CHAPTER TEN

1127 Words
"OKAY ka na ba?" tanong ni Raven sa dalaga ng sa wakas ay kumalas sa kaniya mula sa pagkayakap. "I-I'm sorry, Raven. I was carried away from my emotions. Maraming-maraming salamat dahil okay na at mas gumaan na ang aking pakiramdam," nautal at sumisinghot nitong tugon. "No problem, Scarlette. Ang mahalaga ay nailabas mo ang bigat sa iyong damdamin. Hindi rin ako magtatanong upang hindi muling manariwa ang sakit na iyan. Unless that you will share with me voluntarily." Ngumiti siya tanks lamang na mula sa kaniyang puso ang mga pahayag. Akala nga niya ay hindi na ito muling magsalita pa. Subalit tumayo ito saka may kinuha sa silid niya na inukupa nito simula nang dumating sa apartment niya. Dahil siya ay sa maliit na living room natutulog. "Ano iyan?" may pagtataka niyang tanong nang iniabot nito ang isang sealed letter. "Sulat na ibinigay ng aking ama bago ako tumakas sa bahay. Ang sabi niya ay ibibigay ko sa taong tutulong sa akin. Ang sulat ba ito raw ang magpapatunay sa katotohanan ng paghingi ko ng tulong," pahayag nito. Kaya naman kahit nagtataka siya ay tahimik niya itong tinanggap. Nasa aktong bubuklatin na sana niya ito nang nagsalita itong muli. Tuloy, imbes na basahin niya ang sulat ay napatingin siya rito. "Hindi ko alam kung kaano-ano mo ang binanggit niyang pangalan, Raven. I still clearly remember the name of that person. Kung aabutin man daw ako ng ilang araw sa lansangan dahil sa pagtatago ay pilitin kong makapunta sa Baguio City upang hanapin ang dati niyang kaibigan. Dati raw itong chief inspector noong kapanahunan nila. Nagkataon lamang daw na dito sa Tarlac siya nakapag-asawa samantalang ang kaibigan niya ay isang abogado sa Baguio ang naging kabiyak sa buhay. According to my father, this man is partial man when it comes to law. At hindi namimili ng taong tutulongan." Dahil napatigil naman ito ay inakala niyang tapos na sa pagkukuwento kaya't muli siyang nagwika o mas tamang sabihing nagtanong. "If you don't mind, would you care if I'll ask who is that person? I mean, the one you are referring. Kasi Chief Inspector ako ng kapulisan at retired chief inspector naman ang Daddy ko," aniya. SAMANTALANG napangiti ang dalaga. Dahil mukhang hindi agad nakuha ng kaniyang saviour ang naging pahayag niyang kung kaano-ano nito ang taong tinutukoy. "I'm sorry, Raven. Hindi ko pa pala nabanggit ang pangalan. Phillip Sandoval daw ang kaibigan ni Daddy. Ayon sa kaniya ay apat silang magkakaibigan. Pero iyon lang ang aking natandaan. Ngayon naman ay ako ulit ang magtanong. Kaano-ano mo si Phillip Sandoval?" tanong niya. "That's it! Kanina ko pa nakuha ang ibig mong ipahiwatig, Scarlette. That man is my beloved handsome father. Well, what a small world, by the way." Napapitik tuloy ito sa eri. Kaso bago pa niya maibuka ang labi upang sang-ayunan sana ito ay may pagmamadali nitong binuksan amg sulat To whom it may concern, Hindi ko alam kung sino ang taong makakabasa sa sulat na ito o ang maging saviour ng aking anak. Subalit sa pamamagitan ng sulat na ito ay mapatunayan niyang totoong nangangailangan siya ng tulong. At kung sino ka man ay nakikiusap akong dalhin mo siya kay Phillip Sandoval sa Baguio City. Huwag kang mag-alala dahil itong nakalakip na ATM ay naglalaman ng one hundred thousand bilang pabuya sa iyong pagtulong sa anak ko. And this USB shall be handed to her or my daughter. Dahil siya mismo ang mag-aabot kay Phillip Sandoval. I may not know you, saviour of my daughter. But will trust that you will abide my heartfelt and sincere requests. God will bless you, saviour of my daughter. Begging you, Arnold Buenaventura "A-ANO ang sabi sa sulat, Raven? M-maari ko bang basahin?" Nautal na rin ang dalaga dahil sa kabang lumukob sa kaniya. "Sure, Scarlette. Here, take it." Iniabot nga nito ang sulat. Hindi siya agad nagsalita bagkus ay binasa niya ito. Kaso halos hindi pa niya natapos ang pagbasa ay nagwika ito. "Ilang linggo ka na ring nandito sa apartment ko, Scarlette. At masasabi kong marami at sapat na ang ebidensiyang nakalap ko para sa misyon ko rito sa Tarlac. At kani-kanina lang ay nakapasok na ako sa territory ni Mr Villareal o ang may-ari sa building na pinagtratrabahuan ko. Here, kunin mo itong ATM, Scarlette. Hindi ko kailangan iyan o ang pabuyang tinutukoy ng Daddy mo. Dahil sa katunayan ay panahon din ang gumawa ng way upang matapos na ang kahayupan ng gag*ng iyon. But since na ama ko si Daddy Phillip Sandoval ay baka naman maaring buksan ko ang USB na ito? Dahil kung isa na naman itong ebidensiya ay ako na ang bahala. As of now, kailangan mong ayusin ang iyong gamit lalong-lalo na iyong dalawa(ang kinaroroonan mg complete papers ng buong kabuhayan ng mga Buenaventura and few cashes. Dadalhin kuta sa bahay sa Baguio at doon ka muna habang hindi pa natatapos ang gulong ito. Don't worry because I will do everything just to be successful on this mission." Mahaba-habang pahayag ng binata. "Iyon lang pala, Raven. Sure na sure. Ikaw na ang bahala sa USB na iyan. Pero baka naman maaring maki---" 'Baka maaring makiusap sa iyo. Kung puwede ay silipin natin ng palihim ang Daddy ko.' Nais pa sanang idugtong ng dalaga kaso hindi na niya nagawa dahil pasimple siyang hinila ng binata saka dinampot ang baril na inilapag. Patihaya silang nagtungo sa silid. Gusto man niyang magtanong upang alamin sana kung ano ang nangyayari pero umiling-iling ito. SAMANTALA, kagaya ng utos ng kanilang boss ay nagmanman ang ilan sa kanila sa apartment ng lintik na si Harden. "Wala namang kakaibang nangyayari rito, Jimmy Boy. Aba'y baka nagsasayang lang tayo ng oras?" yamot na saad ng isa. "Aba'y kung kanina ka pa sana nagsabi na ayaw mong sumunod dito ay naiwan ka na sana roon. Reklamo ka ng reklamo eh!" sighal tuloy nito sa kasama. "Hindi naman sa ganoon, Jimmy Boy. Ang sa akin lang ay mas marami naman tayong gagawin---" "Ikaw, Mando. Kapag sinabi ni Boss ay kailangang sundin. At tama rin naman siya na maaring mayroon itinatago ang Harden na iyon! Dahil sa bawat salita nito ay makahulugan." Dahil dito ay napatahimik ang tinawag na Mando. SA kabilang banda, dahil wala siyang inamin kahit isang tukdok pinahirapan at ikinulong sa basement. 'Diyos ko, Nasaan man sana ang anak ko ngayon ay iligtas mo po siya. Sana makaluwas siya patungong Baguio upang makahingi ng tulong sa mga kaibigan ko,' bulong niya. Laking pasasalamat niya dahil kahit nakakulong siya sa basement ay makalaya siyang nakakakilos. Kaso kahit anong gawin niya ay hindi mabuksan ang pintuan upang tatakas sana. Kaso! Nasa malalim siyang pagmumuni ay biglang bumukas ang pintuan. Ngunit para sa kaniyang ilang araw ng naroon ay hindi na niya ito pinagkaabalahang lingunin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD