CHAPTER 5

2454 Words
Kahit parang tumatalab na ang nainiom kong alak ay pinagpatuloy ko pa rin ang aking pagsayaw kasama ng iba. Pero habang nag-e-enjoy ako sa pagsasayaw ay may dalawang lalaking nakamaskara ang lumapit sa akin at sinabayan ako sa aking pag-indak sa rock music ng DJ. “Hi, beautiful!” bati sa akin ng isa at humawak na ang mga kamay sa baywang ko. Napangiti naman ako at yumapos naman sa leeg nito. “Hi, handsome. What's your codename?” mapang-akit kong tanong. Kailangan ko yata makipag-flirt paminsan-minsan. Ang tagal na rin kasi nung huli kong punta ng bar kasama ng mga kaibigan ko, palibhasa ay sobrang busy sa mga work. “Flicker101,” the man answered. Hindi ko na napigilan ang mapahalakhak. “Oh, it's not cool. Ang badoy naman ng codename mo!” I laughed again. My gosh, talagang badoy! Pero imbes na mapikon ang lalaki ay napatawa na lang din ito at isinayaw pa rin ako habang nakahawak pa rin sa baywang ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang isang lalaki sa likod ko na hinalik-halikan ang likod ng tainga ko. Medyo natawa naman ako dahil nakiliti ako. Sasawayin ko pa lang sana ito—nang may lumapit na sa amin. “Leave. That woman is mine.” It's no other than Brain Damage. Napatigil bigla ang dalawang lalaki sa pagsayaw sa akin at parang nakakita ng multo—na sa isang iglap ay bigla na lang nawala sa tabi ko. “f**k you! Mga duwag!” inis ko na lang sigaw dahil sa inis. Talagang nilayasan ako ng mga gago! Pero napasinghap na lang ako nang hapitin ako ni Brain Damage sa baywang at isinayaw na ako. “They don't deserve you, sweet babe. Tingnan mo, mga takot sa akin. Isang sabi ko lang inabandona ka na agad, ni hindi ka man lang ipinaglaban.” Napaikot na lang ang mata ko at inalis ang kamay nito sa baywang ko. “Don’t touch me, ayoko ng hinahawakan ako nang kung sino. Tsaka, ’di ba sabi ko huwag na huwag kang lalapit sa akin dahil sasayaw ako? At ayoko ng may aroganteng nakadikit sa akin,” pagtataray ko na napairap pa bago muling umindak. Pero tumaas lang ang sulok ng labi ni Brain Damage. “Sorry naman, I just wanted to dance as well. Bakit, bawal na ba akong sumayaw? Bawal na kitang sabayan? Mas gusto mo ang mga duwag na ’yon kaysa sa akin?” I rolled my eyes again. “Just shut up and don't talk to me!” Tinalikuran ko na ito at pinagpatuloy na lang ang aking pagsayaw. Pero ang siraulo, masyado pa ring makulit, dahil namalayan ko na lang na nasa harap ko na naman umiindak habang nakangisi ang nakakaasar na labi dahil sa pulang lipstick. Argh! This man! Kung hindi lang ’to kaibigan ni Mr. SX ay baka tinuhod ko na ang p*********i nito at nang mabasag ang kaniyang iniingatang itlog! Pero in fairness, ang puti ng kaniyang ngipin; napaka-neat tingnan kapag nakangiti. Iyon nga lang ay nakakaasar talaga ang pulang pintura sa kaniyang pisngi — I mean lipstick pala. “Anong brand pala ’yang gamit mong lipstick?” curious kong tanong na lang. Nakakapagod na rin kasi itaboy at iwasan ang lukong ’to dahil ang kulit. Malayong-malayo sa ugali ng Mr. SX ko ang lintik na lalaking ’to. “My own brand,” he answered and winked at me as he dance. Umarko na ang kilay ko. “Really? You have your own lipstick brand?” “Hmm.” He nodded. “I am the CEO of a large cosmetic company here in the country.” Namilog na ang labi at mga mata ko. I was surprised. Bigla yata akong nagka-interest! Damn. Really? CEO siya ng isang cosmetic company? “Oh really? That's great! Alam mo bang sa cosmetic store naman ako nagtatrabaho? Iyon nga lang as sales lady lang. Well, I'm not that rich.” And he smiled. “Do you want to become rich? Be my partner.” Natawa na ako. “Nah, I can't do that. I want Mr. SX only. Until I die here in RG, kay Mr. SX lang ako!” malakas kong sagot para marinig nito, dahil nga malakas ang sound ng music. Napairap na si Brain Damage sa sagot ko na tila ba nainis, dahil kitang-kita ko mula sa maliit na butas ng maskara nito ang sama ng tingin sa akin. “Masyado ka naman yatang loyal sa kaniya,” sarkastiko na nitong asik. “Of course. He's my partner, so dapat lang maging loyal ako, ’no.” I said and rolled my eyes again as I dance with him. “By the way, sino pala ang mas magaling sa inyo ni Mr. SX pagdating sa pakikipaglaban, ikaw ba o siya?” “I don't know.” He shrugged and chuckled. “Baka kasi kapag sinabi kong ako ay isipin mo pa na mayabang ako. But if you really want to know about my fighting skills, puwede mo akong panoorin sa next game.” Napaismid na lang ako. “Nah, hindi ako interesado sa ’yo. Diyan ka na nga!” Mabilis na akong lumayo sa kaniya. Pero ang kulit pa rin talaga dahil sinundan pa rin ako kahit saang sulok ako pumuwesto, basta namamalayan ko na lang na nasa harap ko na, sumasayaw na parang isang macho dancer sa club. Seriously, this man, napakakulit sobra! “Can you please stop following me?!” I shouted at him. Inihinto ko na ang pagsayaw ko at namaywang na habang salubong ang mga kilay. “Hindi porke't sinabihan ka ni Mr. SX na samahan ako ngayong gabi ay magiging ganyan ka na sa akin na mas malala pa sa isang stalker! Give me some space, you jerk!” I said irritatedly. Pero ang loko bigla na lang hinubad ang kaniyang coat at basta na lang inihagis sa kung saan. Hindi pa nakontento dahil pati ang kaniyang panloob na black long sleeve polo ay binaklas lahat ng butones at hinubad mula sa kaniyang katawan habang marahan na sumasayaw sa harap ko. My lips parted in disbelief. Oh my gosh. Wow. Just wow. In fairness, napaka-macho ng kaniyang katawan! Halatang batak sa gym. Damn. Ang hot! Napatitig na ako at hindi mapigilan ang mapalunok nang wala sa oras. Ang titigas ng kaniyang mga abs. At base sa patay-sinding ilaw sa loob ng club ay tan skin siya, hindi maputi, which mas hot tingnan, bumagay sa kaniyang macho na pangangatawan. Holy crap! He's so hot! “Do you like my abs?” he asked, still dancing in front of me. I swallowed hard. Ni hindi ko na namalayan na napahinto na pala ako sa aking pagsasayaw. “Bakit, tingin mo ba masarap ka?” bigla na lang kumawala iyon sa bibig ko. Pero hindi ko inaasahan na aabot sa kaniyang pandinig. “Curious ka? Puwede mo akong tikman.” He laughed and winked at me. “Free taste, sweet babe. Don't worry, I won't tell Mr. SX. It's just secret between us.” Para na akong natauhan at pinanlakihan na ito ng mata. “My god, stop flirting with me! Iniisip mo siguro na puwede mo ako maging bed warmer? Nah, that won't happen. FYI, I'm still a virgin!” inis kong sagot at inirapan pa ito bago tinalikuran. Muli na akong sumayaw. Pero hindi ko inaasahan ang malakas na paghalakhak nito mula sa likuran ko. “Oh, so you're still innocent and pure, huh? Ano kaya kung basagin na natin ’yang pagiging inosente mo tonight? Don't worry, I'll be gentle!” he shouted loudly. Argh! Ang landi! Hindi ko na lang pinatulan at umalis na ako ng dance floor dahil parang nakakaramdam na ako ng kakaiba sa katawan ko. Nahihilo na yata ako dahil sa nainom ko. Naupo ako sa stool bar at sumenyas sa bartender na bigyan ako ng drinks. “Margarita again, please!” Agad naman itong kumilos at binigay nga ang order ko. Sandali pa ko pang ipinilig ang ulo ko bago ko dinampot ang glass ng margarita. Pero nang akmang sisimsim na ako ay bigla na lang nag-flashback sa utak ko ang sinabi ni Brain Damage kanina na may drugs ang mga inumin dito. “Wait, totoo bang may drugs ang mga inumin dito?” diretso ko nang tanong sa bartender. Napahinto naman ito sa ginagawang pagtimpla ng alak at napatingin sa akin, hanggang sa isang marahan na pagtango ang isinagot. “Yes, Ma'am. But don't worry about the drinks that I gave you earlier, hindi naman gaano matapang ang drugs no’n. Two hours pa ’yon bago tatalab sa inyo.” Napamaang ako sa narinig. “Two hours?!” gulat kong bulalas at agad na napatingin sa suot kong wristwatch. Tangina, isang oras na ang nakalipas mula nang inumin ko ang drinks! “Anong klaseng drugs ba ’yon? Ano ang magiging epekto?” “It’s just uhm . . . party drugs?” kibit-balikat na sagot ng bartender at ngumiti pa sa akin ng nakakaloko. “Nakadepende sa ’yo ang magiging epekto no’n, Ma'am.” “You jerk! Bakit mo kasi nilgyan ng drugs ang order ko? Wala naman akong sinasabi—” “Relax, Ma'am. Lahat ng inumin dito ay automatic na may gano’n, unless sabihin mo ’wag lagyan.” Napapikit na lang ako sa inis. Damn it! Mukhang kailangan ko na yatang umuwi bago pa tumalab sa akin ang drugs na ’yon. Baka mamaya mag-wild pa ako at baka kung ano pang magawa kong kalokohan, pagsisihan ko pa kinabukasan. Kaya naman tumayo na muli ako at hindi na ininom pa ang bago kong inorder na margarita. Kailangan ko nang hanapin ang mga kaibigan ko at nang makauwi na kami. Pero nang akmang lalabas na ako sa exit door ng club ay napahinto naman ako nang makarinig ng malakas na hiyawan ng mga babae. Paglingon ko ay si Brain Damage na pinalibutan na ng maraming babae habang malanding sumasayaw; ang kamay ng mga babae ay humahaplos na sa katawan nito, at hindi ko inaasahan ang pagdila ng isang babae sa kaniyang tiyan pataas sa kaniyang dibdib. “My gosh.” Hindi ko mapigilan ang mapailing. Pero imbes na lumabas na ay nanatili akong nakatayo at pinanood ang kanilang pagsayaw ng masagwa. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakalapit na si Brain Damage sa akin at hinila na ang braso ko. Isinayaw na ako. Para naman akong natauhan. “Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Kailangan ko nang umuwi!” pilit ko nang inagaw ang braso ko. Pero ngumisi lang ito sa akin at isinayaw na ako ng chacha dance dahil bigla na lang nag-change ang music. Basta nagulat na lang ako nang akala ko ay babagsak na ako, pero mabilis akong nasalo ni Brain Damage sa likod at muling hinila para makatayo muli at saka na naman ako isinayaw. Shit! Parang umikot na ang mundo ko sa klase ng kaniyang pagsayaw sa akin. Hanggang sa napatawa na lang ako at sinakyan na lang siya. I enjoyed dancing with him. May mga babae na pilit na sumiksik para lang mabigyan niya ng pansin at maisayaw din, pero hindi niya ito pinansin dahil hindi na niya inalis pa ang kaniyang mga braso sa pagpulupot sa katawan ko. Hanggang sa bigla na lang may nainis na babae at bigla na lang siyang sinabuyan ng wine sa katawan, dahilan para mapatigil kami sa aming pagsasayaw. “You asshole!” inis na sigaw ng babae at tinaasan pa siya ng middle finger sabay walkout. Napatawa na lang ako. “Oh my gosh! You go away, girl! This Brain Damage is mine!” natatawa kong pahabol sa babae. And when I looked back at Brain Damage ay nakangisi lang ito. “Let me clean that for you.” I winked at him and licked the liquid in his body. Brain Damage gasped. “Oh, sweet babe, that was great! f**k . . . Uhm . . .” He groaned and caressed my hair. Mula sa banda ng kaniyang pusod ay marahan kong pinalandas ko ang dila ko pataas, pinalakbay sa kaniyang mga abs at sinipsip ang bakas ng wine, hanggang sa umakyat pa ang dila ko sa kaniyang dibdib at napatingala na ako sa kaniya sabay bungisngis. “Do you like my tongue?” I asked seductively. Brain Damage swallowed hard. “You turned me on . . .” he murmurs. I smiled. But before I could talk, siniil na niya ng halik ang labi ko. And I kissed him back. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko, at ako naman ay niyapos ang mga braso sa kaniyang leeg. Tinigil na namin ang pagsayaw at mas binigyan na lang ng atensyon ang pagtugon sa labi ng isa't isa. Parang may apoy na dumaloy sa bawat ugat ng katawan ko dahil bigla yata akong nag-init. Hanggang sa basta ko na lang lumambitin sa kaniyang katawan at iniyapos ang mga paa ko sa kaniyang baywang. Rinig ko ang kaniyang bahagya pagtawa sa ginawa ko, pero hindi niya hinayaan makawala ang labi ko, at sinalo niya lang ako sa aking pang-upo. “Let’s get out of here . . .” kaniyang anas habang patuloy ang paghalik sa akin; isang klase ng halik na parang ayaw nang bumitaw pa, para bang takot maagawan ng kung sino kahit wala naman kaagaw. Hindi ako sumagot basta lumaban lang ako ng halik sa kaniya, dahil parang ayoko nang mawalay pa sa kaniyang labi. Para akong nakalutang at naglalaho ang paligid ko habang hinahalikan ang kaniyang nakapalambot na labi. Napaka-fresh ng kaniyang hininga, ang sarap langhapin, para akong natutunaw sa sarap ng kaniyang labi. Ewan ko, pero nawawala na yata ako sa sarili dahil sa paghalik sa kaniya. Basta naramdaman ko na lang ang pagsandal ko sa matigas na pader, pero hindi ko binigyan ng pansin at patuloy pa rin ang paghalik sa kaniya labi. Napamulat lang ako nang bigla siyang bumitaw ng halik sa akin. Kadiliman na ang bumungad sa akin pagmulat ko, wala na pala kami sa loob ng maingay na club. “Wanna make love with me?” anas niyang tanong sa akin at hinaplos pa ang pisngi ko, habang ang kaniyang isang braso ay mahigpit nang nakayapos sa baywang ko. Para naman akong nabitin dahil sa kaniyang pagbitaw sa labi ko. Kinapa ko ang mukha niya at hiplos ang kaniyang pisngi, suot niya pa rin ang kaniyang mask. “I want your lips again. Ang sarap ng labi mo, eh. Please, kiss me again . . . Please . . .” I begged. “Okay, starting tonight, I'm all yours. And you're f*****g mine . . .” Muli na niyang sinakop ang labi ko at nangahas na ang kamay sa katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD