CHAPTER 3

1264 Words
UMAGA na, nauna akong magising sa mga kaibigan ko na puro nakabulagta pa sa sahig at mga humihilik pa. Pumasok ako ng kitchen at saglit na nagtimpla ng kape bago tumambay sa balcony. Napakalamig kapag ganito maaga pa, talagang nakaka-relax, ang sarap sa pakiramdam. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang masarap na ihip ng hangin habang nakatayo sa balcony at hawak ang tasa ng aking umuusok na kape. “Hmm…” Npangiti ako habang nakapikit dahil bigla na lang pumasok sa isip ko ang partner ko sa RG. Ganito rin siguro kasarap katulad ng simoy ng hangin ang haplos niya kapag naging kami. I swear, magtatapat na talaga ako sa kanya next week sa awarding night. “Ang guwapo niya siguro kapag walang maskara,” I said as I closed my eyes. Napangiti na lang ako habang inaalala ang huling laro. He was so savage and hot in the game, I'm sure he's handsome. Napakasuwerte ko lang dahil siya ang naging partner ko sa RG, palagi tuloy kaming panalo sa laro. Sa kalagitnaan ng pag-iimagine ko ay nang bigla na lang may tumama sa mukha ko. Nagulat ako at biglang napamulat nang wala sa oras. What the heck! Ano 'to? Ang bango naman! Agad ko itong dinampot at inalis sa mukha ko para matingnan kung ano. Pero gano'n na lang ang paglaki ng mga mata ko nang makita kung ano ba talaga. Umawang na ang labi ko, ang hawak kong tasa ng kape ay nabitiwan ko na lang bigla; narinig ko pa ang pagkabasag nito sa baba pero hindi ko na binigyan pa ng pansin dahil nanlalaki na ang mga mata kong nakatingin sa hawak ko. Putangina! It's a brief! Parang bigla akong nandiri at kinilabutan. Nang mapatingin ako sa kabilang balcony ay naroon pa ang iba nakasampay. Nasira na ang umaga ko at sunod-sunod na akong napamura. “Putangina naman oh!” Talagang malilintikan sa akin ang may ari nito! “Hoy! Ikaw weird na lalaki! Lumabas ka rito!” malakas kong sigaw na hindi na nakapagtimpi pa. Sa lakas ng boses ko ay parang umiko pa sa tahimik na paligid at nagising din ang mga kaibigan ko dahil napatakbo ito palabas ng balcony. “What's the problem, Zen?” “Bakit ka sumisigaw?” “May sunog ba?” Hindi ko pinansin ang mga kaibigan ko at malakas pa akong sumigaw muli. “Hey! My nerd-weird neighbor! Lumabas ka rito kung ayaw mong batuhin ko 'yang bahay mo!” galit kong sigaw sa malakas na boses na puno na ng panggigigil. Baka mamaya ay magka-breakout pa ang mukha ko nito dahil sa kanyang brief! Talagang malilintikan siya sa akin! “Labas! Lumabas ka riyan kung ayaw mong mabato!” Hindi nagtagal ay lumabas nga ang kapitbahay ko sa kanyang balcony. Natahimik kami bigla ng mga kaibigan ko nang makita ang itsura nito. Lumabas lang naman nang nakayakap ng unan at nakabalot pa ng kulay blue na kumot, mickey mouse ang design. Parang kakagising lang nito; magulo pa ang buhok at suot pa ang kanyang big eyeglasses na kasing laki yata ng ulo niya. Ang sakit lang sa mata tingnan. Gosh! Ang badoy lang! Natutulog ba ang lalaking 'to ng naka-eyeglasses? My god. Nakakasira talaga ng umaga kung ganitong pagmumukha ang bubungad agad sa 'yo! Parang mamalasin ka agad nang wala sa oras! “Hoy, ikaw na lalaki, wala ka ba talagang manners at dito ka na lang palagi sa labas nagsampay ng mga brief mo?” “This is my house, I can do whatever I want,” sagot nito sa akin na parang kumurap-kurap pa ang mata, tila inaantok pa. Pagak naman akong natawa. “Of course, it's your house and you can do whatever you want. Pero sana magkaroon ka naman ng kahihiyan sa pagsampay ng mga brief sa labas! Tingnan mo at lumipad na papunta rito sa mukha ko!” galit kong sagot at pinakita ang hawak kong brief niya. Napakurap muli ang mata nito sa loob ng kanyang malaking salamin at tiningnan pa saglit ang hawak ko. “It's not my fault anymore, isisi mo 'yan sa hangin.” Napapikit na lang ako sa sagot nito. Aba't—talagang pinilosopo pa ako! “Jergs, give me your lighter,” I said calmly. “Wait, nahulog yata sa higaan ko!” Mabilis na tumakbo ang kaibigan ko papasok muli sa kuwarto, at nang bumalik ito ay binigay na sa kamay ko ang kanyang lighter. “Here.” Ngumisi na ako sa nerd na lalaki at itinaas ang brief nito. “Watch and learn, you asshole.” Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras dahil agad ko nang sinendihan ang brief nito gamit ang lighter. Pansin ko ang pag-awang ng labi nito nang makita ang pagliyab ng kanyang brief. Nang tuluyang magliyab ay hinulog ko na ito at muli na akong ngumisi. “Bayaran mo 'yan,” seryoso na nitong wika sa akin at sumama na ang tingin. Sa narinig ay napahalakhak naman kami ng mga kaibigan ko. “Did you heard what the nerd say, guys? Bayaran ko raw ang lintik niyang brief!” Malakas na kaming nagtawanan. Nang mapatingin ako sa lalaki ay sobrang sama na ng tingin nito sa amin. Kung nakakasunog lang ang tingin ay baka lumiyab na ako. “Oh, bakit ganyan kasama ng tingin mo sa akin, Mr. Nerd? Ano? Papalag ka ba kung ayaw kong bayaran ang mabaho mong brief? Gosh! Muntik na akong himatayin sa amoy!” Napaikot ang mata ko at maarte pang tinakpang ang ilong ko saglit para asarin ang pagmumukha nito. Muling nagtawanan naman ang mga kaibigan ko sa aking likuran. Pero si Nerd ay mas lalong sumama ang tingin nito sa akin habang yakap pa rin ang kanyang unan na penguin naman ang naka-print. “Babayaran mo o ipapa-barangay kita?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kumawala na ang malakas na halakhak mula sa akin. “So, hindi ka lang pala isang nerd kundi komedyante ka pa!” I said and laughed again. “Bayaran mo na kasi para hindi ka mapabarangay!” natatawang wika ng kaibigan kong si Angeline. “Oh siya, akin na ang wallet mo. Bayaran natin, nakakahiya naman sa lintik niyang brief. Mahirap nga naman maghanap ng gano'n sa market, dahil bukod sa smell something eww na . . . loose thread pa!” Muli kaming nagtawanan. Patakbo naman pumasok ang kaibigan kong si Aika sa loob ng kuwarto, at paglabas ay binigay na sa akin ang kanyang wallet. Binuksan ko ito at naghanap ng pera. Nang makita ang barya ay napangisi ako at agad na kumuha ng piso bago inihagis papunta sa kabilang balcony. “Ayan na ang bayad ko! Are you happy now?” I smirked. Imbes na sagutin ako nito ay isang masamang tingin lang ang binigay sa akin at pumasok na muli sa kanyang bahay nang hindi man lang pinansin ang piso. Naiwan kaming nagtawanan ng mga kaibigan ko sa aking balcony. “Hoy, Zen, baka naman ipa-barangay ka talaga nu'n.” “So? At sinong tinakot niya? Baka pagtawanan pa siya doon sa barangay dahil sa brief niya, mapapahiya pa siya!” “Sa bagay.” “Hay naku, ibang klase rin pala 'yang kapitbahay mo. Ang nerd na nga, ang weird pa. Ang malas mo naman.” Napailing-iling na lang kami ng mga kaibigan ko at pumasok na sa loob ng bahay. Saturday, kaya wala na akong pasok. Matapos namin maligo ay napagpasyahan na lang namin mag-shopping para makabili na ng outfit na susuotin namin sa awarding night ng RG next week.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD