TKM 1

2870 Words
Mataas taas na ang sikat ng araw, masakit sa balat dahil pasado na iyon alas Diyes ng umaga. Ngunit hindi iyon alintana ni Troy habang nag iigib siya ng tubig. Pang huli na niya iyon na igib para sa kanilang kapitbahay na si Aling Rosa. Huminto siya saglit upang magpahinga at nahuli niya ang iilang mga pares ng mga mata na nakatingin sa kanya at binalewala niya iyon, bumunot siya ng malalim na buntong hininga at saka niya kinuha ang dalawang balde na may lamang tubig at saka patuloy na naglakad.  Alam niyang siya na naman ang pinag uusapan ng mga tsismosa na nagkukumpulan sa isang mesa habang nagsusugal ang mga ito. Sanay na siya sa ganitong eksena sa kanilang lugar, ang mga ale ay walang sawang nagtsi tsismisan, at karamihan naman sa mga kalalakihan ay maaga pa lang ay alak, o di kaya ay laging may riot sa kanilang lugar. Halos sa araw araw ay wala namang bago sa kanya. Kaya inalis niya sa kanyang isipan ang laging kaganapan sa kanilang lugar habang naglalakad na bitbit ang dalawang balde. "Oh, Troy eto na ang bayad ko sa'yo." Wika ni Aling Rosa.  "Salamat po Aling Rosa." Sabay niyang inilagay sa bulsa na maong na short na kupas ang halagang isandaang piso. May pambili na siya ng kape at asukal bago siya umuwi sa kanilang bahay. At habang paalis sa bahay ni Aling Rosa ay naramdaman niyang tutulo na ang pawis sa kanyang noo. Gamit ang dulo ng laylayan ng suot niyang sando na puti ay pinahid niya ang mga iyon. Saka siya naglakad papunta sa tindahan para makabili ng kanilang kailangan dahil ubos na ang kape at asukal sa kanilang mesa.  Sa tindahan, matapos niyang mabili ang dapat bilhin.  "Troy, may balanse ka pang dalawang daan sa akin. Kailan mo ako babayaran?" Singil ng isang may edad na babae. "Aling Pasing, pasensya na ho kayo at hindi pa ako nagkaka pera eh. Hayaan ho ninyo babayaran ko naman kayo kapag mayroon na ako." Nahihiyang turan niya sa babae. At napako ang kanyang atensyon sa isang kilalang tao na nasa television ni Aling Pasing.  Si Mark Andrew de Ayala ang nasa tv. Ang anak ng pinaka mayaman na negosyante sa Pilipinas. Nung nagsabog ang Diyos ng biyaya, walang duda na si Mark Andrew de Ayala ang nasa unahan. Bukod sa ubod na ito ng gwapo, ay napaka yaman at kilala sa buong mundo. At nakapag asawa ng isang beauty queen na naging isang supermodel, at namatay rin ang asawa matapos ang iilang taon na pagsasama. Matanda sa kanya si Mark Andrew ng dalawang taon. Tandang tanda niya pa ang trahedya, iilang taon na ang nakalilipas. Muntik muntikan na silang masagasaan ng sasakyan nito habang tinutugis ng mga masasamang loob sa kalsada, at magmula noon kapag may balita siyang naririnig, o nakikita ay pinagtutuunan niya ng pansin na panuorin o basahin ang tungkol kay Mark Andrew de Ayala. At naputol ang kanyang pag iisip nang magsalita ang ginang. "Oh bueno, mabait ka naman at marunong magbayad kahit matagal. Pero Troy ah, nagtindahan ako para hindi utangin mga paninda ko. Dito ako kumukuha ng pangka buhayan ko. Marami kayong mga may utang sa akin." Diretsahang turan ng may edad na babae. "Pasensya na ho kayo. Makakaasa ho kayo na babayaran ko yung utang ko." Nahihiyang turan ni Troy sa ginang. At saka siya nagpaalam at nilisan na niya ang tindahan.  "Hi Troy"  At napatingin siya sa pinagmulan ng boses. Ang baklang si Mary na may ari ng isang maliit na salon na nakatayo sa harapan ng salon at naninigarilyo.  "Saan ka galing?"  "Diyan lang sa tindahan." Tipid niyang sagot at saka niya ipinagpatuloy ang paglalakad.  "Baka gusto mo dito kumain ng tanghalian. Ipagluluto kita." Alok ni Mary.  "Salamat na lang Mary." Pagtanggi niya sa alok ng parlorista. Alam niya ang gawain ng bakla dahil naririnig niya na usap usapan sa kanilang barangay ang ginagawa nito sa mga kalalakihan.  "Ikaw ah, pang ilang beses mo na ako tinatanggihan sa alok ko." Tampong sagot ni Mary.  Hindi na siya sumagot. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa makaabot siya sa basketball court.  "Troy, sali ka amin! Matagal ka ng hindi sumasali sa laro!" Alok ng isang binata na kanyang kapitbahay.  "Pasensya na tol, may mahalaga akong gagawin ngayong araw eh. Sa ibang araw na lang." Tanggi niya sa kanilang kapitbahay na si Danilo. Ang kanyang kababata. Ito ang pinaka malapit sa kanya na kaibigan sa kanilang lugar. At nakita niyang umalis ito saglit sa basketball court at lumapit sa kanya. Sabay itong umakbay sa kanya.  "Tol, matagal ka ng hindi nakakalaro kasama kami. Kahit saglit lang naman please?" Pakiusap ni Danilo sa kanya.  "Sorry tol ah? Simula kasi ng mamatay si tatay Dante, ako na ang tumayong tatay sa amin. Si nanay hindi ko alam kung saan ako hahanap sa araw araw na gamot niya. Basta tol, sorry talaga. Hayaan mo, babawi ako sa'yo. Pero sa ngayon kapakanan ng pamilya ko ang uunahin ko." At tinapik niya ang likod ng kanyang itinuturing na bestfriend. "Kawawa ka naman tol. Sige kapag nagpadala si ate sa amin ng pera, pahihiramin kita ng sobra sa allowance ko." Alok ni Danilo sa kanya.  "Tol, huwag na. Nakakahiya. Alam kong kailangan mo rin iyon para sa pag aaral mo." Tanggi ni Troy.  "Tol, matalino ka naman diba? Bakit hindi ka mag aral ng college? Papasa ka bilang scholar." Wika ni Danilo.  "Tol, gustong gusto ko. Pero sino ang mag aasikaso kay nanay? At sa mga kapatid ko? Sino ang maghahanap buhay para sa amin? Lalo na kapag nag aral ako ulit dagdag gastos rin kahit na scholar ako." Himutok ni Troy sa kaibigan.  "Pero tol, sayang talaga. Pero saludo ako sa'yo. Bibihira ang kapatid na gaya mo. Pero sana, minsan huwag mong tanggihan ang konting tulong na binibigay ko sa'yo kasi kaibigan kita, hindi lang basta kaibigan dahil mag bestfriend tayo mula pagkabata." Makahulugang turan ni Danilo sa kanya.  "Sige tol, salamat sa alok mo. Hayaan mo sige kapag walang wala talaga ako, hindi ako tatanggi sa alok mong tulong. Sige mauuna na ako tol, mag aasikaso pa ako ng pananghalian namin." Saka siya naglakad patungo sa isang masikip na eskinita at sa dulo niyon ay nandoon ang kanilang maliit na barong barong.  "Si mestisong hilaw."  "Anak sa pagka dalaga, landi kasi ng nanay."  Mga salitang narinig niya sa mga tsismosang nag uusap usap sa tabing daan. Hindi na niya iyon pinansin pa at patuloy lang siya sa paglalakad. Sanay na siya mula pagkabata ay ganun ang kanyang naririnig kaya manhid na siya.  "Inay? Nandito na ho ako." Habang binubuksan niya ang pinto na yari sa yero.  "Anak, mabuti dumating ka na. Pasensya ka na at hindi ako makakilos ngayong araw. Hindi tuloy ako makapaghanda ng pananghalian natin."  "Ayos lang po inay. Magpahinga na lang muna kayo. At huwag na muna kayo tatanggap ng labada. Baka makasama sa inyo. Alam naman po ninyo na bawal sa inyo ang nagpapagod." Sabay lapit sa kanyang ina na nakahiga at panay ang ubo nito.  "Inay, uminom na ba kayo ng gamot kanina?" At sabay niya tinignan ang kinaroroonan ng gamot nito sa tabi ng higaan ng ina. Malapit na iyon maubos. Hindi iyon aabot hanggang bukas ng gabi.  "Anak, mamaya na lang ako iinom. Para umabot pa hanggang bukas ng gabi iyan. Bukas, susubukan kong maglabada para may pambili."  At sabay sunod sunod na ubo ng kanyang ina.  "Pasensya ka na anak, dahil sa sakit ko ikaw ang gumagawa ng paraan kung paano tayo mabuhay. Dapat sa'yo nag aaral. Kung hindi lang sana namatay ang tatay Dante mo, kahit paano nakakaraos tayo." At lumuha ang kanyang ina.  Dali daling niyakap niya ang kanyang ina habang nakahiga. Upang pagaanin ang loob nito.  "Inay, ginagawa ko po ang lahat dahil iyon ang nararapat bilang panganay sa pamilyang ito. Kahit kailan hinding hindi po ako makakaramdam ng pagod, at reklamo kung para sa inyo at sa mga kapatid ko ang ginagawa ko." At nakaramdam si Troy ng maluluha siya ngunit tiniis niya iyon na huwag matuloy dahil ayaw niyang makita siya ng kanyang inay sa ganoong sitwasyon.  "Sige ho inay. Ihahanda ko na po ang tanghalian. Maya maya ay nandito na sila." At saka siya tumungo sa kusina.  Dalawang balot ng bagoong, at iilang kamatis ang kanyang nakita sa mesa. Kinuha niya ang mga iyon upang gawing ulam sa kanilang pananghalian.  At maya maya lang ay dumating na ang kanyang tatlong kapatid sa ina. Si Let let na sasapit na sa ika labingtatlong taon nitong gulang, si Tristan na sampung taong gulang at ang bunso nila na si Neil na seven years old.  Dahil sanay sa kahirapan, ay masaya silang kumain na magkakapatid at ina sa nakahain na tanghalian.  Matapos ang pananghalian ay tinignan niya ang laman ng kanyang lumang wallet. May laman pa iyon na 30 pesos. Puwede na iyon pamasahe sa pinapasukan niyang part time na trabaho bilang carwash boy.  Mabilis siyang nag ayos para makarating ng maaga sa kanyang pupuntahan. 150 pesos lang ang kanyang kinikita roon at tatlong beses lang siya pinapa pasok roon sa loob ng isang linggo. Hirap siyang makahanap ng permanente na trabaho dahil highschool lang ang kanyang natapos. Kaya kahit papaano ay malaki ang kanyang pasasalamat dahil may kinikita siya.  "Inay, papasok na ho ako sa trabaho." Sabay yakap at halik sa noo ng kanyang ina.  "Mag iingat ka anak."  "Salamat inay." At saka niya tinignan ang mga kapatid habang nanunuod ang mga ito sa mumurahing tv. "Letlet, ikaw ang panganay ah? Kayo na ang bahala sa nanay. Diretso akong uuwi matapos sa trabaho." Sabay yakap niya isa isa sa mga kapatid.  Pagdating niya sa carwash ay kaagad niyang ginawa ang kanyang dapat gawin. At mabilis lumipas ang mga oras at maga ala sais na iyon ng gabi. Malaki ang kanyang pasasalamat ng abutan siya ng isang customer na halagang 200 pesos bilang tip.  "Makakabili ako ng gamot ni inay. Saka ulam na barbecue sa kanto." Masayang wika niya sa kanyang sarili.  At napadaan siya sa isang sikat at malaking mall na hindi kalayuan sa carwash. Napadako ang kanyang tingin sa mga naka display na mga damit. At may biglang lumapit sa kanya.  "Hi, ano ang name mo?" Bati ng isang may edad ng bakla.  Kahit saan siya magpunta, mapa bakla, babae, o lalaki ay lagi siyang nilalapitan.  "Bakit ho?" Maang na tanong niya. "Kasi, kakaiba ka. Ang lakas ng dating mo bukod sa napaka gwapo mo. Puwede kang model."  "Salamat na lang ho. Pero hindi ako intresado." Tanggi niya sa alok ng bakla. Alam niya ang kalakaran ng mga ito. Hindi sa kanya bago iyon. Ilang beses na siya nilapitan, inalok ng ganoong trabaho pero may hinihinging kapalit. Kundi, ang makasiping siya at gawing boyfriend ng mga ito. At saka siya naglakad palayo. Pero sumunod ito sa kanya.  "Pero if ever you changed your mind, here is my contact details. I know what is in your mind. Don't worry hindi ako kagaya ng iniisip mo."  Natigilan siya sa sinabi ng bakla. At nilingon niya ito at tinignan niya ito sa mga mata.  "Salamat pero pag iisipan ko ang alok mo." At saka niya kinuha ang inaabot nitong business card.  "Yna Magda" ang nakalagay na pangalan sa business card at saka niya iyon binulsa. At naglakad palayo sa lugar na iyon. At matapos mabili ang iilang piraso ng mga barbecue at gamot ng kanyang inay ay umuwi na siya agad. Matapos ang hapunan ay maaga siyang gumayak para sumali sa isang pageant. Dadayo siya. Baka sakaling palarin siya at manalo. Extra income na rin para sa kanya ang ganitong klase lalo na madalas siyang makakuha ng award. Pero hindi pa siya pinapalad na manalo ng title. Pero malaking bagay na sa kanya ang palaging second o first runner up. At may naiiuwi siyang pera na pang gastos.  "Salamat tol, sa pagsama ah? Nakakahiya sa'yo nag arkila ka pa ng trike para makarating." Turan niya sa kanyang bestfriend na si Danilo.  "Wala iyon tol. Saka twenty minutes na lang mag uumpisa na. Mas mabuting nag trike tayo kesa sa jeep para sure. Saka malay natin palarin ka ngayong gabi at may pang gastos kayo." Wika ni Danilo sa bestfriend.  At maya maya ay nakarating na sila sa venue. Marami na ang mga tao, kung kaya dali dali si Troy na pumunta sa backstage.  Malapit na mag umpisa, tinignan ni Troy ang kanyang sarili sa harap ng malaking salamin suot niya ang isang masikip na red trunks. Lalo siyang pumuti sa kanyang suot na nagpatingkad ng kanyang kutis. Maamo ang kanyang mukha, matangos na ilong at medyo makapal na lower lip. At saka siya huminga ng malalim.  ******** Kabado si Levi ng mga oras na iyon habang may kausap sa telepono ang kanyang kaharap. Bilang pinuno ng kanilang team, siya ang representative ng kanilang grupo. Bigla siyang pinatawag at may sasabihin daw sa kanya ang future CEO ng de Ayala Corp. Kung kaya he cancelled his appointment sa isang agency. At maya maya ay natapos na ito sa telepono at humarap sa kanya ng seryoso.  Bakit sa ganitong oras siya pinapunta sa office nito? At naputol ang kanyang pag iisip bigla.  Strict, sopistikado, at mukhang napaka suplado ni Mr. Mark Andrew de Ayala.  "Congratulations, Mr. Levi Castillo, I am quite impressed of your designs. So that's why, I am pleased to inform you that you and your collegue are hired as the architect of the de Ayala's Corporation newest business venture. The only six star hotel of the country. The de Ayala Hotel."  Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kanyang kaharap na nakaupo sa executive chair. Mahigit nasa isang daan silang nagpakita ng kanilang obra sa pagde design, at marami rin ang mga foreign na kanilang nakalaban, pero eto design nila ang napili.  "Thank you so much and it's such a big honour to be chosen by you Mr. Mark Andrew de Ayala. I promise, I will not dissapoint you, and the de Ayala Corporation." Nanginginig na ini offer niya ang next CEO ng isang handshake. At mabilis naman nitong tinanggap. At saka binawi agad. "Mr. Castillo, for the next few days we will organise a meeting for the final design. My assistant will give you a call for the further informations."  "Yes, Mr. de Ayala. And again, thank you so much. I will see you again soon for the meeting." At saka siya tila nasa alapaap habang palabas ng office at pagdating niya sa loob ng elevator, ay saka siya nagtatalon sa tuwa. "Yes!! Wohooo!! Nakuha ko rin sa wakas ang biggest dream ko!" At kaagad siyang nag dial sa kanyang wife na si Veronica at binalita niya ang napaka gandang good news.  Habang papalapit si Levi sa kanyang suv na BMW X6 ay masayang masaya siya ng sobra.  "Malaking impact sa career ko as an architect na mapili ng mga de Ayala." Sabi niya sa kanyang isipan bukod sa kikita ang kanilang grupo na consist of five people ng mahigit 300 million pesos.  **********  Sa kasamaang palad, hindi pinalad si Troy na manalo. Second runner up lang siya at hindi siya nakitaan ng pagka dismaya. Malugod niyang tinanggap ang award at suot niya ang kanyang formal wear na pinahiram sa kanya ng kanyang bestfriend na si Danilo. Kitang kita niya ang pagbibigay sa kanya ng suporta ni Danilo mula umpisa hanggang sa matapos ang pageant.  Habang pauwi.  "Tol, masaya ako dahil makakauwi ako ng may two thousand. Tara, kain muna tayo bago tayo umuwi." Yaya ni Troy sa bestfriend.  "Ay huwag na. Itago mo na lang yan tol. Kumbaga, yung tulong ko na lang eh yung samahan ka at suportahan." Tanggi ni Danilo.  "Kahit na tol. Saka naabala ka at ikaw pa nagbayad ng trike kanina. Kahit halagang tig one hundred sa Jollibee yung kainin natin para naman maka kain tayo at makabawi sa'yo." Pagpupumilit ni Troy kay Danilo.  "Sige b-bahala ka. Basta ako, okay lang talaga ako." Wika ni Danilo.  Sa loob ng Jollibee.  Halos may napapatingin sa magkaibigan habang patungo sila sa mesa na kanilang kakainan. Kapwa ang dalawa guwapo, halos magkasing taas, at kapwa maganda ang hubog ng katawan. At habang kumakain ay napag kwentuhan ng dalawa ang kanilang mga kalokohan noong mga bata pa sila.  Palapit na sila sa kanilang barangay bandang mga alas Diyes na iyon ng gabi ng salubungin sila ng isang teenager na lalaki.  "Kuya Troy! Nasa ospital si Neil!" Tila bombang sumabog ang kanyang narinig. Kapwa nabitawan niya ang kanyang dalang malaking paper bag na naglalaman ng kanyang ginamit sa pageant at isang plastic na naglalaman ng pagkain.  "Toy, si inay? Nasaan?!" Sunod sunod na kaba ang kanyang naramdaman ng mga sandaling iyon.  "Kuya Troy, nasa ospital rin. Sama sama silang dinala sa ospital si Neil." Sagot ng batang lalaki.  Dali dali silang nagpunta ni Danilo sa ospital kung saan dinala ang kanyang kapatid na bunso.  Pero may isang napakasamang balita na sumalubong agad sa kanila sa ospital. Bukod sa nag aagaw buhay ang kapatid, ay hirap kanina ang kanilang ina na si Divina sa paghinga kung kaya na confine ito.  Biglang bumuhos ang mga masaganang luha sa mga mata ni Troy . Humagulgol at napasandal siya sa pader.. Anong klase at anong parusa ang ibinigay sa kanila ng gabing iyon? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD