Khloe Amelia's POV Bakit nasasabi ng lalaking 'to na gusto niyang magustuhan ko siya sa harapan mismo ng pamilya ko? Gusto niya ba na malaman mismo ng pamilya ko na gusto niya lang ako paglaruan? O baka naman pati ang pamilya ko, gusto niya rin paglaruan. "Ang lalim ng pagkakatitig mo hah." Napatingin ako kay kuya Kyrie na kasama kong nakaupo sa isang panlatag. "Baka tamaan ka na sa Aceves na 'yan." Umiling kaagad ako sa naisip ni kuya at napataas muli ang tingin sa puno ng Mangga kung saan umakyat si Neandro para kumuha ng mga mangga. Mukha namang sanay na sanay siya sa pag-akyat ng puno e. "Si Neandro ang tipo ng lalaki na mahirap magustuhan, kuya. Malungkot ang buhay niya at gusto ko lang siyang tulungan na maging maayos ang buhay. Pagbalik sa Hacienda, susbukan ko lahat