NAPILITAN akong mag-sorry kay Nerd dahil sa pagdating ni Mrs. Min na talaga namang nagalit sa akin, at pati mga kaibigan ko ay nadamay pa, pinagtulungan daw namin si Nerd kahit hindi naman. At ang lintik na Nerd na ’yon ay tahimik lang na akala mo’y inapi, ni hindi man lang nagpaliwanag kung bakit ko siya sinugod, basta nakayuko lang ito habang pinapagalitan kami ni Mrs. Min. Napilitan na lang akong mag-sorry dahil ayoko naman mapalayas, siyempre suwerte ko na sa apartment na ’to dahil sa 30k na upa ay libre na lahat, tubig, kuryente, at WiFi. Ngayon ay nakaupo na kami ng mga kaibigan ko sa aking balcony, at hindi ko mapigilan ang mapangiwi habang ginagamot na ni Prea ang labi kong nasugatan dahil sa aking pagkagat gawa ng aksidenteng pagbangga ng ilong ni Nerd. Lintik na lalaking ’yon,