Napahindik si Carmen, may pait na tinitigan si Amelia, “Paano ho kung hindi ko magawa, hindi niyo ba kami tatanggapin ni Biboy?” nag-umpisang mangilid ang luha ni Carmen.
“Tama ka nga hija,” napailing ito, “did you think everything will come easy darling? Life is never easy hija, yun ang nais kung una mong matutuhan, at ano na lang ang sasabihin ng aking mga anak sa asawa kong si Manuel? Will they still respect me as their mother? Hindi, matagal ko silang pinaniwalang tapat ako sa hudyo kong asawa, at ikaw, you will accept this para sa lolo mo, para sa lalaking minahal ko..”
Tuluyang napaiyak si Carmen, sapo ang mukha, “Lola, tanggapin niyo lang kami, kilalanin…tama na sa amin yun.”
“No,” pinahiran ni Amelia ang luha ng apo, “you are lying hija, hindi sapat ang kilalanin ko kayo, kung wala akong maibibigay na pagbabago sa buhay niyo…at mangyayari lamang iyun sa pagkakataong maihalo mo ang dugo natin sa isang Buenavista.”
“Magiging ‘Buenavista’ ka at magsisilang ka ng isang sanggol, at kung mangyayari yun, sapat na upang mamamatay ako at sundan si Bert…” may pait at tamis sa tinig na iyon.
ILANG ULIT na napabalikwas sa kama si Brix, kanina pa ini-imbyerna ang isip niya ng dalaga kanina. Ito ang unang babaeng nagawang saktan ang ‘kabahagi’ niyang iyon. Mabuti na lamang at hindi pala namaga, napakalaki pa naman ng takot niya.
At may katapangan pa itong tawagin siyang “bastos”. May oras rin at magbabayad ito, napangiti siya sa naisip na maaaring parusa dito.
Oh, ngunit ng sandaliang makulong nito ang babae sa bisig niya, nasamyo niya ang kakaibang bango, ang inosenteng halimuyak nito.
Napasimangot si Brix sa naisip.
Kani-kanina’y nagpaalam na ang bagong kasal para sa honeymoon nila sa Italya, sa hotel naraw sila manunuluyan muna ngayong gabi.
He don’t want to care a bit, kaya nga napagdesisyunan na niyang bumalik na sa Maynila para sa trabaho matapos ang kasal.Ngunit, pinakiusapan siya ng ‘tiya’ Amelia na maging tour guide muna nito sa ilang araw na pamamalagi nito sa siyudad. May ilang taon na din itong hindi bumabalik sa Davao. He gladly obliged.
“OH..” MAY GULAT na napabulalas si Brix ng makita ang babaeng yun katabi ang ‘tiya’ na naghihintay sa labas ng kotse.
“I’m very excited hijo,” nakangiting nakipagbeso si Amelia sa lalaki.
“I see you’ve got company,” nalilitong puna ni Brix sa presensya doon ni Carmen.
“Oh yes, I met this girl the other night and I think she’s fit to be my personal assistant for this coming few days, isa pa, I knew it would be boring to just tour na tayong dalawa lang..”
“Eh, di sana’y isinama niyo na lang rito si Rica,” may asim na suhestiyon ni Brix na ang tinutukoy ang panganay na anak ni Amelia, “para hindi niyo na kelangan ng personal assistant.”
Brix was unable to fight the urge to glance over Carmen. She was like an enchanting nymph wearing that white rose floral dress habang maayos na nakalugay ang buhok nito.
Natawa lamang si Amelia sa reaksiyon ni Brix. “Her name is Carmen, kamag-anak siya ni Nong Pedro, she had two years of Tourism and this activity would help broaden her education, right hija?”
“Opo,” mahinang sagot ni Carmen, “salamat ho sa opurtunidad na ito,” matamang ngiti nito.
“Oh, jeez” napailing si Brix, hindi makapaniwala sa nangyayari at matalim na pinukulan ng tingin si Carmen, “very fishy!”
“Aba’t magkakilala ba kayo hijo?” matamis na ngiti ni Amelia.”
“Oh, I think not,” kibit-balikta ng binata, biglang naisip ang ginawang kapangasahan ni Carmen sa kanya.
SINUNGALING TALAGA!, isip ni Carmen ng nasa loob na ng kotseng iyon. Hindi niya maisip kung paano niya magiging asawa ang tulad nito, ano kaya’t umatras na lang siya sa plano nila ni Amelia?
Pinaalala niya sa sarili na ginagawa niya na lamang ito para sa lolo at para kay Biboy.
Sa backseat, nakangiting nakatanaw lamang sa salamin si Carmen. Kita niya ang mga berdeng puno at iilang mga di pangkaraniwang halaman, she felt her spirit leap, she’s going to places now, she’s discovering the world step by step tulad ng pangarap niya!
“So, where is our first stop?” tanong ni Brix.
“It’s up to you, sa tingin mo saan ba pwede ang mga tulad ko?” ngiti ni Amelia. “We can go everywhere, isa pa’t hindi mo alam na isa narin akong photo enthusiast ngayon,” nakangiting hinimas ni Amelia ang bagong bigay na Nikon DSLR ng anak, “I wanted to paste new set of pictures sa aking album.”
“Wow, good that you have a hobby now tita,” na-aamused na nilingon ni Brix ang tiya.
“Well, maybe we can go anywhere green, where there are flowers and animals, you like that?” suhestiyon ng binata.
Tumango-tango si Amelia, at nilingon sa backseat ang tahimik na Carmen, “Looks like you’re enjoying hija.”
“Oho,” nahihiyang napatango si Carmen, “Pangarap ko talaga hong makapaglibot,” ngiti nito, “salamat ho sa pagkuha sa akin bilang personal assistant, kahit hindi naman po kelangan,” may pag-aatubili sa tinig nito.
“Oh no, I need one,” ngiti ni Amelia, may kislap sa mata, “you’re quite a beauty hija, may boyfriend ka bang naiwan doon sa Manila?” inosenteng tanong ni Amelia, may ibig i-insuate sa binata.
“Wala ho,” masinop na sagot ng tinanong.
Nangiti si Amelia ng may makitang saglit na reaksiyon sa mukha ng hilaw na pamangkin na si Brix.
Brix’s car halted, “Well, I can’t think of any bukod sa Crocodile Park o sa Philippine Eagle, but I brought you anyway here at Eden,” esplikar nito na animo’y tour guide.