Continuation... Nangunyapit siya dito ng tuluyang manghina ang tuhod niya, nanghingi siya ng lakas mula sa pagkapit sa batok nito. Maalab at mapangahas ang naging halik nito.Animo’y may panibagong mundo itong pinagbuksan sa kanya ngayon. Nang parang mawawalan na siya ng hangin, inilayo nito ang mukha sa kanya, pareho silang napahingal. A triumphant glint flashed on those jet-black eyes. Walang nagawa si Carmen kundi mapayuko at mapahikbi. “JEEZ!” LAKING gimbal ni Brix ng matunghayan ang pagyuko ng kaharap at biglaang paghikbi, na nauwi sa masaganang pag-iyak. Hintakot na ipinaling niya ang mukha nito sa balikat at yinakap ito, may lumanay na hinaplos niya ang buhok nito. “Shhh..” alo niya dito. Pakiramdam niya tuloy ay isa siyang kriminal, at ang kasalanan niya ay