KAGABI, HABANG pauwi sila, sinabihan siya ni Amelia na sa makalawang-araw na lamang sila pupunta ng dagat. May aasikasuhin itong importante, ngunit sinabing umaligid parin siya lagi kung saan naroon si Brix. Napag-isipan niya ngayong sumama kay Nong Pedro sa pag-ha-harvest ng pomelo. Mainam na i-harvest daw ang pomelo tuwing ganoong maaliwalas ang araw. “Hija, hindi mo pa rin ba nasasabi kay Mam Amelia ang tungkol sa inyo ni Biboy?” may pag-aalalang tanong ng mabait na matanda. “Hindi pa ho eh,” hindi niya tuloy matingnan ito ng diretso,” patawad ho talaga sa pang-aabala namin ni Biboy.” “Naku, naiintindihan kita inday, kung hindi mo kaya ay huwag mo munang ipilit ang sarili mo, isa pa’y masayahin si Biboy, natutuwa si Tisay sa kanya,” ngiti ng matanda. Si N