Episode 02

1345 Words
Khloe Amelia's POV Ngayon alam ko na kung bakit parang ayaw ni Hades na narito ang nakakatanda niyang kapatid. Sigurado akong dahil ito sa ugali niya. Masyadong insensitive ang kapatid niya sa nakikita ko. Napaka-bossy niya at mas bossy pa siya sa tatay niya. "H'wag mo ngang titigan ang kapatid ko." Agad kong nilihis ang mga mata ko sa lalaking nasa harapan ko. Hindi ko maiwasan na titigan siya lalo na at magkatapat ang inuupuan namin sa lamesang kinakainan namin ngayon. "Hindi ko siya tinititigan," bulong ko kay Hades. Sigurado ako na kami lang ang makakarining sa sinabi ko kahit na napapalibutan kami ng mga katulong ng Aceves. Nakapaninibago lang dahil ang lamesang 'to ay nagsisimulang kumain ng sobrang ingay dahil sa pag kwe-kwentuhan namin ni Hades pero ngayon nagsimula ang panananghalian namin ng tahimik dahil sa bagong dating. "Tinanggi mo pa eh halata ka naman," inis na saad ni Hades sa akin. "Sinasabihan na kita, Khloe. Kahit araw-araw ko pang sabihin sa'yo na h'wag mong papatulan ang kapatid ko, gagawin ko talaga. Ipapahamak ka lang niyan dahil lapitin ng pahamak 'yang kuya ko." Para kaming mga bubuyog na bulong nang bulong. Hindi rin naman kasi pwedeng magsigawan kami habang nag-uusap lalo na at nasa harapan lang namin ang taong pinag-uusapan namin. "Alam mo kasi, Hades, hindi ako nagkakagusto basta-basta na lang. Tsaka, hindi ko rin gusto ang ugali ng kuya mo kanina. Grabe ang inasal niya sa harapan ko. Isipin ba naman na katulong ako." Nakapantalon na nga ako, tank top na presko sa katawan at messy bun na pagkakatali sa mahaba kong buhok tapos iisipin niya pa na katulong ako? Ako na palaging panalo bilang Ms. Escajeda sa mga pageant taon-taon? "Mabuti naman kung gano'n—" "Nga pala, Neandro," sambit ng papa nila na nakaupo sa kabisera dahilan para hindi matapos ni Hades ang sasabihin niya. Napasubo na lang ako sa kutsara ko na may pagkain na parang walang naririnig. Ayokong nakikialam sa pamilya nila lalo na kung negosyo. Kung tutuusin wala naman dapat ako sa lamesa na 'to kung hindi lang talaga ako kaibigan ni Hades. "Ang tagal mo na sa isla ng mga pinsan mo pero wala ka man lang inuwing babae para ipakilala sa amin. Bente singko ka na pero wala ka pa rin bang maipagmamalaking babae?" seryosong saad ng tatay niya. Akala ko usapang negosya na. Ang gwapo ni Neandro kaya sigurado ako na babaero ang isang 'to. "Walang matinong babae sa isla, Pa. Lahat patapon," walang modong sagot nito. Grabe kung makapagsalita sa mga babae eh isa rin naman siya na ang pangit ng pag-uugali. "Baka naman maunahan ka pa ng kapatid mo," singit ni Misis Nirvana. "Ay hindi ko pa pala napapakilala sa'yo ng maayos si Khloe." Napatingin sa akin ang mama nila na nakaupo sa katabing silya ni Neandro. "Si Khloe ang pinakamagandang dalaga rito sa Hacienda. Magaling 'yan mag-alaga sa kabayo at dito rin siya nakatira sa bahay natin dahil sa labas pa ng Escajeda ang bahay niya. Khloe, ito nga pala ang panganay namin." Hinawakan ni Misis Nirvana ang balikat ng anak niya. "Si Neandro—" "Ayoko sa kanya," sabat agad nitong Neandro na 'to. Napakunot ang noo ko sa kanya dahil parang galit na galit siya sa akin. Wala naman akong ginawang masama pero ayaw na agad niya sa akin. "Hindi sila bagay ng kapatid ko. Hindi siya nababagay sa pamilya natin at isa pa, bata pa si Hades para sa pakikipag-live-in. Hindi lang 'yon dahil baka mamaya makabuntis pa siya—" "Ay bobo—" Agad kong natakpan ang bibig ko bago pa kumawala ang malakas na tawa ko. Nakakahiya at bigla pa akong napasabi ng kung ano-anong salita. Napatingin ako kay Hades na nagpipigil din ng tawa katulad ko. Hindi rin nagtagal at sabay na kumawala ang malakas na tawanan sa loob ng buong hapag kainan. Hindi lang kami ni Hades ang natatawa dahil pati ang mga katulong at ang mama nila. Ang ama naman nila ay kalmado lang sa silya habang pinapanood sa kakatawa ang asawa nito at syempre si Neandro na sobrang sama ng tingin sa amin ng kapatid niya. "Anong nakakatawa?" seryosong saad ng lalaking 'to. "Kuya, kaibigan ko lang si Khloe," natatawang saad ni Hades at napahawak pa sa tiyan niya. "At anong live in ang sinasabi mo, Anak?" tanong naman ni Misis Nirvana na natatawa pa rin. "Nakatira rito si Khloe para hindi na siya mahirapan sa araw-araw niyang byahe at mas matutukan niya ang pag-aalaga sa mga kabayo at ubasan natin." Sumama pa lalo ang tingin sa akin ng pangayan na Aceves na parang papatayin ako sa titig ng mga mata niyang may demonyo yata sa loob. "Trabahador ka lang pala rito kaya bakit nakikisabay ka sa pamilya ko na kumain na parang kapantay ka namin?" Nawala agad ang ngiti sa labi ko dahil sa pagmamaliit sa akin ng lalaking 'to. Ito ba ang sinasabi sa akin ni Hades na iwasan ko raw dahil baka magustuhan ko? Saan? Saan ko magugustuhan ang lalaking 'to na saksakan ng tabil ng bibig. "Kuya, kanina ka pa. Wala namang ginagawang masama sa'yo ang kaibigan ko!" inis na saad ni Hades. Hinawakan ko ang braso ni Hades dahil hindi naman ako masyadong apektado kahit na siya ang unang tao na nang insulto sa akin ng ganito. Malayo naman sa bituka. "Hayaan mo na ang kapatid mo na kailangan yata ng pansin kaya nagpapapansin sa akin." Tumaas ang gilid ng labi ko sa kanya. "Bakit naman ako magpapapansin sa tulad mo kung hinahabol-habol nga ako ng mga babae sa isla?" tanong nito sa akin. Ayokong maging bastos sa harapan ng pagkain at ng mga magulang ni Hades pero ang lalaking, 'to masyado akong sinasagad. "Hmmm... Kasi papansin ka nga?" nakangiting sambit ko para hindi magmukhang bastos. At isa pa hindi rin naman siya ang amo ko rito kundi ang mga magulang niya. Anak din naman siya ng mga Aceves pero bakit ganyan ang ugali niya? Malayong-malayo kay Hades. "Tama na 'yan," maotoridad na saad ng ama niya. Napayuko ako dahil nahihiya ako sa mga magulang ni Hades. "Pasensya na po—" "Ayos lang," seryosong saad ng ama nila. "Ikaw ang unang babaeng nakasagutan ng anak ko." Mas lalo akong nahiya sa mga magulang nila dahil ako pa pala ang unang nakasupalpal sa kayabangan ng panganay na 'to. "Ikaw ang sasama sa'kin." Napataas agad ang ulo ko sa sinabi ng panganay ng Aceves. Sa akin nakatutok ang mga mata niya. Ano bang sinasabi nito? Ayoko na nga siyang makasabay na kumain ulit pagkatapos nito tapos magsasalita siya ng ganyan sa akin. "Pa, 'di ba kailangan kong alamin ang bawat detalye ng negosyo natin dito sa Hacienda bilang tagapagmana mo?" tanong nito sa ama niya pero sa akin nakatutok ang mga mata niya. "Oo, tulad ng sinabi ko sa'yo," sang-ayon agad ng ama niya. "Then I want this girl to guide me to everything about our vineyard." "Hindi pwede si Khloe," agad na singit ni Hades. Mabuti na lang talaga at narito siya dahil ayoko rin talaga na samahan ang kapatid niya. "Bakit hindi siya? Mukha namang maraming alam ang babaeng 'to sa ubasan," aniya pa. Babaeng 'to? Alam naman na niya ang pangalan ko pero hindi niya ko matawag sa pangalan ko. Mahirap bang bangitin ang Khloe? "Kung hindi ang babaeng 'to ang makakasama ko sa ubasan, hindi ko na tatanggapin ang kumpanya mo, Pa." Laglag ang panga ko dahil sa akin pa niya talaga sinalalay ang lahat. Gusto niya lang naman yata akong pahirapan dahil napahiya ko siya sa harapan ng pamilya niya. Dapat lang naman sa kanya ang ginawa ko at hindi ako nagsisisi sa ginawa kong 'yon. "Bukas na bukas, magsisimula si Khloe sa bagong trabaho niya kasama ka," anunsyo ng ama niya. Napakurot na lang ako sa hita ko dahil wala akong karapatan na tumanggi dahil trabahador lang ako rito. Kahit saan nila ako ilagay sa hacienda nila, dapat kong tanggapin 'yon at ang laki na rin ng utang na loob ko sa mga Aceves. "Starting tomorrow, this girl is under my possession."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD