Pinabilis ko ang takbo ng kotse ko para lang makahabol. Pero kung gaano kabilis ang pagtakbo ng kotse ko, ay mas mabilis ang kay Nerd. Mukhang natunugan yata ako! “Hindi ka makakatakas sa akin, sinisiguro ko ’yan sa ’yo!” inis kong sambit habang gigil na nagmamaneho. Pero inabot lang yata ng tatlong minuto ang paghabol ko at hindi ko na natanaw pa ang bulok na kotse ni Nerd. Nawala na lang bigla sa paningin ko pagdating sa palikong kalsada, at nang lumiko ako para hanapin ito ay hindi ko na talaga makita pa. Napahampas na lang ako sa aking manibela dahil sa inis. Pinatakbo ko na lang pauwi ang kotse ko dahil pagabi na. Pagdating ko sa apartment ay hindi ko inaasahan na nauna na palang dumating si Nerd, nakahinto na ang kotse nito sa kaniyang garahe. Kaya naman pagbaba ko sa aking kot