Chapter 1

2165 Words
© All  Rights Reserved No part may be reproduced, copied, scanned, stored in a retrieval system, recorded or transmitted, in any form or by any means, without the prior written permission of the author. This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either a product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual people living or dead, events or locales is entirely coincidental.  Kung medyo may typo error ay sana maintindihan niyo kasi ito yung raw unedited version. ********************************* CARMEN KAGAGALING LAMANG nila ng libing ng kapatid at nanlulumong nakaupo sa upuang gawa ng rattan si Carmen, hilam sa luhang hawak parin niya ang nakakuwadrarong larawan ng yumaong lolo.      “A-ate…paano na tayo?” humingos ang nakatayong may walong taong gulang niyang kapatid na si Biboy. Bagama’t kapos sila ay malusog naman ang pangangatawan ng kapatid niya.      “Hindi ko alam Biboy, hindi ko talaga alam, pero kakayanin natin to…” nilapatan niya ng lakas ang tono. Isang linggo na mula ng maisugod nila ang lolo na may animna-pu ang edad sa hospital, nalamang pumutok ang ugat nito sa utak at hindi na naagapan pa, sanhi ng altapresyon nito. Mabuti na lamang at nag-alok na ng palibing at ataul ang mabait na mag-asawang pinagtatrabahuan ng lolo nila, nakakalumong isiping tagagawa rin ito ng ataul sa Funeraria Bellaflor, at doon ito naisilid sa sarili nitong ginawa. Beinte-uno na si Carmen, second year palang siya sa kolehiyo dahil nakahinto ng ilang taon matapos ang highschool. Tourism ang kinuha niyang kurso. Ngunit, dahil nga sa hindi nadin makaya ng lolo niya ang gastusin, napag-isipan niyang tulungan ito, alam niyang nagtampo ang lolo niya sa paghinto niyang muli, edukasyon na nga lamang daw ang tanging maipapamana nito sa kanila ay hindi pa niya matanggap.Natigil ang pagmumuni niya ng kumabog ang pintuan ng munting bahay.Si Mang Crispin iyon. Napaupo ang kapitbahay sa lumang plastic chair. May inabot ito sa bulsa ng polo nito. “Sobre ito, hindi ko nga rin alam kung ano, basta’t ang bilin sa akin ay iabot ko sa inyo ano man ang mangyari, siguro’y mahalaga yan neng…”      Nanginginig na inabot iyon ni Carmen, marahang inilatag sa maliit na mesa. Ilang segundo pa’y nagpaalam narin si Mang Crispin, nagkatinginan sila ni Biboy.      “A-ate…”may kasabikang wika ng kapatid, “buksan mo na dali!”      “Natatakot ako Biboy, ano to? Bakit inihabilin ni lolo?” may takot sa boses niya.      “Baka nakatagong kayamanan!” sambit ni Biboy, “tulad ng mga nasa teleserye!”      Napailing si Carmen, kung anu-ano ng napapasok sa kokote ni Biboy kaka-nood ng teleserye. Napabuntong-hininga si Carmen at ng buksan niya iyon, natambad sa paningin nila ang isang lumang coupon bond, nadumihan ito, animo’y natatsahan ng kape.      “Isang sulat…” usal ng dalaga at binasa iyon ng mga mata.      Mahal kong apo,      Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatagal, nagigising ako bawat araw na may takot na tuluyan ko na kayong maiwan isang araw.      Sa pagkamatay ng inyong ama noong musmos pa kayo, lubos akong nalungkot dahil hindi ko man lamang nasabi sa kanya ang katotohanan, ang katotohanan tungkol sa ina niya, ang maitama ang kasinungalingan ko.      Mga apo, sa pagkawala ko, ang natitira niyo na lamang maaaring kapitan ay ang natitirang taong kadugo niyo.      Buhay siya. Buhay si Amelia. Ipaalam niyong buhay rin kayo.      Hanapin niyo siya, kailangan niyo siyang mahanap ano man ang mangyari, at ipaabot niyo sa kanyang ang ipinangako ko ay hindi nabali. Mahal ko siya at hindi iyon napawi, at sabihin niyong patawad. Apo, kailangan niyong matagpuan ang buhay na matagal kong ipinagkait sa inyong ama at maging sa inyo.      Mahal ko kayo, at patawad.      Kalakip ng sulat ang isang maliit na litrato, mukhang pinutol lamang ito mula sa isang buong litrato. Isa iyong binatilyo, katabi nito ay isang dalagita, morena at dilaw na bestida ang suot, maalon at mahaba ang buhok nito, at napakalaki ng ngiti. Mukha itong anghel.      “Ate, sino siya? Si Lolo ba yan?” pakli ni Biboy. Hindi tumugon si Carmen, napakunot ito at ibinaligtad ang litrato, nahagip ng mata ang nakasulat doon.Napa-awang ang kanina pang nanginginig na labi, hindi napigilan ang pagpatak ng isang butil ng luha.      “Biboy…” hinagilap niya ang kamay ng kapatid, “Biboy, mag-iimpake tayo, sa makalawang araw, aalis tayo, sasakay tayo ng bus o barko, hindi ko alam...ah basta, pupunta tayo ng Davao!” nabuhay ang papaupos na kislap sa mata niya. ****************************** BRIX BUENAVISTA      “LET’S WELCOME home Brix, by a toast! Cheers!” kumalansing ang mga kopitang may lamang red wine at napalitan iyon ng sipol at tawanan ng tumayo si Brix sa mahabang steel table at nag-bow. Kasalukuyan silang nasa isang exclusive bar, nagkumpulan sa isang mesa ang may sampung tao na puro tig beinte-sais hanggang beinte-siyete ang age bracket.      Kung titingnan ang mga nagkakasayahan, alam mong may mga sinasabi sa lipunan ang mga ito, purmadong-purmado ang mga lalaking suot ang polo shirs at mga babaeng naka-casual.      Naupo ulit si Brix at hinapit ang nakangiting beywang ng isang mestiza sa tabi niya. “Hindi ko naman kayo pinagpalit sa Manila, syempre, iba parin yung siyudad na may country-home feeling, at siyempre, parehong nakapaligid ang mga magaganda at masasarap na prutas...” Brix winked at the lady beside him, na ginantihan din siya ng mapanuyang ngiti.      “Will you stay for good?” tanong ng isang lalaking kaibigan sa dulo, si Nath, ito ang mismong nagmamay-ari ng bar, hindi alam ni Brix kung ang panandaliang pagngiwi ni Nath ay dahil sa paghapit niya sa katabi.      “Uh-oh, me?” natawa si Brix, “not in my life, hindi ako titira sa isang bukiring kasama si Bernard! And you know me guys, I’m the metro style guy, I’ll just be hopping everywhere. It’s okay here downtown, but can’t imagine an everyday living na tinatanaw mamunga ang durian, mangga, pomelo at kung anu-ano pa, pati pagpapagatas ng baka!” Brix said it amusingly na ikinangiti ng mga long-time friends niya mula elementarya hanggang highschool.      “Hilas kaayo ning bataa ba!” sambit sa bisaya ng isa, na gamit ang lengguwahe sa buong Davao, kinutya nito na isang hambog daw si Brix. Natawa ang lahat sa tinuran nito.      They know who Brix Buenavista is, the second grandchild of Don Julio Buenavista, nagmamay-ari ng pinakamalaking hacienda sa siyudad at kilala bilang dating mayor ng sinaunang lungsod. Hindi na involved sa pulitika ang pamilya at ifi-nocus ng Don ang lakas sa pagpapalago ng ga-milyong negosyo, nag-iimport at pati narin export ng pomelo ang pamilya, at kung season ay halos-galibo ang kita mula sa bentahan ng durian, rambutan at mangga. May malaking bakahan rin ang pamilya at iilang inaalagaang kabayo.      Noong highschool, tuwing dumadalaw ang mga kaibigan niya, nalulula ang mga ito sa laki ng lupain nila, hindi kayang lakarin iyon ng isang araw.      Mudmod sa yaman, kaya’t nagawa ni Brix na makapag-aral sa pamosong unibersidad sa Amerika. He had this unusual affection for cars na namana niya sa yumaong ama, at ng matapos na nga ang kursong kinuha ay naging isa nang branch manager ng isang car brand company.      “Ironically, you’re forced into coming home to your most hated place, to witness Bernard’s wedding to Persepone, and of course, hindi ka talaga mamumuhay kasama nila dito…” pahayag ng mestiza niyang katabi, umasim ang mukha ni Brix at napasong nilubayan ng hapit ang bewang ng babae.      “I’m not forced, I came back because I really wanted to say congratulations to my dear brother whose marrying my ex-sweetheart-“ huli na upang bawiin ni Brix ang huling sinabi, natahimik ang mga nakapalibot sa kanya.      “All those years, we’ve thought you’ve moved on Brix, come on, if not, then don’t force yourself to come home and attend-“      “I have moved on, Nath,” matigas na tugon ni Brix, may talim na sandaling kumislap sa mata nito, napakunot ang lalaki, “kanina lang masaya kayong umuwi ako, tapos sasabihin niyong sana’y hindi nalang ako umuwi dito sa atin?”       Nagkibit-balikat ang mga kasama, nagkatinginan, ilang minuto pay magiliw na silang sumasayaw sa himig ng disco music, excited na inilabas ni Nath ang iilang pinagmamalaking labels ng wine na nakatago sa wine cellar ng bar nito.      APPLE GRUNTED in unsatisfaction when Brix moved away, tumayo ang lalaki at itinapis ang isang tuwalya sa pang-ibabang bahagi ng katawan, tinungo nito ang kurtina at hinawi iyon upang matambad mula sa salamin ang nagniningning na kabuuan ng siyudad.      “I missed this sight, hindi man ganoong kasing-ilaw ng Manila, it had its beauty…” Brix aired at nilingon ang kasama, na kanina’y ang mestizang kasama sa bar. Aside from Apple, Brix had other girl friends na pinipili niyang pagrausan, he was selective, most of them are topnotched socialite models at iilang unica hija, mabuti na yung maingat sa nakakahawang sakit.      They did things like this lalo na ng matapos ang kolehiyo at nabalitaan niya ang pagtataksil ng babaeng minahal ng lubos. It was not always; only sometimes when they feel like doing fun, they did it with no strings attached kunbaga.      “Nath stared at me grimly, when I touched you, you know, Apple, pwede mo naman siyang agawin…” dagdag ni Brix na ang tinutukoy ay si Nath, na siyang lihim na matagal ng gusto ni Apple.      “Your imagining!” angil nito, “at huwag mo akong tuturuang mang-agaw kung mismo sa sarili mo, hindi mo magawa-gawa yun!”      Parang nabuhusan ng kung ano si Brix at natahimik ito, pagka’y tumalikod at tinanaw muli ang magandang pagkinang ng pang-gabing ilaw ng kabuuan ng kabisera. “I can’t, she’s happy with him, and I can’t afford not watching her happy.”      “Look, tingnan mo, I told you tayo na lang, pareho tayong ng prinsipyo, bawal mang-agaw kung hindi nagpapakita ng motibo para ma-agaw, right?”      Natawa si Brix at nagawang makapa-mewang, “Apple, don’t fool yourself, alam mong we’re not lovers at all, and we will never be.”      “Right!” napanguso ito, “then maybe we should call Cupid’s emergency hotline, na-bo-bored narin akong maghintay ng taong magpapalimot sa akin sa kanya, Brix…” nanlulumo nitong sambit. CARMEN      HINDI AKALAIN ni Carmen na iyon ang dadatnan. Mawawalan ata siya ng ulirat, hapong-hapo na siya at yun ang dadatnan. Kaninang umaga ng marating nila ang port.Mas mainam naring narito ako, sawa na ako sa Maynila, sa masikip na lugar, sa makalat na lansangan, gusto kong pumunta sa malayong-malayu, pangarap ko ito, ang makapunta sa kung saan-saan.      Mabuti na lang at may itinabing malaki-laking halaga pala ang lolo nila sa tokador nito, at siya rin ay malaki ang naipon mula sa pagkakasera. Mainam na na gastusin sa biyahe at may natirang angkop na upang tumagal sila ng may dalawang linggo kung wala mang matutuluyan muna.      “A-ate..” namumutlang wika ng kapatid, “nagugutom na ako…”      Iilang papalit-palit ng jeep ang nagawa nila, kahit mainis na ang ilan sa kakatanong nila, kinapalan ni Carmen ang mukha. Ng ibaba na nga sila ng jeep sa kanto ng kalsada na halos puro puno na ang nadadaanan, sumakay sila sa isang hindi naman pedicab ngunit masasabing de-motor na sakayan na ang tawag daw ay “payong-payong” o “hangin-hangin”. May payong ngang gawa sa trapal at may motor sa gilid na naka-attach sa sa isang pahirabang upuan, kelangan niyang humawak sa estante ng payong upang hindi mabuwal sa lakas ng pagpapatakbo ng drayber.      Natuwa naman ang kapatid sa sariwang hangin na nasisimhot at malakas na hanging tumatama sa kanilang mga mukha.      “Malapit na po tayo?” tanong niya sa drayber na intuisyon niya ay mabait naman.      “Aba’y layo, este malayo pa neng, tong address mo, lumang pangalan na ito ng lugar, pinalitan na ang pangalan ng barangay, tapos kung dito talaga, ku’ ke si Nong Pedro siguro ang sadya niyo noh?”      Napakunot si Carmen, ngunit naisipang sumang-ayon na lang at baka magisa pa siya ng tanong.      “Mabuti’t hapon na kayo pumunta, uuwi na iyon mula sa Trece Julia, kung hindi mo naitatanong ay season ngayon ng pomelo, kaya’t busy sila kaka-harvest, teka, kayo ba’y mula Pangasinan? Taga doon ku’ si Nong Pedro, probinsya niya, dun ang kamag-anak niya nakuwento niya sa akin minsan eh…” inosenteng tanong ng drayber.      “O-oho…”tanging sambit niya at mas hinawakang maigi ang kamay ng kapatid, lumiko na naman ang kalye.      Naginhawaan siya ng pumatag na muli ang takbo ng behikulo. Nahagip ng mata niya ang malawak na damuhan, may iilang nakakalat na puno ng mangga, masayang tinuro ni Biboy ang mga nagkumpulang baka at may dalawa ring kabayo.      “Gamunti lamang yan sa lupain ng mga Buenavista, itong barangay na ito ay tahanan ng kanilang mga trabahante, ngunit ang susunod na lupain ay halos sa kanila ng lahat, ku’ kayaman-yaman talaga,” patuloy na kuwento ng drayber, natawa ito at tinanong kung okay lang ba ang tono ng pag-tatagalog nito.      “Ineng, naog na, ku’este baba ka na, dito,” napakamot ito sa ulo, at napangiti namang inabot ni Carmen ang hinihingi nitong pamasahe.      Nang tumalikod sila, natambad sa kanila ang isang makipot na mabatong buhanginan patungo sa isang kubong gawa sa kawayan na may atip na gawa ng dahon ng niyog, sa nag-iisang puno ng niyog na nakatayo, nakatali ang isang kambing na inosenteng kumakain ng d**o, nahagip ng pandinig niya ang may dalawang manok na pumutak.      “Ate, mayaman na ba tayo?” tulalang tanong ni Biboy.                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD