Khloe Amelia's POV
Ngayon lang ako napagod ng ganito sa buong buhay ko. Isang araw pa lang kami nagsasama ni Neandro kahapon pero parang naubos na ang pang isang buwan kong lakas.
Ala-sais na ng umaga pero nakahiga pa rin ako sa kama ko rito sa mansyon ng mga Aceves. Ala-siete dapat umaalis na ako sa mansyon nila para mag trabaho pero ngayon parang lalagnatin ako bigla.
"Khloe?"
Napapikit ang mga mata ko dahil sa narinig kong katook mula sa labas ng kwarto ko. Si Hades 'yon dahil kilala ko ang boses ng kaibigan ko. Sa sobrang pagod ko nga kahapon kasama si Neandro, hindi ko nakita si Hades kahapon dahil pag-uwi namin kahapon, dumiretso agad ako sa kwarto ko rito.
"Khloe Amelia? Gising na," aniya na sinabayan pa ng pagkatok sa pinto ko.
Napipilitan na tumayo na ako sa kama ko dahil ayokong masabihan pa ako na ang kupad ko lalo na kung kay Neandro pa mang gagaling.
Lumakad ako papunta sa pinto ng kwarto ko kahit na inaantok pa ako. Binuksan ko ito at napasandal sa pinto ng kwarto ko.
"Anong nangyari sa'yo?!" Nag-aalalang tanong agad sa akin ni Hades at hinawakan ang buhok ko na tumatakip sa mukha ko. "Pinahirapan ka ba ng kapatid ko, Khloe?!"
Napailing ako sa kanya dahil baka mamaya gerahin pa niya ang kuya niya. Hindi sila pwedeng mag-away dahil baka ito pa ang maging dahilan parang mawalan ng gana si Neandro at umalis sa hacienda na 'to.
"Isang araw pa lang pero mukha ka ng sabog na sabog."
"Ayos lang ako. Konting tiis lang naman at nakakayanan ko naman ang ugali ng kapatid mo—"
"Hindi pwedeng ganyan, Khloe. Gusto mo bang kausapin ko na ang papa at mama ko para—"
"H'wag!" mabilis na sagot ko at nawalan bigla ang antok ko sa sinabi niya. "Hindi mo pwedeng gawin 'yan, Hades."
Ang misyon ko sa bahay na 'to ay pasayahin ang mama nila at hindi pwedeng ako ang maging dahilan para mawala ang kasiyahan nito.
"Ayos lang talaga ako. Sabay na lang tayong kumain. Maliligo lang ako saglit," saad ko sa kanya.
Nakakunot noo pa rin siya at mukhang ayaw sa sinabi ko. Alam ko naman na sobra-sobra ang pagmamalasakit ni Hades simula noong maging magkaibigan kaming dalawa. Ako lang ang babaeng hindi nagkagusto sa kanya kaya ako lang ang babaeng naging kaibigan niya. Ayaw kasi niya sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya tapos kakaibiganin siya.
"Khloe, alam kong kailangan mo ng pera kaya hindi ka makatanggi sa pamilya ko pero pwede naman akong makis-usap kila mama—"
"Ayos lang talaga ako, Hades. Hindi mo kailangan mag-alala," nakangitings ambit ko.
Kitang-kita ko talaga kung ano ang pinagkaiba ng dalawang 'to. Marunong mag-alala si Hades at makikita ko kung gaano niya kamahal ang mga magulang niya pero si Neandro, wala.
"Basta kapag hindi mo na kaya at grabe na ang ginagawa sa'yo ng kapatid ko, sabihin mo lang sa akin hah. Ako ang bahala sa'yo," dagdag pa niya.
Kahit makulit ang kaibigan kong 'to nakakausap ko pa rin naman siya ng maayos lalo na sobrang seryosong bagay. 'Yon ang maganda sa pagkakaibigan. Sasabayan ka sa biruan, tawanan at syempre sasamahan ka kapag nahihirapan ka. Minsan mas maganda na magkaroon ng kaibigan na lalaki kaysa sa babae.
"Oo, magsasabi ako sa'yo. Sige, maliligo na muna ako."
Tumango siya sa akin at namulsa ang dalawang kamay niya sa black short niya. Sinara ko na ang pinto ng kwarto ko at napasandal ang ulo ko sa pader.
"Kaya ayokong napapagod e. Nag-aalala lang si Hades."
Napabuntong hininga na lang ako at naglakad na papunta sa banyo ng kwarto na akupado ko sa mansyon ng mga Aceves. Sana mawala na ang antok ko sa pagligo ko.
Binuksan ko ang pinto ng banyo ko at hinubad agad lahat ng saplot ng hindi nag-aabala na isara ang pinto ng banyo ko dahil alam ko naman na walang pumapasok sa kwarto ko ng basta-basta.
Ipinikit ko ang mga mata ko at naglakad papunta sa shower kahit na nakapikit. Kabisado ko ang banyo kaya wala akong nasasagi. Pinihit ko ang shower pabukas. Tumama sa mukha ko ang malamig na tubig at ang mukha agad ng panganay na Aceves ang bumungad sa isipan ko.
Mabilis akong napadilat at napahilamos sa mukha ko.
"Bakit ko ba nakikita ang mukha niyang nakasimangot kahit na wala naman siya sa harap ko?" naguguluhang tanong ko at binilisan na ang pagligo.
Ayan! Mas lalong nawala ang antok ko dahil nagugulantang ako sa pabigla-biglang pagpasok sa isipan ko ng isang panganay na antipatikong tipaklong ang ugali. Ugali lang dahil may itsura siya. Mabuti na nga lang at may itsura siya kasi ang pangit naman kung lahat na lang sa kanya ay pangit.
Pagkatapos kong maligo mabilis akong nagpunas ng katawan at nagbihis ng normal na sinusuot ko rito sa hacienda. Isang tank top para presko at pantalon. Syempre ang bota ko na hangang ibaba ng tuhod ko.
Sinuklay ko ang basa kong buhok at hinayaan na muna itong nakalugay habang basa pa. Naglakad ako papunta sa kwarto ko at pinihit agad ito pabukas.
"Ay kabayog bundat!" Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko at nanlalaki ang mga mata sa gulat.
Napatingin ako sa binatang nang gugulat sa puso ko sa bigla-biglang pagsulpot. Naka sando siyang puti at pantalon na itim na pinarisan niya ng botang katulad sa akin.
"Bakit ba nang gugulat ka, Neandro?" hingal na saad ko kahit na hindi naman ako tumakbo. "At ang aga mo yata ngayon."
Tamad na tamad ako ngayong araw pero itong si Neandro parang productive para sa araw na 'to.
"Hindi kita ginugulat," malamig na saad nito.
Kasing lamig ng mabango niyang hininga na tumatama sa akin.
"Halika na—"
"Hah? Halikan na? Maghahalikan tayo?!" natatarantang tanong ko sa kanya.
Nagsalubong na naman ang kilay niya sa akin. Itinaas niya ang hintuturo niya at dinuro ang noo ko.
"Ang sabi ko, halika na. Tara na. Aalis na tayo," pag-uulit niya pa. "Bingi ka na ba o gusto mo lang akong halikan—"
Kinilabutan ako sa sinabi niya kaya lumabas na lang ako ng kwarto ko at sinara ang pinto nito na parang walang narinig mula sa kanya. Nagsimulang humakbang ang paa ko papunta sa hapag kainan dahil ang kwarto ko ay narito lang naman sa unang palapag.
Papasok na sana ako sa hapag kainan ng magsalita ang amo ko ngayong araw.
"Saan ka naman pupunta?"
Napalinon ako sa kanya at sinalubong na naman ako ng blangko niyang mukha. Kung hindi blangko ang emosyon, galit naman siya. Pinaglihi nga yata talaga ang isang 'to sa galit e.
"Kakain bago tayo umalis. Inaantay ako ni Hades dahil sabay kaming kakain ngayon—"
"Aalis na tayo, Khloe." Parang galit na pagkakasabi niya.
Hindi ko na siya maintindihan. Ang aga pa naman at pwede pa kong kumain kahit sampunong minuto lang.
"Saglit lang naman akong kumain. Mabilis lang talaga—"
"Aalis tayo. 'Di ba akin ang oras mo. Ako ang amo mo, tandaan mo," pagpaalala niya sa akin na hindi ko naman nakakalimutan simula nang dumating siya rito
"Sige, magpapaalam na lang ako kay Hades," saad ko ng bigla na lang humakbang ang malalaki niyang binti palapit sa akin.
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa ng hapitin niya ang bewang ko at hilahin palabas ng mansyon ng hindi ko man lang nasasabi kay Hades na aalis na kami.
"Aalis tayo ng hindi ka nagpapaalam, Khloe. Ang gusto ko ang susundin mo."
Lahat na lang ba bawal sa kanya? Ang higpit naman niyang amo at parang hindi mapapaamo ng kahit na sino.
Pagkalabas na pagkalabas namin ng mansyon ang golf cart agad ang sumalubong sa amin. May mga ilang gamit at pagkain sa basket ng golf cart at hindi ko na lang pinansin 'yon dahil baka si Neandro ang naglagay no'n.
Binitawan niya ang bewang ko na laking pasasalamat ko dahil naiilang ako kapag hinahawakan niya ako ng gano'n. Walang kahit na sino ang humawak sa akin ng gano'n. Ayaw din makisama ng bibig ko dahil ayaw tumanggi sa paghawak sa akin ni Neandro.
Sumakay ako sa unahan ng golf cart at sumakay naman si Neandro sa likod. Siguradong sasabog ang buhok ko kaya kahit basa pa ay kinuha ko na ang panali ng buhok ko.
Kinumpol ko ang buhok ko at itatali pa lang ng biglang haltakin ni Neandro sa kamay ko ang panali sa buhok ko. Mabilis akong napalingon kay Neandro at sa kamay niya kung nasaan ang ipit ko.
"Ano na naman ba 'yon—"
"Mabango ang buhok mo. H'wag mong itali." Bigla siyang nag-iwas ng tingin sa akin.
Napahawak ako sa batok ko dahil sa pagpuri niya bigla sa akin. Ano kayang mayroon at ang lakas ng loob niyang sabihin na nag bango ng buhok ko?
"At isa pa babaho ang buhok mo kapag tinali mo ng basa. Ayoko ng mabaho," dagdag pa niya.
Napailing ako dahil akala ko purong pagpupuri lang ang gagawin niya sa akin. Isa nga pala siyang panganay na kakaiba ang bunganga.
"Oo na pero rito ka na umupo sa tabi ko. Sigurado akong tatamaan ka ng buhok ko at baka mabulag ka pa."
Wala naman siyang pagdadalawang isip na lumipat sa tabi ko. Laglag ang panga ko dahil ang bilis niyang lumipat sa tabi ko.
"Ayaw mo pang sabihin na gusto mo lang naman akong makatabi," aniya.
Ang lakas talaga ng tiwala nito sa sarili niya. Akala niya talaga lahat ng babae gusto iya.
"Correction, ayaw lang kitang mabulag dahil baka dumagdag ka pa sa pagkakagastusan ko."
Pinaandar ko na ang golf cart para hindi na siya magsalita pa. Umagang-umaga tapos bangayan na naman kaya mas napapagod ako e.
Mas gusto ko pa rin ang umaga na magsisimula ako kasama si Hades. Puro lang kami tawanan dalawa.
"Sa factory na agad tayo, Neandro para maturo ko pa sa'yo ang ibang—"
"Doon tayo sa Maria Falls," utos niya sa akin.
At bilang utusan niya agad kong niliko sa ibang daan ang golf cart. Mukhang mas sanay na sanay nga talaga ang lalaking 'to sa saya kaysa sa trabaho. Pangalawang araw niya pa lang sa trabaho pero gusto na agad niya na magpunta sa falls.
"Gano'n ba talaga ang kapatid ko sa'yo?" biglang saad niya.
Hindi ko maintindihan ang tanong niya sa akin. Ano na naman kaya 'yon? Bakit parang ang lak ng isyu niya sa akin at sa kapatid niya?
"Kung mag-alala siya sa'yo parang kinawawa naman kita ng husto."
Napadila ako sa ibabang labi ko ng ma-realize ko kung ano ang sinasabi niya. Sigurado akong narinig niya ang usapan namin ni Hades kanina sa harapan ng kwarto ko.
"Hindi mo nga gusto ang kapatid ko pero gusto ka niya—"
"Mali ka, Neandro. Hindi ako gusto ni Hades. Sadyang gano'n lang talaga siya noon pa lang pero hindi mo 'yon alam dahil hindi naman kayo sabay lumaki ng kapatid mo. Ako ang kasama niya simula high school pero ikaw hindi. Mas kilala ko siya."
Hindi siya nakasagot sa sinabi ko dahil totoo naman. Masyado na naman kaya siyang nasupalpal sa katotohanan na sinabi ko?
"Kaya dapat h'wag ka na talagang umalis dito para mas makilala mo pa ang kapatid mo..." mahinang saad ko.
Simula ng dumating si Neandro rito hindi ko pa nakita na nag-usap ng maayos ang magkapatid. Masyado silang malayo sa isa't isa kahit na magkapatid naman sila at sa iisang bahay lang nakatira. Hindi man magbago ang ugali niya sana naman maging close pa siya sa pamilya niya.
"Kung hindi ka nga gusto ng kapatid ko... Mabuti naman."
Mabuti talaga 'yon para sa kanya dahil ayaw na ayaw niyang mapapabilang ako sa pamilya niya.
"Ayaw kong may magkakagusto sa'yo." Bigla kong na preno ang golf cart at muntik na kong sumobsob pero may malaking braso ang Aceves na kasama ko kaya nahawakan niya agad ang bewang ko.
Bumaba ang tingin ko sa braso niyang nakaharang sa bewang ko. Umangat ang ulo ko at muntik ko ng mahalikan ang labi niya sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Hindi man lang siya nagulat at hawak pa rin ang bewang ko.
"Mag-ingat ka nga, Khloe. Tandaan mo isang Aceves ang nakasakay kasama mo," malamig na saad nito na parang sanay na sanay na may babaeng malapit ang mukha sa kanya.
Legit babaero nga talaga ang isang 'to.
"Bakit ba kasi pati sa akin ayaw mo na may nagkakagusto? Nang sinabi mo na ayaw mo na magkagusto sa akin ang kapatid mo, naintindihan kita pero ngayon? Ano na naman ba, Neandro? Sinusumpa mo ba ako?"
"Gusto ko lang na hangga't sa akin ka nag tratrabaho, nasa akin lang ang buong atensyon mo kung gusto mo na mag kasundo tayo. Masayang manatili sa lugar na 'to kung kontrolado ko ang babaeng katulad mo, Khloe. Nalilibang ako."