Chapter 11

1549 Words
Mabilis na tumakbo si Jean para lang makalabas siya ng kwarto ni Mr. Y. Wala siyang pakialam kung hindi na niya naisara ang pintuan ang nais lang niya ay makalayo sa kwartong iyon. Mas nangingibabaw pa rin sa isipan niya ang hindi sinasadyang pangyayaring iyon. Tumigil siya sa may ibaba ng hagdanan at doon nagawang maupo. Napahawak si Jean sa tapat ng kanyang dibdib sa gulat at kahihiyang nararamdaman. Napahawak din siya sa kanyang labi. "Malambot at mainit ang mga labi ni Mr. Y. Higit pa doon, ano iyong kakaibang nararamdaman ko? Halik lang iyon at hindi sinasadya, ngunit." Napatigil si Jean sa binubulong niya sa sarili ng mapagtantong hindi dapat ganoon ang iniisip niya. "Erase, erase. Kasalanan iyon ng kumot na iyon eh, pakalat-kalat. Tapos," halos panlabutan si Jean ng tuhod ng hindi lang si Mr. Y ang nakakaalam ng pangyayaring iyon ng may pumasok na lalaki sa kwarto ng amo niya na hindi niya kilala. Mabuti na lang at nakaupo siya sa pinaka unang baitang ng hagdanan. Kung hindi baka bumagsak din siya sa sahig, dahil sa nararamdaman. "Magpapaliwanag na lang ako kay Mr. Y. Hindi ko naman kasi iyon sinasadya. Kasalanan iyon ng kumot niya," pangungumbinsi niya sa sarili. Hindi niya tuloy ngayon malaman kung magtutungo siya sa kusina para tulungan si Yaya Constancia sa sinagawa nito, o magtutungo na lang sa labas para maghanap ng iba pang gagawin. Aalis na sana siya sa pwesto niya ng mapagpasyahang lumabas na lang ng makita niya si Yaya Constancia na palabas ng kusina at may dalang tasa ng kape. "Mabuti at nandyan ka na. Tapos ng kumain si Y?" tanong ni Yaya Constancia na hindi niya nagawang sagutin. Ngunit nasundan niya ng pagtango. "Mabuti naman kung ganoon. Heto nga pala," sabay abot sa kanya ng tasa ng kape. "Pakibigay nito kay Dale, sa sobrang pag-aalala ko sa batang iyon ay inabala ko na ang binatang 'yon," ani Yaya Constancia. Gusto man sanang kumontra ni Jean, ngunit pinakiusapan siya ni Yaya Constancia na siya na ang magdala noon sa kaibigan ni Mr. Y. Mabilis na lang siyang pumasok ng kwarto para maibigay dito ang tasa ng kape. At mabilis din ang kanyang naging paglabas matapos maiabot iyon. Halos patakbo naman si Jean na naupo sa silyang nasa kusina pagkarating niya doon. "Ayos ka lang hija." "Opo Yaya Constancia." "Pero bakit parang hingal na hingal ka? Anong nangyayari sayo?" "Nagtatago po sa kahihiya, este.," huminga muna siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. "Paano po ay muntik na akong matapilok sa may hagdanan. Ako man po ay nagulat sa pangyayari," pagsisinungaling niya. "Sa susunod mag-iingat ka ha. Heto tikman mo itong niluto kong minatamis na kamoteng kahoy at saging." Inabot ni Jean ang mangkok na may lamang ginataang kamoteng kahoy na may saging. "Masarap po. Tamang-tama lang po ang tamis." "Mabuti kung ganoon. Paborito ito ni Y noong mga bata pa lang sila ni Dale. Ngunit ng mawala ang magulang ni Y. Madalang ng humingi ng ganito si Y. Si Dale naman ay madalang ng makapunta noon sa bahay nila. Ngayon ko lang ulit naluto ito. Mabuti at may laman na ang tanim kong kamoteng kahoy sa may dulo ng bakuran. Naipagluto ko ulit ang dalawa ng ganito," masayang pagkukwento ni Yaya Constancia. Pero mababakas sa mukha nito ang lungkot. Sabagay sinong hindi malulungkot. Naikwento na rin sa kanya ni Yaya Constancia na mas pinili talaga ni Mr. Y na doon manirahan dahil mas gusto nito ang tahimik na buhay. Iniwan nito ang bahay sa isang exclusive subdivision para lang sa isang hindi pa nadedevelop na lugar sa Maynila. Para doon manirahan. Care taker na lang ang nag-aalaga ng bahay ng mga ito sa subdivision. "Nararamdaman ko po Yaya Constancia na nalulungkot kayo para kay Mr. Y. Pero nararamdaman ko pong babalik din po ang batang inalagaan po ninyo noon. Ang masayahing bata na ikinukwento po ninyo. Malay po ninyo, lumabas din po si Mr. Y ng bahay niya kahit umaga, at hindi iyong parang bampira na sa gabi lang lumalabas," napahagikhik naman si Jean sa kalokohang naisip. Nawala na rin ang tensyon niya sa katawan sa nangyari kanina. Napatawa din naman si Yaya Constancia sa kanyang sinabi. "Ikaw na bata ka talaga. Sinasabi ko din naman nga iyan kay Y. Nagtataka lang talaga ako sa batang iyon at hindi pa lumabas ng bahay ng siya lang. Hindi iyong nagtatago pa siya sa katau---." Napatigil sa pagsasalita si Yaya Constancia tapos ay nginitian siya ng ubod tamis. Napakunot noo din naman si Jean sa sinabing iyon ng matanda. Bakit para talagang may lihim sa katauhan ni Mr. Y na hindi niya maunawaan. "Ano pong ibig ninyong sabihin?" may kuryusidad sa tanong na iyon ni Jean. "Wala iyon anak ano ka ba?" nakangiti pang sagot ni Yaya Constancia na wari mo ay pinipilit mabaling sa iba ang usapan. "Pero malinaw ko pong narinig ang sinabi po ninyong nagtatago siya sa katau. Katauhan po ba ang ibig ninyong sabihin?" "Hindi ganoon anak. Ibig kong sabihin, sa halip na siya na ang pumupunta sa kompanya nila, tingnan mo at inutusan pa niya si Yago. Sa halip na siya ang makipag-usap ng harapan. Tumatawag lang siya sa telepono. Lahat ng dapat pinirmahan pag hindi busy si Dale siya ang nagdadala dito. Pero pag sobrang busy inuutos pa niyang kunin ni Yago," paliwanag pa ni Yaya Constancia na ikinatango niya. Nasa ganoon silang sitwasyon ng marinig nila ang isang tinig mula sa bungad ng kusina. "Hi ladies," anito at mabilis na lumapit kay Yaya Constancia bago ito niyakap at hinalikan sa pisngi. "Na miss ko kayo yaya, halos ilang buwan na rin ng huli kong punta dito. Busy po talaga eh. Kung hindi lang po nagkasakit si Yahir hindi ko pa mabibigyan ng oras ang magtungo dito." "Gusto ko na ngang dalahin sa ospital ang batang iyon, ayaw lang niya. Napilit mo ba?" "Hindi po, pero tumawag na ako ng doktor. Mamaya siguro nandito na iyon. Isa pa natutulog po si Y ngayon. Hinayaan ko munang makapagpahinga. Sandali lang yaya. May naaamoy akong masarap eh," anito. "Ay oo nga pala. Nakapagluto ako ng paborito mong minatamis. Nakahukay ako ng kamoteng kahoy kanina doon sa mga tanim ko. Sandali lang at ipagsasandok kita." Nakikinig lang naman si Jean sa usapan ni Yaya Constancia at ng lalaking Dale ang pangalan. Gusto na nga sana niyang umalis sa pwesto niya. Kaya lang hindi niya magawa dahil alam niyang kabastusan ang gagawin niyang iyon. Kung hindi siya magpapaalam man lang. "Hi," bati sa kanya ng lalaki na tipid niyang nginitian. "I'm Dale," pakilala nito. "J-Jean," nauutal niyang sagot na ikinatawa lang ni Dale. "You look tense, relax. Hindi ako nangangagat. And don't worry. I didn't see anything. Hindi ko nakita na magkalapat ang labi ninyo ni Y kanina. Promise," bulong nito sa kanya na may halong panunukso. Halos hindi naman makatingin si Jean kay Dale. Gusto niya itong kutusan sa mga pinagsasasabi nito. "Easy, galit naman agad. Masaya lang ako na makita si Y sa ganoong kalagayan." "Anong sabi mo? Masaya ka pang may sakit si Mr. Y?" naiinis na tanong ni Jean. Gayong halos mamatay na siya sa pag-aalala sa amo niya. Lalo na at alam niyang kasalanan niya iyon. Hindi siya naniniwala na nahamugan lang ito kaya nagkasakit. Dahil alam niyang kung gabi lang lumalabas si Mr. Y kung may gagawin ito. Malamang sanay na sanay na ito sa klima ng panggabi at pang madaling araw na hamog. Kaya guilty talaga siya sa kanyang nagawa dito. Sabi ni Yaya Constancia noong nakaraan ay may mumunting pasa pa rin ito na gawa noong unang beses niya itong nahampas sa kusina. Tapos mas malala lamang ngayon. Naiinis talaga siya ngayon sa lalaking kaharap. Kahit pa ito ay kaibigan ng amo niya. Lalo lang kasi nitong ipinapahiwatig ang guilt na nararamdaman niya. "Wooh, wala akong sinabi ng ganyan. Ibig kong sabihin, masaya akong makita na ngumingiti si Y. Sa totoo nyan. Napakatagal na noong huli na nakita ko siyang ngumiti. Bata pa kami. Pero nitong nagkita kami. Nakita ko ang genuine na ngiting iyon. Tapos kanina. And now I know the reason why," makahulugang saad ni Dale na hindi na nagawang sumagot ni Jean ng tumayo ito. "Salamat yaya," anito at sinalubong ang matanda na may dalang malaking mangkok ng niluto nitong minatamis. "Sa may garden sa harap na lang po ako kakain. Hintayin ko na rin ang pagdating ng doktor," wika ni Dale. Ngunit bago siya nito nilampasan sa pwesto niya ay nakita pa niya ang pagkindat nito sa kanya. Ganoon na lang din ang pag-ikot ng itim ng kanyang mga mata. Alam naman niyang iniinis lang siya nito. "Anong mukha yan Jean?" nangingiting saad ng matanda. "Wala po. Nakakainis lang po ang kaibigan ni Mr. Y." "Sus baka crush mo lang si Dale ha." "Luh hindi po ah, may iba po akong," napatigil si Jean sa sinasabi at biglang pinamulahan ng pisngi. "Ano iyon anak?" nasa boses nito ang panunukso. "Wala po. Pahingi na lang po ng minatamis. Sisilipin ko lang din po si Mr. Y. Babalik po ako kaagad," saad ni Jean at mabilis na hinayon ang palabas ng kusina. Napangiti na lang si Yaya Constancia, habang nakatingin sa likuran ng dalagang papalayo. "Nag-iba talaga ang awra ng bahay na ito, mula ng dumating ang batang iyon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD