Khloe Amelia's POV Dahil sa sinabi ni Neandro kaya mas lalo pang nagulo ang isip ko. Hindi ko na rin ba kilala ang sarili ko ngayon? Nalilito na rin ako kung ano ba talagang gusto ko. "Amelia—" "Diyos ko!" Napahawak agad ako sa tapat ng dibdib ko at napatingin kay papa na magkasalubong ang kilay sa akin. Kinuha ko ang remote control ng t.v namin at pinatay ko ito. "Bakit nagugulat ka? Kanina pa ako rito kasama ka." Inalis ko ang kamay ko sa tapat ng dibdib ko at napasandal sa kahot na upuan ko. Hindi ko man lang namalayan na may kasama na pala ako rito sa munting sala namin. "Wala po, Pa," sagot ko na lang. Peo hindi nawawala ang pagkakakunot ng noo niya. "Ano na naman ba ang iniisip mo? Alam kong magugulatin ka pero ang lalim yata ng iniisip mo."