Chapter 9

1630 Words
"Uwi na tayo," nakangising saad ni Dale ng tumingin ito sa kanya. Napailing na lang si Y ng mapatingin sa wristwatch na suot niya. It's four in the morning. "Akala ko gusto mo ng dito tumira. Kanina pa kitang inaayang umuwi, ngunit parang gusto mo pa yatang saidin ang laman ng boteng yan. Gayong pwede mo namang iuwi. Hindi ako kokontra sayo na." "Kaya love na love kita Yahir eh," anito ng hawakan ni Dale ang mukha ni Y at hinalikan ito sa pisngi. "B*stard!" asik ni Y ng itulak nito si Dale dahilan para mahulog ito sa silyang kinauupuan nito. "Grabe ka naman. Nagpapasalamat lang eh." "Tumayo ka na dyan at wag ka ng magdrama Montalvo hindi bagay sayo." "Tss." Pagkarating nila sa labas ng club ay natanaw pa ni Y ang taong sinadya nila doon para makita. Napailing na lang siya dahil matagal din siyang naniwala sa mga ito. Kailangan lang niyang mapatunayan ang katotohanan at hindi talaga niya mapapatawad ang totoo may sala. "Ingat pag-uwi Y, o ihahatid pa kita?" "I can go home alone. What do you think of me? A child?" "Nagtatanong lang eh. Galit agad. Sige na. Send me a message when you get home. Wag mo akong pag-alalahanin," nakangising turan pa ni Dale. "Tss. You too. Take care a*shole," naiiling pang saad ni Y at nagkanya-kanya na silang sakay ng mga sasakyan nilang dala. Nasa bungad na si Y ng papasok na daan patungo sa bahay niya. Nararamdaman na niya angbkakaibang lamig ng paligid. Kahit sabihing nasa kamaynilaan pa rin ang bahay niya. Masasabi niyang malayo iyon sa polusyon tulad ng bahay ng iba. Iyon na yata ang pinakadulo ng sentro. Para na rin iyong sa probinsya. Malamig ang hangin na kanyang binabagtas. Kaya pinatay niya ang aircon ng sasakyan at binuksan ang bintana ng kotse niya. Habang dinadama ang malamig na pagsamyo ng hangin na dumadampi sa kanyang katawan. Naalala na naman niya ang mga magulang niya. Namimiss niya ang mga ito sa panahong sobrang busy ng daddy niya tapos ay hahanap ng pagkakataon sa araw ng linggo para sila ay magkasama-sama. "Miss ko na po kayo," mahina niyang usal. Alam naman niyang. Kahit naman sabihing matanda na siya ngayon. Ang puso niyang nangungulila sa mga magulang ay walang pinipiling edad. Hindi na rin niya namalayan na nasa harapan na pala siya ng gate ng bahay. Kaya naman mabilis siyang bumaba dahil wala namang magbubukas para sa kanya noon. Lalo na at tulog pa ang lahat. "What the fvck!" Malakas na sigaw ni Y ng pagpasok niya ng bahay ay isang walis kaagad ang bumugad sa kanya. At pinaghahampas ang kanyang likuran. "What the hell are you doing woman!" may diing sambit ni Y na nagpatigil sa babaeng may hawak na walis at hinahanpas siya. "M-Mr. Y?" nag-aalangan nitong tanong ng titigan si Jean ng masama ng binata. Alas singko pa lang ng umaga ng maalimpungatan si Jean sa tunog ng pagbukas ng gate, kaya naman mabilis siyang napabangon. Sa labas nakita niya ang lalaking hindi tuwid maglakad ng sumilip siya ng bintana. Alam niyang malaking lalaki iyon ngunit kung may panlaban siya ay walang magagawa ang lalaking nagbabalak pumasok ng bahay. Wag lang ito armadong nilalang. Kinuha kaagad ni Jean ang walis sa lalagyan nito. Nakita pa niya ang pagpipilit ng lalaki na buksan ang lock ng pintuan. Pigil hininga na si Jean ng sandaling maalis ang lock noon. Kaya naman bago pa bumukas ng malaki ang pintuan ay pinaghahampas na niya ito. Narinig na niya ang daing nito na talagang nasasaktan. Ngunit hindi pa rin niya tinigilan ang paghampas. Hanggang sa marinig niya ang pagmumura nitong nagpatigil sa kanya. "Who else do you think will dare to enter my house at this time? It's too early. It's five in the morning. Another thing, no one else can enter here, because from the exit it is private property," singhal ni Y na nagpatameme kay Jean. "Sorry po talaga. Saan po ba kayo galing?" "Who are you to asked me?" "Katulong po ninyo. Kinamalayan ko po bang umalis kayo ng bahay. Wala man lang kayong dalang sasakyan. Hindi ko narinig. Narinig ko lang ay ang pagsasara ninyo ng gate." "May be you just didn't hear my car come in. After I garage my car, I just close the gate. Wait why am I explaining to you? I shoud be the one to ask for your explanation. And it's the second time I've received a blow from the broom. And it is the second time you have mistaken me for a thief in my own house," inis na saad ni Y na nagpadagdag sa pagkapahiya ni Jean. "Hindi ko naman po talaga sinasadya," bulong ng ng dalaga kaya napataas ng kilay si Y. "Is it my fault?" may pagkasarkastikong tanong ni Y. "Hindi naman po. Kaya nga po nagsosorry na." Napatingin naman sila sa humahagos na si Yaya Constancia. "Ano na namang nangyari sa inyong dalawa?" "Hindi ko naman po sinasadya, akala ko po kasi magnanakaw. Hindi ko naman po alam na si Mr. Y." Napatingin naman si Yaya Constancia kay Y na nagkibit balikat na lang. "I need to rest yaya. Don't disturb me," may pagsusupladong saad ni Y na tinanguan na lang ni Yaya Constancia. Napasunod na lang si Jean ng tingin sa likuran ng boss niya habang paakyan sa hagdanan. "Ano ka bang bata ka. Hinampas mo na naman si Y ng walis," anito ng napatingin sa walis na hawak niya. "Sorry po yaya. Ay nagulat po ako sa nakita ko eh. Mula po sa may gate pasuray-suray. Tapos halos hindi pa mabuksan ang pintuan. Sino pong mag-aakala na si Mr. Y iyon. Malamlam pa naman ang ilaw." "Hay naku. Sa susunod kilalanin mo si Y na bata ka. Kung hindi ko lang alam, baka pinaalis ka na ng batang iyon." "Ano pong hindi ninyo alam?" naguguluhang tanong ni Jean na ikinangiti ni Yaya Constancia. "Kaya ng hindi ko alam. Paano ko ba masasabi sayo," biro pa nito. "Tara na sa kusina mag-almusal na tayo bago natin simulan ang mga gawain." Halos hapon na ng maisipan ni Jean na ipahinga ang ginagawang pagwawalis ng mga natuyong dahon ng halaman. Hindi naman kainitan sa mga oras na iyon at kahit papaano ay malamig sa pakiramdam lalo na at gawa ng puno na nakapalibot sa bahay. "Bakit hindi ko man lang napapansin si Yago?" aniya sa sarili habang nagpapalinga-linga siya sa pwestong palagi niyang nakikita ang binata. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagwawalis. Gusto na agad niyang makatapos sa ginagawa. Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya ay nalulungkot siyang hindi nakikita si Yago. "Yaya Constancia," tawag niya ng makapasok siya ng kusina. Napatigil naman sa ere ang paghahalo ni Yaya Constancia sa niluluto nito sa pagtawag niya at napatingin sa kanyang dako. "Nakita po ba ninyo si Yago? Kanina ko pa napapansin na wala siya. Hindi ko din nakita na lumabas sa kwarto niya." "Masama ang pakiramdam anak," ani Yaya Constancia na ikinagulat ni Jean. "Hala! Bakit po sumama ang pakiramdam niya. Pwede ko po bang puntahan si Yago sa kanyang silid," nag-aalalang tanong ni Jean na biglang ikinagulat ni Yaya Constancia. "Ano ka ba anak, si Yago ano. Ano kasi anak umuwi ng kanila si Yago at may importante lang siyang gagawin," biglang bawi ni Yaya Constancia sa sinabi nito. "Talaga po? Bakit po nandoon ang sasakyan niya sa garahe. Iyong sinakyan namin ng magpunta kami sa bayan?" "Ah. Sira iyon hija. Nagpasundo lang si Yago." "Ganoon po ba? Okay po," ani Jean na parang nalungkot. "Bakit ang lungkot mo yata na hindi mo nakita ngayon si Yago," tudyo ni Yaya Constancia na halos panlakihan naman si Jean ng mga mata. "Hindi po ah," tangi pa niya dito na ikinatawa lang nito. "Ano po ba iyang niluluto ninyo?" Napatingin naman si Yaya Constancia sa niluluto niya. "Sopas anak, gusto mo ba? Madami itong niluto ko." "Talaga po? Salamat po Yaya Constancia. Pero mainit naman po sa labas. Ay bakit po sopas?" "Sa totoo niyan hija, masama ang pakiramdam ni Y. Siguro ay gawa na rin ng nahamugan siya kaninang madaling araw. Isama pa ang nakainom ito, at," natigil sa ere ang sasabihin ni Yaya Constancia at napangiti na lang. "At ano po?" "Ayaw kong sabihin sayo, dahil iyon ang sabi ni Y." "Bakit naman po? Anonpo ba iyon? Hindi rin naman po ako titigil sa pangungulit, hanggat hindi po ninyo sinasabi. Kaya po sabihin na po ninyo. Gawa ko po ba?" Humugot naman ng paghinga si Yaya Constancia bago muling nagsalita. "Ayaw ko namang sabihin lalo na at kabilin-bilinan ni Y sa akin. Kaya lang nasabi ko na rin na masama ang pakiramdam niya. Pumapaga ang likuran ng batang iyon. Halos magkulay ube ang pasa sa kanyang likod. Bakit naman kasi kung todo ka ng hampas sa batang iyon?" Hindi naman kaagad nakapagsalita si Jean sa inamin ni Yaya Constancia. Alam niyang kasalanan niya iyon. Hindi niya lubos na naisip na ganoon nga pala ang epekto ng hampas niya sa amo niya. Nilukuban tuloy siya ng labis na pag-aalala. "Pwede ko po bang puntahan sa kwarto niya si Mr. Y? Gusto ko lang pong humingi ng sorry. Galit po ba siya sa akin?" "Wag kang mag-alala hindi iyon galit. Mamaya pagnaluto ko itong sopas. Ikaw na lang ang magdala nito sa kwarto niya. Kumuha ka rin ng pain reliever doon sa medicine kit at iyong cream para mabawasan ang pamamaga ng kanyang mga pasa," ani Yaya Constancia. Kaya napatango na lang siya. Nahihiya naman siya sa kanyang ginawa. Hindi naman kasi talaga niya inaasahang si Mr. Y iyon. Bakit ba naman kasi hindi niya nararamdaman ang mga pagkilos nito. Kahit pa sabihing minsan niya itong nakakasalamuha sa loob ng madilim na bahay na iyon. Hindi pa siya masanay-sanay sa kilos nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD