CHAPTER EIGHT

1356 Words
DAHIL hindi naman siya sanay sa construction works ay para siyang lantang gulay pagdating niya sa tinitirhan ng hapong iyon. "Wala akong pinagsisisihan sa daang aking tinatahak pero ramdam na ramdam ko ang pagod ko ngayong araw," bulong niya habang pabagsak na naupo sa pang-isahang sofa. Kaso hindi pa umiinit ang kaniyang puwet sa pag-upo ay may naulinigan siyang dumadaing. "F*ck! Aba'y hanggang dito ba naman ay sinusundan ako ng bulong na iyan? Tama, marami na ang namatay sa aking baril. Pero dahil naman ito sa trabaho ah," inis niyang sambit saka muling ipinikit ang mga matang hinihila ng antok dahil sa pagod. Pero mas sumidhi ang inis niya dahil mukhang hindi lang siya nagdedileryo. Dahil ang dumadaing ay kumakatok na sa pintuan ng maliit niyang apartment. "TangNa namang buhay! F*ck! Nandito naman ako sa Tarlac sa pagkakaalam ko upang bulabugin sana ako ng mga sira-ulo kong tauhan ng ganitong---" "Nandiyan na! Saglit lang! Makakatok naman ay wagas na wagas eh!" Nagsisimula nang umusok ang kaniyang ilong dahil gusto na niyang magpahinga. Kaya nga imbes na maging mahinahon siya ay napasigaw pa! Ganoon pa man ay dahan-dahan siyang tumayo saka nagtungo sa pintuan. "SINO ka ba at---" "Please help me, Mr. I need your help right away. There are bad guys who are chasing me. Hide me please---" Subalit kung pinutol ng nagmamakaawang babae ang galit niyang pagtanong sana ay kusa naman itong napatigil. Hindi dahil walang masabi kundi nawalan ito ng malay tao sa mismong harapan niya. Naiinis siya dahil sa pagkaantala ng kaniyang pamamahinga. Subalit hindi pa naman siya ganoon kawalang-puso upang basta hayaan itong babagsak sa sahig. Kaya't bago pa ito tuluyang bumagsak ay sinalo na niya saka ipinasok. "Saan kaya nanggaling ang lintik na ito sa ganitong oras? Aba'y mauroon daw bad guys na humahabol? Huh! Sa dinami-rami ng mga mudos ngayon--- Teka lang! Kailan pa ako naging mapangmata sa aking kapwa?" Nagmistula tuloy siyang baliw dahil bukod sa bulong siya nang bulong ay kung ano-ano pa ang iniisip. Kaya naman bago pa siya tuluyang masiraan ng ulo ay dinala niya ang babaeng hindi nakikilala sa kaniyang higaan. KINABUKASAN... "So, tama pala ang mga tauhan kong wala na rito ang anak mo." "Yes, it is! Dahil hindi ang tulad mo ang magiging asawa niya." "Ako! Ako lang ang nararapat sa kaniya, Buenaventura! Kaya't kung ako sa iyo ay sabihin mo na kung nasaan siya!" "Kung sasabihin ko lang din kung saan siya naroon sa kasalukuyan ay bakit ko hinayaang makaalis siya rito? Sabi mo nga sa akin ay huwag kang hangal. Dahil pinalibutan mo nga ang buong kabahayan ng bantay. Subalit hindi man lang nila nalamang nakaalis na si Scarlette! Kaya't huwag kayong maging hangal!" Sa isipan ni Mr Buenaventura ay kailangan niyang i-bid ang oras. Kung kinakailangang makipagsigawan siya sa taong kaharap ay gagawin niya. Upang mas makasigurado siyang nakalayo na sa kanilang lugar ang nag-iisa niyang ala-ala sa yumaong asawa. At higit sa lahat ay ang may karapatan sa lahat nang naipundar, pinaghirapan at pinagyaman niyang mag-isa simula noong namatay ang ina ng kaniyang anak. Kaso! Napalalim yata ang kaniyang pag-iisip. Dahil napakislot siya nang muling kumulog ang nasa harapan. "Halughugin ninyo ang buong bahay! Sigurado akong may sekretong daan na ginamit ng future wife ko kaya't hindi n'yo siya nakitang lumabas! Alalahanin ninyong ang kayamanan ng hay*p na ito ang magiging sagot sa problema ko! Ang ilan sa inyo ay vaults ng gag○ng ito ang hanapin!" Sigaw nito kaya't sumikdo ang damdamin niya. Ganoon pa man ay hindi siya nagpahalata bagkos ay pinanindigan niya ang pang-iinis dito. "Vaults? Sekretong daan? Hah! Maaring may kaya ang tulad ko sa buhay, Villareal. Pero hindi pa ako ganoon kayaman upang magpagawa ng invisible passage. Baka ikaw ay puwede pa---" "Huwag mo akong sagarin, Buenaventura! Dahil kapag ako ang mapuno ay talagang mamamatay ka ora mismo!" Baling at pamumutol pa nito sa kaniya. "Go ahead, Villareal! Dahil diyan ka magaling! Matapos kitang tinulungan ng ilang beses upang makaahon ay bumangon sa buhay ay iyan pa ang iginanti mo! Tandaan mo, Amador, wala ka sa kinaroroonan mo ngayon kung wala ako! Ngunit masyado kang gahaman! Dahil akong naging sandigan mo ang iyong tinitira patalakod!" Wala siyang pagsisisihan kahit pa patayin nga siya nito. At dahil sa mga binitiwan niyang salita ay bigla nitong ikinasa ang hawak-hawak na baril saka itinutok sa kaniya! Kaso! Bago pa nito makalabit ang gatilyo ay pumagitna ang isa sa mga tauhan nitong nasa malapit. "Bossing, huwag! Oras na patayin mo ang sira-ulong iyan ay mas mahihirapan tayong hanapin ang mga dokumento ng kabuhayan niya. At higit sa lahat ay ang future wife mo. Tandaan mo, bossing, siya ang susi sa lahat ng problema mo," anito. Kaya naman ay napahalakhak siya ng tuluyan. "Future wife? Vaults? Sekretong daan? All of you are assuming! Wala kayong mga utak!" Pang-aasar pa niya habang tumatawa. Tuloy! Umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril sa loob ng mini-mansion ng mga Buenaventura. SAMANTALA dahil sa pagod sa maghapong trabaho sa construction at puyat sa pagbantay sa babaeng basta na lamang sumulpot sa apartment niya ay hindi na niya namalayan ang oras. "Sh!t! What a f*ck! Tanghali na pala! Sigurado akong umuusok na naman ang ilong ng kalbong panot na iyon! Makapag-almusal---" "Huh! Naging ulyanin na yata ako ah! Damn! Nasaan na kaya iyon? Aba'y naghihingi ng tulong pero mukhang lumayas namang hindi nagpaalam!" Nagngingitngit na nga siya dahil hindi niya nasulyapan ang babaeng pinatulog sa silid ay bigla pa siyang napatayo dahil sumagi sa isipan niya ang busabos nilang kalbong panot sa construction. "H-HELLO, sorry kung napag-alala kita, Mister. Hindi na kita ginising dahil mahimbing ang iyong tulog. By the way, my name is Scarlette Buenaventura. At totoong kailangan ko ang tulong mo. Kung okay lang sana sa iyo ay dumito muna ako. Dahil sa katunayan ay wala akong ibang alam na puntahan. Huwag kang mag-alala dahil marunong ako sa gawaing bahay." Nautal at napatungo ito habang nakikipag-usap sa kaniya. Tuloy! Hindi na nito nakita ang makahulugan niyang tingin. Ganoon pa man ay sinupil niya ang ngiting nais kumawala sa kaniyang labi. "Okay, Miss Scarlette. For starters, my name is Raven Andrew Sandoval. About help that you are asking, sure. I will do that without waiting in return. Pero sana sagutin mo ang tanong ko ng may sensiridad. Dahil kagaya mo ay hindi ako taga-rito. I don't need anything from you except your trust. Can you promise me that as well?" patanong niyang pahayag. Without hesitation, Scarlette answered! "Alam kong mahirap magtiwala ng basta-basta. Pero dahil ako ang nangangailan at ikaw ang kauna-unahang nagbukas ng pintuan sa akin ay ibibigay ko ng buong-puso ang tiwalang ninanais mo, Raven Andrew. I'll keep deep down to my soul all the secrets that you are keeping. Ngunit mayroon din sana akong ipapakiusap sa iyo. Dahil sa oras na ito ay sigurado akong nalaman na ng mga taong humahabol sa akin na wala ako sa bahay. Maybe one of them will knock on your door. At iyon ang kong depensahan. Huwag na huwag mo sanang sasabihing nandito ako. Kung may magtanong man sa mga kapit-bahay at katrabaho mo tungkol sa akin ay sabihin mong either kamag-anak mula sa lugar ninyo o asawang naghahabol. Ikaw na ang bahala sa bagay na iyan. Huwag kang mag-alala dahil sigurado akong may magandang ibubunga ang lahat. At higit sa lahat ay tatanawin ko habang-buhay ang tungkol dito." Mula sa boses na natatakot ay naging polido ito hanggang sa natapos. Kaya't napangiti ang binata dahil dito. Well, tama naman ito. Kahit nga sa oras na iyon ay mayroon ng magandang resulta o naibunga. "To all your worries, my answer is the same, Miss Scarlette. You need me to help you and the same way around. I need your help as well. So let's do it together. By the way, you can stay here with me as long as you want." Inilahad ng binata ang kanang palad upang makipag-kamay. Samantalang malugod na tinanggap ni Scarlette ang nakalahad na palad ng kaniyang saviour. "Yes, we will. Thank you for trusting me too." So it be! Kailangan nila ang isat-isa para sa ikabubuti ng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD