Khloe Amelia's POV "Ito ang listahan ng mga pamimili mo sa palengke." Inabot sa akin ni mama ang isang papel kung saan nakalagay lahat ng kailangan niya. Mahirap ako sa pagkakabisado pagdating sa mga utos niya kaya palaging may listahan si mama. Ilang taon na ako pero walang nagbago. Kailangan ko pa rin ng listahan sa tuwing inuutusan ako ni mama. "Sigurado ako na mas malaki ang tawad kapag ikaw ang mamimili dahil mabenta ka sa mga tindero," nakangiting saad ni mama. Palagi kasi akong binebentahan ng mga tao sa palengke ng sobrang mura. Minsan lang ako mamili kaya kapag tumatawad ako, pumapayag naman agad sila. "Nasaan ang pambayad ko, Ma—" "Tara na." Napalingon ako sa likod ko. Napatingin ako sa suot niyang maong short at t-shirt. "Kasama ka sa akin?" nagt