NAGTATAKA NAMAN si Brix kung bakit nag-uusap sila ngayon ng dalaga na animo’y matagal ng magkakilala. At komportable siyang sabihin dito lahat ng tumatakbo sa isip niya, pati emosyong kasalukuyang bumabalot sa puso niya. Weird, isip niya. “Siguro, dapat mo na siyang kalimutan, may asawa na siya, buksan mo nang muli ang puso mo…” wala sa sariling tugon ni Carmen. Naramdaman niya biglang pagdapo ng munting butil ng mga tubig sa braso ng lalaki. “Uulan ata..” anunsiyo niya. Nagkatinginan sila ni Brix. Minadali nito ang takbo ng kabayo, pero bawat segundo, papalakas ang bagsak ng ulan. “May isang beinte minutos pa bago tayo makalabas dito,” pahayag ng lalaki. “A-akala ko ba shortcut to?” maang ni Carmen, tanging ngiti lang ang itinugon sa kanya ni Brix. At talaga palang sinadya nito! T