Humugot ng hangin si Jean sabay buga sa bagong sibol niyang buhok na nakaharang sa kanyang mukha. Nakaupo siya ngayon sa isang bench na nadaanan niya. Magtatanghali na rin ng mga oras na iyon at wala pa rin siyang kain.
"Ano bang buhay ito oh. Kung alam ko lang na ganito kahirap ang buhay sa Maynila hindi na sana ako lumuwas pa," reklamo niya habang nariring na rin niya ang pakalam ng kanyang sikmura.
Inilibot niya ang paningin hanggang sa paligid hanggang sa matanawan niya ang ilang nagkalat na papel malapit sa may basurahan. Nakita pa niya ang ilang mga tao na namimigay noon.
Out of curiosity, kinuha niya ang papel at masinsinang binasa.
"WANTED MAID! Marunong maglinis ng bahay. Marunong sa gawaing bahay, magluto, maglaba at mga pwede pang gawin sa loob ng bahay," basa ni Jean sa nakasulat sa papel.
"Luh, malamang katulong marunong talaga dapat sa gawaing bahay. Saan ka ba nakakita ng katulong na sitting pretty lang sa bahay? Tsk.tsk," aniya sabay iling.
Itatapon na sana niya ang papel ng bigla na namang tumunog ang sikmura niya.
"Oo nga pala, nandito nga pala ako, para maghanap ng trabaho. Baka naman pagkakataon ko na ito. Ang sabi-sabi naman kasi doon sa amin sa probinsya, basta tumuntong ka ng Maynila ay salimbayan na ang mga nakapaskil na naghahanap ng empleyado. Bakit naman halos nakasampu na akong tindahan. Hindi man lang sila nangangailangan ng kahit na isang katulong. Kainaman na."
Muling binasa ni Jean ang nakasulat sa papel hanggang sa makita niya ang likurang bahagi noon. Nandoon ang address ng bahay pati na rin ang sketch ng daan kung saan ito nakatayo.
Ilang beses pa niya iyong inikot hanggang sa maunawaan niya ang tamang pwesto ng sketch. Nakita niya ang tindahan na malapit sa pwesto niya na nandoon sa sketch at ang daan hanggang sa pinakadulo. Tapos ang kanto kung saan kakaliwa.
Napatingin naman si Jean sa may katamtamang laki niyang backpack at traveling bag. "Kaya ko na siguro iyong lakarin. Mukhang malapit lang naman ang bahay na ito," aniya sa sarili bago napagdesisyunang maglakad.
Sayang din naman kasi ang pamasahe kung magsasakay pa siya. Halos nasa two thousand na lang din naman ang dala niyang pera. Kung hindi siya makakahanap ng trabaho, bago siya matirhan ng pamasahe na lang. Kailangan na niyang umuwi ng probinsya noon, bago pa siya mamulubi at mamalimos sa kalsada.
Habang naglalakad ay hindi mapigilan ni Jean na itaas ang isang kamay bilang panangga sa matinding sikat ng araw. Muli niyang tiningnan ang papel para malaman kung nasa tamang daan pa ba siya.
"Ano ba naman ito? Halos nasa isang oras na akong naglalakad, wala pa rin pa iyong malaking puno na iyon," naiinis niyang sambit. Pero wala na rin naman siyang nagawa kundi magpatuloy sa paglalakad.
"Kung hindi ko lang kailangan ng trabaho, hindi ako magbabakasakali na maging katulong sa bahay na iyon. Aba ay mas malayo pa ang bahay na iyon kay sa main road. Habang ang bahay namin ay tanaw ang pinaka kalsada. Nakikita ko pa nga ang pagdaan ng mga bus papuntang Maynila," aniya habang nais na niyang ibagsak ang katawan sa gutter ng daan na kanyang tinatahak.
Ilang sandali pa ay natanawan na niya ang malaking puno ng balete na sinasabi doon sa sketch. Halos takbuhin niya iyon sa labis na kasiyahan.
Ngunit ng makarating siya sa pwesto ng puno ay doon na naman niya nakita ang napakahabang magkasangang daan. Kung saan sa dulo noon, ay doon na nakapwesto ang bahay ng mga Hart na naghahanap ng katulong.
"Ano bang, naisip ng pamilyang ito at sa Maynila nga nakatira. Pero mas liblib pa yata sa aming probinsya ang pwesto ng bahay," reklamo niya, ngunit wala na rin naman siyang nagawa kundi ang hayunin ang daang sinasabi sa papel na hawak-hawak niya.
Sabi nga ay agnas pawis na si Jean ng marating niya ang harapan ng bahay ng mga Hart.
"Akala ko, mamamatay na ako sa pagod, ng hindi ko pa nararating ang bahay na ito. Dalawang oras at kalahati din akong naglalakad sa ilalim ng tirik na tirik na araw. Mabuti na kang talaga hindi ako na heat stroke," wika pa niya bago inilibot ang paningin.
Napalunok pa si Jean ng makita ang paligid ng malaking bahay. Walang kapitbahay ang mga ito. Halos magtaasan pa ang mumuting balahibo niya na nagbibigay kilabot sa kanyang katawan ng makita ang mataas na gate na may pinturang itim, at isang napakalaking bahay, na nakukulayan din ng itim, gray at brown.
"Ito ba talaga ang bahay nila?" tanong niya sa sarili ng bigla na lang siyang magulat ng may sumulpot na isang matangkad na lalaking may kung ano na kulay itim sa kanang pisngi.
Natumba tuloy siya at sumadsad sa semento ang kanyang puwitan. Sa isipan niya ay bigla na lang siyang nakapagreklamo. "Gutom na gutom ka na nga. Pagod na pagod ka pa. Tapos bigla na lang may pangit na susulpot sa------."
Napatigil si Jean sa sinasabi niya sa isipan ng mapatingin siyang muli sa lalaking may kung ano sa pisngi. Sa tingin niya ay napakatangkad nito. Sa height niyang 5'2 feet ay sa wari niya ay hanggang balikat lang siya ng lalaki.
May kung ano sa isipan ni Jean kung bakit hindi niya maalis ang tingin sa lalaking nasa loob pa rin ng gate, habang siya ay nasa labas. Napatitig kasi siya sa mukha nito, na para bang sinusuri niya kung ano ang nasa mukha nito. Kung peklat ba iyon o birthmark o kung ano. Basta kulay itim iyon na halos tumatakip sa kalahating mukha nito. Ngunit ang kalahating mukha naman at kakulay ng balat nito. Napakaputi ng lalaki kung titingnan. At kung wala ang itim sa pisngi nito ay sigurado siyang napakagwapo nito. Matangos ang ilong at napakaganda ng kulay brown na mata.
"Sino ka?"
Bigla na lang siyang napatayo ng bigla itong magsalita. Napatitig siyang muli dito. Hindi naman ito nakakatakot, ngunit nakakailang lang talaga ang itsura nito.
"A-ako nga pala J-Jean Carandang. N-nakita ko kasi i-ito oh," nauutal pa niyang sambit. Saka itinaas ang papel na hawak para makita ng lalaki. Kung saan doon niya nabasa na naghahanap ng katulong ang pamilya Hart.
"Pasok ka," tipid nitong wika saka binuksan ang gate. "Yaya Constancia," tawag pa nito sa kung sino man at basta na lang siya iniwan ng muling maisara ang gate.
Napaingos na lang siya sa lalaking naglalakad palayo sa kanya, na ang na wari yata nito ay sanay na siya sa lugar na iyon.
Napailing na lang si Jean, ng tumigil ang lalaki sa harap ng mga malalagong halaman at inaayos iyon.
"Mukhang mayaman ang pamilya Hart kaya lang. Bakit naman ganito ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Parang sa halip na mansion feels, hunted house feels ang nararamdaman ko. Wag na kaya akong tumuloy," bulong niya sa isipan ng mapansin niya ang isang may edad na babae na lumabas mula sa loob ng bahay.
"Magandang tanghali hija, ako nga pala si Constancia. Pwede mo akong tawaging Yaya Constancia, " masayang bati at pakilala ng matanda sa kanya ng makalapit ito sa kanya.
Nakahinga naman siya ng maluwag, dahil hindi naman nakakatakot ang matanda at sa tingin niya ay mabait ito.
"Ako po pala si Jean. Jean Carandang po. Galing po akong probinsya at naghahanap po ng trabaho. Hanggang sa makita ko po ito." Ipinakita niya ang papel kung saan niya nakita na naghahanap ang mga ito ng katulong.
"Ganoon ba hija. Mabuti naman at may makakasama na akong iba ito. Palagi kasing umaalis ang mga katulong na napulunta dito. Sana naman ay matagal ka."
"P-po? Bakit naman po umaalis at hindi nagtatagal?"
"Ewan ko sa mga iyon. Wala namang nakakatakot sa bahay na ito. Isa pa ako, si Yago at si Y lang ang nandito. Sa nga pala, ayaw ni Y ng tinatawag siyang Sir or boss. Tawagin mo lang siyang Mr. Y kung desidido ka ng magtrabaho dito. Bali kami at ikaw lang ang titira dito. Kung mag stay ka dito. Sana ay tumagal ka," nakangiting wika ni Yaya Constancia.
Napatingin namang muli si Jean sa napakalaking bahay. Tanghaling tapat pero ang awra ng bahay, daig pang alas dose ng hating gabi. Idagdag pa ang napakaraming puno sa tabi at likuran ng bahay na nagbibigay ng malamig na pakiramdam sa kanya.
"Pambihira. Bakit parang kinikilabutan talaga ako," aniya sa isipan.
Tumingin siyang muli kay Yaya Constancia na nakangiti pa rin ngayon sa kanya. At sa lalaking nag-aayos ng mga halaman.
"Sige po. Kailangan ko po talaga ng trabaho. Para naman po makatulong ako sa pamilya ko sa probinsya."
"Mabuti naman kung ganoon hija."
Napatingin siyang muli sa lalaking may itim sa kalahating mukhan. "Siya po ba si Yago?" sabay turo sa lalaking nakatalikod sa kanila.
"Ah oo hija. Mabait iyang si Yago. Sana ay hindi ka mailang sa kanya. Siya ang dahilan talaga kung bakit hindi nagtatagal ang mga katulong dito. Natatakot sila, sa itsura ni Yago," malungkot na saad ng matanda at tumingin kay Yago na busy lang sa ginagawa.
"Wala naman pong nakakatakot. Inaamin ko pong nagulat ako sa itsura niya. Pero hindi naman po siya nakakatakot," 'mas nakakatakot pa po ang malaking bahay na tinitirahan ninyo. Imagine po, tatlo lang kayo. Pero ang laki ng bahay ninyo kasya ang lima na pamilya na may tig-aapat na anak,' aniya ngunit sa isipan na lang ang huli niyang sinabi.
"Tara na sa loob, isasama kita sa magiging kwarto mo," anito pero napatigil siyang bigla.
"May tanong po ako. Sino po si Mr. Y na binanggit ninyo kanina? At isa pa, wala na po ba talagang ibang nakatira sa bahay na iyan?"
Napahugot naman ng malalim na paghinga si Yaya Constancia at muling tumingin sa kanya.
"Si Y ang may-ari nitong bahay. Mula ng mawala ang mga magulang niya, matagal ng panahon iyon. Ay lumipat kami dito mula ng nagkaisip siya. Iniwan niya ang bahay ng mga magulang niya. Hindi mo makikita si Y sa umaga, pero may pagkakataon na makikita mo siya sa gabi."
"Sa gabi lang po?"
"Busy na tao si Y hija. Kaya naman madalang mo siyang makikita. Pero siya ang nagpapahanap ng katulong para may makakasama ako dito at makakatuwang ko. Kaya naman aware si Y pag may ibang tao dito. Kaya tara na sa loob. Di ba naghahanap ka ng trabaho kaya na nandito? Naghahanap kami ng katulong kaya naman tinatanggap na kita. Tara na," nakangiti pang wika nito at inalalayan pa siyang maglakad.
"Kakayanin ko ba talaga?" tanong niya sa sarili ng makalapit sila sa pintuan ng bahay. "Bahala na. Mas okay na ito, trabaho na kaagad," bulong pa niya ng maalala na naman ng tiyan niya na gutom siya.
Narinig pa niya ang tawa ni Yaya Constancia, ng marinig ang pag-aalburoto ng tiyan niya. Kaya naman sa halip na sa kwartong gagamitin niya siya dinala ng matanda, ay sa kusina mula sila nagpunta.