SOBRANG sama ng gising ko kinabukasan, katunayan ay na-late pa ako sa work ko, mabuti na lang ay hindi ako napagalitan ng manager namin. Pero hanggang sa trabaho ay para akong lutang sa antok, paano kasi ay halos wala akong tulog kagabi dahil sa nangyari. That creepy Nerd, talagang nanggigigil pa rin ako sa abnormal na ’yon. Nasusuka pa rin ako kapag naalala ang pagdampi ng labi nito sa labi ko. Talagang nandidiri ako. Ang sakit din ng ulo ko; nagkabukol yata ako sa ulo dahil sa pagkauntog kagabi ng ilang beses sa ilalim ng kama; buti sana kung kahoy ’yong katre ko, kaso gawa sa bakal, kaya ang sakit, kinabukasan ko na talaga naramdaman na parang nagkapasa ang ulo ko. Pero malamang meron din sa Nerd na ’yon dahil nauntog din naman ang ulo niya nang ilang beses. “Oh, bakit nakatulala ka