CHAPTER ELEVEN

1138 Words
"HIJA! I never thought that I could see you again. Baby ka pa noong huli ka naming nakita ng mga Tito Ninong mo. What a small world. So, kumusta ang Daddy mo? Aba'y ang taong iyon ay isinapalaran pa talaga ang kaligtasan mo. Hindi na yata siya nag-isip na baka mas mapahamak ka dahil sa ginawa niya. Mabuti na nga lang ay itong kinakapatid mo ang iyong nakasalamuha na tumulong sa iyo." Dahil sa galak ni Ginoong Phillip ay hindi na siya magkandatuto. "Hon, aba'y maari bang pagsalitain mo muna ang dalaga ni Pareng Arnold. Hindi na siya makasingit eh," tuloy ay pabirong saad ni Ginang Princess Ann. Tuloy! Ang dalagang nalulungkot ay napatawa na rin. Kung tutuusin ay kadarating pa lang nila sa Baguio. Pero damang-dama niya ang init nang pagtanggap ng pamilya Harden-Sandoval sa kaniya. "I'm sorry, Mommy, Daddy, kung pinag-alala ko kayo ng ilang buwan. At muli ko kayong gagambalahin. Total, kakilala n'yo naman po pala ang Papa ni Miss Buenaventura ay ipagkatiwala ko sana siya sa---" Kaso ang pananalitang iyon ni Raven Andrew ay hindi natapos. Dahil bigla ring sumulpot ang iba pang kaibigan ng ama. "Pareng Phillip! Nasaan ang dalaga ni Buenaventura? My goodness! That man is really something. Aba'y inabandona na nga niya tayo ng ilang dekada ay nagmistula pang hindi alagad ng batas!" "Heh! Kamo kung nasa harapan lang sana natin ay kanina ko pa sinapak ng todo-todo! Aba'y dinaig na ang mga salot sa lipunang nagtatago eh." Mga salitang nanulas sa labi nina Ginoong Leo at Joe. "MANO po mga Uncles. Ako po ang anak ni Daddy Arnold. Ngayon ay nauunawaan ko na po kung bakit pinapunta niya ako rito kay Sir Phillip. Dahil alam niyang hindi n'yo po ako pababayaan. Ramdam na ramdam ko po ang sincerity ng pagkakaibigan ninyo kahit pa po sabi n'yo ay matagal n'yong hindi nakasama si Daddy. At sa tanong po ninyo kung nasaan siya ay naiwan po siya sa bahay namin sa Tarlac." Pinaglipat-lipat ng dalaga ang paningin sa mga Ginoong nandoon. Ngunit dahil sa pagkaalala sa ama ay muling manubig ang mga mata. Kaso naging maagap ang mag-asawang Phillip at Princess Ann. "Huwag kang umiyak, Hija. Nandito kaming lahat upang tulungan ka sa iyong problema. Apat silang magkakaibigan na pawang mga dating police inspectors. Ang Daddy mo, ang aking asawa o ang iyong Tito Phillip at sina Pareng Joe at Leo. Ngunit ang Daddy mo ang napalayo rito sa Baguio. Dahil taga-roon nga ang Mommy mo. And besides, my son, Raven Andrew, is currently the Chief Inspector of police department." Hinaplos-haplos ng huli sa likuran ang dalaga. "Nais ko mang magalit at magtampo sa Daddy mo, Scarlette anak. Pero sa pahayag ninyo ni Raven Andrew ay nahaharap ito sa seryosong problema. Kaya't saka na lang namin siya pagbabatukan. Sa ngayon ay dumito ka muna. Dahil kung apat kami sa aming grupo noon ay mas marami sina Raven Andrew. Buong team niya ay super close at loyal sa kaniya. At sa pag-uwi niyang ito ay sigurado akong sapat na ang ebidensiyang nakalap. Don't worry, Hija, everything gonna be alright." Dagdag pahayag naman ng una na sinang-ayunan ng dalawa pang Ginoo. Tuloy ay lihim na lamang napangiwi ang binatang si Raven Andrew. Dahil talaga namang hindi na siya makasingit. Ganoon pa man ay labis-labis din ang pasasalamat niya. Bukod sa kilalang-kilala pala ng ama at mga Tito Ninong niya ang ama ng dalagang Buenaventura ay suportado pa siya ng mga ito. SAMANTALA kulang ang salitang galit na galit upang ilarawan si Mr Villareal nang nalamang wala na sa Tarlac ang napupusuang tauhan sa building na ipinapatayo niya para sa panibago niyang negosyo. Subalit mas umuusok ang kaniyang ilong dahil sa kaalamang kahit ang dalagang ninanais pakasalan ay wala na rin. "Ano ngayon ang plano mo, bossing? Dahil kung tama ang hinuha ko ay magkasama ang dalawa. Ayon kay Jimmy Boy ay halatang hindi ordinaryong karpentero ang taong iyon. Idagdag pa ang nasaksihan nating pagtatanggol sa mga kapwa trabahador sa salitang English." Tinig ng right hand man niya ang pumukaw sa naglalakbay niyang diwa. Ngunit dahil sa lumulukob sa kaniyang damdamin ay napakuyom siya. "Ang gag*ng Arnold na iyon? Nagsalita na ba?" bagkus ay tanong niya. "Wala, Bossing. Mas gugustuhin pa yatang mamatay kaysa ipagkanulo ang anak. Hindi ko nga maintindihan kung ano mayroon sa bahay na iyon eh. Binantayan namin ang bawat sulok ngunit talagang hindi namin nakitang lumabas---" "Talagang wala kayong makikita. Dahil mayroong secret passage ang bahay na iyon. Ang hindi ko lang alam ay kung nasaan ito---" Subalit kung pinutol niya ang pananalita ng kanang kamay ay kusa siyang napatigil. Dahil may naglalarong senaryo sa isipan niya. "Boss? May plano ka na ba?" "Oo, mayroon. Kaya't sabihan mo ang iyong mga kasama. Dahil pupuntahan natin ngayon ang hay*p na iyon. Kaya siguro hindi natin mahanap-hanap ang sekretong daan dahil sa mga tagong bahagi lang tayo naghanap." Nais tuloy niyang sapakin ang sarili. Kung bakit sa oras na iyon lang niya naisip ang bagay na maaring noon pa. Samantalang wala ring nagawa ang mga tauhan niya kundi ang sumunod. Maaring nagtataka ang mga ito ss kaniyang ikinikilos subaliy walang nangahas na nagsalita o nagtanong. "KUMUSTA, Chief Inspector? Aba'y kung hindi dahil sa kinakapatid mong wala kang kaalam-alam ay baka hindi ka pa nakaisip na umuwi ah," ani Danilo. "Heh! Nagpapasipsip ka na namang tao ka. Maari bang, Bossing muna?" Nakangisng pang-aasar ni Jerry. "Aba'y nagsalita ang hindi nagpapasipsip ah. Kahit nga pabalik-balik si Sir Philip ay naka-zipper ang labi mo eh." Taas-kilay din ng isa. Lahat ng iyon ay aware si Raven Andrew. Nag-eenjoy nga siyang makinig sa mga ito. Dahil kahit ilang buwan siyang nawala ay hindi naging sagabal iyon upang maging balimbing ang bawat isa sa kaniyang mga tauhan at kaibigan. Kaso! "Wala na ito mga kasama. Aba'y kanina pa tayo salita nang salita pero pangiti-ngiti lang siya oh. Nasaan ang hustisiya sa lagay na iyan?" pakuwelang saad ng isa ngunit pabirong sinapak ng nasa malapit. Tuloy! Ang pagkikita nilang iyon makalipas ng ilang buwan ay nauwi sa maugong na tawanan. "THANK you, guys. Alam kong paraan n'yo lamang iyan upang e-welcome ako sa aking pagbabalik dito sa Baguio. Huwag kayong mag-alala dahil tuloy ang laban sa buhay at higit sa lahat ay ang obligasyong nakaatang sa ating mga balikat," ilang sandali pa ay pahayag ng binatang Chief Inspector. "Oo naman, brod. Aba'y ikaw lang ang hinintay namin upang maituloy natin ang nasimulan. Pero bago pa tayo masita rito ay puntahan mo na muna si Hepe. Aba'y mas nauna na kami kaysa sa kaniya," nakatawang saad ng isa. Kaya't ang humupang tawanan ay muling umingay dahil para silang mga nasa kabahayan na basta nagharutan at naghabulan. Subalit bago pa mangyari ang nasa kanilang isipan ay kulang na lamang ay ipagtulakan nila ang Chief Inspector upang puntahan ang Chief of Police.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD