Khloe Amelia's POV Tanaw ko mula sa inuupuan kong mabato at mataas na falls. Takot ako sa matataas na lugar kaya kahit nasa ibaba ako, nalulula ako habang tinitignan si Neandro na nasa itaas ng falls. Tanging short lang ang suot niya at mukhang sanay na sanay ang lalaking 'to na naghahanda ngayon sa pagtalon. "Mas mukha pang mature si Hades kaysa sa kapatid niyang 'to," bulong ko sa sarili ko. "Khloe!" Napahawak ako sa leego ko na parang mababaliw na sa kakatingala sa lalaking 'to. "Bakit?!" sigaw ko pabalik sa kanya. Mareklamo pa naman ang isang 'to kapag hindi kinikibo kaya hangga't maari sumasagot agad ako sa kanya. "Umakyat ka na rito!" "Ayoko! Wala akong baon na damit!" Ayaw ko rin naman mag swimming at mas lalong ayaw kong umakyat sa taas kasama siya. Baka mamaya magkamali