Chapter 8

2156 Words
Nakatayo si Y sa may veranda sa labas ng library. Kauuwi lang niya ng bahay. Galing siya sa isang taong lubos niyang pinagkakatiwalaan. Ito rin ang nag-ungkat sa kanya na muling buhayin ang kaso ng kanyang mga magulang. Napatingin si Y sa madilim na kalangitan ng umihip ang malamig na hangin. Damang-dama niya ang haplos nito sa kanyang balat. Madaling araw pa lang sa mga oras na iyon. Kahit pagod sa byahe ay gising na gising pa rin ang diwa niya. Lalo na at mula noong bata pa siya ay hindi na siya nagkaroon ng maayos na tulog. Nagsimula iyon ng mawala ang mga magulang niya. Sinabi sa kanya ng mga pulis na siyang nag-imbestiga sa kaso ng mga magulang niya ay aksidente ang nangyari. Dahilan para bawian ng buhay ang mommy at daddy niya. Ngunit hanggang ngayon hindi pa rin kumbinsido ang puso niya na aksidente nga ang pangyayari na iyon. At dahil nga sa suhestiyon na iyon ni Dale, palihim siyang nagpaimbestiga sa pangyayaring iyon. "Sorry mommy, daddy kung medyo matagal bago ko makakuha ang hustisya. Pero ngayon, sisiguraduhin kung mahahanap at maiibigay ko na sa inyo ang hustisyang matagal ko ng nais ibigay sa inyo," aniya sa kawalan ng humaplos na naman ang malamig na hangin. Napangiti na lang si Y. Hindi man siya sigurado, ngunit nararamdaman niyang ginagabayan pa rin siya ng mga magulang. Ilang sandali pa at biglang tumunog ang cellphone niya. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Y bago tinungo ang lamesa kung saan iyon nakapatong. Napakunot noo pa siya ng makitang si Dale iyon. Ang anak ng abogado ng mga magulang niya. Na siyang isa sa pinagkakatiwalaan niya. Isang imbestigador si Dale, ngunit nag-aaral pa rin ito para maging abogado. Dahil nais din nitong sumunod sa yapak ng ama na labis na ikinatuwa ng daddy nito. "Why?" bungad ni Y sa kausap. "Iimbitahan lang sana kita, alam mo na. Dapat kasi after ng pag-uusap natin kanina. Kaya lang bigla ka na lang nawala." "Hindi mo naman sinabing kailangan kong magstay kaya umalis na ako. Saan ba?" "Dayorama." Napakunot noo naman si Y sa lugar na sinabi ni Dale. Dayorama ay isa sa mga club na hindi mo basta-basta mapapasok. Member lang ng club ang pwedeng pumasok doon. Paano ka magiging member? Need mong magbayad ng sampung milyon para sa membership. Para makakuha ka ng gold card with black chips. 24 carats gold iyon na may black titanium para sa chips. "Paano ka nakakuha?" "Easy di nagbayad ako." "I know. Bakit hindi mo agad sinabi sa akin kanina?" "Di ba sinabi ko naman sayo na may kukunin lang ako. Pero umalis ka naman kaagad. Kaya ayon. Tapos nawala pa ang cellphone ko. Naiwan ko pala sa kotse kaya naman hindi kita kaagad natawagan." "I understand. Pero paano ka naman nakapagbayad kaagad ng ten million kung alam ko naman na may limit ang banko mo na fifty thousand per day lang ang dapat mong mawithdraw kung hindi naman emergency. Para hindi ka malulong sa kung ano mang kagastusan mong walang kakwenta-kwenta." "Maka walang kakwenta-kwenta ka naman. Syempre minsan kasi nakakalulong din ang pumasok sa casino. Kaya naman nilimitahan ko na ang banko ko. Pagnaabot ang limit stop na ako. Pero hindi naman iyon ang dapat nating pag-usapan. Hindi naman ako gumastos ng ten million. I'll spend twenty millions to get a two gold card, under my name and under your name," nakangising wika ni Dale kaya naman napailing na lang si Y. "Ow. Thank you for your generosity." "Don't thank me. I am the one who want to say thank you to you. Thank you for the opportunity to being friends with you. Binawasan ko lang naman ng konti ang perang pumasok sa bank account mo last month. Kaya tara na sa Dayorama. May gusto din akong ipakita sayo." "Pardon?" Hindi kaagad nagsink-in sa isipan ni Y ang sinabing iyon ni Dale kaya naman hindi kaagad siya nakapagreact. "Ang labo nito. Sabi ko, bank account mo ang pinanggalingan ng ipinambayad ko sa Dayorama. Kaya tara na." "What!" "Wag late reaction Y. Wala ka namang magagawa. Hindi na iyon pwedeng ma r****d. Isa pa iyong sinasabi ko sayo kanina. Kung talagang naghihirap sila. Napadala ba sa akin iyong report hinihintay ko. Nakakuha ako ng patunay na nakakapunta sila ng Dayorama." Napakuyom ng kamao si Y sa nalaman niya kay Dale. "Okay magkita tayo." "Walang singilan ha." Napailing na lang si Y ng sa isip-isip niya ang reaction ni Dale na parang bata na tuwang-tuwa dahil nakalibre. "Oo na. Pasalamat ka, maganda ang trabaho mo at pinagkakatiwalaan kita." "Syempre ako pa. Kaya naman kahit business pinasok ko na rin, para hindi bumagsak ang company ng daddy mo. Ewan ko ba sayo at nagtitiyaga ka lang dyan sa bahay mo. Daig mo pang bampira na sa gabi lang lumalabas. Pagkakaiba n'yo lang hindi ka sumisipsip ng dugo." "Baliw." "Mana lang sayo." Natawa na lang si Y bago niya ibinaba ang tawag. Kaya kahit nautakan siya ni Dale sa sampung milyon. Hindi naman ito tulad ng iba na lihim na kurakot sa kumpanya. Ito ay gumagasta lang tuwing may malalaman itong impormasyon tungkol sa mga ipinag-uutos niya. Halos mahigit isang oras din sa byahe si Y bago niya narating ang parking lot ng Dayorama. Napakalaking club noon na may kasamang casino. Ilang sandali lang siyang naghintay at dumating na rin si Dale, at nagpark ng sasakyan malapit sa kotse niya. "Hey dude," masiglang bati ni Dale ng simangutan ito ni Y. "Ito naman, ang yaman-yaman mo. Kurot nga lang ang ten million na libre mo," nakangiting anas pa nito na ikinailing na lang ni Y. "Tsk," "Heto nga pala ang card mo. Ingatan mo yang card mo ha. Sayang ang ten million," natatawang wika ni Dale at tinanggap naman niya ang card. "Heto pa, facemask at shades baka mamaya magkagulo, akala nila may artistang pumasok sa club. Putaktihin ka pa ng mga babae dun." Tinanggap naman ni Y ang facemask at shades na binigay ni Dale at isinuot. May suot din itong facemask. Need lang naman nila para makapasok ay fingerprints at ang gold card. Tinignan pa niya ang card na hawak. Simpleng gold card lang naman iyon na may black chip. Kamukha lang iyon ng atm card kung titingnan. Pero sa chips noon nakalagay ang lahat ng impormasyon ng holder. Kaya pagnawala iyon sayo hindi din iyon magagamit ng iba. Maliban na lang kung ibebenta dahil tunay na gold naman iyon. Pagpasok pa lang ng Dayorama ay hiningi na kaagad sa kanila ang kanilang gold card. Matapos ma scan ang card at fingerprints nila ay saka lang sila pinapasok. Maingay, magulo, puro alak, sigarilyo at mga taong sumasayaw sa dance floor ang nakikita nila. Normal na club pero high class. Lalo na at mayayaman ang nagtutungo doon. Sa second floor siya dinala ni Dale, na wari mo ay sanay na sa lugar na iyon. Halos dulong parte na iyon ng second floor. Dim light lang ang ilaw, ngunit kitang-kita ang buong ibaba ng club. Nakita din ni Y ang isang hagdanan. Sinabi ni Dale na iyon ang daan patungong casino. "Nakapasok ka na dito?" "Nope, ngayon palang. Kung nagtataka ka kung bakit parang sanay na ako dito?" natatawang wika pa ni Dale. "Sa kadahilanang, nakakuha ako ng blueprint nitong club. At syempre pinag-aralan ko na muna ang mga pasikot-sikot bago kita dinala dito. Kasi ako ang unang mapuputukan ni daddy kung may masamang mangyayari sayo. You know naman. Mas mahal ka pa noon kay sa, akin," pagdadrama pa ni Dale. "Selos ka na niyan?" "Hindi ah, sa laki ng kickback ko sayo. Bakit naman ako magseselos? Alam mo ba iyong pinapirmahan ko sayo noong nakaraan? Tatlong buwan na ang nakakalipas. Pinapirma kita na kalahati ng kikitain ng company ay sa akin mapupunta. Nilapitan ka din ng finance at pinirmahan mo na ipapasok na sa akin ang pera. Kaya naman thank you talaga," nakangising wika ni Dale na nagpakunot noo kay Y. "Oops, bago ka magalit. Isang buwan lang naman iyon tapos hindi na ulit. Aba ako ang nakipagdeal sa investors mo noon. Muntik na ngang maging Mr. Hart ang tawag sa akin at konte na lang talaga, makikipagpalit na ako ng katayuan sayo. Samantalang imbestigador ako at hindi businessman," reklamo nito ng may inilapag na dalawang bote ng mamahaling alak sa kanila ang waiter, dalawang baso at bowl ng yelo, kahit wala pa naman silang naoorder. "Hindi pa kami omoorder," ani Dale. "It's a welcome gift para po sa mga bago dito sa club. Alam naman po siguro ninyo kung magkano ang binitawan ninyong pera. It's our way of saying thank you for trusting us," nakangiting wika ng waiter bago sila nito iniwan. "The Macallan-M Copper/ Single Malt Scotch Whisky," basa ni Dale sa bote ng alak na bigay sa kanila. "Not bad, about one million din ang presyo nito," puri nito na ikinailing na lang ni Y. Nag-uusap lang sila ni Dale about sa business at sa mga perang ibinubulsa daw ni Dale. Ito iyong kurakot na may balance sheet para hindi malugi ang kumpanya niya. "Pambihira," nasambit na lang ni Y sa isipan. Tumagal din sila ng isang oras doon. Pero hindi man lang nila napaghati ang isang bote. Hindi naman kasi nila kailangan na magpakalasing. Gusto din niyang makita ang sinasabi ni Dale kanina na sa tingin niya ay nakalimutan na nito. Mula kasi ng dumating ang alak na bigay ng waiter ay inunti-unti na nito iyong inumin, at wala ng nasambit tungkol sa sinabi ng source nito. "Wala ka na naman yatang sasabihin eh. Umuwi na kaya ako. Isa pa dahilan mo lang yata iyon para makapunta dito ng---." Hindi natapos ni Y ang sasabihin ng harangan ni Dale ng daliri nito ang labi niya. Sinundan din niya ang kamay nito na nakaturo kung saan. Naikuyom naman ni Y ang mga kamao ng mapagtanto ang taong itinuturo ni Dale. "Paanong nangyari?" "Iyan ang aalamin natin. Di ba sinabi ko na sayo kanina na may nakakita sa kanila dito?" "Pero baka naman nanalo sa casino?" "Given na nanalo, pero dito sa Dayorama? Alam ko din may malaking company sila sa Germany. Ang ipinagtataka ko lang. Kasabay ng pagbagsak ng main company ninyo sa Germany at ng dalawa pang branch ay ang pagbukas ng bagong company nila. Kaya naman ng malaman iyon ni daddy noong mga bata pa tayo, inayos ni daddy ang testamento ni Tito Hirnando para ilipat sa pangalan mo ang pamamahala ng company ninyo dito sa Pilipinas at under ka ni daddy dahil bata ka pa noon. May pirma iyon ni Tito Hirnando kaya naman wala silang nagawa, para kontrolin ang kompanya dito sa Pilipinas." "Pero ang sinabi sa akin ng abogado nila, na wala na daw namamahala ng company sa Germany kaya bumagsak. Wala din naman silang kompanya na pinapalakad kaya naghihirap na sila ngayon." "Mali ka, nasa pangangalaga ng isang kaibigan ang kompanya nila sa Germany. I don't know kung totoo, or front lang iyong pangalan para hindi mahalata. Dahil sa tagal nilang ikaw ang sumusuporta. Hindi man lang sila nagpasalamat sayo. Higit sa lahat, lumabas sa balita na totoong kanila ang HH Company. Ayon pa sa pag-iimbestiga ko, hindi naman nalugi ang kompanya ninyo ng ganoon na lang. Talagang pinabagsak," paliwanag ni Dale sa kanya. "What do you mean?" "Pakiramdam ko, nakaplano ang lahat ng ito, mula ng mawala sina tito at tita, sa pagbagsak ng company ninyo sa Germany at ang muli nilang pagpapakita dito sa Pilipinas," makahulugang paliwanag ni Dale, na hindi malaman ni Y kung paano iintindihin ang lahat ng nalaman niya. "HH Company?" "Yes, sino ba ang HH sa pamilya ninyo maliban kay Tito Hirnando? Isa pa malapit sa YHH Company di ba?" "Bakit hindi ko iyon alam?" "Kailan ka huling nakarating ng Germany? Twenty five years ago Y. Hindi ka na bumalik at hindi mo na tiningnan at pinabayaan mo na ang Germany. Habang patuloy ka lang nagbibigay ng suporta sa kanila. Na sinasabi ni daddy na tigilan mo na. Pero dahil sa siya na lang ang natitira mong pamilya hindi mo sila pinabayaan." "Pero bakit naman nila gagawin iyon sa akin? Company lang naman dito ang pinamana sa akin ng daddy at mommy." "Every family has a secret. And it's your time to find out," makahulugang sambit ni Dale na ikinaisip ni Y bigla. Naramdaman na lang ni Y ang pagtapik ni Dale sa balikat niya. "Don't stress yourself Y. Nandito kami ng mommy at daddy para sayo. Hindi kami titigil hanggat hindi mo nakakamit ang hustisya na nais mong makamit," pagpapaalala ni Dale kay Y na hindi ito nag-iisa. Isang ngiti lang ang pinakawalan ni Y kay Dale, at muling tumingin sa taong hindi niya inaasahang makikita sa loob ng club na iyon. Umiinom pa ito ng mamahaling alak. Bagay na hindi niya inaasahan sa kabila ng palagi nitong sinasabi na naghihirap na ang mga ito. Kaya naman wala siyang ibang ginawa kundi ang suportahan ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD