Diary,
Kahit asawa ko ay walang nalaman. Dahil kailanman ay hindi ako nagsalita. Pero kahit tinalikuran ko ang dati kong trabaho bilang inspector at niyakap ang pagiging negosyante ay hindi ko nakalimutan ang mga kaibigan kong sina Pareng Phillip, Joe at Leo. Sila ang mga taong kailanman ay hindi nawala sa piling ko sa oras ng kagipitan at pangangailangan. Subalit dahil sa pag-ibig ay inabanduna ko sila. But God knows that they are always in my heart and mind. I miss them.
Diary,
Hindi ko alam kung makikita ko pang muli ang aking mga kaibigan. Pero kapag ako ang mawala sa mundo ay sila ang higit na may karapatan sa aking bangkay. Sa kanila ko rin ipagkakatiwala ang aking anak. Oo, aking anak. Dahil kahit kailanman ay hindi kami nagkaroon ng anak ni Minerva. Kaya't tunay na anak ang turing ko kay Scarlette. Siya ang pumuno sa anak na inasam-asam ko mula noong nakilala at tinulungan kong si Minerva. Pumanaw nga lamang siya sa panganganak. Siya ang nag-iisa kong anak.
Diary,
Umaasa akong makarating ka sa mga kaibigan ko balang-araw. Dahil sa pamamagitan mo ay maiparating ko sa kanila kung ano ang katotohanan tungkol sa katauhan ni Scarlette. Siya ang higit na pinakakawawa. Maaring pumanaw ang kaniyang ina sa panganganak pero mas kawawa siya dahil tinutugis ng mga alagad ng batas ang tunay niyang ama na maari kong gawin total may lisensiya naman ako upang gawin ang bagay na iyon.
Oo, tama. Si Lander Villareal ang ama ni Scarlette pero ako ang legal at registered. Kung maari ko nga lang sanang burahin sa mundo ang bagay na iyon ay gagawin ko. Villareal ang dugong nanalaytay sa katauhan ng aking anak.
Diary,
Hindi ko alam, pero nitong mga nakaraang araw ay basta sumiphayo sa aking isipan ang mga luko-luko kong kaibigan. Lalong-lalo si Pareng Phillip na may mainiting ulo kaya madalas naming tawaging kulot dahil sa pagkabugnutin. Subalit iyon naman ang asset niyang walang makapantay. Pero iyon ang namimiss ko sa kaniya. Sina pareng Leo at Joe ay kagaya kong malaki ang respeto kay pareng Phillip. Ano kaya ang ibig sabihin no'n? Nakikita ko ang kabataan namin. Kung paano kami naglabas-masok sa kulungan dahil sa maling akosasyon ng mga pulis patula. Kung paano supalpalin sila ni Pareng Phillip hanggang sa lalaya na lang kami. Dahil wala naman talaga kaming kasalanan.
Diary,
Nakakalungkot. Kahit gustong-gusto kong puntahan sila lalo at namatayan si pareng Leo. Subalit hindi ko magawa-gawa dahil baka ang anak ko naman ang pagbalingan ng sarili niyang ama. Ilang dekada na nga bang hindi kami nagkita-kita ng mga kaibigan ko? I really miss them all. God knows how I long to be with them.
Marami-rami pa ang nakasulat sa diary book ng kaibigan nila. Subalit hindi na nila iyon pinagkaabalahang basahin lahat. Dahil bukod sa naninikip ang kanilang dibdib ay hilam pa ng luha ang mata.
"PARE, ang daya-daya mo. Miss mo pala kami kagaya namin sa iyo ay bakit mo tinikis ang iyong damdamin? We do miss you as well," hagulhol ni Ginoong Phillip habang nakayakap sa ataul ng kaibigan.
"Madalas nating tawaging kulot si Pareng Philip, Parekoy. Subalit inaw din ang tagasawata kapag dinadamay natin sa usapan si Nanay Wilma. Ang tumayong Nanay nating apat. Bakit sinolo mo ang labang ito, Pare? Mas masaya sana kami kung lumapit ka sa amin," pahayag naman ni Ginoong Leo habang nakatitig sa kaibigang wala ng buhay.
Subalit si Ginoong Joe ay iba ang nanulas sa labi.
"Hanggang sa huli ay ginawa mo ang pagiging inspector, Parekoy. Bakit ko nasabi ito? Dahil ayon sa diary mo ay hindi ikaw ang biological father ng dalaga natin. Ngunit itinayo mo ito at pinanatiling lihim. Sana ay ibinaon mo na lang ang lahat sa limot lalong-lalo na ang tungkol sa katauhan ng iyong anak. Subalit kung iyan ang nakatulong sa pangungulila mo sa aming lahat at nakakagaan sa iyong paglalakbay ay sasang-ayunan din kita.
Watch over us with our Father God in heaven, parekoy. Hindi namin sasayangin ang lead na iyong iniwan. Kahit pa sabihing natimbog na ang biological father ng dalaga natin. The youngsters will continue our paths, Parekoy. They will surely do better than what we've done."
Humahagulhol silang lahat habang nakayakap sa ataul ng kanilang kaibigan. Kaso sa tinuran niyang iyon ay mas bumuhos ang kani-kanilang luha.
SAMANTALA sa kabilang banda ng tahanan ng mag-asawang Princess Ann at Phillip.
"Ano ngayon abg plano mo, anak?" tanong ni ng una sa binatang si Raven Andrew.
"Sa ngayon ay wala pa, Mommy. Dahil sa katunayan ay hindi ko po talaga alam. Pero kung tungkol po sa aking trabaho ay magpapatuloy lang po ako," tugon nito.
"That's what I want to ask, Hijo. Ang pangalawa ay si Scarlette. Wala namang problema kung dumito siya. Pero baka maisipan niyang umuwi sa Tarlac. Iyon nga lang ay baka ang mga Villareal doon ang makabangga niya," aniyang muli.
DAHIL sa tinuran ng ina ay napatahimik si Raven Andrew. Sa katunayan ay hindi sumagi sa kaniyang isipan ang pabalikin ang dalaga sa Tarlac. May habilin man ang ama nito o wala ay gusto niya itong makasama.
"Umiibig na ba akong muli? Nakausad na ba ako sa pagkawala ni Susie?" tanong niya sa sarili na sa pagkakaalam ay sa isipan lang naitanong.
Tuloy!
Napakislot siya nang nagwika ang kaniyang ina.
"Malalaman mo iyan, anak, kung subukan mo. Oo, hindi masamang iibig kang muli sa katauhan ni Scarlette. Maaring ngayon lang siya napadpad dito sa Baguio dahil na rin sa ibang bansa siya nag-aral. Ngunit sigurado akong mabuti siyang tao lalo at ang Tito Ninong Arnold mo ang nagpalaki. Mas matutuwa pa si Susie dahil inaanak din ng kaniyang ama ang ipapalit mo sa kaniya kung sakali man."
Dahil sa tinuran ng ina ay napatingin siya rito. Aba'y nakaburol pa nga ang Tito Ninong niyang ilang dekadang hindi nakita eh subalit pag-ibig na ang sinasabi ng ina. Hindi niya tuloy alam kung kakamot ba siya o ano.
Kaso!
"Raven anak, maraming salamat dahil alam kong minahal mo ng lubos ang yumao kong anak. Ngunit mas masaya ako kung sundin mo ang itinitibok ng iyong puso. Alam kung sinabi na ng Mama at Papa mo pero mas matutuwa kami ng Tito Ninong Leo mo kung si Scarlette nga ang muli mong mamahalin. Dahil bago pa kami nagkakilala ay matagal na silang magkakaibigan. Alam iyan ng Mommy mo, anak. So, you have my full blessing to love again."
Hindi pa nga siya nakahuma sa tinuran ng mahal na ina ay nagpahayag din ang Tita Ninang niya o ina nang yumao niyang kasintahan. Subalit hindi pa naman siya ganoon kaipokrito upang ipagkait ang kaniyang sagot.
"Mommy, Tita Ninang, Maraming-maraming salamat po sa pang-unawa. Ngunit sa ngayon ay wala pa akong masasabi tungkol sa bagay na iyan. Dahil sa katunayan ay hindi pa ako sigurado. I never want to take for granted when it comes to love. Kaya't pasensiya na po kung wala pong malinaw na sagot mula sa akin," pahayag niya.
"Bilang Tita Ninang mo, anak, ay malinaw na ang narinig ko ngayon. Kaya't irerespeto ko ang iyong sagot. Basta tandaan mo na may blessings and support kami ng Tito Ninong mo kahit sino ang iyong mamahaling muli," tugon ng Ginang.
"As I am, Raven Andrew anak. As we always does. We will support you no matter what you do." Pagsang-ayon pa ng kaniyang ina.
Iyon ang labis-labis niyang pinagpapasalamat sa mga magulang. Suportado silang magkakapatid sa kahit anumang bagay at higit sa lahat ay sa mga desisyong alam nilang tama.
"HIJA, come and sit here." Paanyaya ni Ginoong Phillip ng napansin ang dalagang nalulungkot dahil sa pagpanaw ng kinalakhang ama.
"Thank you po, Tito." Pasasalamat nito saka naupo sa katabi nilang upuan.
Ibubuka nga pa lamang niya ang labi upang sagutin ito subalit naunahan siya ng isa pang kaibigan.
"Kausapin mo na nang kausapin ang iyong Daddy. Dahil ilang araw mula ngayon ay ihahatid na natin siya sa huling hantungan. Kung ano man ang mga katanungang nagsusulputan sa iyong isipan ay maari mo na iyang burahin. Kilala namin siya, Hija. At kagaya nang inilahad niya sa diary ay ikaw ang nag-iisa niyang anak at tagapagmana," pahayag nito na sinundan ni Ginoong Leo.
"Bilang Tito Ninong mo ay hindi na namin aalamin ng dalawa pang kaibigan ko kung ano man ang nilalaman ng sulat niya para sa iyo. Instead, nais kong ipaalam sa iyo na nandito kaming lahat na handang tumulong sa iyo. Ituring mo kaming lahat na iyong pamilya. And in return, love and engrave your Daddy Arnold deep down to your soul. He is one of a kind person," anito.
She had seen and heard enough from them since the very first day that she was in Baguio City. That's the reason why she didn't hesitated to stand up once again and embraced them one by one.
"Kulang ang salitang salamat upang ipahayag ko po sa inyong lahat ang aking pasasalamat. Subalit hayaan n'yo po akong iparamdam na sensero ako sa lahat ng aking ipinapamalas sa inyo. At higit po sa lahat ay ang Daddy Arnold ko. Siya at wala ng iba ang ama ko.
Nakikiusap po ako na ibaon na po natin sa limot kung ano man ang nilalaman ng iniwan niyang diary. Dahil kagaya po nang sinabi ko ay siya ang Daddy ko at wala ng iba."
At bago pa nila nahulaan ang sumunod niyang hakbang ay lumuhod na siya sa harapan ng mga ito.
"Thank you for everything, Uncles. Hindi ko na po isa-isahin. But from the bottom of my heart, let me show you my heartfelt sincerity of my appreciation of gratitude to all of you."
"Daddy, you will always be my super Daddy who chooses to be a great man with dignity, the one who love a person as his own. Please watch over us especially those people who gladly help and accepted me without waiting in return. I love you so much, Daddy."
Mula sa pagluhod niya sa mismong harapan ng mga Tito Ninong niya ay lumipat siya sa mismong tabi ng ama. Kaya naman ay hindi na niya nakita ang reaksyon ng mga niluhuran.
'I'll be forever grateful to all of you,' bulong na lamang niya.