Maagang nagising si Jean sinabi niyang tatanghaliin siya ng gising. Hindi niya malaman kung talagang body clock na niya iyon or hindi lang talaga siya gaanong nakatulog.
"Alas sais pa lang. Pero ang katawan ko at mata ko gusto ng bumangon, kainaman n. Gusto ko pang matulog, pero ayaw nilang makisama," reklamo niya at pinilit na ibangon ang katawan at hinayon ang banyo sa kwartong inuukupa niya.
Matapos ang kanyang ginagawa ay lumabas na rin siya ng kwarto at hinayon ang kusina. Nadatnan niya si Yaya Constancia na nagluluto ng umagahan. Nandoon din si Yago na nakatalikod sa kanya, na wari mo ay nagkakape. Tahimik lang ito na sa tingin niya ay nagbabasa na naman ng dyaryo.
Nahihiwagaan lang talaga siya kay Yago. Malambing ito iyon ang una niyang napuna. Kahit tipid ngumiti. Pero ibang tao ang napapansin niya tuwing nakatalikod ito. Iyon nga lang hindi naman niya mapagkumpara na iisa. Kaya lang may something talaga na hindi niya lubos maunawaan.
Pinagmasdan niyang muli ang likuran ni Yago. Alam niyang si Yago iyo. Ito lang naman ang mahilig magsuot ng sumbrero kahit kumakain. Pagmatutulog lang yata nito inaalis ang sumbrero nito at tuwing maliligo.
"Magandang umaga po Yaya Constancia, ganoon din sayo Yago," masiglang bati ni Jean sa dalawa bago siya tuluyang pumasok sa kusina.
"Oh, hija akala ko ba tatanghaliin ka ngayon. Magandang umaga din sayo."
"Hindi ko nga din po alam kung bakit ang aga kong nagising. Body clock po siguro. Kahit po yata anong pagod ko, alam ng katawan ko kung anong oras ng gising ko. Kahit gusto pa po ng isipan kong matulog, ang mata at katawan ko, gusto ng bumangon, " natatawang saad ni Jean ng naupo siya sa tabi ni Yago.
"Ang bango," hindi niya napigilang sambit ng umabot sa kanyang ilong ang mabangong samyo ni Yago na hindi naman niya maiwasang hindi singhutin.
"Bakit parang naamoy ko na ang amoy---," hindi natapos ni Jean ang sasabihin ng mapatingin pa siya kay Yago na bigla ding napatingin sa kanya. Nagulat naman siya bigla ng mapansing halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ni Yago.
"What are you doing?" mariing tanong nito na bigla na lang niyang ikinalayo ni Jean dito.
Napakunot noo pa siya ng marinig ang boses na iyon. "Sorry," hinging paumanhin niya at muling tiningnan ang kaharap at baka nagkamali na naman siya. Pero hindi, dahil si Yago mismo ang nakikita niya. Gawa ng malaking itim nito na nasa pisngi.
"Magkape ka na rin hija," agaw pansin sa kanya ni Yaya Constancia. "At ano ba iyong mabango?" may panunudyo pa nitong tanong sa kanya.
Halos pamulahan naman siya ng pisngi. Hindi naman kasi niya sinasadya na sambitin iyon.
"I-iyong k-kape. Tama iyong kape po Yaya Constancia, ang bango po ng kape. Salamat po dito," nag-aalanagan niyang sagot. Mabuti na lang at nagtitimpla na pala ito ng kape at hindi nakita ang pagsinghot niya kay Yago.
Napatingin ulit siya sa lalaki. Kahit nasigurado niyang si Yago nga iyon, ay tinitigan niya itong muli. "Nailang lang siguro. Sinong hindi maiilang? Singhutin ko ba naman ang bango," napailing na lang si Jean at ipinagpatuloy ang pagkakape. Hindi na rin naman siya pinansin ni Yago, at ipinagpatuloy nito ang pagbabasa ng dyaryo at paghingop ng kape. Napangit pa siya ng mapansing nakataas ang hinliliit na ito.
"Ang cute, parang babae," bulong pa niya at siniguradong walang makakarinig.
Ipinagpatuloy na rin niya ang pagkakape. Kumuha pa siya ng tinapay na nakahanda sa lamesa.
Ilang sandali pa at napatitig siya kay Yago ng tumayo ito.
"Yaya, doon muna ako sa likod bahay. Hindi muna ako magti-trim ng mga halaman. Ipapahinga ko muna ang katawan ko," malambing na paalam nito kay Yaya Constancia.
Napangiti naman si Jean ng mapansin ang ngiti ni Yago.
"Sige anak. Tawagin mo na lang ako kung may nais ka," sagot ng matanda dito.
Tumango lang si Yago. Ngunit bago ito umalis ay humarap muna ito sa kanya na may tipid na ngiti sa labi.
Halos tumalon ang puso ni Jean sa ngiting iyon ni Yago. Kaya naman ngiti lang din ang isinagot niya sa binata. Pero bago pa ito, nakatalikod ay bigla niyang napansin ang isang bagay sa mata nito.
"Ang mata mo," aniya na mukhang ikinagulat ni Yago.
Bigla nitong hinawi ang kanyang kamay at mabilis siyang tinalikuran.
"Anong nangyari doon?" nagtataka niyang tanong ng mapatingin siya kay Yaya Constancia.
"Bakit po ganoon yaya?"
"Anong meron hija? May problema ba?"
"Yaya Constancia, bakit po kakaiba ang mata ni Yago? Brown po ang mata niya di ba? Tanda ko po iyon dahil napagmasdan ko siya ng bagong dating ako dito."
"Oo naman. Bakit? Ano bang kakaiba?"
"Bakit kulay gray ang kanyang mga mata?"
Napalunok naman si Yaya Constancia, ngunit nakabawi din kaagad. Nakita pa niya ang matamis na pagngiti ng matanda.
"Baka nagkakamali ka lang Jean. Alam mo na, baka reflection, ng ilaw. Nandyan pa sa harap kayo ng crystal vase na iyan. Ikaw talagang bata ka kung anu-anong nakikita mo. Baka epekto yan ng pagod mo kahapon, tapos nagising ka ng maagap."
"Baka nga po," sagot niya pero parang hindi siya kumbinsido. Ngunit napakibit balikat na lang si Jean at baka nga tama si Yaya Constancia. Sabagay medyo masakit din naman ang kanyang mata, gawa ng paggising niya kanina ay medyo mahapdi iyon.
"Hija nga pala. Palitan mo ito ng bulaklak mamaya ha. Kumuha ka na lang sa hardin," utos nito.
"Opo."
Nagpatuloy na lang din siya sa pagkakape para masimulan na ang mga dapat niyang unahing trabaho.
Pagkalabas ng kusina ay mabilis na nagtungo ng kwarto si Yago. Mabilis niyang tinungo ang banyo doon at humarap sa salamin. Napangiti na lang siya at napailing.
"What a hawk eye?" Hindi napigilang komento ni Yago tapos ay napangiti. Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon kaya naman kahit sa sarili niya ay napatawa siya.
Nang matapos siya sa ginagawa ay lumabas na rin siya ng bahay at tinungo ang likod bahay. Matataas na ang puno ng San Francisco na may berde at dilaw na dahon. Iyon ang nagbibigay lilim sa maliit na mesang semento na may apat na upuang semento din na may sandalan.
"Sa isang araw ko na kayo puputulan, need ko din ng pahinga," aniya at naupo na lang siya doon sa upuang nandoon para mamahinga. Gusto din niyang magbasa. Masyado kasi talaga siyang napagod sa ginawang pag-aalis ng damo sa harapan ng bahay sa nagdaang araw
Napatingin lang siyang muli sa paligid. Ilang taon na rin mula ng tumira siya sa bahay na iyon. Siya ang nagtanim ng lahat ng halamang namumulaklak at mga matatayog na hardin katulad ng San Francisco na nandoon.
Ipinagpatuloy na lang niya ang pagbabasa hanggang sa makaramdam siya ng pamimigat ng mata. Kaya naman sa halip na pumasok sa loob ng bahay. Mas minabuti niyang tinungo ang bodega malapit sa kanyang kinauupuan para kuhanin doon ang folding bed na palagi niyang inihahanda kung sakaling nais niyang matulog sa likod bahay.
Matapos maihanda ang folding bed ay nahiga na rin siya doon. Tumingin pa siya sa suot na relo ng mapansing alas dyis pa lang pero inaantok talaga siya.
"Tamang-tama kahit dalawang oras, pwede ng pahinga," aniya at ipinikit ang mga mata.
Nakaharang sa kanyang mukha ang librong binabasa niya. Nandoon iyon hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.
"Financial Accounting," dinig ni Yago na sambit ng isang tinig na malapit sa kanya. Medyo naalimpungatan kasi siya ng mga oras na iyon.
Napakunot noo pa siya ng marinig na naman ang boses ng nagsalita. "Paano ko ba siya gigisingin, baka naman magalit sa akin? Sabihin ko na lang kaya kay Yaya Constancia na natutulog ang isang ito. Tama ganoon na lang."
Ngunit bago pa nakahakbang ang babaeng nagsalita ay bumangon na si Yago.
"Oi, gising ka na, mabuti naman," ani Jean ng mapansing nakaupo na si Yago sa kinahihigaan nito.
"Bakit?"
"Ipinapatawag ka ni Yaya Constancia, kakain na daw."
"Sige susunod na ako."
Tumango lang naman si Jean at hindi na nagsalita. Nakakailang hakbang pa lang siya ng may maalalang itanong kay Yago.
"Ano yon?" tanong ni Yago ng sa tingin niya ay may bumabagabag sa dalaga. Para kasi itong hindi mapakali sa pagkakatayo. Mukha kasi itong hahakbang na hindi. Kaya napailing na lang din siya.
"Ahm, ano kasi. Iyong mata mo kanina. Bakit---?"
"Wala namang problema sa mata ko. May problema ba?"
"Kasi kanina parang katulad ng kay Mr. Y ang mata mo," ani Jean na bigla na lang napayuko. Baka mamaya ay mainis ito sa kanya.
"Wala naman akong napapansin na pagbabago sa mata ko. Isa pa, paano naman matutulad kay Mr. Y ang mata ko. Baka antok ka pa kanina," natatawang sagot ni Yago habang napapailing.
"Sabagay, baka tama si Yaya Constancia, na reflection lang iyon ng ilaw. Wag mo akong pansinin. Pasensya na."
"Walang problema. Pero bakit ka nandito? Tapos ka na ba sa trabaho mo?"
"Hindi pa pero pinatatawag ka nga ni Yaya Constancia at kakain na daw. Tara na," nakangiting sambit ni Jean, na tinanguan na lang ni Yago.
Nauna na lang din siyang maglakad at iniwan na doon ang binata.
Akala niya ay magagalit ito dahil kung anu-ano ang napapansin niya. Pero nakangiti lang ito habang sumasagot sa kanya. Na dahilan kung bakit biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya.
"Ang galing nga at ang bait sayo ni Yago. Ang lambing pa ng boses ng isang ito. Isa pa hindi ko nakikita ang pangit niyang mukha, kahit physical namang nandoon. Parang hindi man lang sumagi sa paningin ko iyon. Crush ko ba siya? Kay sa naman doon sa gwap-," natigilan si Jean sa sinasabi niya.
"Ano bang nangyayari sa akin? Kaloka," aniya sa sarili na parang may kung akong damdamin ang dala ng pagiging malambing ni Yago sa pagsasalita.