Prologue

1252 Words
Larawan ng masayang pamilya ang pamilyang Hart. Palagi mang busy sa kompanya ang haligi ng tahanan ay nagbibigay pa rin ito ng saglit na oras para sa asawa at anak. "Hirnando," tawag ni Yarene na siyang kanyang may bahay. "Bakit mahal?" "Nagtatampo na si Yahir, palagi ka na lang daw naming hindi nakakasabay sa dinner. Naiintindihan naman niya sa umaga, dahil siya naman daw ang late ng magising." Alas otso kasi ang bagon ni Yahir, lalo na at alas dyis pa naman ng umaga ang pasok nito. Habang ang ama nito na si Hirnando ay alas otso ang pasok sa opisina. "Masyado kasing madaming trabaho ngayon mahal. Halos alas nuebe na ako nakakatapos sa trabaho. Pati ang mga empleyado natin sa kompanya, palagi na lang nag-oovertime. Balak ko ngang dagdagan ang sahod nila. Para naman masuklian ang kanilang hirap." Napangiti naman si Yarene sa sinabing iyon ng asawa. Napakabait nito sa mga empleyado nila. Iyon nga lamang at sa dami ng trabaho nawawalan na ito ng oras sa anak. Hindi naman niya masisi ang asawa, lalo na at lahat naman ng pangangailangan nila ay naiibigay nito. Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ni Yarene. Hindi naman kasi niya hayaan na hintayin ni Yahir ang daddy niya dahil mapupuyat ito. Alas otso pa lang ay pinapatulog na niya ang anak, habang si Hirnando ay alas dyis na nakakauwi. "Heto na ang kape ninyong mag-asawa." Nakangiting inilapag ni Yaya Constancia ang mga tasa ng kape. "Salamat yaya, kain ka na rin." Alok ni Yarene na nginitian lang nito. "Hindi na Yarene, baka magtampo na naman ang anak ninyo pag hindi ko sinabayan sa pagkain," anito na ikinatawa nilang mag-asawa. Naalala na naman ni Yarene ang anak noong wala itong kasabay pagkain dahil nakakain na silang lahat. Nagtampo ito at may pagdadabog pang nalalaman. Hindi pa niya makalimutan ang sinabi nito noon sa kanya. 'Ikaw, mommy kasabay ng kumain ni daddy, tapos si yaya. Paano naman po ako? Wala ng kasabay. Malungkot pong kumain ng mag-isa. Hindi na po ba ninyo ako mahal?' Sabay turo pa ni Yahir sa sarili kaya naman natawa sila. Hindi lang nasabayan sa pagkain ay hindi na kaagad mahal. Napakacute talaga ng kanilang anak. Kaya naman palagi na lang sinasabayan ni Yaya Constancia si Yahir na kumain pagkagising nito. Habang siya ay sinasabayan niya pagkain ang asawa. Dahil tama ang kanyang anak. Malungkot ang kumain na mag-isa. Matapos ang tagpong iyon ay lumabas ng muli ng dining si Yaya Constancia dahil may gagawin pa ito sa kusina. Napatingin naman si Yarene sa asawa ng hawakan nito ang kanyang kamay. "Bakit?" "Hindi na ako mag-oovertime sa linggo. Dapat nga ay walang pasok, pero hindi talaga kinaya. Deadline na kasi iyon. Kaya naman hindi pwedeng hindi ako papasok. Pero sure sa Sunday maagap akong lalabas. Sisimba tayong mag-anak, at kakain sa labas. Iyon man lang ay magawa ko para sa inyo," paliwanag ni Hirnando na pinisil ang kamay ng asawa. "Thank you mahal. Aasahan namin iyan. Pero hindi ko muna sasabihin kay Yahir, mas maganda pagnandyan na. Mas surprised." Napatango naman si Hirnando at hinalikan ang kamay ng asawa. Matapos kumain, ay nagpaalam na rin si Hirnando na papasok na siya sa trabaho. Mabilis na lumipas ang mga araw at hapon na ng linggo. Malungkot na nakatanaw si Yahir sa halos padilim ng kalangitan habang nakahiga sa damuhan. "Anak," tawag ng mommy niya na hindi na lang niya gaanong pinansin. Hanggang sa maramdaman niya ang paglapit nito. "Bakit parang ang lungkot naman ng baby ko?" tanong nito na tinutukso pa siya. "Hindi naman po," pagsisinungaling pa niya. "Asus, ang baby ko talaga. May surprise ako sayo," masayang wika pa ng mommy niya na nginitian lang ni Yahir. Wala namang ibang makakapagpasaya sa kanya kundi ang magkasama-sama sila. Siya ang mommy niya at ang daddy niya. "Ayaw yata baby ko ng surprise." "Hindi naman po sa ganoon mommy, kaya lang---." Halos manlaki ang mata ni Yahir ng makitang papasok sa gate ang kotse ng daddy niya. "Daddy! Daddy!" malakas niyang sigaw habang nagtatatalon pa. "Ito po ba ang surprise na sinasabi mo mommy," aniya na ikinatango ni Yarene sa anak. Mabilis naman tumakbo si Yahir, palapit sa ama, ng makababa ito ng sasakyan. Agad namang binuhat ni Hirnando si Yahir ng makalapit ang anak sa kanya. Pinupog pa ni Yahir ng halik ang daddy niya sa pisngi. Mabilis lang silang gumayak, para makaabot sila sa huling misa sa araw na iyon. Pagkatapos noon ay ang plano nila na kumain na rin sa labas. Ngunit ang masaya sana nilang pagkain sa labas, pagkalabas ng simbahan ay nagimbal ng isang malagim na pangyayari. "Daddy, mommy!" paulit-ulit na sigaw ni Yahir habang nakayakap sa walang buhay niyang ina, habang nakatingin sa nakahandusay ding ama. Medyo malayo ang pwesto nito sa kanila. Kaya naman kahit abutin ng maliit niyang kamay ang daddy niya ay hindi niya maabot. Matapos ang misa, ay masaya pa silang nagkukuwentuhan patungong parking lot ng may isang kotseng rumaragasa ang tinumbok ang pwesto nila. Hindi na nakagalaw si Hirnando ng siya ang unang tumbukin ng kotse. Tumilapon lang na parang papel ang kanyang katawan, ilang dipa mula sa pwesto niya. Pagbagsak na sumalampak ang katawan nito sa sementadong daan. Hanggang sa umagos na rin ang dugo na nagmula sa ulo ng daddy niya. Habang si Yarene ay nagawa pang maitulak ang anak, bago ito masapol ng rumaragasang sasakyan. Tumama ang ulo ni Yahir sa gutter ng kalsada, pero hindi ganoon kalala. Masakit man ang ulo, ay pilit na nilapitan ni Yahir ang mommy niya. Tinawag niya ng tinawag ang pangalan nito. Ganoon din ang daddy niya. "Daddy, mommy!" muling sigaw ni Yahir ng isa-isang magsilapitan ang mga taong naging saksi sa aksidenteng iyon. Ang iba ay nakikiusyoso lang, habang ang iba ay mabilis na tumawag ng rescue. Ilang sandali pa at narinig na ang wangwang ng ambulansya, at ang patrolya ng mga pulis. Nahihilo pa rin si Yahir ng lapitan siya ng mga pulis. Pilit siyang inilalayo ng mga ito sa mommy niya na hindi niya pinayagan. Kaya naman halos magwala na siya ng makabitaw siya sa mommy niya. Hilam ang mga mata, gawa na rin ng labis na pag-iyak. Pero hindi hindi magawang lapitan ang mommy at daddy niya dahil hawak siya ng isang pulis. "Mommy, daddy," halos pabulong na niyang sigaw dahil nawawalan na siya ng boses, gawa ng labis na pag-iyak. Maingay gawa ng pag-uusap ng mga tao. Ngunit wala ng maintindihan si Yahir kundi ang tinig niya na patuloy lang sa pag-iyak. Alam niya ang posibilidad na nangyari sa mga magulang niya. Kitang-kita niya ang dugong patuloy na umaagos mula sa katawan at ulo ng mga magulang niya, pero humihiling siyang nagkakamali lang siya. Napakabata pa niya para mawalan ng pamilya. Paano siya mabubuhay kung wala na ang mga taong kailangang gumabay sa kanya. "A-anak?" tawag sa kanya ng isang babae kaya napaligon siya doon. Doon lang niya naramdaman ang pagluwag ng pagkakahawak ng pulis sa kanya. "Y-yaya," aniya ng makita ito. Bumalong na naman ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Agad niyang niyakap ang kanyang Yaya Constancia ng makalapit ito sa kanya. "Tahan na anak. Nandito lang si yaya. Hindi kita pababayaan. Tulad ng pangako ko sa mga magulang mo. Tahan na anak," lumuluha na ring wika ni Yaya Constancia. "Y-yaya, s-si m-mommy at d-daddy," nauutal pang sambit ni Yahir, ng makaramdam siya ng pagdidilim ng paningin. "Yahir!" dinig niya ang malakas na sigaw ng yaya niya, bago tuluyang nilamon ng kadiliman ang kanyang kamalayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD