SUOT ko na ang aking elegant evening gown na kulay silver at kumikinang-kinang pa, hapit na hapit ito sa aking baywang at labas ang aking malulusog na cleavage. May slit din ito sa isang hita, kaya kapag lumalakad ay nakikita ang aking makinis na hita.
200k ang bili ko sa gown na 'to. Ayos na rin kasi may eight million naman akong matatanggap na premyo mamaya. Nakakahiya naman kasi kung magmumukha akong basahan sa awarding night ng RG, syempre dapat elegante pa rin ako tingnan at beautiful kahit may suot na maskara sa mukha.
Ngayon ay narito na kami ng mga kaibigan ko sa Dynasty Island. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang awarding, pero hindi ko pa mahagilap ang partner kong si Mr. SX, hindi pa kasi dumarating.
Nasa loob na ng banquet room ang mga kaibigan ko kasama ng kanilang mga partner, habang ako ay nasa labas pa rin, hinihintay ang pagdating ng partner ko.
“Nightshade, hindi ka pa rin ba papasok? Five minutes na lang at magsisimula na ang awarding!” pagtawag ng kaibigan kong si Prea na saglit na lumabas ng banquet room.
“Papasok na rin ako maya-maya. Hihintayin ko lang ang partner ko!”
“Darating pa ba 'yun?”
“Of course, darating 'yun!” pairap kong sagot.
“Okay, good luck sa paghihintay. Basta kung hindi pa dumating in five minutes ay pumasok ka na lang at baka ma-miss mo pa ang award mo.”
“Sure.”
I let out a sigh.
Darating pa nga ba ang lalaking 'yun? Ba't ang tagal naman yata? Eh lahat ng mga may matatanggap na award ay nasa loob na ng banquet room. Ako na lang itong mag-isang naghihintay sa labas.
“That asshole, darating pa kaya 'yun?” nakasimangot kong reklamo nang mag-isa dahil naiinip na rin ako sa kahihintay.
One minute na lang at magsisimula na ang awarding. Akmang papasok na ako sa pinto nang bigla na lang may malakas na tumikhim.
“Are you waiting for me, sweet babe?”
Nabitin ako sa tangkang pagpasok sa pinto at mabilis na napalingon sa pinanggalingan ng boses.
Isang lalaking naka-red tuxedo at half masquerade mask ang papalapit sa akin. Kalahati lang ng mukha nito ang natatakpan, pero ang kalahati ng mukha ay may red paint sa labi na pinatulis sa gilid, parang nagmisulang labi ni joker, at nag-match naman sa kanya suit na kulay pula.
Umarko ang kilay ko nang makita ang brooch sa tuxedo nito, brooch ng partner kong si Mr. SX; Lahat kasi ng mga fighters sa awarding night ay may brooch bilang pagkakakilanlan.
“Who are you? Why are you wearing that brooch?” kunot ang noo ko nang tanong, dahil kahit naman hindi ko pa nakikita ang mukha ng partner ko ay kilalang-kilala ko pa rin naman ang pangangatawan nito at kung paano ito lumakad. Pero itong lalaking 'to ay parang ibang klaseng lumakad, may parang medyo may yabang, at kahit may red paint ang labi ay kilala ko pa rin na hindi ito si Mr. SX.
“You're not my partner, aren't you? Where did you get that brooch?” I asked again when he stopped in front of me.
He smiled at me, causing the red paint on his lips to stretch, so his smile looked terrifying. In fairness, it looks cool.
“I'm Brain Damage from Sword Game. And I'm here to be your temporary partner tonight—on behalf of my best friend, Mr. SX.” Naglahad ito ng kamay sa akin.
Mas lalo naman nangunot ang noo ko mula sa loob ng suot kong masquerade mask. “What do you mean? Where's Mr. SX?”
“He's sick. But he told me to take care of you, baka raw kasi agawin ka ng iba while he's not around.”
Bigla akong na-disappoint sa narinig. So ibig sabihin hindi makakarating si Mr. SX ngayong gabi? Paano na lang ang plano kong pagtatapat sa kanya sa damdamin ko? My god, ang malas naman.
Pero nang ma-realize ang sinabi ng lalaki ay parang nawala naman ang pagka-disappoint ko at napangiti ako. Kinilig yata ako bigla. So ayaw rin pala ng crush ko na maagaw ako ng iba at talagang nagpadala pa siya rito ng pamalit niya para lang hindi ako maagaw bilang partner niya.
“Nightshade from Bullet Game.” Tinanggap ko na ang nakalahad nitong kamay.
Pero sa pagtanggap ko ay bigla na lang nitong inangat ang kamay ko at dinala papunta sa kanyang labi bago dinampian ng halik ang likod nito.
“Nice to meet you beautiful,” he said, smiling at me after kissing my hand.
My eyebrows arched. Aba, may pagkabolero pala itong kaibigan ng partner ko. In fairness, I like him. But wait . . .
“Brain Damage is your codename?” I asked.
“Yes, my lady.” He chuckled.
Hindi ko na mapigilan ang mapangiwi. “That's weird. Do you always lose your mind, and that's how you chose your codename?”
Napahalakhak ito sa tanong ko at medyo nagulat ako nang bigla na lang nitong hinawakan ang baba ko at mabilis na nilapit ang kanyang mukha sa akin sabay haplos sa ibaba kong labi gamit ang kanyang hinalalaki na may mahabang kuko with red nail polish.
“Parang gano'n na nga; kung sakaling may umaligid sa 'yo ngayong gabi para agawin ka . . . I swear, masisiraan ako ng bait, at kapag nasiraan ako ng bait . . . posibleng dumanak ng dugo sa awarding night ngayong gabi. Iyon ang bilin sa akin ni Mr. SX,” anas nito sa akin, at dahil sobrang lapit ng mukha sa akin ay nalanghap ko ang hininga nito. In fairness, napaka-fresh, ang sarap sa ilong.
Napangiti na ako. Wow, hindi ko alam na ang possessive pala ng partner ko. Mas lalo yata akong na-inlove sa kanya.
“Alright. Let's go inside.” Yumapos na ako braso ni Brain Damage na kinagiti na lang nito.
Sabay na kaming pumasok pumasok sa loob ng banquet room at naupo sa upuan na nakalaan para sa amin. Sakto lang pag-upo namin at nagsimula na ang awarding.
Naunang tinawag ang codename ng mga kaibigan ko kasama ng kanilang partner. Umakyat sila ng entablado at tinanggap ang kanilang award, nagbigay rin ng konting speech, isang klase ng speech na hindi nakaka-inspire kundi nakakakilabot.
Hanggang sa tinawag na rin ang codename namin ni Mr. SX. Kaya naman tumayo na ako at umakyat na kami ni Brain Damage sa entablado para tanggapin ang award.
Hindi na ako nagbigay pa ng speech dahil wala naman akong maisip na sasabihin. Pero si Mr. Brain Damage ay tumayo sa may mic at nagbigay nga ng kanyang speech.
“Good evening, everyone! I'm Brain Damage, and I'm here on behalf of my best friend, Mr. SX. Thank you for the award!” wika nito at tinaas pa ang natanggap na trophy.
Nagpalakpakan naman ang mga tao mula sa kanilang upuan.
“Does anyone want to fight me in the next game? I can only advise you on one thing. Get your coffin ready, dahil nasisiguro kong ihahatid kita sa empyerno ng hindi na buo, kundi pira-piraso!” Brain Damage added arrogantly and even kissed the trophy before raising it and uttering his motto, “Blood is a paint. Crime is an art. And killing is my happy pill. So if you want to make me happy, just come to me and I will kill you right away!”
The crowd cheered and applauded loudly again. While I just grinned.
What a psychopath dialogue. May pagkasira yata talaga ang utak nito. Now I know, kaya pala Brain Damage ang codename; bagay na bagay naman pala sa kanya. Sabagay, galing siya sa Sword Game, at malupit ang mga fighter na naroon dahil walang mga patawad, halang ang mga kaluluwa; hindi hayop ang pinapatay kundi mga tao. Kaya hindi na nakapagtataka kung ganito kalupit ang motto ng Brain Damage na 'to.
Nang matapos matanggap ang award ay bumaba na kami ng entablado, at nakayapos naman ang braso ni Mr. Brain Damage sa baywang ko para alalayan ako. In fairness, may pagka-gentleman din.
Mga tatlong oras lang ang tinagal ng awarding at natapos na.
Ngayon ay narito na kami ni Brain Damage sa loob ng club room at nakikisaya. Sumama na ako sa kanya dahil hindi ko na mahagilap pa ang mga kaibigan ko, hindi ko na alam kung nasaan na. Pero nasa usapan naman namin na bukas pa ang uwi. At syempre, dapat lang magsaya kami ngayong gabi dahil pare-pareho kaming nakatanggap ng award.
Masaya ako hindi dahil sa natanggap kong award kundi sa natanggap kong premyo. I'm sure pumasok na sa bank account ko ang 8M na prize. Hindi ko kasi dala ang phone ko kasi hindi naman puwedeng magdala ng phone dito sa RG, isa kasi iyon sa mga mahigpit na ipinagbabawal, at kung may mahuhuli man ay maaaring maparusahan nang parusang malupit.
“Is that a kind of paint?” I asked Mr. Brain Damage, referring to his lips. Umiindak na kami pareho sa music ng DJ.
Halos lahat ng nakatanggap ng award ay narito, sumasayaw na rin at umiinom ang iba. Mga kaibigan ko lang ang hindi ko mahagilap kasama ng kanilang mga partner.
“Taste it para masagot ang tanong mo!” sigaw na sagot sa akin ni Brains Damage para marinig ko dahil nga maingay ang music.
Natawa naman ako. “Nah, pagkain lang ang tinitikman ko, hindi labi ng kung sino!” I shouted back.
And he grinned. Pero nagulat na lang ako nang mabilis nitong kinalabit ang batok ko, at sa isang iglap ay namalayan ko na lang na sakop na ng labi nito ang labi ko at marahan nang hinahalikan.
Napatigil ako sa aking pagsayaw at literal na nanlaki ang mga mata sa gulat. Pero hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla nang inihinto na nito ang paghalik at pinakawalan ang labi ko sabay ngisi sa akin.
“It's lipstick, baby, not paint!” He winked at me.
Natulala ako nang ilang segundo. What the heck! Did he just kissed my lips?!
Muli na itong sumayaw matapos akong halikan, pero ang tingin ay nakatutok pa rin sa akin at naroon pa rin ang ngisi sa labi.
“Are you out of your mind?!” galit na sigaw ko na hindi ko na napigilan pa. Nakakaasar lang, ang lakas naman ng loob niyang manghalik ng walang paalam.
“Always, sweet babe. So, do you like my lips? I mean the lipstick on it?” pilyo nitong sagot sa akin at kinapa ang kamay ko bago ako isinayaw.
Damn it! Napapikit na lang ako para magtimpi. Napakapangahas naman ng lalaking 'to!
Pero in fairness, lasang strawberry ang lipstick sa labi niya. Hindi nga pintura. Kaya pala medyo makintab at parang malagkit kung pagmamasdan nang mabuti.
“Yeah, I like your lipstick. But not your lips!” sagot ko na lang at umismid sa kanya bago inagaw na ang kamay ko at muli nang sumayaw mag-isa.
And he just smirked. “It's okay, you can deny it, baby!” natatawang sagot pa rin sa akin habang sumayaw sa harap ko.
In fairness, magaling na dancer ang lokong 'to. Parang macho dancer lang sa isang club.
“Why are you staring at me like that, baby? Am I that hot, huh? Do you like my dance move?” malandi nitong tanong sa akin at ginalaw-galaw pa ang kanyang harapan papunta sa akin.
Peste na 'to, ang landi!
“Shut up. And stop calling me baby!” pag-irap ko na lang dito at tinalikuran na ito bago lumayo sa kanya. Pinagpatuloy ko na lang ang pagsayaw ko para ma-enjoy ang gabi.
Pero hindi naman ako tinatantanan ni Mr. Brain Damage, dahil namalayan ko na lang na nakapuwesto na pala ito sa likuran ko.
“Why not? But you're a baby, aren't you? Pababantayan ka ba sa akin ni Mr. SX kung hindi ka baby pa? You're too pure, sweet babe. Dapat nga sa 'yo ay ginagatas pa. If I were your partner, gagatasin kita.”
Napahinto ako bigla sa pagsayaw nang wala sa oras. Tangina naman oh! Siraulong 'to!
Nang humarap ako rito ay nakangisi pa rin ito at malandi lang umindak-indak sa harap ko.
“f**k you!” inis ko na lang sabi at tinaasan pa ito ng dirty finger bago umalis na ng dance floor.
Naupo na lang ako sa stool bar at nag-order ng alcoholic drinks.
Pero pagkatanggap ko ng inorder kong margarita sa bartender ay bigla na lang may umagaw sa kamay ko.
“Don't drink this, may liquid ecstasy ang mga inumin dito. Baka mamaya mag-wild ka pa, baby.”
Si Mr. Siraulo na kumindat pa sa akin.
Napaawang na lang ang labi ko, pero agad din akong umismid at inagaw ang drinks sa kamay nito.
“Mind your own business. Huwag mo akong pakialaman!” inis kong sagot dito. At dahil sa inis ko ay tinungga ko na lang nang isang inuman ang isang glass ng margarita papunta sa bibig ko.
Pansin ko ang pagngiwi ni Brain Damage at napailing-iling na lang sabay ngisi. “Bahala ka, basta binalaan kita,” kibit-balikat na lang nito at tumingin sa bartender. “One glass of Martini without drugs. I will kill you kapag nilagyan mo.”
“Yes, sir!”
Napaikot na lang ang mata ko. Nakapa-arogante naman ng lalaking 'to, talagang tinakot pa ang bartender.
“You know what, kung hindi ka lang kaibigan ni Mr. SX ay baka nasuntok ko na 'yang pagmumukha mo!” I said sarcastically and smirked at him.
Tumaas naman ang sulok ng labi nito sa akin at sandali akong tinitigan sa mata bago binaba ang tingin sa cleavage ko at lumunok na akala mo'y biglang nauhaw. “Ikaw rin, kung hindi ka lang pinabantayan din sa akin ni Mr. SX ay baka kanina pa kita inihagis sa kama ko!”
Natawa ako, isang klase ng tawa na may halong inis. Nakakaasar naman kausap ang lalaking 'to!
“Ang landi mo rin pala talaga, 'no? Siraulo!” I rolled my eyes and stood up.
He laughed. “Stop saying that, sweet babe, medyo masama sa pandinig. Brain Damage is much better than siraulo!” pagkindat nito sa akin at sumimsim na sa kanyang martini nang ibigay na ito sa kanya ng bartender.
Napaikot na lang ang mata ko. “Argh! Whatever! Sasayaw ako, huwag mo akong susundan, okay? Just stay there!” Sinenyasan ko pa ito ng eye to eye as a warning.
And he just shrugged. “Alright, go.”
Muli na akong bumalik sa dance floor at umindak kasama ng iba.
Hindi nga ako sinundan ni Mr. Brain Damage pero pinanood naman ako nito mula sa kinauupuan nitong stool bar, at pansin ko ang munting ngisi sa labi nito habang nakatingin sa akin at paminsan-minsan ay sumisimsim ng kanyang drinks.
Sinenyasan ko lang ito ng aking middle finger. “f**k you!” I mouthed at him.
And he just smirked.
Tinalikuran ko na lang ito at hindi na ako tumingin pa sa kaniyang puwesto, basta sumayaw lang ako nang sumayaw nag-enjoy sa music kahit parang nag-uumpisa nang umikot ang paningin ko at makaramdam na ng kakaiba sa katawan ko.