Chapter 7

1700 Words
"Yago," masayang tawag ni Jean sa binata ng makita niya itong bumaba sa kotse na minamaneho nito. Mabilis namang tinungo ni Jean ang pwesto ng binata. "Napaghintay ba kita ng matagal?" "Hindi naman, ilang minuto lang ako doon sa pwesto ko. Salamat ulit sa pagsasama mo sa akin. Tuwang-tuwa ang mga kapatid ko ng tumawag ako sa amin. Isa pa sinabi ko din sa inay at itay na kumain sila sa fastfood. Ipinadala ko naman halos lahat ng sweldo ko sa kanila. Kaya may masosobra pa doon," masayang pagkukwento ni Jean na nagpangiti kay Yago. "Mabuti naman kung ganoon. Kahit wala naman akong ginawa kundi ang isabay ka. Pero hindi ka ba nagtira para sa sarili mo?" "Nagtira ako ng isang libo. Para may maipon ako." Napatingin naman bigla si Yago kay Jean. Kung tutuusin kakaiba ang dalaga para sa kanya. Wala itong kaluho-luho sa katawan. Simple lang din itong manamit. Literal na taga probinsya, na may kabutihan sa puso. "Paano kung may magustuhan ka? Paano ka bibili?" "Wala naman akong ibang magugustuhan kasi hindi naman ako lumalabas sa bahay ni Mr. Y. Isa pa, kung sa pagkain naman, libre naman ang pagkain ko kaya okay na ako doon. Napakaswerte ko nga at natanggap ako. Kahit papaano, magiging maginhawa na pamumuhay namin. Hindi na kailangang mamoroblema ng inay at itay ng babaunin ng mga kapatid ko sa pagpasok. Dahil kaya ko na silang suportahan," ani Jean na bakas sa boses nito ang sobrang kasiyahan. "Napakaswerte ng mga magulang mo sa iyo." "Maswerte din naman ako sa pamilya ko." "Tara na sa grocery. Para mabili na ang mga pabili ni Yaya Constancia," pag-aaya ni Yago at sabay na silang sumakay ng sasakyan. Nang makarating sila sa ng grocery ay sobrang namangha si Jean. Napakalawak noon. Mayroon na ring tindang gulay at prutas. Pati na rin mga isda at karne. "Ang ganda naman dito," hindi napigilang bulalas ni Jean sa sobrang pagkamangha. "Tss. Nasa supermarket lang tayo. Gusto mo bang mamasyal sa pinakamall?" tanong ni Yago na biglang ikinailing ni Jean. "Naku huwag na lang. Siguro pag marami na ang ipon ko, at pag may maganda akong maiisip na ibigay sa mga magulang ko," ani Jean na habang patuloy sa pagmamasid sa loob ng grocery. Mas lalo namang namangha si Yago sa dalaga. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Kung sa iba ay matutuwa itong mamasyal sa pinakamall lalo at nandoon na rin sila. Isa pa ay ang pagmamahal nito sa pamilya. Kaya naman natutuwa siya sa nakikita nitong pagpapahalaga sa pamilya nito. "Ikaw ang bahala, pero habang nandito pa tayo, sabihin mo lang kung gusto mo. Hmm," ani Yago at kumuha na sila ng push cart para sa kanilang pamimilhin. Inuna nila ang mga canned goods, biscuits, at mga kape, diswashing liquid at mga kitchen towel. Kasunod ang mga toiletries, at mga sabong panligo at panlaba. Ganoon din ang shampoo. Ang panghuli ay ang gulay, prutas, isda at karne, pati na rin ang bigas. Tulak-tulak nila ang push cart patungong counter. Dalawang push cart din iyon. "Ganito talaga dapat karami ang pamimilhin? Ilang buwan ang itatagal nito?" hindi makapaniwalang tanong ni Jean, lalo na at punong-puno ang dalawang push cart. Bukod pa doon ang isang sakong bigas na hindi naman inilagay sa loob ng cart. "Ito? Isang linggo," natatawang saad ni Yago na ikinanguso ni Jean. Napatitig naman si Yago sa dalaga dahil sa ginawa nito. "Don't pout. You look like a duck," anito na ikinatitig bigla ni Jean kay Yago. "Bakit?" "Wala," sagot na lang ni Jean. Napatingin si Jean sa paligid at doon niya napansin na pinagtitinginan ng mga ito si Yago. "Yago," mahina niyang tawag sa pangalan ng binata. "Wag mo silang pansinin. Sanay na aki dito. Sanay na ako sa ganito. Kilala na ako ng mga empleyado dito kaya wag kang mag-alala. Hmm," Napatango na lang si Jean. Nakaramdam siya ng lungkot para kay Yago. Dahil sa tingin ng mga mapanghusgang mga tao. Ilang sandali pa ay nagulat na lang si Jean ng mapansing sila na pala ang kasunod sa counter. "Kaya ko na ito, ako ng bahala," ani Yago at tumayo na lang si Jean sa likuran nito ng ilagay na ni Yago isa-isa ang mga pinamili nila sa harap ng counter. Nakatingin naman ai Jean kay Yago na busy sa ginagawa. "Don't pout. You look like a duck," bulong pa niya sa isipan habang iniisip na paulit-ulit ang salitang iyon. "Pareho sila ng pagkakabigkas. Kahit ang tono pananalita pareho," bulong ni Jean sa sarili. "Nagkakariringgan lang ba ako?" hindi pa rin siya kombinsido sa sarili. "Pero magkasing height ba sila? Pero hindi naman nagsusuot ng sumbrero si Mr. Y. Tapos si Yago. Hay ewan ko ba? Bakit ba ako nag-iisip. Mahalaga mabait sa akin si Yago. Hindi talaga, ang sungit nun eh," dagdag pa niya. Patapos na sa paglalagay si Yago sa counter ng laman ng unang cart kaya naman kinuha na niya iyon ng maubos at inusod ang ikalawa. Halos nasa isang oras din sila sa counter kasama na ang pagpila. Sa pagdadala naman ng pinamili nila sa kotse ay marami namang tumulong sa kanila. Napalingon naman si Jean ng makita ang binigay na tip ni Yago sa apat na lalaking tumulong sa kanila. "Boss napakalaki naman nito?" wika pa ng isa na sinang-ayunan ng tatlo. Pansin naman ni Jean na mababait talaga ang tumulong sa kanila na mabuhat ang mga kahon ng pinamili at bigas. "It's okay. It's my way of saying thank you, and all of you deserve it," ani Yago na ikinakunot noo ni Jean. "Thank you boss. Ingat po pag-uwi," sabay-sabay na sambit ng apat na lalaki bago sila iniwan. "Lets go," aya pa ni Yago. Kung bakit si Mr. Y ang naaalala niya pagnagsasalita ito ng Ingles. "Nababaliw na ba ako?" "Yeah I thought so. Kanina ko pa kasi napapansin na nagsasalita kang mag-isa," natatawang puna ni Yago sa kanya. "Grabe s'ya." "Biro lang, tara na. Kailangan ko na rin kasing makabalik ng bahay. Hindi na kita maaayang kumain. Sigurado namang nagluluto na si Yaya Constancia ng pagkain." "Ayos lang, tara," aniya bago sila muling sumakay ng kotse pabalik sa bahay. Tinulungan lang niya si Yaya Constancia na maiayos ang lahat ng pinamili matapos iyong ipasok lahat ni Yago sa kusina. Mula noon ay hindi na muling nakita ni Jean si Yago kahit noong hapunan na ipinagtaka niya. "Nasaan po si Yago, Yaya Constancia?" hindi niya mapigilang tanong. "Baka nagpapahinga na anak. Masama daw ang pakiramdam niya." "Ganoon po ba? Dadalahan ko po siya ng pagkain at gamot." "Hindi na hija. Alam kong pagod ka. Ako ng bahal. After nito matulog ka na rin." Hindi na lang si Jean kumontra sa sinabi ng matanda. Matapos kumain ay nagtungo na rin siya sa kwarto. Siguro nga ay nasasanay na siya sa bahay na iyon. Lahat ng takot na nararamdaman niya noong unang tapak niya sa bahay na iyon ay naglaho ng parang bula. Samantala, sa loob ng library si Y sa bahay ng kaibigan, imbestigador at higit sa lahat ay ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan niya sa kompanya na iniwan sa kanya ng ama. Napatingin siya sa orasan na nandoon. Lampas alas syete na, ngunit wala pa ito. Napailing na lang si Y ng biglang bumukas ang pintuan ng library iniluwa ang taong kanyang hinihintay. Si Dale. "Long time no see Yahir. Langya ngayon ko lang nabangit ang pangalan mo." "Sira. Call me Y." "Sus. Yahir naman talaga ang pangalan mo. Ewan ko ba sayo. Sabagay nakakagwapo." "Baliw. Bakit mo pala ako pinapunta?" "Maupo kaya muna tayo. Pagod na pagod ako sa kompanya mo. Isa pa sumabay pa ang mommy at ang daddy na akala mo ay mga teenagers na magtour date daw sila. Ayon at inihatid ko pa ng airport. Ayaw naman ni daddy na magdala ng kotse at iiwan sa airport. Ayaw ding magtaxi," paliwanag nito at pabagsak na naupo sa couch na nandoon. Nagpatawag naman si Dale ng katulong para magpahanda ng hapunan. Nagpatimpla na rin ito ng kape para sa kanilang dalawa. "Anong sasabihin mo?" "Hindi pa rin naman ako sigurado, pero base sa impormasyon na nakalap ko, mali ang alam konsa tunay na estado nila sa buhay." Ang tinutukoy ni Dale ay ang pinaiimbestigahan niyang nakakabatang kapatid ng daddy niya. Mula ng mamatay ang daddy niya ay ito na ang humawak ng dalawang kompanya na naitayo sa Germany. Ngunit ang sabi nga ay wala itong alam sa business kaya sabay na bumagsak ang dalawang kompanya. "Tingnan mo." Iniabot no Dale ang isang brown envelope. Kalakip noon ang larawan ng uncle niya at ng pamilya nito na nagtutungo sa iba't-ibang bansa. Ganoon din ang check in ng mga ito aa five star hotels. Every month nagbibigay siya ng one hundred thousand sa pamilya ng uncle niya. Pantustos sa mga pangangailangan ng mga ito. Ang dalawang anak nito ay nag-aaral pa sa kolehiyo kaya siya na ang nagpapaaral sa mga ito. Ngunit kabaliktaran ng kanyang alam ang nakuhang larawan ni Dale. "Is it true?" "Langya Yahir, ako pa tinanong mo? Mukha bang lolokohin kita? Kung ang gusto ko lang ay lokohin ka. Ngayon pa lang bagsak na ang kompanya mo. Ako ang nag-asikaso nun kahit hindi ko iyon field. Napilitan pa akong mag-aral para lang sa kompanya mo. Dapat mas malaki shares ko don eh. Kaso hindi. Sweldo lang ang nakukuha ko," reklamo ni Dale kaya napangiti si Y. "Tapos tatawanan mo lang ako. Tsk." "Thank you sa lahat." "Sus walang problema. Kasi bawing-bawi ka na," makahulugang saad ni Dale na ikinailing na lang ni Y. "Bukas o mamaya ipapadala ng tauhan ko iyong report na may nakakita daw sa uncle mo dito sa Pilipinas. Not sure, kaya kumukuha muna ako ng ebidensya. Mas mabuting kumilos kung tama ang hinala natin," paliwanag pa ni Dale. Ilang katok ang kanilang narinig at bumukas ang pintuan at iniluwa ang katulong. "Mga sir ayos na po ang hapag. Pwede na po kayong kumain," anito at iniwan na sila. Lumabas na rin muna sila ng opisina at nagtungo ng kusina. Hindi na rin naman nila pinag-usapan pa tungkol sa pinag-usapan nila sa library habang kumakain. Pagkatapos nila doon ay bumalik sila sa library at doon ipinagpatuloy ang pag-uusap habang umiinom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD