Khloe Amelia's POV "Hades," tawag ko sa kaibigan ko na nanood ng t.v sa sala nila habang nakaupo sa sofa. Napalingon siya sa akin at ngumiti na parang wala akong nagawa. Hindi ko siya sinipot sa almusal namin kanina pero nakangiti pa rin siya. "Khloe, upo ka rito," nakangiting saad niya. Naglakad ako palapit sa kanya at naupo nga sa tabi niya. Kinuha ko ang isang unan at pinatong ko ito sa ibabaw ng hita. "Uh, sorry kung hindi ako nakasabay sa pag aalmusal mo hah. Nagmamadali kasi ang kuya mo kanina," pagpapaliwanag ko sa kanya dahil kanina pa ako na g-guilty sa tuwing maiisip ko siya. Hindi ko alam kung saan nga ba talaga ako na g-guilty. Kung dahil ba sa hindi ako nakasipot sa kanya kaninang umaga o dahil natatakot ako na baka malaman niya ang bagay na iniisip sa amin ng mga magula