"Kailan kaya ang balik ni Yago? Ilang araw na siyang wala eh. Hindi ko man lang nakita ng umalis siya," wika ni Jean habang nag-aalis ng mga tuyong dahon sa mga halaman na nandoon. Madami na rin kasing tulong dahon at bulaklak sa mga tanim sa hardin. "Parang ang lungkot din ninyo pag wala si Yago noh?"
"Bakit parang ikaw ang nalulungkot dahil wala si Yago?"
"Napahawak naman si Jean sa dibdib sa gulat sa biglang pagsulpot ni Yaya Constancia sa tabi niya.
"Hindi po ah. Ang dami na po kasing tuyong dahon at bulaklak. Pag nandito si Yago, halos berdeng dahon lang ang meron sa kanila at mga bulaklak na bagong bukad. Ngayon nagkaganito na,"paliwanag ni Jean na ikinatawa ni Yaya Constancia. "May nakakatawa po ba?"
"Wala naman hija. Sa totoo natutuwa talaga ako sayo. Naalala mo ba noong bago ka pa lang dito? Nasabi ko na sayo na kaya hindi tumatagal ang mga bagong katulong dito kasi natatakot sila kay Yago, bukod pa sa awra ng bahay daw na ito na nakakatakot," pagpapaalala ni Yaya Constancia na ikinatango ni Jean. Naalala niya ang bagay na iyon.
"Alam mo bang ikaw lang ang nag-iisang hindi natakot kay Yago. Isa pa, wala lang sayo kung makasabay natin siya sa hapag. Iyong mga nakaraan, halos hindi kumakain pag nasa kusina si Yago. Tapos halos dalawang araw lang ang pinakamatagal. Ikaw pal lang talaga ang nag-iisa na umabot na ngayon ng halos mag-iilang buwan."
"Yaya Constancia naman. Malaking tulong sa pamilya ko ang sinasahod ko dito. Isa pa, nasanay na ako sa bahay na ito. Palaging dim light lang ang ilaw. Mahalaga hindi madilim. Isa pa, about kay Yago. Mabait po si Yago, mas nakakatakot pa nga si Mr. Y."
Nag-umalpas naman ang tawa ni Yaya Constancia sa sinabi ni Jean. Para kasi sa kanya mas nakakatakot pa talaga ang ugali ni Mr. Y, habang napakabait ni Yago sa kanya. Iyon nga lang sobrang gwapo ni Mr. Y. At may kalahating gwapo kay Yago.
"Pasensya ka na hija. Natatakot ka ba kay Y?"
"Hindi naman po sa ganoon. Minsan kasi nakakagulat lang pag nagsasalita siya. Habang ang lambing ng boses ni Yago. Mukhang hindi sanay magalit. Pero kailan po ba babalik si Yago?"
"Sus namimiss mo lang yata ang binatang iyon. Bakit hindi ka na lang magpacute kay Y. Bagay kayong dalawa. Nasasabi ko iyon dahil ako na ang nagpalaki kay Y," may halong panunudyo pa sa boses ni Yaya Constancia.
Napaismid naman si Jean sa sinabing iyon ng matanda. Alam niyang napakagwapo ni Mr. Y. Crush nga niya ito. Iyon nga lang hanggang paghanga lang ang alam niyang pwede. Higit sa lahat hindi ang tulad niya ang nababagay dito.
Napangiti pa si Jean ng maisip si Yago, oo nga at gwapo si Mr. Y, at malakas ang atraksyon nito. Ngunit sa ugaling nakikita niya kay Yago, mas humahanga siya dito. Ang tanong lang kung may paghanga din ba ito sa kanya. Hindi naman kasi niya maramdaman kung humahanga nga ba ito sa kanya o wala lang.
"Kainis kasi," hindi niya napigilang maibulalas, kasabay ng pagkaputol ng sanga ng halamang inaalisan niya ng tuyong dahon.
"Anong nangyayari sayo? Ang layo na ng narating mo. Alam mo Jean noong kabataan ko, humanga din naman ako sa isang lalaki. Nagkagusto din ako. Kaya lang hindi ko maiwan ang mama ni Y, hanggang sa nag-asawa ito at ipinanganak si Y. Sila na ang naging pamilya ko. Nang maiwang mag-isa si Y. Mas lalo kong naiintindihan ang dahilan kung bakit mas pinili kong hindi mag-asawa. Para masamahan at magabayan ko Y," pagkukwento pa ni Yaya Constancia.
"Ano pong ibig ninyong sabihin. Medyo naguhuluhan po ako," confused na tanong ni Jean.
"Gusto ko lang sabihin na kitang-kita ko sa kilos mo na inlove ka. Kaya lang kanino ba? Kay Y, Yago, o kay Dale."
"Hindi ah. Wala ah. Walang ganoon yaya. Ang sungit kaya ni Mr. Y. Lalong hindi kay Sir Dale. Hinding-hindi, kahit kailan. Kay Yago pa," napatakip ng bibig si Jean dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi naman niya akalaing lalabas iyon sa kanyang bibig.
"Bakit naman kasi ang daldal mo," gusto niyang kutusan ang sarili. Lalo na ngayong nakikita niya si Yaya Constancia na na nakangiti at halata na masayang-masaya sa narinig.
"Hindi na kita bibiruin, baka magtampo ka pa. Papasok na ako sa loob at magluluto na lang ako sa kusina. Hay nga naman ang pag-ibig. Nakakatuwang bulang ang mata, ngunit mas matibay pa rin ang nakikita at nararamdaman ng puso," pakanta-kanta pang saad ni Yaya Constancia na ikinailing ni Jean.
Hindi na daw siya bibiruin, pero ang sinasabi ni Yaya Constancia. "Nakakahiya, pero wala namang masamang humanga di ba? Hindi naman hadlang ang itsura ni Yago para hindi siya mahalin," aniya. "Mahalin talaga Jean?" sabay turo pa sa sarili. "Crush lang ah," napailing na lang siya sa ginagawa. Sarili niya ang kausap niya at kaaway niya. Napapailing lang siyang ipinagpatuloy na lang ang ginagawa.
Nasa loob naman ng kwarto si Y habang nakatingin kay Jean na nasa may hardin. Sarado naman ang bintana. Salamin kasi iyon na tinted kaya hindi siya makikita ng dalaga. Kung tumingin man ito sa pwesto niya.
Hindi naman niya maipaliwanag sa sarili kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman niya mula ng makita niya si Jean. Madami na rin namang naging katulong sa bahay na iyon, kahit sabihing, halos dalawang araw lang ang itinatagal. Pero si Jean, unang araw pa lang nito, may pinukaw ng kung ano sa damdamin niya.
Hindi niya magawang hindi magtaas ng boses sa dalaga. Para na rin maitago ang kung anong damdaming binubuhay nito sa kanya.
"Mahirap, magbukas ng damdamin. Marami pa akong kailangang alamin," aniya na ikinabuntong hininga niya.
Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang cellphone niya. Napakunot noo si Y sa unexpected caller niyang iyon.
"Yes. What do you need?" malamig na tugon ni Y sa nasa kabilang linya.
"Ang lamig mo naman. Mula pa noong makilala kita ganyan ka na," anito na ikinabuntong hininga ni Y. "Don't you miss me Yahir? Kasi namimiss kita. Kung hindi lang talaga gawa ng trabaho ko, pinuntahan na kita," anito na hindi na lang pinansin ni Y. Wala siyang pakialam sa babae.
"Anong kailangan mo Hareya?"
"Syempre gusto kitang makita. Alam mo namang matagal na akong may gusto sayo, pero ang lamig-lamig mo," pinalungkot pa nito ang boses.
"Cut the craft. What do you want? Alam mo ang sagot sa mga sinasabi mo. Hindi kita magugustuhan kahit kailan."
"Bakit? We're not blood related Yahir. Remember that. One more thing, mas maganda at sexy na ako ngayon. Hindi katulad ng mga taong nakakasalamuha mo sa kompanya mo," inis nitong tugon.
"Not interested," walang buhay niyang sagot. Dinig niya ang pagtangis ng babae ngunit wala siyang pakialam. "Sabihin mo na ang kailangan mo. Wala akong panahon na makipag-usap sayo ng matagal."
"Wala ka talagang pagbabago, malamig ka pa rin."
"Nothing has changed."
"But I assure you na magugustuhan mo na ako ngayon, lalo na at uuwi na kami sa Pilipinas. Maybe next month. Kasama ko ang mommy at ang daddy, at mga kapatid ko. Isa pa gusto na nilang magstay dito sa Pilipinas for good."
Napakuyom ng kamao si Y. Nakita na niya ang Tito Hector niya sa Dayorama noong nakaraan. Hindi lang siya sigurado kung kasama nito ang pamilya noon. Lalo na at mag-isa lang ito sa Dayorama. Maaaring umalis na ulit ito ng bansa. Ang gumugulo lang sa kanya ay ano ang ginagawa nito sa Pilipinas ng mga panahon na iyon. Hindi naman ito nagpakita pa sa kanya.
Kagagaling lang ni Y. Sa sakit, ngunit parang magkakasakit ulit siya sa mga bagay na tumatakbo sa kanyang isipan. Naalala na naman niya si Hareya.
Si Hareya ay ampon ng Tita Harlene niya. Itinuring nitong parang tunay na anak si Hareya, dahil sa pangako nito sa ina ni Hareya na namatay dahil sa sakit. Wala ng pamilya ang mommy ni Hareya kaya inampon ito ng tita niya. Ilang taon ang lumipas ng nakilala ni Harlene si Hector na siyang kapatid ng daddy ni Y na si Hirnando. Noong namatay ang mga magulang ni Y. Wala pang pamilya ang tito niya.
Kaya naman habang lumalaki ang pamilya ng tito niya siya ang sumuporta sa mga ito. Isang rebelde sa magulang ang tito niya. Dahil sa pakiramdam nito ay paboritong anak si Hirnando, ay hindi ito nagtapos sa pag-aaral. Palagi lang itong humihingi ng pera. Kaya wala itong alam sa pagpapatakbo ng kompanya. Kaya naman nalugi at bumagsak ang dalawang kompanya ng YHH sa ibang bansa, kabilang ang pinaka main branch, ng mawala ang daddy niya.
Kaya naman kahit ang branch na lang sa Pilipinas ang nag-iisang nakatayo ay tuloy pa rin ang suporta niya sa pamilya ng Tito Hector niya ay dahil sa pangakong kasunduan ng mga magulan nito, na kahit anong mangyari ay hindi pababayaan ni Hirnando ang nag-iisang kapatid.
Naging mabait naman sa kanya ang Tito Hector niya ng pumanaw ang kanyang mga magulang. Kaya naman talagang ipinagpatuloy niya ang pagsuporta dito, sa tulong ng pamilya ni Dale. Lalo na at isang musmos pa lang siya noon.
Ngunit ngayon, sa nalaman niya kay Dale, ay biglang may sumagi sa kanyang isipan. Ayaw niyang mag-isip ng masama lalo na at ang Tito Hector na lang niya ang pamilya niya. Ngunit mayroong bagay na talagang nagpipilit pumasok sa kanyang isipan. Sa ngayon kailangan pa talaga niyang makakalap ng maraming ebidensya, para mapatunayan ang bagay na tumatakbo sa kanyang isipan.
"Yahir still there? Bakit bigla ka na lang hindi sumagot." malabing na tanong ni Hareya na ikinabalik ni Y sarili. Naglalakbay na pala ang isipan niya ng hindi niya namamalayan.
"Pardon?"
"Sabi ko na nga ba hindi ka nakikinig ang dami ko ng sinabi sayo. Basta hintayin mo na lang ang pag-uwi namin. I miss you Yahir. Bye," ani Hareya at ito na rin ang nagbaba ng tawag.
Hindi niya maintindihan ang inis na kanyang nadarama. Ayaw niya talaga kay Hareya, ibang-iba ang ugali nito sa Tita Harlene niya na mabait sa kanya. Ang ugali nito ay maihahalintulad niya sa mga low class na babae. Iyong hindi marunong magpahalaga sa sarili.
Napatingin namang muli si Y sa labas ng bintana. Hindi niya malaman ang sarili kung bakit parang nawala bigla ang inis na nararamdaman niya, pagkakita sa dalagang ngayon naman ay nagdidilig ng mga halamang nandoon sa bakuran ng bahay niya. Napangiti na lang din si Y dahil sa damdaming hindi niya maipaliwanag.