CHAPTER 2

1304 Words
I WAS BUSY THE WHOLE DAY; 07:00 AM ang pasok ko sa umaga, at 07:00 PM naman ang labas ko. Ang daming customer sa store buong maghapon, kaya halos hindi ako nakaupo. Ang sakit tuloy ng baywang ko at binti ko sa kakatayo, dahil nga naka-high heels lang naman kaming mga sales lady. So talagang masakit sa binti kapag matagal nakatayo. Pero hindi naman kami puwedeng magreklamo dahil kasama sa uniform ng mga employado na dapat ay naka-high heels. Mabuti na lang paglabas ko ng store ay nakaabang pala ang apat kong kaibigan at may mga dalang mga alak, kaya kahit papaano ay nawala ang pagod ko at napalitan ng sigla. “Cheers!” Pinagbangga namin ng mga kaibigan ko ang aming wine glass at sabay na uminom. It's already 8:45 PM. Narito na kaming magkakaibigan sa balcony ng apartment ko. Mag-one month na nang lumipat ako rito, pero ngayon lang ang unang bisita nila sa akin gawa ng pare-pareho kaming busy sa aming mga trabaho, ngayon lang lang talaga kami nagkaroon ulit ng bonding makakaibigan. “So kumusta naman ang pagtira mo rito? Wala naman bang ghost or something bad spirit?” tanong ni Aika, ang kaibigan kong kikay manamit. Maarte naman akong natawa at marahan na inalog-alog ang wine glass ko. “Well, wala naman, dahil nga ako ang unang umupa rito. Unlike doon sa una kong apartment na may nagmumulto dahil may nagbigti na palang babae doon dahil sa pagkabigo sa pag-ibig, ni hindi man lang sinabi sa akin ng landlord. Kaya pala ang mura lang binigay sa akin ng upa.” “So, magkano naman ang upa mo rito?” tanong naman ni Jergs sabay sindi ng sigarilyo. Ito naman ang kaibigan kong tomboy pero madalas kiligin kapag nakakakita ng guwapo. Magaling ito sa paggamit ng espada, kaya palaging sword game ang sinasalihan na laro sa RG. In short, she's a murderer. “30k, keri na rin ng budget kahit papaano," I answered. “May available pa bang room? Ano kaya kung lumipat na rin ako rito?” Napaismid naman ako sa kaibigan kong si Prea nang marinig ang sinabi nito. Ito naman ang kaibigan kong golddigger na mahilig mang-uto ng mga mayayaman. “I think wala nang available. Meron sana, diyan sa kabila, pero may umupa nang lalaki last week. And it's irritating me. Gosh, I hate him,” I said and rolled my eyes. Sabay namang napabaling ang tingin nila sa aking kapitbahay na isang pader lang ang pagitan sa bahay ko, katunayan ay kayang-kaya tumalon papunta sa balcony nito, dahil talagang magkadikit lang sa balcony ko; para nga kami nasa iisang bahay lang kung titingnan. Kaya naiinsulto talaga ako sa mga sinampay. One week na ang nakalipas pero hindi naaalisan ng sinampay sa kabilang balcony. Mabuti na lang ay hindi ko na nakita pa ang nerd na 'yun. Hindi ko na rin kasi nabigyan pa ng pansin these past few days dahil busy na ako masyado sa aking trabaho. Pero baka this weekend ay mapalayas ko na ang lalaking ’yon. I swear, gagawan ko siya ng kalokohan para mapaalis lang. “A guy? Omg! Is he handsome?” Angeline reacted. Ito naman ang kaibigan kong maarte at mahilig sa mga guwapo. Napaikot ang mata ko at natawa sa tanong nito. “Handsome my ass. Baka masuka ka lang kapag nakita mo ang itsura no’n. He's nerd and weird. Look at his balcony, ang dami na namang nakasampay na brief,” irita kong sagot at muling lumagok ng alak sa aking kopita. Muli silang napatinging apat sa balcony ng kapitbahay ko at pansin ko ang kanilang sabay na pagngiwi nang makita ang mga brief. “Bakit maraming brief? Marami ba silang nakatira riyan? Guwapo ba ang iba?” Si Angeline ulit na bigla na naman naging interesado. “Tsk. Mag-isa lang siyang nakatira riyan; paminsan-minsan lang siguro maglaba, kaya ayan, ang sakit na sa mata tingnan ng kanyang balcony dahil sa dami ng brief na nakalambitin. May gosh, ang dugyot talaga tingnan.” Hindi ko mapigilan ang mapairap dahil talagang nakakairita tingnan. Ang sakit sa mata. One week na pero hanggang ngayon ay inis pa rin ako tuwing naalala ko ang pagbuhos ng tubig sa akin, pakiramdam ko ay sinadya. “Ang malas mo pala at nagkaroon ka ng ganyan kapitbahay,” pag-iling-iling ni Jergs at napasatsat pa, tila nadugyutan din sa mga brief. “Inuman na lang tayo. Cheers!” “Cheers!” Nag-inuman na lang kami ng mga kaibigan ko at nagkwentuhan tungkol sa buhay. Hanggang sa napunta na naman sa RG ang aming kwentuhan. “Malapit na pala ang awarding night. Gosh! Excited na ako!” mahinang pagtili ni Aika na parang may tama na ng alak. “Mas lalo naman si Zen, excited 'yan kasi makikita na niya ulit ang kanyang Mr. SX!” sabat naman ni Angeline. Kaya napatingin na naman ulit sila sa akin at sumilay ang mga may panunuksong ngiti. “Oh right, magtatapat na pala ang ating beshy!” “Pero paano kapag may asawa na pala 'yang si Mr. SX? O kaya pangit pala kapag walang maskara?” “Oo nga 'no? Paano nga kung pangit pala? Matanggap mo pa rin ba, Zen?” Napairap naman ako. “Well, let's see. Pero tingin ko naman ay guwapo siya. Imposible naman kasi maging pangit, aba, sa ganda ba naman ng katawan niya at labi, pati ngipin, magiging pangit siya? Ipupusta ko ang bituka ko, guwapo siya!” “Sus, ipinagtanggol agad ang kanyang lover boy!” Naghiwayan na silang apat, tinukso na naman ako. Napailing na lang ako at muli na kaming uminom. Hanggang sa tuluyan nang nalasing at nakabulagta na silang tatlo sa balcony, nakatulog na sa kanilang kinauupuang couch; kami na lang ni Jergs ang nanatiling gising dahil matibay kami sa inuman, matagal malasing. “Hays. Ang bbigat! Ang sarap ihulog na lang dito sa balcony!” reklamo ko habang pinagtutulungan namin ni Jergs na buhatin sila isa-isa papasok ng kuwarto. “Ako na lang ang magbubuhat sa kanila, kaya ko 'to. Linisin mo na lang ang mga kalat natin,” ani Jergs. Kaya naman hinayaan ko na lang siyang mag-isa at nilinis ko na lang ang mga pinag-inuman namin. Hanggang sa kalagitnaan ng paglilinis ko ay narinig ko ang pagdating ng sasakyan sa baba. Mabilis naman akong napasilip. Nangunot ang noo ko nang makitang kapitbahay ko ang dumating. Ginabi na ang nerd na 'to. Ano kaya ang trabaho nito at palaging gabi na lang kung umuwi? 02:54 AM na kaya ang oras, paumaga na. “Tsk. Ang pangit ng kanyang sasakyan, halatang umuusok na. Pang junk shop na dapat ang mga ganyan,” pag-iling-iling ko habang sinisilip itong lumabas sa kanyang lumang kotse. Nang makalabas ito ay pinunas-punasan pa ang bintana ng kanyang bulok na kotse. Hindi ko tuloy magilan ang mapangiwi habang nakatingin sa kanya mula sa balcony ko. He is really weird. Hindi yata ako naniniwala sa landlady na 90k ang upa ng nerd na 'to. Aba, napakayaman naman niya kung 90k ang renta niya monthly, ibig sabihin ay mataas din ang monthly salary niya kung gano'n. Pero bakit ganitong umuusok na ang kanyang kotse? Mas maganda pa nga ang kotse ko kaysa sa kanya. I think, kamag-anak siguro 'to ni Mrs. Min. Baka niloloko lang ako ng matandang 'yun, ayaw lang aminin na pamangkin niya ang lalaking 'to kasi nga weird, nakakahiya maging kamag-anak. Napailing-iling na lang ako at kinuha ang isang kopita bago ito pinuno ng alak. Nang napuno ay muli akong sumulip at isinaboy ang alak sa lalaking nagpupunas sa hood ng kanyang kotse. At dahil best fighter ako sa RG, sumapol ang pagtapon ko ng alak sa likod nito, dahilan para mapahinto ito sa pagpupunas. Napangisi na lang ako at mabilis nang umalis ng balcony bago pa ito mapalingon sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD