Tatlong katok ang narinig ni Y sa labas ng kwarto niya. Ngunit hindi niya magawang sumagot. Alam naman niyang si Yaya Constancia lang naman iyon.
Masama talaga ang kanyang pakiramdam, hindi niya malaman kung ano ang dahilan. Kung dahil ba sa nahamugan siya ng lamig ng madaling araw o gawa ng natamo niyang pasa dahil sa paghampas sa kanya ni Jean.
Kung ano man ang dahilan, ay wala siyang pakialam. Ang nais lang niya ay ipahinga ang sama ng pakiramdam na kanyang nararamdaman.
"Mr. Y," tawag ng tinig sa labas ng kwarto niya pero hindi na lang niya pinansin. Naramdaman na lang ni Y ang pagbukas ng pintuan at pagpasok ni Jean.
Hindi man niya gaanong narinig ang boses nito ay alam niyang hindi iyon si Yaya Constancia. Gusto man niyang tignan ang dalaga, ngunit hindi niya magawa.
"Mr. Y, kumain ka muna ng sopas. Maraming gulay itong niluto ni Yaya Constancia para sa mas mabilis mong paggaling."
Ungol lang ang naisagot ni Y. Hindi talaga niya magawang sumagot. Mula ng magkaisip siya, pakiramdam niya ay ngayon lang siya nagkasakit ng ganoon.
Mabilis namang dinaluhan ni Jean si Y. Halos mapapitlag pa ang dalaga ng maramdaman ang sobrang init nitong katawan.
Kinuha niya ang thermometer sa kit na kanyang dala. Halos hindi niya maunawaan ang gagawin ng pumalo iyon sa 42 degree.
"Sobrang taas ng lagnat mo," halos pabulong niyang sambit ng mapansin ni Jean ang namumutlang labi ni Y.
Iniwan niyang saglit si Y at tinungo ang kusina. "Yaya Constancia," malakas niyang tawag sa matanda, na nagpalingon dito.
"Yaya Constancia, hindi po ba kailangan na nating dalahin sa ospital si Mr. Y. Sobrang taas po ng lagnat niya. Namumutla at nanginginig na rin ang kanyang katawan," paliwanag ni Jean ng magkasunod nilang tinungo ang kwarto ni Y.
"Y, itatawag kita ng doktor. Baka kung anong mangyari na sayo," nag-aalalang wika ng matanda na hindi malaman ang gagawin kay Y.
"D-don't w-worry about me y-yaya. I'm f-fine," nakangiti pang sambit ni Y na ikinailing ng matanda.
"Sinong hindi mag-aalala sa iyong bata ka. Halos wala ka ng kulay nanginginig ka pa."
"I want to eat yaya, and I'll take my medicine. No need to worry. Hmm,."
Wala ng nagawa si Yaya Constancia ng magpaalalay si Y sa pag-upo para makakain.
"Sandali lang anak, may niluluto ako sa kusina, papatayin ko lang ang apoy at babalikan kita."
"No need for the rush yaya, you can go to kitchen. Jean is here. Can you help me to eat?"
Napatingin naman si Jean sa mukha ni Mr. Y. Sobra talaga siyang nag-aalala sa kalagayan nito. Kitang-kita niyang nanghihina ito sa nararamdaman nito ngayon. Bigla tuloy nawala ang masungit na Mr. Y. Napangiti pa siya ng maisip na, mula ng magtrabaho siya sa bahay na iyon, ngayon lang niya ito nakita ng hindi madilim. Mas gwapo itong makita sa sinag na gawa ng araw, at hindi ng liwanag ng ilaw.
"Can you," ani Y n nagpabalik sa naglalakbay na diwa ni Jean.
"Yes, opo, opo," gulat na sagot ni Jean at mabilis na lumapit kay Mr. Y, na halos nakapikit sa mga oras na iyon.
"Ako ng bahala Yaya Constancia. Hayaan po ninyo at ipapaubos ko po kay Mr. Y ang laman nitong mangkok at paiinumin ko po siya ng gamot. Bumalik na po kayo sa kusina. Tatawagin ko po kayo pag hindi ko po alam ang gagawin."
Lumabas na rin naman ng kwartong iyon si Yaya Constancia, matapos magpaalam kay Y.
"Mr. Y mainit-init na lang itong sopas. Hindi ka na mapapaso. Subuan na lang kita ha," ani Jean ng tumango si Y bilang sagot.
Nakapikit ang mga mata ni Y habang sinusubuan ni Jean. Nakakalimang subo pa lang si Y ng pigilan niya si Jean sa pagsubo sa kanya.
"Bakit po?"
"Okay na ako. Parang isusuka ko pa ang kinain ko kung ipipilit ko pang ubusin yan."
Napatingin naman si Jean sa mangkok na hawak. Hindi man lang napaghati ang sopas na laman noon.
"Hindi na po kita pipilitin, ngunit uminom ka ng gamot."
Kinuha ni Jean ang gamot at binuksan. Kinuha niya ang kamay ni Y at doon inilagay ang gamot. Hawak ang isang baso ng tubig ay inalalayan niya si Y para makainom ng tubig at gamot.
"Wag ka munang mahihiga. Magrest po muna kayo kahit mga limang minuto bago mahiga pagkatapos uminom ng gamot."
Napangiti na lang si Y at hindi malaman kung bakit sumunod na lang siya sa simasabi ng dalaga.
"Can you help me to lay down?" tanong ni Y. Ilang minuto matapos niyang uminom ng gamot.
"Oo naman po," ani Jean na hinawakan muna ang noo ng boss niya. "Mainit ka pa rin Mr. Y pero hindi na iyong katulad ng kanina."
Tiningnan ulit niya ang body temperature nito. "39 degree, pero mas okay na ito kay sa kanina. Kahit papaano bumaba pa rin. Tulungan na po kitang mahiga."
Hinawakan ni Jean ang likuran ni Y para medyo makadausdos ito ng hindi ito mahirapang mahiga. Ang kamay naman ni Y ay kusang yumakap sa may batok ng dalaga, at ang isa ay nakaalalay sa may kama. Malapit ng lumapat ang likurang bahagi ni Y ng biglang sumabit ang paa ni Jean sa nakalaylay na bahagi ng kumot kaya naman napasubsob ito.
Halos manlaki ang mata ng dalaga ng sa hindi inaasahan ay bumagsak si Y mula sa kanyang pag-alalay. Oo nga at malambot ang kama, dangan nga lamang na sa pagbagsak ng boss niya ay kasama siya bumagsak.
Hindi naman magawang alisin ni Jean ang mata niyang nakatingin kay Y dahil nakatingin din ang mata ng binata sa kanya. Habang magkahugpong ang kanilang mga labi.
Libo-libong boltahe ng kung anong kuryente ang naramdam ni Jean. Hindi lang sa buong katawan niya, pati na rin sa puso niya. Nandoon ang hindi maipaliwanag na pakiramdam sa kanyang tiyan.
"Y!" Malakas na sigaw mula sa may pintuan ang nagpalayo sa kanilang dalawa.
Halos magkulay kamatis ang pisngi ni Jean sa pagkapahiyang nararamdaman. Hindi naman niya sinasadyang mahalikan ang boss niya. Higit sa lahat ay ang may makakita pa sa kanilang ibang tao na hindi naman niya kilala.
"Ops sorry. Wala akong nakita, promise," anito habang nakangisi.
Tumakbo naman palabas si Jean at iniwan ang boss niya at ang bagong dating.
"Hindi ako na inform na may babae ka palang tinatago dito," mapanuksong saad ni Dale ng samaan siya ng tingin ni Y.
"What are you doing here a*shole?"
"Nanonood ng p*rn," nakangising sagot ni Dale ng batuhin ito ni Y ng unan. Masama pa rin talaga ang pakiramdam niya. Ngunit kahit papaano ay nag-iba ng makainom siya ng gamot.
Naalala na naman niya si Jean. Hindi siya sigurado, pero sa reaksyon ng mukha nito kanina ng magkalapat ang mga labi nila ay nangangahulugang first kiss iyon ng dalaga.
"Nagdidiliryo ka na ba? Ngumingiti kang mag-isa eh," anito ng taasan siya ni Y ng gitnang daliri.
"Ikaw naman, sa ngumingiti ka naman talaga ng mag-isa eh."
"Okay, but cut the crap. Anong ginagawa ko dito?"
"Tinawagan ako ni Yaya Constancia, nag-aalala sayo ng sobra ang matanda. Dadalahin na kita sa ospital. Bakit ka ba nilagnat? Ang taas pa ng body temperature mo."
"I'm fine. Matatakutin lang si yaya pero okay lang ako."
"Ayos ka lang, kasi may nag-aalaga sayo. Sino yon?" Curious na tanong ni Dale na ikinailing ni Y. "Hindi ko naman aagawin sayo. Nagtatanong ako kung sino iyon. Kung katulong iyon. Hindi naman iyon ang katulong na nakita ko noong huling punta ko ah."
"Wala akong sinasabing gago ka na aagawin mo. Si Jean yon, at tama ka katulong siya ni Yaya Constancia dito sa bahay. Iyong katulong na sinasabi mo. Noong araw na pumunta ka dito ay ang araw din na umalis iyon. Natakot kay Yago," paliwanag niya.
"Yago your a*s. Ewan ko ba sayo? Eh nasaan ba iyang si Yago ngayon?" Makahulugang tanong ni Dale ng mapansin nito si Jean malapit sa may pintuan at may bitbit na kape.
"Sir kape po, sabi ni Yaya Constancia."
"Thanks," ani Dale ng makuha ang tasa ng kape ay mabilis namang tumalikod si Jean at hindi man lang tinapunan ng tingin si Y.
"Natakot sayo," natatawang saad ni Dale habang humihigop ng kape.
Iiling-iling lang si Y sa inasal ng dalaga. "Cute," hindi niya napigilang sabihin ng makalabas si Jean ng kwarto niya at mabilis na isinara ang pintuan.
"Balik tayo sayo. Dadalahin na kita sa ospital. Mag-aalala ang mommy at at daddy sa kalagayan mo."
"Ayos lang ako."
"Sige, magpapatawag na lang ako ng doktor at dito na ako matutulog. In case na need mong dalahin sa ospital mabilis ng makakakilos. Alam kong hindi marunong magmaneho ng sasakyan si Yaya Constancia. Sure na ganoon din ang dalagang kasama ninyo dito."
"Pero maayos lang ako."
"Kasi kaiinom mo lang ng gamot. Kaya sa ngayon maayos ang pakiramdam mo. Nasabi din sa akin ni Yaya Constancia na madami kang pasa sa likuran. Ewan ko sayo. Nakakahalata na talaga ako. Hinayaan mo lang bugbugin ka ng dalagang iyon ng walis dahil napagkamalan kang magnanakaw. Isa pa masaya ka pa ngayon," iiling-iling na saad ni Dale ng batuhin na naman siya ni Y ng isa pang unan.
"Kunwari ka pa. Kung hindi kita kilala maniniwala ako sa mga tangging kilos mo. Kaya lang, magkarugtong na yata ang mga bituka natin kaya wala ka ng malilihim pa. Sa ngayon magpahinga ka na lang muna. Tatawag lang ako ng doktor ng matingnan ang pasa sa likuran mo," pahayag ni Dale.
Ibinaba muna nito ang kape sa may table na nasa loob ng kwartong iyon bago dinampot ang nagkalat na dalawang unan.
"Para kang bata," sermon ni Dale bago inayos ang pagkakahiga ni Y. Hindi na naman nagreklamo si Y ng makaramdam na naman siya ng panginhinig at pagkahilo.
Naramdaman din niya ng itagilid siya ni Dale, ngunit hindi na siya nakapagsalita ng itaas nito ang damit niya sa likod.
"Matulog ka na lang muna. Tatawag lang ako ng doktor. Napakainit mo. Isa pa, sobrang laki ng pasa mo sa may likuran. Grabeng hampas yata ang ginawa sayo. Pero nakakahiwaga talagang hindi mo siya pinaalis. Masaya ka pa sa tagpong naabutan ko kanina."
"A*shole!"
"Whatever. Matulog ka na muna. Lalabas na lang muna ako. And promise hindi ko lalapitan ang dalaga na iyon. Kikilalanin ko lang," nakangising paalam pa ni Dale na hindi na lang sinagot ni Y.
Alam niyang lalo lang siyang aasarin ng kaibigan kung sasagot pa siya sa sinasabi nito.
Napahawak si Y sa labi niyang nahalikan ni Jean. Oo nga at hindi iyon sinasadya, ngunit damang-dama niya ang kakaibang init na hatid ng labi ng dalaga sa kanya.