CHAPTER SEVEN

1425 Words
"IT'S been a while since our son was gone to a place that he only knows. Kumusta na kaya siya?" tanong ni Ginang Princess Ann sa asawa isang hapon na namamahinga silang mag-asawa sa balkonahe. Sa ganoong oras naman kasi ay madalas makipaglaro ang panganay nilang apo sa mga kasambahay. Kaya't doon din silang mag-asawa. Hindi naman kasi sila mahigpit sa bawat isa. Kaya't malaya ang may gustong makipaglaro kay Zurich Niel. "Kaya nga, asawa ko. I miss that man. I was once a chief inspector. Lero talagang hindi ko maarok ang anak nating iyon," tugon ni Ginoong Phillip. Sa kaisipang chief Inspector ay napangiti si Ginang Princess Ann. "Hmmm, sa lagay na iyan ay mayroon kang naalala, asawa ko? Aba'y pangiti-ngiti ka lang eh." Tinig ng asawa ang pumukaw sa naglalakbay niyang diwa. "Well, well... Pagdating sa hindi maarok ang isipan, asawa ko. Kayong magkakaibigan na rin ang nagsabing hindi mamumunga ng lemon ang kalamansi kahit parehas na maasim." Hagikhik niya. Aba'y paanong hindi siya mapapahagikhik samantalang an asawa niyang kapwa nag-eemote dahil sa pagkaalala sa anak na ilang linggo na ring wala sa piling nila ay humina na yata ang pag-iisip. "THAT'S our assets, asawa ko. Pero sa katunayan ay nalagpas niya ang utak ko bilang isang chief inspector kung iyan ang nasa isipan mo," ilang sandali pa ay wika ni Ginoong Phillip. "Ikaw naman, asawa ko. Sabi mo nga kagaya ng mga guro ay mayroon silang alam na hindi alam ng mga estudyante. Ganoon din sa mga mag-aaral. May nalalaman sila na hindi pa alam ng mga teachers. Kumbaga ang mga tao ay maaring ihalintulad sa ating mga daliri---" Kaso! Ang masaya nilang diskusyon ay binulabog ng matinis na halakhak ng kanilang panganay na apo! Hindi lang iyon, halatang mayroong dumating dahil na rin sa boses nito. Kaya naman ay hindi na sila nagsayang ng oras. May pagmamadali silang pumanaog mula sa ikalawang palapag ng kabahayan. At hindi nga sila nagkamali. Dahil ang mag-iinang Cameron o ang apo nila sa isa pang anak na babae at nakapag-asawa mula sa angkan ng mga Cameron ay dumating. Kaya naman ay pansamantala nilang nakalimutan ang pinag-uusapang binata. LOVE ko, Alam kong oras na mabasa mo ang sulat kong ito ay wala na rin ako sa mundong ibabaw. Ganoon pa man ay masaya akong pumanaw kahit pa sabihing malaking kasalanan ang naisip kong paraan upang wakasan amg aking buhay. Alam mo bang ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko? Dahil bukod sa tunay at wagas ang pag-ibig na ating iniaalay sa bawat isa ay ikaw pa ang nakauna sa sking p********e. We did it numerous times. Subalit dahil sa lupit ng mundo ay nahawakan, pinagsawaan ako ng ibang tao. Iyon ang hindi ko matanggap. Kaya't kung napapansin mo ay bahagya akong umiwas. Dahil alam kong tatanggapin mo pa rin ako ng buong puso bagay na ayaw pumasok sa isipan ko. Sa ugali at abilidad mayroon ka ay siguradong ilalaban mo ako hanggang sa huli. Ngunit ayaw kong mamansahan ang pagkatao mo dahil sa akin. Huwag mo sanang isiping dahil sa iyo ay nangyari lahat ito. Instead, avenge my suffering by helping other people continously. Dahil iyan ang gusto kong mangyari. Huwag mong ikulong ang iyong sarili sa aking alaala. At oras na makilala mo ang papalit sa akin sa iyong puso ay huwag mo na itong pakawalan pa. And lastly, hindi ko alam kung kailan mo ito mababasa at mas walang kasiguraduhan kung mapapasakamay mo ba itong sulat ko o hindi. Kaya't upang makasigurado akong sa iyo mapunta ang impormasyon ay iiwan ko itong codes. Ang mga ito ang susi para makausad ka sa iyong pagkalugmok dahil sa akin. I'll be watching you from above with our Father God in HIS dwelling place. Loving you, Susie Demasalang "ANO ba?! Aba'y kanina pa ako daldal nang daldal dito sa harapan mo ah. Gusto mo bang magtrabaho o hindi? Kung wala kang balak ay umalis ka riyan dahil marami pa ang naghihintay!" sigaw ng maaring foreman kaya't nagulantang ang malalimang pag-iisip ni Raven Andrew. "Pasensiya na, Boss. May iniisip lang ako." Humingi na lamang siya ng paumanhin kaysa makipagsagutan. Aminado naman siyang napalalim talaga ang pag-iisip niya. "Sa susunod na mangyari iyan ay mawalan ka ng trabaho ora mismo! Hala, tumabi ka na riyan at ang mga kasama mo naman ang kukuha ng tabs!" malakas pa rin nitong sagot. Naiinis man siya dahil sa tinis ng boses nito ay hindi na lamang siya sumagot. 'Kung hindi lang ako ang may kailangan ay kanina pa kita pinalipad diyan! Lintik namang hayop na ito eh!' Lihim tuloy siyang nagngingitngit dahil sa lakas ng boses. SAMANTALA dahil na rin sa excitement ni Mr Villareal na mapasakaniya ang dalagang Buenaventura ay nagtalaga siya ng bantay sa bawat sulok ng bahay ng nag-ama. "Well, bakit ngayon ko lang naisipan ang bagay na ito? Samantalang hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may anak na babae ang hay*p na iyon. Ito na ang sinasabi nilang isang bato sa dalawang ibon," bulong niya habang nakatanaw sa kalawakan. Kasalukuyan siyang nasa lilim ng punong-kahoy sa likurang bahagi ng kaniyang bahay. "Mapasaakin ang kayamanan ng tarantadong iyon at maging asawa ko rin ang anak. Wow! Hanep na hanep. Sa tindig at hubog ng babaeng iyon ay nakakapanindig buddy-buddy na. Hmmm..." "Sh!t! Iniisip ko pa lang ang gag*ng iyon pero tumayo na talaga ang armas ko---" Kaso! Ang pagpapantasya ni Mr Villareal sa dalagang si Scarlette Buenaventura ay naudlot. Dahil ang isa niyang tauhan biglang sumulpot. Hindi lang iyon! Habol-habol pa nito ang hininga. Kaya naman ay mas nadagdagan ang galit niya dajil sa pagkaudlot ng pantasya. "Ano ba?! Maari bang ayusin mo muna ang iyong bago ka humarao sa akin?! Ngayon, kung ayaw mong samain ay magpaliwanag ka ng maayos!" Galit niyang baling dito. Subalit dahil habol-habol nga ng pobreng lalaki ang hininga ay ganoon din. Hindi rin agad ito nakasagot. Inabot pa ng ilang sandali bago nagawang nagpaliwanag. "Pasensiya ka na, Bossing. Pero dahil sa aking pagmamadali ay talagang hiningal ako ng husto," anito. "Okay, fine. Sabihin mo na kung ano ang dahilan at habol-habol mo ang iyong hininga." Naiinis man siya ngunit pinigilan niya ang sariling muli itong sigawan. Aminin man niya o hindi ay isa ito sa mga pinagkakatiwalaan niyang tauhan. "Kagaya ng bilin mo sa amin ay magbantay kami sa bahay ng mag-ama. Sa mga nakaraang araw ay maingay. Nakikita namin silang nagtatalo. Subalit ngayong araw ay napakatahimik. Nandoon man ang matandang iyon pero sa buong maghapon ay hindi namin nakita ang dalaga. Kaya nga agad-agad akong pumarito sa iyo dahil iba ang kutob ko." Ayon! Wakas ay nasabi rin nito ang nais sabihin! "Kung ganoon, nasaan siya? Hindi ba't kabilin-bilinan kong huwag n'yong iwala sa inyong paningin ang future wife ko? Baka naman nagpabaya kayo kaya't---Teka lang, sigurado ba kayong wala siya roon? Diba't pinabantayan ko sa inyong lahat ang bawat sulok nang sa ganoon ay malaman natin ang bawat kilos nilang mag-ama?!" "Iyan na nga ang pinagtataka naming lahat, bossing. Dahil wala naman kaming nakita o ang paglabas ng future wife mo. Kaso totoo ang sinasabi kong wala siya roon." "Paano nangyari iyan? Kung binantayan ninyo ang bawat sulok ay nalaman---Saglit lang. Sa palagay ko ay nasa loob siya ng bahay subalit mayroon silang---Tama! Bumalik ka roon o tawagan mo ang iyong mga kasama upang maging alerto! Nandoon ang mga iyon---Wait! Ako na lang ang pupunta roon!" Hindi na rin magkandatuto si Mr Villareal. Dahil sa kaisipang nawawala ang future wife niya ay siya na mismo ang kumilos. "No way! Akin lang ang babaeng iyon! Hindi siya maaring mapunta sa ibang tao! Mas mabuting patayin ko silang mag-ama kung hindi ko maangkin!" Ngitngit niya habang may pagmamadaling nagtungo sa sasakyan. SOMEWHERE down the road! Sa isang masikip at madilim na daan. Nagmistulang isang pusa ang nilalang na nais makalayo sa lugar na iyon. "Panginoon Diyos, alam kong ako ay makasalanan. Ngunit taos-puso akong humihingi ng tulong sa iyo, Ama. Hayaan mo po sana akong makalayo sa lugar na ito. Ipinagkakatiwala ko na po sa iyo ang aking buhay. Parang-awa mo na, Panginoon ko." Taimtim na panalangin ng taong pilit nagpapakatatag para sa kaligtasan. "Ama, sana ay tama ang desisyon kong ito. Wala akong ibang hinangad kundi ang kaligtasan naming mag-ama. Pero si Daddy mismo ang nagtulak upang lalayo ako. Please be on our side, Father God in heaven." Kasabay nang walang hanggang paglakad niya sa madilim na daanan ay taimtim na panalangin. Panaka-naka rin siyang lumilingon ngunit ganoon din. Pawang dim lights ang nakikita at tanglaw sa makipot na lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD