Hindi pinansin ni Troy ang pagpapa kalma sa kanya ng kanyang bestfriend na si Danilo sa pamamagitan ng paghawak nito sa kanya sa magkabilang balikat habang umiiyak siya sa hallway ng ospital.
"Da-Danilo si inay, at ang kapatid ko!" Habang bumubuhos ang mga luha sa kanyang mga mata. Balewala sa kanya kung pinagtitinginan siya ng mga taong dumaraan sa hallway. At habang nakayakap sa kanya ang dalawa niya pang kapatid na sina Let let at Tristan.
"Kalma ka lang tol. May awa ang Panginoon. Sila na lang ang natitira mong pamilya kaya hindi sila mawawala sa'yo." Pagpapakalma pa rin ni Danilo sa kanyang bestfriend.
Tinignan lang ni Troy ang matalik na kaibigan at saka siya naglakad papunta sa kinaroonan ng kanyang mga mahal sa buhay. Ang kanyang inay ay nakaratay at walang malay. May nakalagay ditong oxygen. Ang kanyang bunsong kapatid na si Neil ay nasa operating room. Natamaan ng ligaw na bala sa dibdib ng may nangyaring barilan sa pagitan ng mga pulis at mga drug dealer. Nakausap niya na ang doktor kani kanina lang. Malaki ang kanyang kailangan na pera para sa kanyang inay at kapatid. Nakiusap siya na gamutin ang kanyang inay at simulan na ang operasyon para kay Neil ngunit, kailangan niya maibigay ang downpayment na halagang fifty thousand bukas ng hapon. Saan siya kukuha ng halagang fifty thousand pesos? Samantalang ang pinaka malaking pera niyang nahawakan sa kanyang tanang buhay ay limang libo lang? Huminga siya ng malalim at saka siya nag isip. Mahaba haba pa ang oras para makahanap ng halagang fifty thousand pesos. Saka na niya iisipin ang buong babayaran sa ospital. Ang mahalaga ay ginagamot na ang kanyang inay, at inooperahan na ang kanyang kapatid na si Neil.
"Tol, may ipon akong pera. Hindi ko pa alam kung magkano iyon. Idagdag mo, at tutulungan rin kitang mabuo ang kailangan mo na halaga." Alok ni Danilo.
Hindi siya kumibo sa sinabi ng kaibigan. Nanatili siyang nakaupo at nakayuko. At saka niya naisip ang dalawa niya pang kapatid na sina Let let at Tristan. Kailangan ng mga makauwi para makapag pahinga sa bahay. At saka siya nagpasyang umuwi na muna, at maghahanap ng paraan kung saan kukuha ng pera.
Habang sakay ng jeep ay malalim ang kanyang iniisip. Hindi niya alam kung saan siya magsisimulang maghanap ng pera. At ang kanyang mga kapatid ay wala ring imik.
"Tol, bababa na tayo." Wika ni Danilo.
At saka lang niya namalayan na nandoon na pala sila sa kanto ng kanilang barangay.
"Tol, pasensya ka na ah? Ang laki ng problema ko sobra. Hindi ko alam kung paano ko ang mga ito kakayanin." At saka siya napabuntong hininga at ramdam niyang tutulo na naman ang kanyang mga luha ngunit alam niya na walang magagawa ang mga iyon kung kaya nilakasan niya ang loob at kailangan na niyang kumilos kung paano magkakapera.
"Wala iyon tol. Alam kong napakabigat ng problema mo. Hatid ko na muna kayo sa inyo bago ako uuwi sa amin." Alok ni Danilo.
"Si-sige. Salamat tol." Sagot ni Troy sa bestfriend.
Pagdating sa kanilang munting bahay.
"Kuya, paano yan? Saan tayo kukuha ng pera na pambayad bukas?"
"Let let, si kuya na ang bahala. Basta kayo ni Tristan magpahinga na kayo. Masyadong gabi na." Wika ni Troy sa kanyang mga kapatid.
"Kuya nagugutom ako." Wika ng kanyang kapatid na lalaki na si Tristan.
"Let, kumain muna kayo ni Tristan." At saka niya pinaghanda ng makakain ang dalawa.
Habang kumakain ang dalawang kapatid, ay hindi niya mapigilan na lumuha ulit at saka siya tumalikod at kunwari ay inayos niya ang isang nakapatong sa isang maliit na mesa na yari sa kawayan.
"Kuya, hindi ka ba sasabay sa amin?" Tanong ni Letlet.
"L-let, kayo na lang muna kumain. H-hindi pa ako gutom." At saka niya tinignan ang dalawa ng dahan dahan. Siniguro niyang hindi sa kanya nakatingin ang alin man sa dalawang kapatid bago niya pinahid ang mga luha.
Pinagmamasdan na muna ni Troy ang mga kapatid hanggang sa makatulog ang mga ito. At saka siya may naalala. Ang nagbigay ng calling card kanina. At dali dali niyang hinanap ito sa bulsa ng kanyang pinaghubaran na short kanina. At nahanap niya ito kaagad.
At bigla siyang nakarinig ng mga katok na mahina sa pinto.
"Tol, si Danilo 'to."
At saka siya tumungo sa pintuan upang pagbuksan ang kanyang kababata.
"Tol, eto nasa six thousand pala ang naipon ko mula last year. Idagdag mo sa pambayad bukas ng hapon. Nakausap ko na pala ang mga iba kong kakilala. Mag aambagan raw sila, at lilikom ng pera para tulong sa inyo."
Nakaramdam ng malaking hiya si Troy sa ginagawa ng kababata.
"Tol, bakit mo kinuha ang perang ipon mo? Paano ka? Hindi mo na dapat pang ginagawa ang mga bagay na ito dahil wala ka naman responsibilidad sa amin ng pamilya ko. Hindi ko matatanggap iyan."
"Tol, syempre magkaibigan tayo. Sino pa ba ang magdadamayan? Saka kung ayaw mo tanggapin bilang tulong, kahit utang na lang tol. Para kahit papaano makadagdag ito. Kung kailan mo kaya na magbayad, saka mo na lang ako bayaran. Pero kung ako masusunod, ayaw kong bayaran mo."
At saka si Troy huminga ng malalim. Yumuko, at saka niya iniangat ang tingin.
"Salamat tol. Pero utang ito ah?" Nahihiya niyang turan kay Danilo.
"Tol, ikaw ang bahala."
At saka niya naisip ang kanyang plano. Alam niyang hindi basta basta aabot sa halaga kung sakaling makalikom man. Kaya buong tapang at lakas ng loob ang kanyang gagawin.
"Tol, may pabor pala ako na hihingiin. Puwede bang ikaw na muna dito sa bahay para may mga kasama sina Letlet at Tristan? Mga isa o dalawang oras lang, babalik na ako."
"Bakit tol, saan ka pupunta?"
Nakita ni Troy ang bakas ng pagtataka sa mukha ng kababata.
"May kakausapin lang akong tao tol. At puwede ko ba mahiram na muna ang celphone mo? Gagamitin ko lang sa lakad ko. Ibabalik ko mamaya pag uwi." Ni celphone ay wala siya. Aanhin niya naman? Pang dagdag pa sa gastos ang load. Kung kaya hindi na siya intresado pang magka celphone.
"Si-sige. Pero tol, mag iingat ka sa lakad mo ah?"
At iniabot sa kanya ni Danilo ang mumurahin na celphone.
"Salamat tol. Saglit lang ako. Ikaw na muna bahala sa mga kapatid ko ah?" Pakiusap ni Troy.
"Sige, tol walang problema."
At saka si Troy nag ayos ng maisusuot. Alam niyang kahit na hindi maganda at maporma ang kanyang mga damit ay alam niyang lutang ang kanyang kakaibang kaguwapuhan.
Nang makapagpa load si Troy sa loob ng isang convenience store ay saka siya nag dial sa keypad na hawak na celphone. Ala una na iyon ng madaling araw pero kailangan niya talaga gumawa ng paraan kung kaya kahit na dis oras ay tatawagan niya ang maaaring makatulong sa kanya.
Yna Magda ang nakalagay na pangalan. At doon niya lang napansin ang nakalagay sa taas ng calling card.
"Luxury and Five star service manager" ang nakalagay. At hindi na niya iyon pinansin pa. At maya maya, ay may sumagot na sa kabilang linya.
"Hi good morning, this is Yna Magda, how can I help you?
"Y-Yna Magda?" Utal na sagot ni Troy.
"Yes, speaking. Sino po sila?"
"A-ako to. Yung kanina. Y-yung lalaki na binigyan mo ng calling card mo sa harap ng mall."
"Ah, ikaw ba yung mestiso na super pogi?"
"O-oo a-ako nga ho.." at saka siya humugot ng malalim na hininga at saka siya nagsalitang muli.
"Mam Yna, ano ho pala ang ini offer mo sa akin na trabaho?"
"Well, it looks like na intresado ka na sa offer ko. Sige, bukas magkita tayo ng hapon. At sasabihin ko sa'yo ang lugar. Tatawagan kita sa number na gamit mo."
"Mam, puwede bang ngayon na ho tayo magkita? Pasensya na, importante kasi at saka hindi sa akin ang celphone na gamit ko." Pakiusap ni Troy sa kausap sa kabilang linya.
"Well, mukhang importante nga. Halata ko sa boses mo. Sige, give me an hour at tatapusin ko lang ang trabaho ko. Magkita tayo sa isang coffee shop or hotel. Saan ka ba ngayon?"
At saka niya sinabi ang kanyang kinaroroonan.
"Well, may malapit diyan na twenty four hours na restaurant. Diyan tayo magkita. Ano ang full name mo para matawagan ko ang restaurant at magpapa reserve ako ng table for us."
Sinabi niya ang kanyang pangalan at sinabi na rin sa kanya ni Yna ang pangalan ng lugar at doon siya tumungo.
Kaagad siyang umupo sa isang table na pribado at binigyan kaagad ng waiter ng maiinom pagka upo niya. First time niya makapasok sa ganoon na klase na restaurant.
Malamig ang buong paligid at kabado siya. Ngunit kailangan niyang balewalain ang nararamdaman. Mabilis lumipas ang mga sandali. At natanaw niyang parating na ang kanyang kikitain.
"Hi Troy, what a nice name. Sorry kung pinaghintay kita ng isang oras. May inasikaso pa kasi akong dalawang clients."
"A-ayos lang ho mam Yna."
"Ano pala gusto mong kainin?"
"Hindi na ho ako kakain mam Yna, salamat. Pag usapan na lang natin yung tungkol sa inaalok mo sa akin."
"Well, mukhang nagmamadali ka yata?"
"O-oho mam Yna. Kalaban ko ang oras. Pasensya na ho."
"Sige Troy. Since na ikaw na ang lumapit sa akin. Mago order muna ako ng sandwich at drinks."
At tinignan lang siya ni Yna at saka nito tinawag ang waiter. At nang makaalis na ang waiter ay saka nagsalita ang kanyang kaharap.
"Well, Troy isa akong manager ng isang escort agency. Pero hindi basta bastang escort agency. Ang mga clients namin ay mga bigatin. Magmula sa mga mayayaman na negosyante, mga turista, at mga taong handang mag spend ng malaking pera para sa kanilang matitipuhan. As of now, wala kaming bakante. Ang ini offer ko sa'yo ay maging isa sa mga model ng aming website. Male model para sa male escort section." Mahabang pahayag ni Yna.
"M-magkano ho ang bayad?" Tanong niya agad. Hindi na iyon masama. Magmo model lang pala siya sa isang website. Pero hindi basta bastang website. Kundi site ng isang escort agency.
"Fifty thousand pesos for one month contract." Sagot ni Yna.
Napaisip siya. Kung fifty thousand, ay makakabayad siya ng down payment. Pero saan pa siya kukuha ng buong kabayaran sa ospital? Bahala na!
"P-pumapayag ako mam Yna." Lakas na loob na sagot niya.
"Well, good. Next week na ang photoshoot mo para sa website kasabay ng kontrata. And by the way, ilang taon ka na pala Troy?"
"Twenty three na ho ako."
"Wow. Ayan ang hinahanap kong age." Nakangiting turan ni Magda sabay inom sa hawak na baso.
Pero bukas niya na kailangan ang pera. Kaya hindi na siya nahiya sa kanyang sasabihin.
"Mam Yna, baka puwede na ho natin masimulan ngayon ang photoshoot o di kaya bukas ng tanghali? Bago ho sana mag gabi. Kailangan ko ho ang pera."
"Why? Para saan?" Takang tanong ng kanyang kaharap.
"Emergency lang ho talaga. Sorry ho."
At tinignan siya ng kaharap ng ilang segundo at saka nagsalita.
"Troy, saglit lang. Tatawagan ko lang ang photographer namin."
Hindi siya umiimik habang may kausap sa telopono ang kaharap.
"Troy, aalis na tayo as soon as possible. Paalis mamayang umaga ang photographer."
At maya maya lang ay nilisan na nila ang lugar, at tumungo sa isang hotel upang doon gawin ang mabilisan na photoshoot.
"Mam Yna, saan mo to nakilala? Bukod sa napaka guwapo na, napaka photogenic! Effortless kahit anong anggulo. Isa sa pinaka guwapong kinukunan ko ng picture." Bulalas ng isang photographer.
"Ay naku, diyan lang. Kilala mo ako, hindi ako kukuha ng basta lang." Sagot ni Yna sa photographer.
First time ni Troy makuhanan ng isang professional na photographer at hindi siya nahirapan sundin ang mga pinapagawa ng photographer dahil ilang beses na siya sumali sa pageant. At ang kanyang mga daring na suot ay tila mga mamahalin ang mga iyon. At ang ilaw sa loob ng hotel room ay hindi gaano maliwanag. Matapos sa may kama, ay sa bathroom naman siya kinunan ng larawan.
Madaling natapos ang photoshoot. Nakuhanan siya ng iilang shots. At matapos ang iilang oras, ay mailalagay na raw iyon sa website. Nabasa na niya kanina pa ang kontrata. At naibigay na rin sa kanya ang bayad na halagang fifty thousand pesos sa loob ng isang makapal na envelope.
Nauna na si Troy umalis ng hotel matapos niyang magpaalam at magpa salamat sa mga taong nasa loob ng hotel. Nag offer pa si Yna, na pasakayin siya sa isang service car ng hotel at hindi niya iyon tinanggihan dahil may dala siyang malaking halaga ng mga oras na iyon.
*******
Kailangan niya pa mag-celebrate mamayang gabi. Bukod sa dinala niya sa isang mamahalin na restaurant ang kanyang asawa, anak, at mga kasamahan na Architect.
Nasa loob siya ng kanyang study room at doon siya nagpasyang tumungo matapos nilang magtalik na mag asawa. At ininom niya ang isang red wine at saka siya nag isip.
Matagal na panahon ang huli niyang natatandaan. Two years maybe. At kaagad siyang naghanap sa google ng website habang nasa ibabaw ng table ang kanyang mac pro.
Matagal na niyang gustong itigil ang kanyang ginagawa dahil pamilyado na siya. Pero hindi talaga kaya ng kanyang katawan. Lalo na ngayong kailangan niya mag celebrate sa kanyang tagumpay bilang isang magaling na Architect. Magiging abala na siya sa mga susunod na mga araw, linggo, buwan at taon. Kung kaya gusto niya na muna mag enjoy kahit isang gabi lang.
At may nakaagaw ng kanyang atensyon na isang website. At binuksan niya iyon.
Hindi na niya magawang tignan ang mga larawan ng mga escort na lalaki dahil napukaw ang kanyang atensyon sa model ng male escort section.
Napakasarap siguro ng pakiramdam kung ito ang magse-service sa kanya. Napaka guwapo nito at ang lakas ng dating. Hindi nalalayo ang itsura nito sa kanyang nakausap na kanyang magiging boss na si Mr. Mark Andrew de Ayala.
Kailangan niya ma-contact ang escort agency. Kailangan niya malaman kung escort rin ba ang kanyang nakita..