CHAPTER NINE

1154 Words
"UMALIS ka na rito, Harden! Wala ka ng trabaho. Hindi ko kailangan ang pabayang tulad mo!" Malakas na salubong sa kaniya ng foreman. And yes! Harden ang ginamit niyang pangalan sa isang buwang paninirahan sa Tarlac. Sa lugar kung saan siya napadpad simula umalis siya ng Baguio. "Brod, huwag ka ng sumagot. Baka mapasama ka pa. Tandaan mong siya pa rin ang foreman natin dito." Pagpipigil sa ng isang kasamahang hindi nalalayo sa kaniyang edad. Subalit dulot marahil ng mabigat na trabaho ay nagmukha itong mas matanda kaysa tunay na edad. "Huwag na huwa n'yo siyang pigalan kung ayaw ninyong mawalan din ng trabaho! Kayo na rin ang nagsabing ako ang foreman kaya't sa akin kayo makinig!" sigaw pa ng foreman. Tuloy! "Why? Do you really think that you are the boss here, Mr Foreman? Yeah! Indeed! You are our construction foreman, but you are not our boss nor the owner of this site. If you are angry with me because I reported very late today, then you should only throw the blame on me, not to all of my co-workers! And besides, according to the workers from the other constructions, foremen supposedly working together with the ordinary workers. So, now, let's me ask you, Sir Foreman, are you doing your job as our leader? If you can answer that very well, I will gladly accept the fact that I don't belong in your group or this site. I will voluntarily quit from my work or with you, Sir Foreman!" Boom na boom! Dahil sa galit niya sa lintik at mapang-aping foreman ay nakalimutan na yata niyang dapat magmukha siyang walang pinag-aralan! "BRAVO! Magaling! Sabi ko na nga ba at hindi ka ordinaryong construction worker, Mr Harden. Dahil sa pananalita at kilos mo pa lamang ay halatang isa kang edukadong tao." Pumapalakpak na lumapit sa kanila ang may-ari ng building na ipinapatayo. "Boss!" Sabay-sabay na saad ng lahat. Napalingon silang lahat sa pinagmulan ng tinig at pumapalakpak. "Maari na kayong magsibalik sa trabaho ninyo, guys." "Mr Harden, sumunod ka sa akin. Dahil gusto kitang makausap." "At ikaw, Jimmy Boy, maghintay ka rito. Dahil kahit ikaw ay kailangan kong makausap. Narinig ko ang sinabi ng Harden na ito. Kahit ang pamamaraan ng pagtrato mo sa iyong kasamahan. Kaya't huwag ma huwag kang aalis kung ayaw mong samain sa akin." Pinaglipat-lipat ni Mr Villareal ang paningin sa lahat ng nandoon. Higit sa lahat ay bagong trabahador na si Chief Inspector Sandoval. "SORRY, boss. Pero hindi ko na kasi matiis ang ganyang trato ni foreman sa aming lahat. Kaya't wala akong magagawa kung tatanggalin mo ako sa trabaho. Ganoon pa man ay huwag mo sanang idamay ang mga kasamahan ko lalo at mas nauna sila kaysa sa akin." Inunahan na lamang din ni Raven Andrew ang maaring sabihin mg tunay na boss. "Walang matatanggal sa trabaho, Mr Harden kung iyan ang iniisip mo. May nais lang kong itanong sa iyo na personal," sagot nito. 'Sige lang, hay*p kumagat ka. Dahil iyan ang gusto kong mangyari!' Lihim siyang napangitngit. "Maraming salamat kung ganoon, boss," saad na lamang din niya saka sumunod dito sa medyo malayo sa mga kasamahan. Dahil dito ay nagkatinginan ang mga ibang trabahador. SAMANTALA kagaya nang binitiwang salita ni Scarlette sa binatang tumulong sa kaniya ay siya ang gumawa sa gawaing bahay. Isang bungalow apartment naman kasi iyon kaya't madali lang itong linisin. "Kumusta na kaya si Daddy? Diyos ko, sana naman ay ligtas pa rin siya hanggang ngayon. Sigurado akong alam na ng mga alagad ni satanas na wala ako sa bahay," bulong niya sa kawalan. Kasalukuyan siyang nasa maliit na living room. Dahil doon naman talaga siya nagtatambay kapag tapos na ang gawain niya. Subalit sa pagkaalala sa ama ay muling sumiphayo sa kaniyang isipan ang huling usapan nilang mag-ama. "Bakit ngayon mo lang iyan sinabi sa akin, Daddy? Regular naman po akong tumatawag pero kahit ano'ng problema ay wala kang binanggit." "Dahil ayaw kong mawala ang focus mo sa iyong pag-aaral. Pero huwag kang mag-isip ng kahit ano, anak. Stable ang income and assets bg kumpanya. Nagkataon lamang na ganid ang taong iyon." "Kung ganoon ay umalis na tayo sa lugar na ito, Daddy. Wala tayong ibang dadalhin kundi ang mga papeles ng kabuhayan. Dahil kung cashes ay maari nating withdraw iyan---" "Makinig ka, anak. Ako man ay walang balak ipakasal ka sa taong iyon. Ngunit kung may aalis man dito ay ikaw at wala ng iba. Huwag kang magsalita, anak. Pakinggan mo lang ako. Heto ang bags na naglalaman ng papeles ng buong kabuhayan ng mga Buenaventura. At house and lot titles. Ito namang isa ay cash and cheques na maari mong magamit sa iyong paglayo rito sa bahay. Ano ba, Hija! Kako ako muna ang pakinggan mo! We are running out of time now. So, go and pack slightly of your important things including your travel documents. Sabi mo nga ay makakabili ka ng iba paglabas mo rito. Go now, Scarlette darling." Mahaba-habang pagtataboy ni Ginoong Buenaventura. Ngunit nakaramdam siya ng kaba dahil para itong naestatwa. Kung hindi pa niya halos itulak ay nanatili sa naunang estilo. "Don't worry, Hija. Makakaalis ka rito na walang makakapansin. At oras na makalabas ka ay may kalayuan na rito sa bahay. Just forgive this old father of yours because I almost forget about that passage." Tinapik-tapik niya ito sa balikat. AFTER SOMETIMES... "Huwag na huwag mong iwala ang mga bags na ito, anak. Kahit ano man ang mangyari. Dahil ito ang magiging susi mo sa iyong pag-usad sa buhay. Lagi mong tandaan na mahal na mahal ka ng Daddy. Ikaw ang tunay kong kayamanan." "How about you, Daddy? Baka ikaw ang pahirapan ng hay*p na iyon oras na malaman niyang wala ako rito." "Maaring naiisip na niya ang bagay na iyan, anak. Pero hindi kahit gustong-gusto niyang gawin ang bagay na iyon ay hindi niya magawa. Dahil kailangan niya ako. Kaya't kako umalis ka na upang makahanap ka ng taong makakatulong sa iyo. At kung sa palagay mo ay natagpuan mo na ang taong iyan ay ibigay mo ang envelope na ito. Dahil ito ang magiging daan upang matulungan ka." Gusto pa niyang ibuka ang labi upang makipag-usap pa dahil marami pa siyang gustong malaman. Kaso sa isang iglap ay nawala na ito sa kaniyang paningin. Hindi pa rin siya makapaniwalang may secret passage ang bahay nila. Ngunit ang mas masakit ay sarili lang niya ang makaligtas. Wala ng kasiguraduhan kung makikita pa niya itong muli. Dahil dito ay tuluyan siyang napahagulhol. Napatigil nga siya sa paglakad dahil sa pag-iyak. "DID something wrong happen to her---" Dahil na rin sa naging sagutan nila ng foreman ay umuwi siya ng mas maaga. Subalit kung tutuusin ay hindi pa siya nakalapit sa tarangkahan ng apartment niya ay dinig na dinig na ang hagulhol na nanggagaling sa loob. Kaya nga napatakbo siya papasok. At ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mata dahil sa nadatnang senaryo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD