"MAUPO kayong dalawa, Pareng Joe, Pareng Leo." Inilahad ni Ginoong Phillip ang palad sa mga sofa.
Tinawagan naman kasi niya ang mga ito. Gusto niya silang makausap. Laking pasasalamat nga lang niya dahil isinama ng asawa ang kanilang inaanak sa kabigang tinalikuran ang pagka-inspector dahil sa ngalan ng pag-ibig.
"Kahit hindi mo sabihin ay gagawin ko, Parekoy. Well, hindi naman kami others ni pareng Leo sa pamamahay ninyo," nakatawang saad ni Ginoong Joe na agad ding sinundan ng isa.
"Sa lagay na ito ay mukhang magiging inspectors ulit tayo ah. Aba'y itinaon mo pang wala rito sina Mareng Princess Ann at ang mga apo natin," anito.
Kaya naman ay napahinga siyang malalim. Dahil totoo namang mayroon silang pag-uusapan. Hindi nga lang niya masabi-sabi sa nga nakaraang araw lalo at ayaw din niyang ma-offend ang dalaga ng isa pa nilang kaibigan.
"Hey, man! Aba'y kako ay maari ka nang magsalita. Tsk! Tsk! Alam naming may sasabihin ka sa aming mahalaga. Now, kung ayaw mong marinig ng living dictionary ang pag-uusapan natin at magsalita ka na!" pabirong singhal ni Ginoong Leo dahil na rin sa pananahimik ng kaibigan.
"KUNG nagkataong nasa prime years pa lang sana tayo ay iisipin kong may regla ka, huh! Pero totoong may nais akong isangguni sa inyo. It's about pareng Arnold. Hindi ko lang masabi-sabi simula dumating si Raven at ang ating inaanak dahil baka kako masamain niya.
By the way, wala ba tayong gagawin upang tulungan ang kumpare natin? Napaisip kasi ako eh. Bakit kailangan niyang ipadala rito sa atin ang kaisa-isa niyang pamilya? Oo, alam ko. Kahit hindi siya nagparamdam sa atin ng napakahabang panahon nami-miss din niya tayo. Ngunit dahil sa pangako sa nagiging misis niyang hindi rin nagtagal sa mundo ay pilit niya tayong iwinaksi. Pero ngayong nandito ang dalaga niya ay mas tumibay ang pakiramdam kong noon pa niya gustong manumbalik sa grupo."
Dahil sa paninikip ng kaniyang dibdib sa pagkaalala sa kaibigan nilang walang kasiguraduhan ang kalagayan ay napatigil siya sa pananalita. Maaring inakala ng dalawa na tapos na siya dahil sinamantala nilang nagwika.
"Alam ko, Pare. Wala ng ibang mas nakakaunawa sa nararamdam mo kundi kaming nga kaibigan mo. At kung isasangguni mong tulungan natin siya ay ora mismo. OO ang sagot ko. I kinda miss our friend," ani Ginoong Joe na sinundon ni Ginoong Leo.
"Tama si pareng Joe, Pareng Phillip. Total nandito na ang binata mo ay mas mabuting kausapin natin siya at sa kaniya tayo mismo magpatulong. Dahil siya naman ang nakakaalam sa eksaktong lugar. Sigurado naman akong may iniwang lead ang kaawa-awa nating kaibigan," anito.
Hindi rin maitatatwa ang lungkot sa boses nito. Sabagay, lahat naman sila ay ganoon ang nararamdaman. Sa ilang taong hindi nila ito nakita ay ang anak pa nito ang ipinadala sa kanila upang kalingain. Samantalang ayon sa dalaga ay naging successful businessman ito. Wala namabg problema pagdating sa pagtulong. Dahil lahat sila ay handang tumulong kahit kanino. Kaso talagang hindi nila maiwasang mahabag sa kasalukuyang kinakaharap ng isa sa matalik nilang kaibigan.
SAMANTALA dahil napansin ni Ginang Princess Ann ang pananahimik ng dalaga ay siya na ang unang nagwika.
"Are you not feeling well, Hija? Kanina pa kita napansing tahimik," aniya.
"Sorry po, Tita, kung napag-alala kita. Ang sabi nila ay kabaliktaran ang panaginip o 'di naman kaya ay warning. I saw my Dad last night in my dream, Tita. Ang saya-saya po niya habang kausap nina Tito. Kaya nga po ako mas natatakot dahil doon. B-baka... Baka wala na..."
Maaring hindi nakayanan ang bigat sa kalooban dahil tuluyan itong napahagulhol. Kaya naman ay niyakap niya ito saka hinahod-hagod sa likuran. Mabuti nga at abala ang mga apo niya sa pakikipaglalaro kaya't napagtuunan niya ito ng pansin.
"Scarlette Hija, sa katunayan ay wala rin akong maapuhap na isagot sa bagay na iyan. Tama, retired lawyer ako. At masasabi kong warnings ang mga panaginip. When I'm on my prime, kadalasan ay nangyayari sa totoong ang mga panaginip ko. Kaya't ang tangi kong masasabi ay magpakatatag ka at iyong ihanda ang sarili kung ano man nag ibig sabihin ng iyong panaginip."
Hinaplos-haplos niya ito sa sa likod habang nagsasalita. Wala man siyang natanggap na sagot mula rito bagkus ay gumanti ng yakap.
"Sige lang, anak. Kung iyan ang makapagpapagaan sa bigat ng kalooban mo ay umiyak ka. Ilabas mo ang lahat upang mas magaan ang pagtanggap mo sa lahat. Again, magtiwala ka sa anak ko at mga Uncles mo. Sigurado akong sa oras na ito ay mayroon na silang nabuong plano upang tulungan ang Daddy mo," aniya habang patuloy sa paghaplos sa likod nito.
Kaso sa pagkabanggit niya sa anak at mga kumpare nilang mag-asawa ay kumalas ito sa pagkayakap sa kaniya.
"H-hmmm... Maghapon ko po na hindi nakita si Raven, Tita. Saan po pala soya nagtungo?" tanong nito.
"Sa oras na ito ay siguradong nasa trabaho pa siya, Hija. Kahit noong hindi pa niya kinailangang lumayo ay ganoon din. Madalas siyang wala sa bahay. By the way, do you feel better now?" patanong niyang saad.
AMININ man ni Scarlette o hindi ay labis-labis ang paghanga niya sa binata. Kaso ayaw din niyang maging cheap sa harapan ng ina nito.
"Okay na po, Tita. Hindi ko lang po kasi maiwasang mahabag sa aking ama sa tuwing naaalala ko siya," sagot niya.
Kaso ibubuka pa lamang nito ang labi at maaring may sasabihin. Subalit hindi na ito nagawa ng Ginang. Dahil bukod sa patakbong nagpakarga si Zurich Niel ay sunod-sunod pang nagtakbuhan palapit sa kanila ang iba nitong pinsan. Ayon din sa Ginang ay Cameron kids.
SAMANTALA nang nakasigurado si Raven Andrew na nakahanda na ang lahat para sa pagtimbog sa taong matagal na nilang tinutugis ay pasimple siyang umuwi sa kanilang tahanan. Laking pasasalamat nga niya dahil nadatnan doon ang mga Tito Ninong. Kaso bago pa niya maibuka ang labi ay kinantiyawan na siya ng ama ng yumaong kasintahan.
"Aba'y, mukhang dinaig mo na ang iyong ama noong kapanahunan namin, anak. Nandito ka sa pamamahay ninyo pero para kang black cat kagaya ng Daddy mo na palaging tumatakas kay Nanay Wilma," nakatawa nitong pahayag na sinundan ng isa pa niyang Tito Ninong.
"Alangan namang magmana sa atin, Parekoy. Mga dugong Sandoval sila kaya't dapat lang na kay Pareng Phillip magmana." Nakangiti nitong pagsang-ayon bago bumaling sa kaniya.
"Raven Andrew anak, kung hindi ako nagkakamali ay mayroon kang sasabihin sa amin. Kung tungkol sa Tito Ninong Arnold mo ay bilisan mo baka sakaling maisalba pa natin siya," pahayag nito.
"Oo, anak. Tama ang mga Tito Ninong mo. Kaya nga nandito kami sa oras na ito upang makabuo ng plano kung paano mailigtas ang ama ni Scarlette. Dahil labis-labis pag-aalala namin sa kaniya." Sang-ayun pa ng ama.
Kaya naman ay hindi niya alam kung sino ang unang sasagutin sa mga ito. Ganoon pa man ay mas minabuting isahang paliwanag. Inilabas at binuksan niya ang laptop niya saka isinalpak ang USB na nakalakip sa sulat.
Kaso ganoon na lamang ang gulat niya dahil sa naging reaksyon ng mga Tito Ninong at ama dahil sa napanood mula sa USB.