Chapter 2

1637 Words
Madaling araw na at hindi pa rin makatulog si Jean dahil sa kung anu-anong bagay ang nagsasalimbayan sa kanyang isipan. Napatingin pa siya sa orasan na nandoon. Ala una na ng madaling araw. Pero ang diwa niya ay gising na gising pa rin. Naalala pa niya ang mga paintings na nakita niya habang papasok ng bahay. Mga lumang pinta iyon ng mga kilalang pintor noong unang panahon. Base na rin sa itsura ng kwadrong kinalalagyan ng mga iyon. Ang nakakatakot lang parang lahat ng mga mata ng taong nakapinta doon ay parang nakatingin sa kanya. Ganoon yata talaga ang pakiramdam pag galing kang probinsya na walang ibang napapagkaabalahan. Kundi ang magkwentuhan ng mga katatakutan. Nitong lumaki na lang siya nagkaroon ng cellphone. Pero hindi iyong mamahalin. Di-keypad iyon para lamang makumusta niya ang pamilya sa probinsya. Napalunok si Jean ng laway ng makaramdam ng uhaw. "Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Dapat talaga ay nagpasok ako dito ng pitchel ng tubig at baso. Madami pa namang pitchel na wari mo ay hindi gaanong ginagamit sa kusina. Sabagay, tatlo nga lang sila noon dito, ako ang pang-apat. Magagamit ba nilang lahat ang gamit dito. Malamang hindi." Kahit kinakabahan ay bumaba siya ng kama. Daig pa niya ang magnanakaw sa kanyang dahan-dahan na pagkilos para hindi makagawa ng ingay. Malapit ma siya sa kusina ng mapansin niyang nakabukas ang ilaw. Unti-unti siyang lumapit doon at walang ingay na sumilip sa may pintuan. Napakunot noo pa si Jean ng mapagtantong may taong kung anong sinisipat sa harap ng counter island na nakatalikod sa pwesto niya. Doon lang din niya naalala ang crystal vase na pag-aari daw ni Mr. Y. Bilin palagi ng amo nila na lagyan iyon palagi ng fresh na bulaklak. "Wag mong sabihin na magnanakaw ka," naniningkit pa ang mga mata ni Jean habang sinisipat pa rin ang lalaking nakaitim na nakaharap sa crystal vase. "Mukhang masama talaga ang binabalak niya. Totong crystal pa naman daw iyon, sabi ni Yaya Constancia." Mabilis siyang umalis sa pwesto niya at walang ingay na kinuha ang walis tambo sa lagayan nito. Bigla siyang pumasok sa may kusina. "Ikaw na magnanakaw ka!" Sigaw ni Jean ng bigla na lang niyang pagpapaluin ng walis ang lalaking nandoon. "Ouch! Ouch!" Malakas ding sigaw ng lalaki pero hindi niya pinapansin. Patuloy lang siya sa paghampas dito. "Sh*t! Stop miss! You hurt me a lot! Fvck!" rinig niyang reklamo ng lalaki. "Yaya Constancia!" malakas na sigaw nito na biglang nagpatigil sa kanya. "Kilala mo si Yaya Constancia?" "What is wrong with you woman!" may diing wika nito sa kanya. Kita niya ang inis sa pagkilos nito, kahit hindi nakatingin sa kanya. Hindi din nito sinagot ang tanong niya. Medyo napayuko pa ito habang hinahaplos ang parteng balikat at likod na naaabot ng kamay nito. Alam niyang masakit iyon. Matigas kasi ang kahoy na hawakan ng walis tambo na nahagip niya. Napatingin pa siya sa mahaba at mapuputing daliri nito na minamasahe ang balikat nitong nahampas niya ng walis. "Stupid!" Napapitlag na lang si Jean ng bigla itong magsalita. May diin kasi ang pagkakasambit nito na nagpalunok sa kanya. Bakit parang nahuhulaan na niya kung sino ito, base na rin sa may pagkaestriktong pagsasalita nito. Isama pa ang may diin nitong boses na kahit hindi pa niya nakikita ang mukha ay maawtoridad na. "Anong nangyari?" eksaheradong sambit ni Yaya Constancia ng makapasok ito ng kusina. "Y? Anong nangyari anak? Jean," tawag ni Yaya Constancia sa pangalan ng dalaga na halos panigasan ng katawan ng marinig ni Jean ang pangalang binanggit ng matanda sa lalaking hinampas niya ng walis. "S-siya po si Mr. Y," nauutal na sambit ni Jean ng muli siyang mapatingin sa amo pala niya. Napalunok siyang bigla ng makita ang itsura nito. Kulang ang salitang gwapo sa kagwapuhan nitong taglay. "Jean," sambit ni Yaya Constancia sa pangalan niya kaya naman bigla siyang napabalik sa sarili. Napahawak pa siya sa gilid ng labi dahil pakiramdam niya ay nabasa ang gilid noon sa pagkakaawang nito. Manhid lang ang hindi hahanga sa sobrang kagwapuhan ng boss niya. Isama pa ang abuhin nitong mga mata. Napapikit pa siyang bigla sa isiping, una at huling araw na yata niya ngayon sa bahay ng kanyang gwapong amo. "Ano bang nangyari Jean? Nagulat na lang ako ng biglang sumigaw si Y." "Sorry po, Mr. Y. Yaya Constancia. Nauuhaw po kasi ako. Kaya po lumabas ako ng kwarto. Tapos nakita ko po si Mr. Y. Hindi ko naman po akalaing siya iyon. Akala ko po kasi ay magnanakaw, dahil nakatingin siya doon sa crystal vase. Akala ko kasi may balak siyang masama doon. Sabi pa naman ninyo totoong kristal iyon. Kaya naman po hindi ko sinasadya ang nangyari sorry po," hinging paumanhin ni Jean, na ikinabuntong hininga ni Yaya Constancia. Habang si Mr. Y ay nakangiwi pa rin habang hinahaplos ang balikat. Hindi naman kasi talaga niya sinasadya ang ginawa ninyang paghampas sa amo niya. Sinong hindi mag-aakala na magnanakaw ito. Gayong ala una pa lang ng madaling araw iyon, tapos nakasuot pa ito ng itim. Habang nakaharap sa crystal na vase. "Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Yaya Constancia kay Y. "I'm okay, yaya. But my shoulder and back hurt a lot," reklamo nito. "Pagpasensyahan mo na si Jean anak. Sinabi ko naman sa batang ito na gabi ka lang halos lumalabas." "Sorry po talaga, hindi ko po sinasadya. Akala ko po kasi sobrang tanda na ni Mr. Y. Hindi ko naman po akalaing bata pa pala siya," napatakip naman ang palad ni Jean sa bibig ng maisip ang sinabi. "What did you say?" may inis na wika ni Y kaya naman lalong napayuko si Jean. "Sorry po talaga," naluluha na niyang sambit. "Last day ko na po ba ngayon? Sa katunayan po niyan. Kailangan ko talaga ng trabaho para po may maipadala ako sa pamilya ko sa probinsya," nahihiya niyang pag-amin at natatakot na rin na kahit literal na nakakatakot ang bahay na iyon ay mas nakakatakot ang walang trabaho. "Hindi na naman sa ganoon hija. Ngayon kilala mo na si Y, sana naman ay hindi mo na siya mapagkamalang magnanakaw," natatawang sambit pa ni Yaya Constancia ng mapansin ni Jean ang isang mug na mayroon pang laman na kape. "Umiinom ng kape kahit madaling araw? Kakaiba siya," bulong pa niya sa isipan ng mapatingin muli siya sa kanyang amo. Ang mga luhang halos kumawala na kanina sa kanyang mga mata ay tila, nabawi ng mapagmasdan ng mabuti ang mukha ni Mr. Y. Kung gaano kaliwanag ang mata ni Yago dahil kulay brown iyon, at kung gaano kaitim ang kalahati ng mukha nito, ay ganoon namang kagwapo si Mr. Y na nasa harapan niya ngayon. Isama pa kung tititigan mo ang abuhin nitong mga mata na para kang hinihipnotismo. "Your self to earth lady," ani Y, ng biglang matauhan si Jean. Hindi talaga niya namamalayan ang paglalakbay ng kanyang isipan pag napapatitig siya sa mukha ng kanyang amo. "Sorry po talaga sir," gulat niyang sambit pero hindi man lang siya pinagtuunan ng pansin ni Mr. Y. "Sa library na ako magkakape yaya. Pakitimpla na lang ulit ng kape. Lumamig na po kasi," malambig na wika ni Y kay Yaya Constancia bago ito bumaling sa kanya. "And you miss. Don't call me sir. I have a name. After you get a medicinal kit. Follow me at the library. Your the reason why my shoulder and back hurts. So treat the bruise that you caused," may pagkasupladong sambit ni Y at masamang tumingin ito sa kanya. Saka sila iniwan. Napatingin naman siya kay Yaya Constancia na nakangiti sa kanya. "Pagsensyahan mo na Y sa pagiging masungit nito. Pero mabait iyon," paniniguradong saad pa ni Yaya Constancia sa kanya. "Nagtatagalog naman po pala. Bakit naman po Ingles nang Ingles mauubusan po yata ako ng baong Ingles kay Mr. Y." Natawa naman si Yaya Constancia sa kanya. "Hindi ganoon, nabigla lang iyon pero nagtatagalog talaga siya. Pinay ang mommy ni Y at dito siya lumaki. Pati ang daddy niya na kahit Half-German ay marunong ding magtagalog kaya wag kang mag-alala." "Ganoon po ba? Pero aaminin ko pong natakot ako kay Mr. Y. Akala ko po talaga palalayasin na niya ako. Isa pa ayaw po ba talaga niyang tinatawag siyang sir?" "Nasabi ko na yan sayo di ba? Kaya naman, sanayin mo na ang sarili mo na Mr. Y lang ang itawag mo sa kanya. Mas komportable doon ang alaga ko." "Opo, Yaya Constancia. Pero sorry po ulit. Nagulat lang po talaga ako. Dahil sa ganitong oras, po pala siya lumalabas. Nauhaw lang naman po talaga ako, kaya po ako lumabas." "Naiintindihan ko Jean. Ako din naman ay nagulat sa nangyari sa inyong dalawa. Ngayon lang iyan nagsalita na nasaktan siya. At gamutin mo daw ang mga pasa niya. Naku ikaw talaga na bata ka. Sige na, kunin mo na ang first aid kit doon sa may cabinet," itinuro sa kanya ni Yaya Constancia ang cabinet malapit sa may pintuan ng kusina. "At ito ang ice pack. Puntahan mo na siya sa may library. Alam mo na naman kung nasaan ang library. Nailibot na kita kaninang hapon. Sige na titimplahin ko lang ang kanyang kape." Mabilis namang hinayon ni Jean ang first aid kit at mabilis na tinakbo ang patungong library. Kinakabahan man siya ay wala naman siyang magagawa kundi sundin ito. Lalo na at ito ang amo niya. Higit sa lahat siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit ito nasaktan. Bigla tuloy nawala ang takot na kanyang nararamdaman sa bahay na iyon. Napalitan iyon ng excitement na hindi niya maipaliwanag. Dahil na rin siguro talaga sa gwapo nitong mukha kahit may pagkasuplado ng ugali. Hindi na rin niya naalala ang uhaw na dahilan ng paglabas niya ng kwarto. Mas nauuhaw tuloy ngayon ang kanyang mga mata na makita ang gwapo niyang amo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD