Introduction

279 Words
Siya si Troy Punzalan, dalawampu't tatlong taong gulang. Isang guwapong mestiso na laki sa isang slum area. Ang pagkakaalam niya ay anak siya ng isang Amerikanong bakasyonista na nakilala ng kanyang ina na si Divina. Ngunit hindi sila pinanagutan nang malamang buntis ang kanyang ina at umalis ito ng walang paalam. Hanggang sa mag isa siyang itinaguyod ng kanyang ina nung siya ay isinilang. Lahat ng hirap at pasakit sa buhay ay naranasan niya at ng kanyang ina. Ang mapanghusgang lipunan ay tiniis nila at tila napaka ilap ng magandang bukas at kapalaran sa kanilang mag ina. Ngunit nung siya ay sampung taong gulang na ay nakilala ng kanyang ina ang kanyang naging step father na si Dante at tinanggap siya nito. Nagkaroon siya ng tatlong kapatid, dalawang lalaki at isang babae. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay namatay sa hit and run ang kanyang step father. Sa nangyaring pagkamatay ng kanyang stepfather ay doon mas lalong bumigat ang kanilang kalbaryo sa buhay.. may iniinom na gamot sa araw araw ang kanilang ina, ang kanyang mga kapatid ay nahinto sa pag aaral dahil sa pagkawala ng ama ng mga ito na siyang nagtitiis sa kakarampot na sahod bilang construction worker. At samantalang siya ay kahit papaano ay nakapagtapos ng highschool kahit pahinto hinto. Pero tila sumilay ang isang pag asa nang dumating sa kanyang buhay si Levi Castillo na isang magaling na arkitekto. Ano ang magiging papel nila sa isa't isa?  "Alam kong hindi ito ang aking kapalaran, ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at pinagtagpo kaming dalawa upang baguhin ang masalimuot kong landas sa buhay..." Ako si Troy ang "The Kept Man" at ito ang kwento ng aking buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD