaga ako ngayon." "Saan mo naman makukuha?" "Kay Y. Pero wag kang mag-alala Yaya Constancia. Bibigyan kita ng balato. Mabuti na lang talaga naisip kung makipagpustahan sa isang iyon. One million din iyon yaya." "Ikaw talagang bata ka. Pero sabagay, kayo namang dalawa ang nagkakaintindihan sa bagay na iyan kaya hindi na ako makikialam." "Pero yaya ano po bang naging puno at nagkagulo?" tanong ni Dale. Sinimulan namang ikwento ni Yaya Constancia ang dahilan kung bakit nagkasakitan ang mga ito at umabot pa sa pananakit ni Hector sa asawa. "Ganoon po ba? Sige po ako na ang kakausap kay Tito Hector, hindi maaaring hindi niya tatanggpin si Yago." Isang tikhim naman ang nagpabitaw sa pagkakayakap ni Yago kay Jean. Nagulat pa sila ng malamang nasa tabi na nila si Dale. "Anong ginagawa mo dyan?" tanong ni Yago na dahan-dahan naman umaalis si Jean at lumipat sa tabi ni Yaya Constancia. "Ginagawa ko dito? Wala naman, lagay mo na lang sa account ko iyong panalo ko ha," bulong ni Dale ng suntukin siya ni Y. "Ayos lang sanay na ako. May 1M naman ako." "G*go!" Hindi naman malakasan ni Yago ang boses niya at baka marinig pa ng mga anak ng tita niya. "Pasensya ka na Yago ha," ani Harlene na bumaling kay Yago. "Wag po kayong mag-alala, sanay na po akong makatanggap ng ganoong salita." "Salamat, pero sorry talaga sa inasal ni Hareya. Hindi ko alam kung bakit lumaking ganoon si Hareya. Mabait naman ang batang iyon. Kaya lamang habang nagdadalaga ay na spoiled ni Hector. Kaya mas malapit pa si Hareya kay Hector kay sa akin na tumayong kanyang ina. "Sorry din po kuya," sabay pang wika ni Halene at Hatex. "Wag ninyo akong alalahanin, ayos lang ako." "Ako na po ang bahala kay Tito Hector. Hindi naman po pwedeng palitan si Yago bilang driver ninyo. Si Yahir po ang nagtalaga kay Yago. Wala din pong ibang pinagkakatiwalaan si Y kundi si Yago at sa makakasama naman po dito ni Yaya Constancia ay si Jean. Sana po ay maunawaan ninyo Tita Harlene," paliwanag ni Dale. "Walag kaso iyon sa akin Dale. Kaya nga ako ay humihingi ng pasensya sa inyo. Salamat din sa pagtanggap sa amin dito. Na kahit ganoon sa amin si Hector ay napakabuti ninyo sa aming mag-iina." "Kamag-anak po kayo ni Y kaya po wag kayong mag-alala. Nakahanap na rin po ako ng school kung saan pwedeng pumasok ang dalawa. Utos iyon ni Y. Wag po kayong mag-alala sa gagastusin ng magkapatid si Y na po ang bahala doon." "Nahihiya man ako, pero maraming salamat." "Kuya Dale, nasaan po ba si Kuya Yahir," tanong pa ni Hatex. "Nasa business trip. Biglaan kasi ang pag-uwi ninyo, kaya hindi na naipagpaliban ang pag-alis niya. Pwede sanang reschedule, kaya lang late na rin kaya hindi na napabago." "Ganoon po ba. Pag-uwi na lang niya kami magpapasalaman ni Halene. Sobrang laki po mg tulong na naibigay niya sa amin." "Oo nga po Kuya Dale," pagsang-ayon naman ni Halene. Lihim namang napangiti si Yago sa kanyang narinig. Ibang-iba ang ugali ng dalawang bata kay Hector. Nagpapasalamat na rin siya na ang ugali ng mga ito ay namana sa ugali ni Harlene na mabait at mapagpakumbaba. Nagsimula ng magluto si Yaya Constancia na tinulungan naman ni Jean. Naiwan na rin sa kusina ang mag-iina. Si Yago naman ay kasama ni Dale para kausapin si Hector at Hareya sa mga bilin ni Yahir. Wala rin namang magagawa si Hector dahil kahit pamangkin lang nito si Yahir. Si Yahir ang batas sa bahay na iyon.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD