BRIX
RAMDAM NI Brix ang mga mata ng trabahanteng nadaraanan at sandaling napapahinto at tinapunan ng mapanuring tingin ang Ferrari 360 Modena model niyang kotse. Kung sa downtown at mismong sentro ng siyudad ay natatapunan ng pagkahumaling at gitlang tingin ang kotse niya, mas lalong-lalo na dito sa liblib nilang lupain.
Imina-obra niya ang kotse at pinahinto ito sa front porch ng kanilang mansion, natambad sa kanya ang mabusising pagkakalandscape ng front lawn nila, naalala niya ang halos kawangis nito na Trocadero gardens ng Paris.
His mother Cornelia commissioned a landscape engineer sa pag-me-maintain ng parteng iyon at maging garden nila sa likuran.His mother is a woman with exquisite and delectable taste, lalo na sa muebles at kung anu-anong pang-adorno sa bahay, madalas, na fe-feature ang bahay nila sa local magazines at noon minsan sa isang national lifestyle magazine.
“Hijo!” his mother gasped ng mabungaran siya sa malaking arkong bungad ng mansion. “Why, you came home!” naluluhang yinakap siya nito, kinuha ng isang katiwala ang maliit niyang maleta.
“Mom,” nangiti siya at tinanggal ang Rayban shades, “hindi naman ako allergic sa lugar na ito, and besides, why not? My dear brother is marrying next week!”
Malaking ngiti ang ikinintal ng ina, batid man na medyo may hindi pagkakasundo ng ugali ang mga anak, inosente ito sa lihim ng mga anak tungkol sa mamanuganging si Persepone.
“O siya, magpahinga ka muna, ang lolo Julio mo ay nasa labas, your kuya Bernard, may inasikaso daw patungkol sa organic fertilizers, si Persepone lang ang kasama ko, may inaayos kami sa menu ng kasal nila.”
Napangiwi si Brix at napahikab. Matutulog siya at hinabilinan ang ina na gisingin na lamang siya sa hapunan.
Habang nakahiga sa king-sized na kama, hindi maiidlip ni Brix ang mata. Gusto niyang lumabas at takbuhin kung saan mang bahagi ngayon nakatayo si Persepone. Dalawang taon na mula ng huling makita niya ito, nakipag cool-off ito sa kanya matapos niyang magkolehiyo, hindi ito nagbanggit ng kung ano mang dahilan. Patuloy parin siyang umuuwi tuwing may mahalagang okasyon sa kanila, hangga’t noong paskong iyon nga niya natunghayan ang pagbisita nitong muli sa bahay at pag-anunsiyo ng kuya niyang kasintahan na nito ang babae.
Malalim ang sugat na naiwan ni Persepone sa kanya, may pitong taon rin silang naging magkasintahan. Alam ni Brix na hindi mumunting puppy love lang noon ang nadama niya, lalo pa’t playboy at mayabang ang bansag sa kanya noong highschool sila.
But with Persepone, pinilit niyang magpakabuti, maging loyal, he built his boyish dreams around her, araw-araw noong hinihintay niya na masabi ditong ito ang gusto niyang pakasalan.
NAKAUPO SILA sa mahabang upuang gawa sa tabla at mapanuri silang tinitingnan ng matandang may kwarenta anyos pa lamang ang edad. Malakas pa ang pangangatawan nito, hawak nito ngayon ang ibinigay nilang litrato.
“Nakikilala niyo po ba siya, siya po si Bert Santiago, sinulat niya po ang address na yan sa likod ng larawan…”
“Hmm...” napatango-tango ito,”inday, lolo niyo ba siyang talaga?”
“Oho, ako po si Carmen, at ito naman si Biboy-“itinuro ang kapatid na nilalantakan na ang durian na nakahain at nakalagay sa plato, maraming buto ng durian na wala nang nakabalot na laman ang namataan ni Carmen, “namatay si Lolo, at sa sulat niya sinabi niyang hanapin namin ang babaeng iyan…”
“Bata pa ako noon, mga siyam o sampu ng huli ko siyang makita, anak ako ng kaibigang trabahador ng lolo niyo,dito din nakitira at lumaki na si Kuya Bert sa amin noon,labing-lima pa lang siya ng ampunin ng tatay ko, nakita siyang nakahandusay sa kalye sa siyudad dahil sa gutom. Ang kuwento sa aki’y natatandaan ko, nasunugan daw ang pamilya nila, naupos lahat maging katawan ng mga magulang niya, nagpalabuy-laboy na ito at ayaw mapunta sa children’s home.”
Napailing-iling si Nong Pedro, nanlaki ang mata “Hindi ako makapaniwalang totoo nga! Totoo nga ang tsismis noon na may namamagitang kung ano sa kanila, noong bata pa ako, nakita ko sila sa may ilog minsan, musmos pa ako ngunit alam ko na kung anu man ang ginagawa nila, ginagawa iyon ng magkasintahan, ng tanungin ko kay itay ang tungkol doon, pinagalitan ako, galit na galit ito at pinalo ako ng walis. Kinaumagahan nga, alalang-alala ko na puno ng pasa ang mukha ni Kuya Bert. Simula noon, naging tahimik na si Kuya Bert, hindi na ito ngumingiti.”
Natahimik ang matanda at mas tinutukan ang litratong hawak, “Matapos ng ilang buwang kasal ni Amelia sa ipinagkasundo dito, mas naging matamlay si Kuya Bert, hindi na ito pumupunta sa lupain, hanggang isang araw, nawala na lamang ito…”
“Hindi ako makapaniwalang buhay pa pala si Kuya Bert…” sambit nito, “buong akala nami’y patay na siya, nalunod ang barkong iyon na sinakyan niya, nasa diyaryo pa ang pangalan niya, at ang bata-“ napamaang ito.
“Ang bata? Ano hong bata?” tanong ni Carmen, napakunot sa gitlang nabanaag sa mukha ng matanda.
“Ang anak ni Mam Amelia, ang sanggol ni Mam Amelia…” tuluyan ng nawalan ng kulay ang mukha ng matanda, “Diyos ko, imposible…” usal nito habang nakatitig sa kanila. “Paanong nangyari yun?”
“NONG PEDRO, sino naman yang magandang dilag na kasama niyo? Ipakilala mo naman sa amin!” gulat na napahinto ang mga kasamahang trabahanteng kasalukuyan na iniaayos sa isang basket ang mga pomelo.
“Ah, eto ba, si Carmen, dumating kahapon, kamag-anak ko mula Maynila, pinasyal ko dito, ng makita naman ang ganda ng lupa,” tipid na ngiti ni Nong Pedro.
“Magandang araw ho!” ngiting-bati ni Carmen sa mga kasamahan ng matanda, “Nong Pedro, sabihin niyo lamang kung anong maitutulong ko sa inyo, bilang ganti po ng pagpapatuloy niyo sa amin.”
“Ahy inday, huwag na…” paling ng kamay ng matanda, “sikreto lang natin iyon, may malalaking laban ka pang dapat kaharapin alam mo iyan, sa ngayo’y maglibot-libot ka muna sa lugar, may isang linggo ka pang hihintayin upang malaman mo ang katotohanan…” makahulugang wika nito.
“Sige ho, sisilip rin ako sa sinasabi niyong mansion…” may kasabikan niyang tugon. Tumango ang matanda.
Suot ang may kakupasan ng puting bestida at isang simpleng tsinelas, masayang naglakad sa abot ng paningin si Carmen, kung may kamera lamang siya, upang kunan ang lahat. Napangiti siya ng umihip ang malakas na sariwang hangin.
Lolo, dito rin ba kayo nagkita ni Amelia? Dito ba kayo nag-ibigan? Anong nangyari sa inyo? Isip niya.
Napabuntong-hininga siya ng maisip ang kuwento ni Nong Pedro kagabi, maging siya ay nalito rin sa daloy ng pangyayari, tulad ng sabi ng matanda, tanging si Amelia lamang at si Bert ang nakakaalam sa totoo. Tanging si Amelia lang rin ang makapagsasabi kung tunay nga siyang apo nito.Tanging si Amelia lamang ang may susi ng katotohanan.
Ngunit, kung tunay ngang apo pala sila, alam niyang may magbabago sa buhay niya, tulad nga ng sabi ni Biboy, parang sa teleserye at yayaman sila, dahil anak si Amelia ni Don Julio, ang tagapagmay-ari ng lupaing nililibot niya ngayon.
Ang problema, tanggapin kaya sila? O tanggapin kaya nila? Bakit hindi?
Ngunit batid niyang may takot ang puso niya. Pero paano kung hindi sila apo? Naalala niya ang huling usapan nila ni Nong Pedro kagabi.
“Diyos ko imposible…” usal ng matanda, “sa pagkakaalam ng buong bayan at siyudad, patay na ang unang anak ni Mam Amelia, ang anak na maaaring anak nga ni Bert kung ganun, kitang-kita ng mata ko neng, nasa libing ako noon, nasa libing ako ng patay na anak na sanggol ni Mam Amelia…”
“Ho? Patay ang unang anak ni Amelia?”
“Oo, matapos ng linggong paglayas ni Kuya Bert, inanunsiyong patay ang anak nito, kaya imposibleng ang tatay niyo ang anak niya..”
“Nong, imposibleng mag-imbento ang lolo, hindi siya sinungaling, totoong kadugo namin si Amelia, ayon sa kanya!” naitaas niya ang boses, hindi matanggap ng imahinasyon na imbento lang ng lolo ang lahat, o ipinipilit nito na karelasyon nila ang isang mayamang Buenavista.
Natigil ang saglit na pagmumuni-muni niya ng mamataan niya ng isang kabayong nakatali sa isang malaking puno ng mangga sa gitna ng nakakalat na maliliit na punong pomelo, sabik niyang binilisan ang lakad patungo sa kabayong iyon na itim na may linya ng puti sa ulo.
Nang tuluyan ng makalapit sa kabayo, saglit siyang napatigil ng madinig ang palitan ng boses na tantiya niyang nasa likod lamang ng malaking katawan ng manggang iyon.
Natuksong naikapit ni Carmen ang mga palad sa katawan ng mangga, at marahang sinilip ang kung sino mang nasa likod ng puno, kamuntik na siyang matumba sa gulat sa nakita.
Marahas na ikinabig ng lalaking magkadikit ang kilay sa galit ang babaeng iyon, ng mabilis nitong iyuko ang mukha na animo’y hahalikan ang babae, kidlat na naipaling rin ng babae ang mukha, kumawala ang isang kamay na mabilis na naisampal sa pisngi ng kaharap.
“Brix!” galit nitong sigaw, “Nababaliw ka na! Tama na!” animo’y nakakita ng artista si Carmen, naalala niya ang ganda ng babaeng yun sa artistang si Chaeska Garcia.
“Persepone, mahal parin kita, please…” mahinang banggit ng lalaki, kahit kaunti lang ang nasisilip, batid ni Carmen na guwapo ang mataas na bulto ng lalaking iyon.
Napahagulgol ang babae, mas napahalukipkip sa pagsilip si Carmen.
“Please, sabihin mo sa aking pwede kitang agawin, aagawin kita..”
“Brix, alam mong si Bernard-“
“Aray ko po!” matinis na napatili si Carmen, para itong nalagutan ng hininga, natutop ang nakabukang labi. May bigla kasing masakit na kumagat sa paa niya, ng palingan niya ng tingin ang tinutumbang lupa, may iilang pulang langgam na naglalakbay sa batong natumban niya.
Patay!Patay!Patay!, tili ng isip niya.Takbo!
Mabilis na naigalaw ni Carmen ang hita niya at lumundag patakbo, alam niyang hindi siya runner, pero adrenaline rush na siguro kaya feeling niya lumilipad na siya sa bilis, narinig niya ang malakas at mabigat na yabag ng tumatakbo ring nasa likod niya.
Nanay ko! Sinusundan ako ng lalaking yun!
“Tama na! Wala akong nakita!” tili niya, ng natuksong lingunin ang nasa likod, hindi na niya namalayan ang bultong iyon sa paanan, in a flash, nabunggo siya sa animo’y matigas na bagay, napapikit siya.
NAPADAUSDOS ANG katawan niya sa lakas ng impact ng pagkakabunggo sa bultong iyon, ngunit napigil siya ng hawakan siya nito sa braso.
“Hey, miss!” sinipat nito ang pisngi niya.
Napilitan si Carmen na ibuka ang mga mata niya, animo’y isang anghel ang nasilayan niya, litong nakatuon sa kanya ang itim nitong mga mata, may angking kakaibang pungay ang maamo at guwapo nitong mukha. Pumanaog ata sa lupa si San Gabriel!
“Bernard?!” pumailinlang ang sarkastikong boses, “kelan ka pa dumating?”
Bahagyang natauhan kaya’t pumihit si Carmen palayo sa lalaking iyon na hawak siya, natambad tuloy sa paningin niya ang matalim na matang iyon ng sinilip na lalaki kanina. Animo’y nangusap ang mata nito at binalaan siyang kung ano man ang nakita niya’y ikamamatay niya kung ibabanggit. Pinihit niya ang leeg at natanaw ang babae kanina na tumatakbo paalis ng mangga.
“Kanina pa,” tipid nitong sagot, “teka, sino tong babaeng to na tantiya ko’y hinahabol mo? Sabihin mo nga miss, nais ka bang r**e-in ng kapatid ko?” nalilito ngunit nakangiting tinunghayan siya nito.
“Ha?!” bulalas niya, “wala, wala! Hindi ko siya kilala!” kuntodo paling ng ulo si Carmen.
“Teka, mukhang ngayon lang kita nakita ha? Bago ka lang ba dito?,” mapanuring inilapit ni Bernard ang mukha sa kanya.
Nag-init ang pisngi niya sa ginawa ng katabi, pinutol ang pag-iilusyon niya sa buwelo ng isa.
“Ang dahilan kung ba’t ko hinahabol yan Bernard, nakita ko kasing nakalapit sa kabayo, tapos parang tinatanggal ang pisi, tumakbo ng makita ako…”
Ano? Ako? Magnanakaw?! Tong lalaking to! Sinungaling!
“Naku! Hindi po, kamag-anak ako ni Nong Pedro mula Maynila, isinama lang po ako, natuwa lang ako sa kabayo kaya nilapitan ko at-“
“Kung ganoon ay nagkamali lang ako,” paklang napatawa ang lalaki, may lagpas beinte ang edad, wari niya’y beinte-otso o siyete, na ng tunghayan ni Carmen ay sopistikado at masungit ang taglay na aura, matangos ang ilong nito, ang mata ay alam mong maaring magbuga ng apoy alinmang oras. He had this sheepish grin for awhile, mas maputi at malinis itong tingnan kesa sa katabi niya who was rugged in style but maaliwalas ang aura.
What a funny contradiction, konklusyon niya.
“Ah, ikaw pala ang kinuwento sa akin ni Nong Pedro kanina, siya nga naman, kaya pala gumaganti karin sa amin ng pagtatagalog, nakasanayan narin naming pamilya na tagalong ang gamit dahil kay lolo, teka nga, Brix, bakit mo naman pagkakamalang magnanakaw ang kasing gandang dalaga tulad ni-“nagtanong ang mata ni Bernard.
“Carmen, Carmen ho,” agap niya. Ramdam na ni Carmen ang awkwardness ng makintal sa isip na nasa presensya ang dalawang kayguguwapong lalaki. Kung ganoon, kung tama ang narinig niya kanina, kay suwerte pala ng babaeng yun na pinag-aagawan ng dalawa.
Si Persepone, tama, Persepone ang pangalan nito.
“Carmen,” usal ni Bernard, “pagpasensyahan mo na itong si Brix.”
“It’s not my fault, Bernard,” ismid ni Brix, maasim siyang pinukulan ng tingin. “I’m not the nosy one.”
Naku! Nagsinungaling na nga, ayaw pang mag-sorry! Grrrr!
Bahagya siyang napatawa, “Okay lang ho, sige ho, una na ako, babalik na ako kay Nong Pedro.”
“O sige siya, pabalik narin ako patungong sa bahay, kakamustahin ko si Persepone, ikaw Brix, sasabay ka?” inosente nitong tanong.
“Ayoko,” flat-tone nitong tugon, “mauna ka na, Bernard.”
Matapos silang kawayan ng lalaki, ay naiwan siyang nakatunganga sa harap ng leon na iyon. Gusto sana niyang tawaging muli si Bernard.
SA KABILANG banda, nagkaroon naman ng pagkakataon si Brix na suyuran ng tingin ang dalaga. Sa tantiya niya’y nasa beinte ang edad nito, kintal ang kainosentehan sa maamo ngunit prominente nitong mukha na korteng puso.Mahubog ang katawan sa simpleng puting bestida nito. Hanggang balikat niya ito sa taas niyang 5’9, katam-taman lamang ang puti nito, maalon at kulot ang dulo ng buhok, mapangusap ang mata, may kahawig ito na hindi niya matukoy.
Pakiramdam ni Brix, kaharap niya ang isang maamong pusa, na batid niya ay maaaring manakmal ano mang oras. Alluring, that was the word he would use to describe the lady.
“Do you know me, us?” tanong niya.
“Narinig ko kanina, Brix at Bernard,” smarte nitong sagot.
“Then you don’t know us, I’m Brix, and that’s Bernard Buenavista.” Idiniin niya ang ‘Buenavista’. “We own this parcel of land.”
Nakita niya ang panandaliang pagbuka ng labi nito at napalitan ng bahagyang pagtaas ng kilay nito.
“Salamat sa pagpapakilala mo, pero anong ibig mong ipangahulugan sa paglandakan mong ‘Buenavista’ ka?” narinig niya ang kaunting pagpiyok sa tining nito na ikinangisi niya, may talim doon.
“Amo kami ng kamag-anak mo, young lady, I know what you just did, naninilip ka at nakikinig sa usapan ng may usapan, better not do it again, maling asal yun. At isa pa, kung ano man ang narinig mo o nakita, wag mong tatangkaing ipagkalat.”
“Wala akong pakialam, ang totoo, nawili lang talaga ako sa kabayo, hindi ko naman alam na nandun pala kayo sa likod, kung hindi ako nagkakamali, kasintahan yun ng kapatid mo, tama ba?” angil nito.
“Fiancee, to be exact,” mapait na bigkas ni Brix.
“Kung ako rin yung naging babae, kapatid mo rin ang pipiliin ko noh!” Huli na upang bawiin ni Carmen ang namutawi sa bibig. She saw Brix cross the distance between them, mabilis nitong nahagip ang braso niya at napadaing siya sa higpit ng pagkakahawak nito.
“So-sorry..” tangi niyang bigkas, kung minsan, tuwing napapangunahan siya ng emosyon, hindi niya talaga nakokontrol ang pinagsasabi niya.
“Good!” binitiwan siya nito, “bisita ka lang ng trabahante, kaya huwag kang mangingialam-alam, isa pa, hindi mo ko kilala!”
Napatango siya at napayuko, sinapo ang dibdib, narinig niya ang mabigat na tapak ng paa nito palayo.
‘Buenavista’rin sila, ibig bang sabihin niyon, maaaring kadugo niya ang mga lalaking yun? Imposible! Ayaw niyang may kadugong arogante at impokrito!
“Madapa ka sana!” sigaw niya ng masiguradong malayo na ang lalaki. Nawalan na tuloy siya ng gana na sumilip sa mansion.
MABAIT NAMAN sila Nong Pedro at ang apo nitong si Tisay, pinayagan silang mamalagi sa kubo hanggang umuwi daw si Mam Amelia mula Amerika, naninirahan ito sa anak nitong babae doon. Balita ay a-attend ito sa kasal ni Bernard. Nagdadasal siyan a-attend nga ito.
Ano kaya kung totoong apo siya ni Amelia? At kung anak ito ng kapatid ng lola niya, ibig sabihin tiyuhin niya ang dalawa, ang masungit na si Brix! Tumayo ang balahibo niya sa inisip, may kung anong ayaw tanggapin iyon ng dako ng isip.
“Kung hindi niyo masasamain, gusto ko po sanang mas marinig pa ang tungkol kay Amelia, nakita ko ho sila Bernard at Brix, ang mga ‘Buenavista’ kanina, kung ganoon po ay mga tiyo ko sila kung saka-sakali?”
Napangiti ang matanda, at humigop ng sabaw habang naka-upo sila sa hapag-kainan. “Inday, hindi ko pa pala nasasabi sayo, si Amelia ay hindi totoong Buenavista, ampon lamang siya ni Don Julio, kung tutuusin, hindi nga legal na ampon, kinupkop lamang siya.”
Sa gulat ay nahulog ang hawak na kutsara ni Carmen. “Ano ho?!”
“Sa katunayan, anak lang din noon ng isang katiwala si Carmen, kasamang namatay ang magulang nito sa aksidente ng asawa ni Don Julio, itinuring narin siyang tunay na anak ni Don Julio, pina-aral, pinakain, at kawangis ni Cornelia ay pinalaki sa luho…”
Napalulon ng laway si Carmen, hindi naintindihan ang damdamin, ewan kung nakahinga siyang hindi pala siya Buenavista o nanlumo, ano man iyon, hindi iyon ang makakapigil sa kanya upang huwag kilalanin si Amelia. Anu’t ano man, ito ang natitira nilang kadugo ni Biboy.
At isa pa, hindi ang yaman nito ang habol nila ni Biboy! .