IT'S SUNDAY, pero imbes na mag-relax sa isang magandang beach resort, heto ako ngayon, pose nang pose para mag-modelo rito sa sa isang clothing line. Sayang din kasi ang fourty thousand salary sa loob lang ng apat na oras, eh magpo-pose lang naman ang gagawin ko at kukunan lang ako ng litrato.
Well, this is my sideline job; umi-extra ako sa pagiging modelo kapag weekend. At kapag Monday to Friday naman ay nagtatrabaho sa isang cosmetic store bilang isang sales lady. Twenty two thousand naman ang salary ko monthly sa pagiging sales lady.
Kailangan kong kumayod para ma-afford lahat ng mga gusto ko sa buhay. Hindi naman kasi ako mayaman, at ang malala pa ay breadwinner pa ng pamilya.
“Here's your salary.”
Napangiti ako nang iabot na sa akin ng manager ang isang money envelope.
“Thank you. Please don't hesitate to call me if you need a model again.”
“Sure, sweetie. I will contact you soon.”
Nakangiti na akong lumabas ng building at sumakay sa aking red Toyota GR86, ang kotse na nabili ko last year gamit ang pera na napanalunan ko sa Ruthless Game.
Pagkapasok ko sa kotse ko ay saktong nag-ring ang phone ko. Bunsong kapatid ko ang tumawag.
“Oh, ano na naman 'yun?” I answered the phone call.
“Ate, next week na ang birthday ni Mama. Magpadala ka raw ng pera kahit twenty thousand lang pang handa!”
Napapikit na lang ako sa narinig. Sabi ko na nga ba, oras na tumawag sila sa akin ay hihingi agad ng pera. Kailan nga ba sila tumawag para kumustahin ako? Wala akong naalala. Pero sanay na rin naman ako, sanay na sanay na mag-provide sa lahat ng kanilang kailangan, dahil ako lang naman ang kanilang tanging inaasahan.
“Sige, magpadala ako bukas ng pera.”
Napabuga na lang ako ng hangin at napailing matapos ang phone call. Pinatakbo na ang kotse ko paalis ng parking lot. It's already 05:36 PM, malapit na rin ang dinner. Kaya naman dumaan muna ako sa isang fast food restaurant at bumili ng aking favorite fried chicken, pati na rin pizza and beer, dahil ubos na rin pala ang stock kong beer sa apartment.
Mahigit 15 minutes lang ang tinakbo ng kotse ko at narating ko na ang inupahan kong bagong apartment. Thirty thousand ang upa ko, pero libre na lahat: tubig, kuryente at WiFi. Kaya kahit medyo pricey ang upa ay masasabi kong sulit na rin. At isa pa ay safe talaga dahil may dalawang security guard ang laging nakabantay sa gate.
Bumaba na ako ng kotse ko at binitbit ang mga pinamili ko. Pero hindi ko pa naisasara ang pinto ng kotse ko nang bigla na lang may malamig na tubig ang bumuhos sa akin.
“Oh my god!” Napasinghap ako sa gulat. Napakurap-kurap ako nang ilang sandali.
Shit. Ang lamig! Para akong binuhusan ng tubig na may yelo!
Nang makabawi sa pagkagulat ay agad na akong tumingala sa taas para makita kung sino ba ang may kagagawan. Pero pagtingala ko ay agad kong nakita ang isang lalaking nakatayo sa katabing balcony. Nakatingin ito sa akin habang nakaawang ang labi na tila ba gulat na gulat din, at may suot pa itong malaking salamin sa mata, medyo kulot ang buhok na makapal at magulo. Mickey mouse naman ang suot nitong damit na kulay dilaw.
Napamaang ako nang ilang sandali. What the heck is going on? Who is this idiot man? Ang alam ko ay bakante itong katabi kong apartment. Bagong lipat ba ang lalaking 'to rito?
“N-Naku sorry, miss, n-nasagi kasi ng kamay ko ang timba, kaya nahulog ang tubig papunta sa 'yo. Nagsasampay kasi ako ng mga labahin ko eh, at sa pagmamadali ko ay nasagi ko ang timba nang hindi sinasadya, nahulog tuloy sa 'yo,” paghingi ng paumanhin nito sa akin at nag-bow pa akala mo'y isang japanese.
My lips parted in disbelief. I was speechless for a moment.
“Pero magpasalamat ka pa rin sa akin kasi mabilis kong nahawakan ang timba, kaya tubig lang ang bumuhos sa 'yo. Paniguradong magkakabukol ka kung sakaling nahulugan ka ng timba ko sa ulo. Hehe!” dagdag pa nito na sinabayan pa ng konting pagtawa at napakamot pa sa kanyang ulo na para bang ewan.
Damn. Ang weird!
Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiwi. Pero agad ding humigpit ang hawak ko sa aking mga bitbit paper bags at uminit na ang ulo ko.
“Tanga ka ba? Look what you did to me! Basang-basa ako because of you!” galit kong nang sagot dito pero may pagtitimpi pa rin kahit papaano sa boses ko.
“N-Naku, miss, 'wag ka namang magalit sa akin, hindi ko naman sinasadya. It's just a water, okay? Just take a bath. Huwag kang mag-alala, malinis naman 'yung tubig na bumuhos sa 'yo, pinagbanlawan ko lang 'yun ng mga damit ko. Kaya isipin mo na lang na isang banal na tubig ang bumuhos sa 'yo. Hehe. Suwerte mo pa rin,” sagot nito sa akin na pagngiti-ngiti pa, 'yung klase ng ngiti na—I can't explain, parang ewan na werdo.
Mas lalo yata uminit ang ulo ko.
“f**k you! Bumaba ka rito at nang makita mo kung sinong hinahanap mo!” galit ko nang sigaw at pinakita sa kanya ang middle finger ko kahit may mga bitbit pa akong paper bags.
Umawang naman ang labi nito na tila nabigla sa akin at pagsenyas ko ng dirty finger.
“S-Sorry talaga, miss! Sorry po, madam! Pasensya na!” paghingi nito ulit ng paumanhin gamit ang nakasiklop na mga kamay at nakatatlong beses pang yumuko sa akin bago patakbo nang umalis ng kanyang balcony at pumasok sa loob.
Parang nagngitngit naman ako sa galit, dahil nang mapatingin ako sa isang paper bag kong bitbit ay napunit na pala gawa ng pagkabasa, dahilan para mahulog ang ilang piraso ng fried chicken na nasa loob.
“Humanda ka sa akin lalaki ka!” Mabilis ko nang pinasok muli sa car ko ang mga paper bag kong bitbit.
Pero bago pa ako makaalis sa garage ng apartment ko ay isang boses na ang nagpahinto sa akin.
“Ms. Zendia!”
Paglingon ko ay walang iba kundi ang mataba kong landlady na kakapasok lang ng gate at may bitbit pang totebag.
“Oh, kayo po pala. Hello po, Mrs. Min!” bati ko rito at mabilis na itong sinalubong. “Tamang-tama po ang dating niyo may sasabihin ako. May umupa na po ba riyan sa kabila?” agad kong tanong.
“Ah oo, ang suwerte mo at may bagong kapitbahay ka na. Kaya nga ako dumaan dito para sana sabihin sa 'yo na may kapitbahay ka na. Siya si Casper, kaninang umaga lang lumipat diyan.”
Umawang na ang labi ko sa sagot ng landlady at napatingin muli sa balcony ng katabi kong apartment.
No, hindi ito maaari.
“So, ayos lang po sa inyo kahit magiging ganyan kaburara ang uupa riyan?”
Natawa ang landlady sa tanong ko. “Ano ka ba naman, ang sama mo naman magsalita sa kapwa mo. Hindi naman burara ang pagsasampay ng mga labahin sa balcony. Pasasaan ba't matutuyo rin ang mga 'yan.”
Parang hindi na ako makapaniwala sa sagot nito sa akin.
The heck! Ang sakit kaya sa mata ng mga nakasampay na damit. Parang naging decorations na sa balcony! Talagang ang pangit tingnan!
“No, ayoko po siya maging neighbor ko.” Marahas na akong umiling at tumingin muli sa landlady. “Gusto kong paalisin niyo po siya ngayon din! Ayokong maging kapitbahay ang nerd na 'yun!”
Parang nagulat naman ang landlady sa pagtaas ko bigla ng boses. Saglit ako nitong tiningnan na parang hindi makapaniwala, hanggang sa namaywang na ito sa harap ko.
“Aba! At bakit naman ayaw mo, aber? Ako ang may-ari nitong apartment, at patitirahin ko rito kung sino ang gusto kong patirahin!” sagot nito sa akin na parang nanlaki pa ang mga mata.
“Fine. Uupahan ko na rin 'yang inuupahan niya, basta paalisin niyo siya rito.”
Napangisi na ito sa akin at tumango naman. “Oh sige, basta ba kaya mong bayaran kung magkano ang kanyang upa.”
“30k, right? Fine, babayaran ko—”
“Hindi.”
“Ows? So how much?” Umarko na ang kilay ko. Don't tell me mas mura niya binigay ang upa sa nerd na 'yun? Aba, ang unfair kung gano'n!
“90k, triple sa upa mo. Kaya umayos-ayos ka, dahil baka ikaw pa ang mapaalis ko rito kapag nagreklamo 'yan sa akin dahil sa pagiging maarte mo!” sagot nito akin bago ako tinalikuran at lumabas na ng gate.
Napaawang na lang ang labi ko at naiwan mag-isa sang nakatayo.
Napamura na lang akong nang mapatingingala muli sa kabilang balcony.
Tangina! Kung minamalas nga naman oh, sa dami ng kapitbahay ko ay isa pang Nerd at burara. And worse, unang lipat pa lang ay sinira na agad ang araw ko.
Napabuga na lang ako ng hangin at kinuha na muli ang mga pinamili ko bago inis nang pumasok sa aking apartment.
“Pwes, maghintay ka lang lalaki ka, mapapalayas din kita riyan. Hindi ako papayag na ikaw ang maging kapitbahay ko. Malas mo lang at nakabangga mo ako sa unang araw mo pa lang dito.”