CHAPTER SIX

1372 Words
'YOU want to do what, Chief Inspector Sandoval? Aba'y nasa tamang pag-iisip ka pa ba sa lagay na iyan?' 'Chief, tama kayong lahat. Mas hindi matatahimik ang kaluluwa nang namayapa kong kasintahan kung magmumukmok ako. At isa pa ay magpapaalam naman ako sa aking mga magulang.' 'Yes, it's true that you will ask their permission, but you'll not tell them where's your real route---' Dahil alam niyang walang patutunguhan ang pakikipag-usap sa hepe ay pinutol ni Raven Andrew ang nais sabihin ng bago nilang hepe. 'Sir, it's the law of protocol not to disclose any whereabouts of an inspector. What you hear, what you see, when you leave, leave it there. Kaya ko nga tinanggap ang imbestigasyon ng kasong ito dahil gusto kong makausap sa buhay. Pero nais mo pa yatang ihalo ko ang personal sa trabaho ko. About my parents? Maaring wala silang nalalaman sa ngayon pero mauunawaan nila ako. Dating Chief Inspector din si Daddy at magiting na lawyer si Mommy. Kaya't huwag ka ng sumalungat pa, Sir Chief.' Dahil na rin sa determinasyong nakikita ng hepe ng pulisya sa hepe ng mga inspectors ng departamento nila ay wala rin siyang nagawa kundi ang pumayag. Kasya mawalan naman siya ng pinagkakatiwalaang tao. Chief Inspector Sandoval was one of the assets of their department. "WALA na ba kaming magagawa upang pigilin ka, anak?" tanong ni Ginang Princess Ann sa anak na alagad ng batas. "Sorry po, Mommy. Dahil buo na po ang desisyon ko. Huwag po kayong mag-alala ni Daddy dahil babalik din po ako sa takdang oras," tugon nito. Ibubuka pa lamang ni Retired Chief Inspector Phillip Sandoval ang labi upang sahihin sana ang nasa isip pero eksakto namang lumapit ang isa sa mga pamangkin sa kakambal pero Andaya ang ginagamit na pangalan. "Insan pogi pero mas pogi ako. Alagad tayo ng batas kaya't sigurado akong mauunawaan mo ang sasahihin ko. Ramdam kong hindi dahil sa pagkawala ng naunaiyami naming hipag ang dahilan mo sa iyong paglayo. Ganoon pa man ay nais kong ipaalala sa iyo na nabibilang tayo sa malaking pamilya. Maaring Sandoval ang dala-dala mong pangalan at Andaya kami. Ngunit tandaan mong iisang dugo ang nanalaytay sa ating lahat. And most of all, you can not face the world alone. Still, we will respect your decision. At sana ay huwag kang mag-alinlangang mangalabit kapag kailangan mo ng tulong kahit saan ja man mapadpad." Mahaba-habang pahayag ni Leoniel Andaya. Kaso dahil nauhaw siya ay hindi na niya napigilan ang kaibigang pinsan din ng pinsan niyang maglalayas este mamumuhay daw in seclusion. Zandro Rhyane Harden Calvin. The latest Brigadier General of Camp Villamor. "Hanep ka naman, Kernel Andaya. Aba'y mga militars naman tayo sa pagkakaalam ko hindi nga politician ah. Gusto mo ng tubig?" nakatawa nitong saad bago bumaling sa Chief Inspector. Actually, pinsan niyang buo ang hepe ng mga inspector ng kapulisan samantalang nasa ikalawang henerasyon ang dalawa. Dahil ang mga magulang ng mga ito ang magpinsan. "Brod, nasabi na ni Kernel Andaya ang lahat kaya't iba naman ang sasabihin ko. Maaring motto nating mga alagad ng batas ang 'We are soldiers and we were born to die'. Pero tandaan mong amg nasa itaas ang tangi nating pag-asa. Siya ang sandigan at tagapagligtas ng lahat. Kaya't kahit saan ka man mapadpad ay huwag kang makalimot sa kaniya. Take care of yourself so that you can do that as well to your country and countrymen. And lastly, no matter where you go and do, don't hesitate to approach us to lend our helping hands." SAMANTALANG napangiti naman amg mag-asawang Princess Ann at Phillip Sandoval. They are not perfect nor the best family in the universe either. But they are all family oriented. Walang ibang nagdadamayan at nagtutulungan kundi sila rin. Kaso bago pa may makapagsalita sa kanilang mag-asawa ay inunahan sila nh taong pinag-uusapan. "Thank you to all of you, kapamilya. Huwag kayong mag-alala dahil tatandaan ko ang lahat. Sa inyong dalawa, Mommy, Daddy, kagaya nang sinabi ko ay lalayo ako pero hindi ko pa ipapaalam sa inyo ngayon kung saan ako tutungo. Dahil kung sa La Union ako pupunta or kahit saan sa pamilya natin ay maaalala ko pa rin si Susie. Kaya't pasensiya na po kayo kung hindi ko kayang sabihin kung saan ang routang aking tatahakin. But don't worry because I'm still on the right track now." "Mga pinsan ko, maaring nagkakaiba tayo ng propesyon kahit pa sabihing mga alagad tayo ng batas. Ngunit hindi sagabal iyan upang hindi n'yo ako matulungan. As of now, hayaan muna ninyo akong kumilos na mag-isa. Kagaya nang sinabi ko kina Mommy at Daddy huwag kayong mag-alala dahil nasa tamang landas pa ako. Kayo sa Camp Villamor ang unang-una kong lalapitan kapag ako ang mangailangan ng tulong." Pinaglipat-lipat pa talaga ng binata ang paningin sa mga nandoon. Nais niyang ipasiguradong nasa tamang landas siya. Sira-ulo siya kung sasabihin niyang hindi siya nasasaktan sa pagkamatay ng kasintahan. May iniwan man itong sulat pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi niya nagawang basahin. "That's its, pinsang pogi pero mas pogi ako. Ganyan tayo pinalaki ng ating mga magulang. Kaya't cheer it up." "Pinsan naming pogi pero mas pupugi kapag tuluyang makausad sa buhay. Huwag mo ng pansinin ang pinsan mong inangking pinakapogi. Make it sure na pagbalik mo rito sa Baguio ay may hipag na kami sa iyo. Tandaan mong may ultimatum ang tiyuhin nating kaedaran. Kilala mo ang taong iyon. The genius of our generation, that is why, don't take his words lightly." Mga katagang muli ay nanulas sa labi ng magkaibigang Zandro at Leoniel saka idinantay sa balikat ng pinsan nila ang mga palad. Kaya naman ay mas naumid ang dila ni Chief Inspector Sandoval. Wala siyang balak ipaalam sa mga ito sa kasalukuyan ang tunay na dahilan kung bakit aalis siya sa siyudad ng Baguio. Pero mas hindi niya ninanais na ilihim iyon sa lahat habang-buhay. Gusto niya munang makasigurado dahil ayaw niyang mapunta sa wala ang nasimulan. "DADDY, hanggang ngayon ay wala pa rin akong maunawaan sa nangyayari. Masri po bang ipaliwanag mo sa akin?" "Scarlette anak, matalino kang tao kaya't kahit sabihin mong hindi mo nauunawaan ang lahat ay alam kong nagawa ko iyan simula kahapon. Kaya't kung ako sa iyo ay mas mabuting sundin mo ako bilang iyong ama. Maaring hindi ka madalas manirahan dito sa bansa dahil na rin sa ibang bansa ka nag-aral. Ngunit alam ng Diyos kung gaano kita kamahal. Paulit-ulit kong sabihin sa iyo na para sa iyo ang lahat ng ito." "Still, I will not leave you alone, Daddy. Tayong dalawa na lang po ang naiwang magkapamilya. Kaya't nararapat lamang na magdamayan tayo." "Kung ganoon ay ihanda mo ang iyong sariling magpakasal kay Mr Villareal. Oo, anak. Ikaw ang tinutukoy nito. Kaya nga pinapaalis kita kahapon dahil agad kong nahalata ang nais tumbukin. Ang pag-alis mo rito sa lugar natun ang tangi kong magagawa upang isalba ka sa ngayon. Ngunit dahil ayaw mong makinig sa akin ay wala nq akong magagawa pa upang hadlangan ang ninanais ni Mr Villareal." Ibubuka pa lamang ni Scarlette ang labi upang ipahayag ang pagsalungat sa ama. Ngunit hindi na niya nagawa ang bagay na iyon. Dahil sa biglang pagsulpot ng kanilang kasambahay. Kaya naman ay ito ang pinagtuunan ng pansin. LATER that day in Baguio City. "Love ko, tama silang lahat. Walang patutunguhan ang buhay ko kapag patuloy akong magkulong sa pagkawala mo. Maaring wala pang kasagutan sa tanong ko kung bakit naisipan mong nagpakamatay. Ngunit ito ang ipinapasigurado ko sa iyo. Kung mayroon mang foul play rito ay hindi ako titigil hanggat walang hustisiya." "F*ck! Tama! Nasaan na ba ang sulat na iyon? Aba'y tama nga sila Tito at Tita Ninang. Baka sa pamamagitan ng sulat na iyon ay masagot ang lahat!" Mula sa pagtanaw sa kalawakan ay nagmistulang bubuyog si Raven Andrew dahil bulong nang bulong. Hindi lang iyon, para pa siyang sinapian ng good spirit dahil napatalon siya kasabay nang pagpitik sa ere saka nagtungo sa side table ng higaan niya kung saan niya inilapag ang sealed letter mula sa departed fiancee. But! Ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata dahil sa nilalaman ng sulat! Ang tanong, ano nga ba ang nasa sulat? Bakit ganoon na lamang ang gulat ni Raven Andrew?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD