Episode 03

1189 Words
Khloe Amelia's POV   Naglalakad ako papunta sa kwadra ng mga kabayo ng matanaw ko ang isang lalaki. Medyo malayo pa ako sa kwadra pero kilala ko na agad ang pigura ng lalaking nakatalikod sa gawi ko. Si Mister Hariente.   Napahawak ako sa batok ko dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako masyadong sanay sa presensya ng ama ni Hades.   "Magandang umaga po," magalang na bati ko at napatingin sa tahanan ng mga kabayo.   Hinanap ng mga mata ko si Neandro pero wala siya. Dapat narito na ang maangas na 'yon dahil maaga kaming pupunta sa ubusan. Sa tingin ko umatras na siya sa gusto niya na ako ang kasama niya sa pagpunta sa ubasan.   Napalingon sa akin ang matandang Aceves na walang ngiti sa labi at sanay na ako. Sa asawa niya lang naman siya madalas na ngumingiti.   "Ikaw ang makakatulong ni Neandro sa lahat ng bagay na dapat niyang malaman sa hacienda na 'to. Marami ka namang alam tungkol sa hanap-buhay namin, Khloe kaya inaasahan ko na maraming malalaman sa'yo si Neandro."   Neandro, Neandro, Neandor. Pangalan na parang pinaglihi sa sama ng loob. Masiyahin naman si Misis Nirvana kaya bakit parang hawak ni Neandro lahat ng sama ng loob sa buhay niya?   "Habaan mo na lang din ang pasensya mo kay Neandro. Hindi kasi sa akin lumaki ang batang 'yan kaya hindi ko naturuan."   Gusto ko sanang itanong kung bakit hindi sa kanya lumakit ang sarili niyang anak pero nakakahiya kung manghihimasok pa ako sa buhay niya.   "Ah sige po," sagot ko.   Naglakad si Mister Hariente sa loob ng kwadra at sinundan ko naman siya. Maaga pa naman at inaantay ko pa ang makakasama ko sa ubasan dahil mukhang wala akong pagpipilian kundi ang samahan siya.   "Ayaw ng panganay ko na manahin ang negosyo ko kaya sa isla siya nanirahan kasama ang iba niyang pinsan at mga lola. Wala akong magawa dahil desisyon ng anak ko 'yon at si Neandro ang tipo ng tao na hindi mo mapipigilan sa gusto niya dahil lahat ipipilit niya. Hindi ko na nga lang pinilit 'yang anak ko kaya nagulat ako ng sabihin niya sa akin na uuwi siya at tatanggapin ang negosyo ko. Tuwang-tuwa ang asawa ko dahil alam niyang dito na titira ang anak naming panganay," mahabang saad nito.   Sa sinasabi ni Mister Hariente, mas lalo ko lang napatunayan na kailangan ko talagang sundin ang gusto ng anak nila na ako ang maging buntot at tumulong sa kanya para lang tanggapin niya ang negosyo ng papa niya.   "Gawin mo ang gusto ng anak ko, Khloe. Gawin mo para na rin sa asawa ko na gustong-gustong manatili ang anak namin dito."   Sobrang bait sa akin ni Misis Nirvana kaya bakit ko tatanggihan ang ganitong bagay kung ito naman pala ang nakakapagpasaya kay Misis Nirvana.   "Maasahan niyo po ako, Mister Hariente."   Huminto kami sa paglalakad ng marinig namin ang padabog na hakbang. Napatingin kaagad ako sa pinagmumulan ng tunog at nakita ko si Neandro na mukhang sobrang sama ng gising.   Bagong ligo na ang panganay ng Aceves pero magulo pa rin ang buhok nito. Mukhang may nasira ang tulog ngayon.   "Pa, bakit ang aga naman?! Hindi ko alam na ganito kaaga ako gigising ng mga lintik na katulong na 'yan!" galit na galit na sigaw nito pero nakatayo naman na sa harapan namin at handa na para sa araw na 'to.   Ang lakas pa ng loob niyang sigaw-sigawan ang papa niya.   "Nakuha mo na nga ang mukha ko, Neandro, pero bakit pati ang ugali ko?" umiilig na saad ni Mister Hariente. "Masasanay ka rin gumising ng maaga. Tumigil ka na sa pagrereklamo," huling saad ni Mister Hariente at naglakad na palabas ng kwadra.   Napakagat ako sa labi ko dahil sa awkwardness na namutawi sa aming dalawa ni Neandro. Biglang kami na lang ang natira at dapat na akong masanay sa gano'ng sitwasyon.   "Magang umaga, panganay na Aceves na mukhang nasiraan ng tulog—"   "Neandro. Neandro ang pangalan ko," madiing saad nito.   "Alam ko," nakangiting saad ko sa kanya. "Hindi mo kayang banggitin ang pangalan ko kaya mas maganda kung panganay na Neandro na lang ang itatawag ko sa'yo."   Kung sukang-suka siya sa pangalan ko pwes pati ako.   "Umayos ka, Khloe." Bigla akong tinalikuran nito at naglakad palabas ng kwadra ng hindi kumukuha ng kabayang sasakyan niya papunta sa ubasan.   Laglag ang panga ko habang pinagmamasdan ko ang likuran niyang napakatikas. Binanggit niya lang naman ang pangalan ko ng maayos at punong-puno ng accent.   "Mag golf cart na lang tayo. Wala akong ganang sumakay ng kabayo," aniya pa.   Natauhan ako na palayo na siya nang palayo sa akin kaya agad akong naglakad na may malalaking hakbang pasunod sa kanya.   "Mas mabilis kung sa kabayo tayo sasakay, Neandro—"   Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong lingunin nito. Napahinto rin tuloy ako sa paglalakad at napatitig sa kabuuan niya. Simpleng itim na t-shirt at pantalon lang ang suot niya pero dalang-dala niya pa rin 'yon.   "Nagmamadali ba tayo? May lakad ka ba?" seryosong tanong nito sa akin.   Okay... Kailangan na mahaba ang pasensya ko sa kanya dahil kailangan niyang tanggapin ang negosyo ng papa niya. Hindi ko dapat siya awayin dahil kapag napikon siya baka ayawan na niya lalo ang lugar na 'to at umalis na naman siya. Ayokong malungkot ang mama niya.   "Hindi naman. Sige, kukunin ko lang ang golf cart," sambit ko na lang para hindi na kami mag bangayan nang magbangayan.   Naglakad ako paliko sa kanan para kumuha ng golf cart sa parking ng mansyon nila ng magsalita na naman ang panganay na Aceves na 'to.   "Sandali nga." Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at as usual ang noon niya at kunot na kunot pa rin kapag ako ang nakikita niya.   "Ano 'yon?" tanong ko at pilit na ngumiti sa kanya kahit na palagi na lang masama ang tingin niya sa akin.   "I will remind you again that you are under my possession right now. You will obey me whenever I go, and there is no time limit when you are with me. Lastly, I don't want to see you rushing when I'm beside you."   "Sige," nakangiting sambit ko na naman.   Madali lang naman akong kausap at gagawin ko 'to para sa mama niya. Sasamahan ko siya para lang hindi na niya ayawan ang maging taga-pagmana at umarte pa. Ang arte kasi eh. Siya na nga 'tong minamahan ng tatay niya tapos ayaw pang tanggapin.   "Basta sana naman maging maayos ang pakikipag-usap mo sa akin kahit konti man lang kasi kahit ako gusto ko na tanggapin ang pagtratrabaho sa'yo para lang tanggapin mo ang alok ng papa mo."   "Kahit naman hindi ikaw ang makakatulong ko, tatangapin ko pa rin 'to dahil wala na akong magagawa. Ilang beses na rin na hiniling 'to sa akin ng mama ko pero masaya kung ikaw ang makakatulong ko 'di ba?"   Tumaas ang isang sulok ng labi nito. Isang ngisi pa lang niya alam ko na agad na may iba pa siyang balak.   Ipagpapasa-Diyos ko na lang ang sarili ko sa kung ano man ang bagay na binabalak niya sa akin.   "Tignan na lang natin, Khloe. Kung saan nga ba tayo aabot..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD