Continuation... Nakapagtatakang may manaka-nakang bituin sa langit matapos ng ulan na iyon, natanaw ni Carmen sa di kalayuan ang mga mapupusyaw na ilaw mula sa mga kubo. Tahimik lamang sila ni Brix, kuntentong pinakikinggan ang paghinga ng isa’t isa, kuntentong nagbibigay ng init ang nakayakap nitong bisig sa kanya, Kung tatanawin sila, animo’y isang wagas na magsing-irog. Nakasakay sa isang kabayo habang malamig at balot ng bituin ang langit, gusto niyang ihinto ang oras. “CARMEN?” BASAG ni Brix sa katahimikan, kanina pa siya nag-iisip, konklusyon niya, wala naman sigurong masama kung ipupusta niya ang puso sa babae. Gusto pa niyang makilala ito ng lubusan, gusto niyang madiskubre kung bakit iba ang pakiramdam niya habang halos yakap nito ngayon. “Bakit?” tanong ng dalaga. “Gusto mo