Kagigising lang ni Jean ng oras na iyon. Babago pa lang sumisikat ang haring araw. Nakasanayan na niya talaga ang mga kaloskos at kung anu-ano pang ibang pakiramdam sa bahay na iyon. Masarap na rin talaga ang tulog niya at mahimbing.
Nagtungo siya sa banyo, para masimulan ang kanyang daily routine. Matapos sa ginagawa at makapagbihis ay lumabas na rin siya sa kwarto.
"Good morning Mr. Y," bati niya sa harap ng cctv na nandoon sa parte ng hallway pagkalabas ng kwarto niya.
Hindi mo mahahalata ang cctv na iyon kung hindi lang sinabi ni Yaya Constancia. Sinabi rin ni Yaya Constancia na may connecting door sa walking closet ni Mr. Y patungong control room kung saan nakakonekta ang mga cctv na iyon.
Mula ng naging maayos na ang pakiramdam ni Mr. Y ayon na rin kay Yaya Constancia,ay hindi na rin ito muling nakita pa ni Jean. Pati ang kwarto nito ay hindi na rin nabubuksan basta-basta. Hindi na katulad noong may sakit na sobrang lala.
Natigilan si Jean ng makita ang lalaking nasa may kusina. Hindi siya napapansin nito dahil nakatalikod ito sa kanya.
"Yago!" bulalas ni Jean ng makitang nakaupo si Yago sa may harap ng table habang may hawak na dyaryo at nagkakape. Tulad ng palagi niyang nakikita sa binata, nakasumbrero ito.
Halos nasa limang araw din niya itong hindi nakita. Kaya naman hindi niya maunawaan ang sayang kanyang nadarama ng makita ito sa mga oras na iyon.
Nagulat na lang si Yago ng bigla na lang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Ngunit lumabas din ang mumunting ngiti sa kanyang labi sa kaalamang si Jean iyon.
Isang tikhim ang nagpaangat ng tingin ni Jean at ni Yago. Si Yaya Constancia, habang may mapanuksong tingin sa kanilang dalawa.
"May lihim ba kayong dalawa na hindi ko alam? Daig pa ninyo ang magkasintahan na ngayon lang nagkita. Mali ba o tama ako?" anito na ikinalayo bigla ni Jean kay Yago.
Hindi naman niya sinasadya na yakapin ang binata. Basta na lang kumilos ang kanyang mga kamay pagkakita niya dito.
"Wala po yaya ah," pagtanggi ni Jean sabay iling.
"Don't give a malicious meaning to what you saw yaya," ani Yago sa may pagkaestriktong tinig na ikinatingin ni Jean at Yaya Constancia kay Yago. "Why?" anito na ikinailing ni Yaya Constancia sabay snap ng mga daliri.
Nakatitig pa rin si Jean sa binata. Kahit si Yago ang nakikita niya, ibang tao ang naaalala niya sa way ng pagsasalita nito.
Napangiti na lang si Yaya Constancia ng mapansin ang paglunok ni Yago. "Hindi maiipagkaila anak," tudyo pa ng matanda. Hindi man naiintindihan ni Jean ang ibig sabihin. Batid niyang may laman ang sinabing iyon ni Yaya Constancia.
"K-kumusta," nauutal na tanong ni Yago habang nakatingin sa dalaga. Bumalik naman si Yaya Constancia sa ginagawa.
"Yago. Akala ko nag-ibang tao ka na. Nagulat ako kasi biglang may naalala ako timbre ng pagsasalita mo kanina. Parang, katulad kasi ng kay Mr."
Hindi na tapos ni Jean ang sasabihin ng unahan siya ni Yago. "Wag mong alalahanin iyon. Ihalintulad mo pa ako sa iba. Baka naman hindi mo talaga ako naalala," biro pa ni Yago, ng makabawi ito.
"Hindi ah. Namiss kaya kita. Hindi ko man lang nalaman na umalis ka. Malayo ba ang sa inyo? Ang tagal mo din wala dito. Nalinisan ko ang mga halaman at inalisan ng tuyong dahon at bulaklak, pag may libreng oras ako. Isa pa nito ko lang nakita ng umaga si Mr. Y. Para talaga siyang bampira. Isipin mo kung hindi pa nagkasakit hindi man lang nagpapakita sa umaga," paliwanag ni Jean na ikinaubo ni Yago. Si Yaya Constancia naman ay nabitawan ang takip ng kaldero.
"Ayos ka lang?" Nag-aalala pang tanong ni Jean na ikinatawa ni Yaya Constancia.
"Yaya talaga," hindi mapigilang bulalas ni Yago habang nakatingin kay Yaya Constancia.
"Wala naman akong sinabi ah. Kayong mga bata kayo. Masama na bang tumawa ang isang matandang tulad ko?" may himig pa iyon ng pagtatampo.
"Hindi naman po sa ganoon," bawi ni Yago ng mawala ang pagkakasamid.
"May sasabihin nga pala ako," nandoon ang kislap sa mga mata ni Yaya Constancia habang nagsasalita. "Alam kong hindi dapar ito manggaling sa akin. Kaya lang, hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi sabihin ang nalalaman ko. Tungkol kay Jean," malungkot pang saad ng matanda na ikinakunot noo ni Jean.
"May nagawa po ba akong mali Yaya Constancia?" nagtatakang tanong ng dalaga. Dala na rin sa pag-iisip na baka mawalan siya ng trabaho kung ano man iyon. Kahit si Yago lang naman ang kaharap nila.
"What is it yaya? Tell me."
"Paano ay crush ka ni Jean," hindi mapigilang saad ni Yaya Constancia ng si Jean naman ang bumaling sa matanda, at sinamaan ito ng tingin. Akala niya ay kung ano ang sasabihin nito kay Yago. Pero mas malala pa pala sa iniisip niya. Ibuking ba siya.
"Eh lalabas muna ako. Tapos na naman akong magsaing, kukuha lang ako ng siling panigang sa mga tanim ko, at magluluto ako ng omelet," anito at mabilis na lumabas ng kusina.
Akmang lalabas din si Jean ng hawakan ni Yago ang kamay niya. Napatingin pa siya sa kamay ni Yago na may kakaibang init na dala sa pagkakahawak nito. Tumingin siyang muli sa mukha ni Yago.
"Bakit hindi maitago ng itim sa kanyang mukha ang kagwapuhang nakikit ko," bulong niya sa sarili at saglit na natulala.
Mapapansin ang mumunting ngiti sa labi ni Yago. Wala siyang nararamdamang pagkainsulto sa ngiting iyon. Kundi pagkamangha.
"Ano iyong sinasabi ni Yaya Constancia? Humahanga ka sa akin?"
"Wala iyon, madaldal lang talaga si Yaya Constancia," palusot niya.
"Iyong totoo?" may diin sa pagsasalita ni Yago. Ngunit bigla ding nawala ang ngiti ni Yago at unti-unting lumuwag ang pagkakahawak sa kanya. "Pasensya na, alam kong hindi kagustu-gusto ang isang tulad ko. Alam ko iyon. Pasensya na. Pwede ka ng lumabas."
Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan ni Yago. Nakaramdam si Jean ng guilt. Hindi naman kasi ganoon ang ibig niyang sabihin. Pero na misinterpret pa yata ni Yago ang ibiga niyang sabihin.
"Totoo ang sinasabi ni Yaya Constancia," aniya. Nakahinga siya ng maluwag, ng unti-unting sumilay muli ang ngiti sa labi ni Yago. Akala niya ay magagalit ito. "Wala namang masama na humanga sayo di ba?" dagdag pa niya.
"Kahit ganito ako kapangit? Nakikita mo naman ang mukha ko. Kung makikita ng iba, katatakutan ako ng sobra o hindi kaya ay pandidirihan."
"Hindi basehan ang pisikal na katangian para lang hangaan ng isang tao. Walang mali sa itsura mo. Siguro kung iba oo pero hindi ako."
"Ay si Mr. Y?" biglang tanong ni Yago.
"Nakakatakot pa nga si Mr. Y. Oo gwapo iyon at wala akong maipintas sa kanya. Kaso iyong awra niya katakot," ani Jean na ikinayakap pa sa sariling katawan. Hindi naman talaga siya natatakot kay Mr. Y. Kaya lang iba sa pakiramdam ang pagiging maawtoridad nito.
Kumawala ang ngiti sa labi ni Jean ng mapansin ang ngiti muli ni Yago. Less the dark part of his face, napakagawapo din ni Yago. Pero para sa kanya, hindi mahalaga ang itsura. Humahanga lang naman siya. Humahanga ng lihim sana. Kaso madaldal si Yaya Constancia.
"Crush ko talaga ang isang ito," bulong pa ni Jean habang hindi niya magawang putulin ang magkahugpong nilang mga tingin.
Isang tikhim ang nagpabaling sa kanila sa may pintuan. Nakangiting mukha ni Yaya Constancia ang bumungad sa kanila.
"Anong nginingiti mo Yaya?" hindi mapigilang anas ni Yago na ikinailing lang ng huli.
"Magtimpla ka na Jean ng kape at lumabas na kayong dalawa dito. Tatawagin ko na lang kayo pagnakaluto na ako ng pang-almusal," pagtataboy nito sa kanila.
"May kasalanan ka pa sa akin yaya," ani Jean.
"Kung hindi ko sinabi, ano kayo mga elementary. Tumatanda na ako, kaya habang maagap pa, wag na kayong maging pabebe ang mga batang ito. Alis na at magluluto na ako."
Naiiling namang tumayo si Yago mula sa pwesto niya. Ngunit lumapit muna ito kay Jean at bumulong. "You're so cute, you know,' saad pa ni Yago na lalong nagpasikdo sa puso ng dalaga.
"Kilig ka na?" tukso ni Yaya Constancia.
"Yaya ah," reklamo mo Jean na ikinatawa ni Yaya Constancia.
Napuno ng tuksuhan ang dalawa. Masaya siyang sa unang pagkakataon na malayo siya sa pamilya ay isang ina rin ang natagpuan niya sa piling ni Yaya Constancia. Masungit man si Mr. Y, at minsan nakakatakot, pero alam niyang mabait ito tulad ng sinabi ni Yaya Constancia.
Hindi malaman ni Jean kung ano ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Pero hindi niya maiipagkailang, masarap sa pakiramdam ang pag-amin sa isang bagay. Lalo na kung tungkol iyon sa pag-ibig.
Ngunit agad din siyang natigilan ng maalala ang nangyari sa kanila ni Mr. Y. Napatingin siya sa hagdanan patungo sa taas sa kwarto nito.
"Anong nangyayari sa puso ko? Wala akong relasyon sa kahit na sino, pero bakit ganoon? Bigla na lang nagulo ang puso ko."