Chapter 12

1477 Words
Natutulog na ulit si Y ng mga oras na iyon. Matapos siyang suriin ng doktor ay unti-unting bumigat ang kanyang paningin. Inayos muna ni Dale ang pwesto ni Y bago niya binalingan amg doktor na nag-aayos na ng gamit nito. "Kumusta po siya doktor?" tanong ni Dale. Nakikinig lang naman si Jean at si Yaya Constancia sa dalawa. Hindi man magsalita ngunit nag-aalala talaga si Jean sa kalagayan ni Y. "Maayos naman ang kalagayan niya. Medyo malala lang iyong isang malaking pasa sa likuran niya. Ano ba talaga ang nangyari?" pag-uusisa pa ng doktor. "Ako po talaga ang may kasalanan," pag-amin ni Jean. Ikinuwento niyang muli ang buong pangyayari. Kahit si Dale na ilang beses ng narinig ang kwentong iyon ay hindi pa rin mapigilan ang pagtawa. "Ikaw na bata ka," saway dito ni Yaya Constancia. "Sorry na yaya. Natutuwa lang kasi talaga ako. Sa gwapo ni Y, napagkamalan talaga nitong si Jean na magnanakaw." "Hindi ko naman sinasadya talaga." "Alam ko, binibiro lang kita." Napatingin ulit sila sa doktor na naiiling lang sa kanila. "Kailangan lang talaga ni Y ng pahinga at ipainom ninyo itong gamot," wika ng doktor. Iniabot nito mga gamot na dapat inumin ni Y sa tamang oras. Nakasulat na rin sa papel ang schedule ng bawat isang gamot at kung hanggang kailan dapat inumin. Mabuti na lang talaga at may dala na kaagad gamot na pwede mainom ng pasyente ang doktor. Sinabi na rin kasi kaagad ni Dale ang posibilidad kung bakit nagkasakit si Y. Kaya naman nakapaghanda na kaagad ito ng gamot. Alam din kasi ng doktor na malayo ang bahay ni Y, ito kasi ang family doctor ng pamilya ni Dale. "Salamat doc. Mabuti at hindi ka gaanong abala." "Walang problema iyon Constancia. Mahalaga si Y dahil kapamilya na ito ni Mr. Montalvo. Ang pamilya nilanay hindi ko matatanggihan. Nandito ako sa propesyon ko dahil sa daddy ni Dale," paliwanag nito na ikina okay sign ni Dale sa doktor. "Salamat talaga doc. S'ya ihahatid ko na kayo sa may labas," ani Yaya Constancia na siyang sumama sa doktor palabas. May dala naman itong kotse kaya hindi na nag-abala pa si Dale. "See wag ka ng mag-alala. Habang tinitingnan kasi ng doktor si Y. Parang ikaw pa ang magkakasakit eh. Gusto mo rin bang magpa-ospital?" natatawang saad ni Dale na ikinabuntong hininga ni Jean. "Hindi ko naman kasi talaga sinasadya na masaktan ko si Mr. Y. Mag-iingat na talaga ako sa susunod. Minsan kasi napapaghalataan ko na si Mr. Y. Para kasi siyang bampira. Sa gabi lumalabas. Tapos sa umaga, sa totoo ngayon ko lang siya nakita ng umaga. Sayang nga umalis si Yago, hindi ko tuloy alam kung nakita na niya si Mr. Y. Tuwi kasing lumalabas si Mr. Y, nakasusi na ang kwarto ni Yago. Tulog na siguro," saad pa ni Jean na ikinaubo ni Dale. Napatingin naman si Jean sa natutulog na si Mr. Y. Dahil sa epekto ng gamot para sa mabilis na paghilom ng pasa nito ay ang makatulog. Para daw kasi iyong may halong sleeping substance, kaya tuwing iinumin iyon ni Y ay makakatulog ito. "Ayos ka lang? Anong nangyari sayo?" nagtatakang tanong ni Jean na sa tingin niya ay nasamid si Dale. "Wala naman. Nasaan ba si Yago sa pagkakaalam mo?" nakangising tanong ni Dale na wari mo ay nasisiyahan sa pagtatanong. "Kilala mo rin si Yago?" "Oo naman. Si Yago pa ba ang hindi ko makilala, eh ako nga ang namimili ng mga kung anong," napatigil si Dale sa sinasabi at napangiti na lang. "Ano bang klaseng tanong iyan? Sila na nga lang ang nandito hindi ko pa ba sila makikilala," natatawang sagot ni Dale na marahang nagpunas ng pawis sa noo. Kahit malamig naman sa kwarto ni Y gawa ng aircon. "Umuwi daw kasi si Yago sa kanila sabi ni Yaya Constancia." Napatango na lang si Dale sa sinasabing iyong ni Jean. Tila aliw na aliw ito sa sagot ng dalaga. "Yago my a*s," bulong ni Dale habang nakatingin sa natutulog na si Y. "Ang bait talaga ng mukha ng isang ito pag tulog. Akala mo hindi masungit," asik ni Dale. "Tama ka Sir Dale," pagsang-ayon ni Jean na ikinatawa lang ni Dale. Sumilip naman mula sa pintuan si Yaya Constancia at niyaya silang dalawa sa kusina. Gabi na rin ng umalis si Dale. Doon na rin ito naghapunan. "Mr. Y," tawag ni Jean sa labas ng pintuan ng kwarto nito. Bago niya binuksan ang pintuan. "Heto na po ang pagkain ninyo." Ibinaba naman ni Jean ang pagkain sa side table, at inalalayan si Y na makaupo. Gising na rin naman ito sa mga oras na iyon. Tahimik lang itong kumakain. "Kumain ka na?" anito na ikinatango niya. "Kasabay ko po si Sir Dale at Yaya Constancia." "Nasaan sila?" "Umalis na po si Sir Dale, natutulog na po si Yaya Constancia. Siya po sana ang magdadala ng pagkain mo kaya lang po nagprisinta na ako. Isa pa sorry po ulit. Kung hindi dahil sa akin hindi ka po sana nagkasakit," amin niya. "Ayos lang. No need to worry. Wala naman kasing nakakaalam na umaalis ako at bumabalik. Hindi rin naman ako nagpapaalam kay yaya, alam ko naman na sanay na siya. Ang pagkakamali ko lang hindi ka pa sanay sa pag-alis at pagbalik ko. Kaya wag kang mag-alala. Hindi ako galit." "Mr. Y," tawag ni Jean muli. "Hmmm." "Bakit po hindi kayo lumalabas pag-umaga. Mas maganda pong gawin ang lahat ng trabaho sa umaga din po ba? Tapos tamang sa gabi pahinga na lang." Napatingin naman si Y sa dalaga. "Sorry po sa panghihimasok ko." "Bago kami lumipat sa bahay na ito ni Yaya Constancia, nagstay ako sa ospital ng halos anim na buwan. Anim na buwan akong walang malay noon. Si Dale at ang daddy niya ang namamahala ng kompanya at mga pangangailangan ko sa ospital. Pauwi na ako mula sa meeting noon para sa paglilipat sa akin sa karapatan ko sa kompanya ng may isang kotse na mabilis na tumatakbo papalapit sa akin. Siguro kung hindi ako nakaiwas baka wala na ako ngayon. Pero nakaiwas man ako, inabot pa rin ng anim na buwan akong walang malay. Mula ng magising ako, halos ilang buwan din ang inilagi ko para sa therapy. Pasalamat pa rin ako at hindi nawala ang alaala ko," pagkukuwento ni Y. "Kaya po ba, ayaw mo ng lumabas?" "Isa sa dahilan. Kasama na rin ang labis na pag-iingat. Kung mawawala ako, mawawala lahat ng pinaghirapan ng mga magulang ko. Isa pa hindi pa ako pwedeng mamatay. Kailangan ko pang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko." "Nahuli po ba ang may dahilan kaya kayo na aksidente?" "Yes. Pero sa kaso ng mga magulang ko. Nahuli man ang salarin, hindi pa rin ako naniniwala sa motibo ng taong may gawa noon." Napalunok si Jean sa nakikita niyang galit sa mata ni Y. Napakuyom ng kamao ang binata sa labis na pagkasuklam sa taong may dahilan kaya siya ay maagang naulila. "Sorry po ulit, nasabi kasi ni Yaya Constancia na aksidente daw po iyon." "Hindi iyon aksidente Jean!" may diin sa pagbigkas ni Y sa pangalan niya. "Lumabas sa imbestigasyon na nawalan ng preno ang sasakyang ginamit ng mabangga ang mommy at daddy. Pero kung ikaw halimbawa ang nagmamaneho ng sasakyang iyon. Ano ang gagawin mo? Hahayaan mo bang banggain mo ang mga taong inosente at masayang naglalakad o iiwasan mo sila at hayaang ang mga walang buhay na mga sasakyan na lang ang masira dahil doon mo ibinangga ang dala mong sasakyan?" Wala namang salitang lumabas sa bibig ni Jean. Tama naman kasi si Mr. Y. Kung siya ang ang nagmamaneho ng sasakyan na iyon. Mas madaling magbayad ng kasalanan kung walang buhay na masisira. "Sorry po ulit." "Okay na ako," ani Y na tumigil na sa pagkain. Halos hindi naman nito naubos ang kanin na inihanda niya. "Busog ka na? Baka mapagalitan ako ni Yaya Constancia." Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Y. "Busog na ako, wag kang mag-alala. Iinom naman ako ng gamot para mabilis akong gumaling." Halos mahigit naman ni Jean ang paghinga ng bigla na lang siyang ngitian ni Mr. Y. Hindi niya inaasahan ang ngiting iyon. Akala niya ay galit ito, ngunit sa ngiti nito, sinasabi nitong hindi naman ito galit sa kanya. Natulala na lang siya dito. "Your self to earth Jean," sabay snap. "P-po?" "Why you're staring?" "Bakit po kayo ngumingiti? Ang gwapo mo po kasi lalo. Kahit minsan ang sungit mo," natutop naman ni Jean ang bibig dahil sa walang preno niyang pagsasalita. "Tapos na po kayong kumain di ba? Ilalabas ko na po ito. Ito po ang tubig. Puno po ang pitchel. Ito po ang gamot. Sige po Mr. Y. Lalabas na po ako." Napatingin na lang si Y sa pintuang nilabasan ni Jean. Napailing na lang din siya sa inasal na iyon ng dalaga. "Cute," aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD