"HOW did it go, son?" salubong na tanong ni Ginoong Phillip sa binatang anak.
Ang grupo nito ang dumulog sa mga pinsan din nitong militar na nasa Camp Villamor. Dahil kahit nasa bansang Pilipinas sila at isang Chief Inspector ay hindi naman basta-basta maaring makialam. Police Inspector ito sa Baguio Chapter at sa Tarlac City nangyari ang lahat.
Kaso mukhang hindi nahintay ng dalagang Buenaventura ang maaring isagot ng binatang si Raven Andrew ay ito ang nagwika.
"K-kumusta na ang Daddy ko, Raven? Buhay pa ba siya o pinatay na ng hay*p na iyon?" Mula sa pagkautal ay napakuyom ang palad nito.
Kaya naman ay muli silang napatingin sa binatang inspector na naumid na yata ang dila.
SAMANTALANG dahil sa pagkautal ng dalagang tinulungan at nakasama ng ilang buwan ay nagpakawala ng malalim ma hininga ang binata.
"Natimbog na ang mga kawatan pero huli na nang makapasok kami sa tahanan ng mga Buenaventura. Idagdag pa ang katotohanang ikinulong nila si Tito Ninong Arnold sa basement ng bahay. Wala na itong buhay nang nakita ng mga tauhan nina pinsan Zandro at Leoniel---"
"No! Buhay pa ang Daddy ko! Please tell me that he is still alive! He is not dead at all!" Pamumutol at pagwawala ng dalaga.
"Scarlette---"
"Calm down, Hija."
Mga katagang pinutol nito.
"Hindi maaring mamatay si Daddy na wala man lang akong nagawa para sa kaniya. Nangako kami sa isat-isa na magkikita pa. Pero ano itong--- Parang-awa mo na, Raven. Sabihin mong hindi totoo ang sinabi mo. Please..."
Bukod sa humarap ang dalaga sa binatang halatang pagod na pagod mula sa isang outside of the town na entrapment ay yumakap ito. Maaring hindi nito napansin ang makahulugan nilang pagtinginan ngunit sa bigla nitong pagyakap sa binata ay napatingin silang lahat sa ama ng yumaong kasintahan ni Raven Andrew.
'Shut, guys! Saka na natin pag-usapan ang bagay na iyan,' ani Ginoong Leo.
'Tsk! Tsk! Bakit ba defensive ka masyado, Pare?' saad pa ni Ginoong Phillip.
'Kahit naman anak ko ang yumaong kasintahan ni Raven Andrew ay hindi ko saklaw ang puso nito,' muli ay wika ni Ginoong Leo.
'Aba'y ikaw naman, parekoy. May sinabi ba kami? Tsk! Tsk!' Pang-aasar pa ni Ginoong Joe.
Kaso ang pag-uusap nilang iyon kahit pa sabihing mind link lamang ay naudlot dahil bukod sa hinaplos-haplos ng binata sa likod ang dalaga ay nagwika rin ito.
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa iyo ang bagay na iyan, Scarlette. Pero mas mabuting sa akin mismo manggaling kaysa sa iba o sa mga tauhan ko. Kung makapagsalita nga lamg siguro si K9-Scott ay siya pa ang naunang nagsalita.
Alam ko at wala ng ibang nakakaunawa sa iyong nararamdaman sa pagkawala ng Daddy mo kundi ako. Bakit ko nasabi ito? Six months ago, my girlfriend passed away. Pero dahil kailangan kong magpatuloy sa buhay kahit pa sobrang sakit ay muli akong nagreport sa aking trabaho.
Without the knowledge of my family, I went to Tarlac City and lived my life as a lowly carpenter in a day time and an inspector in the night.
Ang masasabi ko lang kahit sobrang sakit ay magpakatatag ka. Dahil hindi matutuwa ang Daddy mo oras na ikulong mo ang iyong sarili sa kaniyang kamatayan.
Hindi naman natin sila maaring kalimutan. Dahil wala tayo sa kasalukuyan kung wala silang nakaraan. Kaya't kako, kahit paunti-unti ay tanggapin mo ang nangyari kay Tito Ninong. Maaring hindi na ito bago sa iyong pandinig dahil halos isang buwan ka na rito. Pero nabibilang kami sa isang malaking pamilya. Kaya't ituring mo rin kami na sarili mong pamilya.
And lastly, nakuha namin ang diary ng iyong ama sa kaniyang silid. At sealed letter as well and it was named for you."
Mahaba-habang pahayag ng binata kasabay nang paghaplos sa likuran ng dalaga. Nais lang naman niya itong payapain.
Ang hindi niya alam habang nagtatalumpati siya ay nagkatinginan ang mga nandoon.
SAMANTALANG sa tinuran ng binata ay dahan-dahang kumalas si Scarlette rito. Tama ito, halos isang buwan na siya sa piling ng pamilya Harden-Sandoval. Wala siyang masabi kahit ano sa mga ito. Pawang kabaitan ang nasaksihan. Subalit hindi niya nalaman ang tungkol sa namatay nitong nobya.
Kaso ang nagpakilalang kaibigan ng kaniyang ama ang nagwika.
"Totoo iyan, Scarlette anak. Ako ang Tito Ninong Leo mo at ako ang ama ng yumaong si Susie. Isa ako sa magpapatunay kung paano lumaban sa buhay si Raven. Nandito kami na maari mong ituring na pamilya. Dahil mga bata pa lang kami ay kilala na namin ang iyong ama. Kaya't anak na rin ang aming turing sa iyo," pahayag nito.
"Lahat tayo ay dumaan sa pinagdadaanan mo sa kasalukuyan, anak. Kahit nasabi na ng Tito Leo mo ay ituring mo kaming pamilya. Tama, nawala ang Daddy mo ngayon ngunit malay mo, sa pagtira mo rito sa Baguio ay iyong makasalubong ang taong nakatadhana para sa iyo," saad naman ni Ginoong Phillip.
Subalit sa isipan ay alam na matagal na nitong nakasalubong ang taong tinutukoy. Dahil sa katunayan ay napapansin din nilang mag-asawa ang kakaiba nitong tingin sa binata nilang anak.
'Ako ang pinakamasayang tao sa mundo oras na magkatuluyan kayo ni Raven Andrew, Hija. Dahil noon pa man ay usapan na naming magkakaibigan na paglapitin ang aming magiging anak. Hindi naging successful sa kanila ni Susie kaya't umaasa akong sa inyo mangyayari.' Sa isipan ng Ginoo.
Dahan-dahang pinunasan ni Scarlette ang luhang naglandas sa kaniyang pisngi gamit ang palad bago humarap sa mga ito.
"Habang-buhay kong tatanawin ang kabutihan ninyo sa akin mga Tito Ninong. Lalong-lalo na sa inyng mag-anak, Tito Phillip. Wala akong ibang masabi kundi ang taos-puso kong pasasalamat."
"Para po sa inyong lahat, total naabala ko na po kayo ay aking lubos-lubusin na. Muli ko pong hihingin ang tulong n'yo. Kailangan ko pong ipalibing ng maayos ang bangkay ni Daddy. Ngunit dahil nandito po ako ay---"
Kaso hindi siya nagtagumpay na matapos ang nasimulang pahayag. Dahil pumasok ang isa sa tauhan ni Raven Andrew. Tuloy ay napabaling silang lahat dito.
"Ah, mawalang-galang na po sa inyong lahat. Pero dumating po kasi ang funeral services. Kaya't pinapasok ako ng aking kasamahan upang ipagbigay-alam." Hindi tuloy mawari kung ano ang hitsura nito. Dahil kumakamot habang nakangiwi.
Then...
"DADDY! Bangon na po riyan! Natupad na po ang matagal mong inaasam-asam na makapunta rito sa Baguio. Ang daya-daya mo eh. Kung kailan nandito na ako ay saka mo naman ako iniwan! Bangon na po!"
Pagwawala ng dalaga habang nakayakap sa wala ng buhay na ama. Kaso sa pagyakap niya sa ataul ay basta na lang binitiwan ang hawak-hawak na diary at sulat ng ama. Nawala sa isipan niyang confidential ang laman.
Tuloy!
Napamulagat ang magkakaibigan dahil sa harapan nila bumagsak ang diary. Hindi lang iyon, nabuksan ito kaya't kitang-kita at nabasa nila ang ilan sa nasa nilalaman nito.