AKITIN, AKITIN, PAIBIGIN. How come could she do it lalong-lalo na kay Brix? Every passing second, gusto niyang mabaliw sa plano ni Amelia. Hindi niya ugaling mang-akit, lumaki siyang prinoprotektahan ang sarili mula sa mga mapanghalay na mata ng mga lalaki.
Sumusunod lamang siya saan man mapadako ang dalawa, pinahawakan sa kanya ni Amelia ang may kalakihang shoulder bag nito, at nawili na ito sa pagkuha ng litrato ng isang Indian peacock, habang siya’y mainam lang na nakamasid sa paligid.
The place was really relaxing, sariwa ang hangin at puno ng pine trees at iibang forest trees. Kanina, inilibot sila ng resort shuttle sa Plaza Maria at isang flower garden, nawili din siya sa panunuod ng maraming species ng usa sa Deer Park.
“So, she brought an assistant just to hold her bag,” napailing na tinabihan siya ni Brix, “kung tutuusin, pwede naman niyang iwan yan sa kotse, nagmakaawa ka ba sa kanya para isama ka at para makasama mo ko? Bilib na talaga ako sa pagpapapansin mo…” usal nito
Madilim na sinuri ni Amelia ang lalaki, hindi uobra ang taktika ng pang-aakit dito kung mayabang na mayabang na iniisip nito na inaakit nga niya ito, na nagpapapansin nga siya. Sa tingin niya, mas makukuha niya ang loob nito kung magpapakatotoo siya.Hindi niya babaliin ang prinsipyo niya para lamang dito.
Isa pa, tantiya niya’y sanay itong makuha sa isang pitik lang lahat na gustuhin nito, pati mga babae, with the exception of Persepone of course na naagaw ng kapatid nito. Is it wy he acts this way? Dahil rin ba kay Persepone? May kuryosidad niyang tanong sa isip.
“Saan niyo po ba nakukuha ang mga iniisip niyong mga ideya? Talaga bang ang tingin niyo sa sarili niyo ay napakaguwapo at naniniwala kayong gustong magpapansin lahat ng babaeng nakakasama niyo?!” pinandilatan niya ito.
“Uh-oh, I know that style, you’re playing hard to get, I tell you, you’ll be falling for me and you’ll be telling me that you truly desired me by the end of this childish tour, baby…” ngisi nito.
Patay! At nakipagpustahan pa talaga ang lokong guwapong lalaking to ha? Mukhang pareho ata kami ng quota, kasi, goal ko ring mapa-ibig to matapos ng isang linggo!
“No, huwag kang pumusta, dahil alam ko, ikaw itong ma-iinlove sa akin, mahuhulog ka ng sobra upang pakasalan ako!” mapang-bantang pahayag ni Carmen.
Napalahaw ng tawa si Brix sa tinuran niya, nasapo nito ang tiyan sa lutong ng pagkakatawa nito,“I like your punchlines baby!”
“Huwag mo kong tawaging ‘baby’, hindi ako sanggol at Carmen ang pangalan ko,” matigas niyang tugon.
“Oh well, Carmen, the girl I’ve dreamt everyday to marry is already married,” may pait sa boses nito, ngunit sumiwang ang isang ngiti, “but then, I’ll prove to you that marrying might be hard, but falling in love is easy.” Nagulat na lamang si Carmen ng hagilapin nito ang kamay niya, he enclosed his hands with her.
NAPAIGTAD SIYA at napasong inilayo ang kamay niya dito.May kung anong kuryente kasi siyang naramdaman kanina.
“Holding hands pa lang iyan, but there will be more ways to make you fall,” Brix chuckled, “young innocent woman…” he whispered in her ears dahilan para magtayuan ang lahat ng balahibo niya. Mabilis siyang napalakad palayo dito. Brix continued to chuckle.
Nagpatuloy sila ng palalakad habang sinusundan lamang ang walang kapaguran na si Amelia na tinatahak ang Mountain Trail ng lugar.
Kinalaunan, habang magiliw niyang pinagmamasdan ang isang ibon, hindi niya akalaing nakatunghay rin pala ito sa likod niya, ng ipihit niya ang sarili patalikod, laking gulat niya ng mapang-uyam na ilapit nito ang mukha sa kanya. Kinuyumos niya ang palad at ipinakita dito ang kamao niya, na nagpangisi dito.
Matapos ng pamamasyal nila, naisipan ni Amelia na pumunta ng downtown kung saan naglipana ang malls at kainan. May bibilhin lang daw ito.
“Seriously tita?” napamaang si Brix ng mapagtantong nasa swimwear section na sila ng isang mall.Bibili daw si Amelia ng isang one piece suit.
“Hindi makukumpleto ang bisita ko sa siyudad hijo, kung hindi ako tatapak ng Samal, right? And I want to capture beach scenes, sa ganda rin lang naman ng dagat, may panglaban sa ganda ang Samal, it’s been long since nakapaglunoy ako sa dagat…”
“Oh, whatever, just be quick, nagugutom na ako ‘tita’.”
“Ikaw din hija, mamili ka, ibibili kita” baling ni Amelia sa nakatungangang si Carmen.
“Ho?” gulat niyang tanong. Amelia mildly glared at her, “Of course, isasama kita hija, at alam kong wala kang swimming wear, hindi ba?” wika nito.
Napatango-tango si Carmen, kung saka-sakali, first time niya ring maglulunoy sa dagat, sa pampublikong pool lamang siya nakaranas na maligo kasama ang pamilya noong bata pa at buhay pa ang mga magulang. Tuwing birthday niya, hindi sila nag-a-outing at masaya na siyang inuuwian siya noon ng isang chiffon cake ng ama.
“Wow,” Brix eyed her at animo’y nangislap ang mata, “at talagang isasama niyo siya pati sa Samal?” pakli nito at nangasim rin ang tingin.
Napadilat naman si Carmen, hindi maintindihan ang reaksiyon ni Brix. Kung anu’t ano pa man, alam ni Carmen na nakalinya ito sa plano ni Amelia upang mas mapalapit sila ni Brix.
Later, Brix decided na sa Mcdo na lamang sila kumain. Habang umu-order na ang binata, magkatabi naman silang nakaupo ni Amelia. Napansin niyang hindi ito nanigarilyo buong araw.
“Mabut ho’y hindi na kayo naninigarilyo,” aniya.
“Nah,” nangiti si Amelia, “noong una’y araw-araw ako simula ng mapunta kami ni Manuel sa Amerika, but lately, paminsan-minsan na lamang, tuwing agitated ako o depressed, anything. Cigarettes are my comfort zone hija, when I’m alone, ito ang karamay ko.”
Malungkot na napatango si Carmen pero masaya narin at alam niyang ang pagdating niya ay nakadagdag sa mga rason upang itigil nito ang paninigarilyo at makadama ng kasiyahan.
“How is it? I feel that you awaken’s Brix’s curiosity, hindi man niya aminin…”
“Para lamang ho siyang naglalaro lola, hindi ko malaman, batid kong playboy siya, hindi ko alam kung paano-“
“Magagawa mo yan,” may talim sa boses nito, “inilatag ko na sayo ang mga sitwasyon, bahala ka na, yang batang iyan, naging playboy lamang matapos nilang maghiwalay ni Persepone, it’s up to you upang diskubrihen ang kiliti niya, ang kahinaan niya-“
“Lola, parating na si Brix,” nanlulumo niyang saway ng makitang papalapit sa table nila ang lalaki. Isang mapag-bantang ngiti ang huling ipinukol sa kanya ni Amelia.