CHAPTER FIFTEEN

1169 Words
"MAY problema ba, anak? It's been a while since I saw you with alcohol. Baka naman makatulong ang Daddy mo sa iyo?" Tinig ng ama ang nagpabalik sa naglalakbay niyang diwa. "Hindi naman siguro magagalit si Mommy kung aalukin po kita ng alak kahit ngayon lang, Daddy?" Inilahad niya ang palad na may hawak-hawak sa wine glass na may lamang alak. "Sure, son. Pero baka ang pamangkin mo ang manenermon sa iyo oras na makita ang alak?" tugon nito saka inabot ang baso at tinungga. Akala nga niya ay hanggang doon na lamang. "Ngayong nainom ko na ang alak ay baka masabi mo na ang iyong problema, anak. Kahit nagkukulong ka rito, hindi sinasabi kung mayroon ngang bumabagabag sa iyo ay ramdam kong mayroon. Again, what's your problem, son?" muli ay tanong ng ama. Kaya naman ay wala na rin siyang nagawa kundi ang ipahayag ang saloobin. Kung ano ang dahilan ng pagkukulong at palagian niyang pag-inom. Samantalang hindi naman siya lasenggo. Kaso! "THEN, what are you doing here, Hijo? Alam mo bang wala na rito sa bahay si Scarlette? Ah, wrong choice of words pala, anak. Dahil sa oras na ito ay baka nasa himpapawid na siya." Dahil sa pag-aakalang silang mag-ama lang ang nandoon ay naging kampante siya sa pagkukuwento. Kaso dahil sa tinig ng ama ay talagang nawala ang espirito ng wine na ininom. "Mommy!" "Honey, you are here!" Sabayan nilang sambit na mag-ama. "Tsk! Tsk! Pag-untugin ko kaya kayong mag-ama. Imbes na hindi marinig ng living dictionary natin ay kayo na mismo ang nagngawa eh." Nakangiwing napataas ang kilay ng Ginang dahil sa inasta ng mag-ama niya. Still, it takes time for Raven Andrew to regain his confidence and to answer his mother. "Kung tulog na iyon hindi magigising unless sa tabi po niya ang ingay. By the way, Mommy, ano po iyong sabi mo na wala na rito si Scarlette? Kailan pa po?" tanong niya. Pero sa kaloob-looban niya ay mayroong kirot. Dahil kung kailan siya nakapag-isip-isip na kausapin ito ng masinsinan ay saka pa niya nalamang wala na ito sa kanila. "Actually, kaninang umaga pa, anak. Halatang hinintay na makaalis ka bago bumaba at nagpaalam sa akin. Wala rin ang Daddy mo dahil sumaglit kina Pareng Leo. Ngunit ang inaalala ko ngayon ay kung saan nga ba talaga ito pupunta. Ang sabi niya ay uuwi sa Tarlac upang ayusin ang lahat. Pero sa aking hinuha ay nakalabas na iyon ng bansa. Bakit ko nasabi ito? Dahil kung ano ang bag niya noong dumating kayo few months ago ay iyon din ang dala-dala niya sa ngayon---" Subalit sa pahayag na iyon ng ina ay hindi na niya pinatapos. Tuluyan ng nawala ang bisa ng ininom. Hindi lang iyon, basta na lamang siya tumayo at tumakbo palabas sa silid niya saka tinungo ang guest room na inuukupa ng dalaga. "F*ck! Where did she go? Kung kailan nabalanse ko ang aking sarili upang kausapin siya ay saka naman siya umalis na walang paalam!" Nang napagtantong wala na nga talaga ang dalagang naging dahilan din ng pagbangon mula sa pagkamatay ng kasintahan niya ay napamura siya. "Sa lagay na iyan ay kahit hindi ka na magpaliwanag sa akin kung bakit nagkukulong ka at binalikan ang alak ay alam ko na ang dahilan, anak." Maaring sumunod sa kaniya ang mga magulang. Ngunit sa kaisipang wala na ang dalaga ay hindi niya pinansin ang pahayag ng ama. "Noon pa man ay nahalata ko na ang sparks sa inyong dalawa, anak. Subalit wala kayong narinig sa akin. Dahil kagaya ng mga Tito Ninong at Daddy mo ay gusto ko siya para sa iyo. Ngunit kahit pala hindi ako nagsalita ay mukhang kailangan ko ng tanggapin na hindi kayo nakatadhana. By the way, call your cousin, Rennie Grace to use her connection in knowing if Scarlette went outside the country or out of town by using airplane." Segunda naman ni Ginang Princess Ann. Ngunit sa tulad ni Raven Andrew na nawawala sa sarili ay hindi niya pinansin ang mga pahayag ng magulang bagkus ay tahimik siyang lumabas sa guest room. Subalit imbes na bumalik sa sariling silid ay halos liparin ang hagdan upang makalayo agad-agad. He wants to be alone. SAMANTALA dahil sa inasta ng kanilang anak ay nagkatinginan ang mag-asawang Princess Ann at Phillip. "Ano sa palagay mo, asawa ko? May unawaan ba sila bilang magkasintahan at sadyang may problema kaya't umalis si Scarlette?" tanong ng una habang nakatanaw sa daang tinahak ng binata. "Iyan ang tanong na hindi ko masagot ng husto, honey. Bakit? Dahil na rin wala akong napansing kakaiba sa kanila. Magaling ding magtago ng damdamin ang anak natin. Kaya't kako wala akong nahalata," nakailing na sagot ng Ginoo. Subalit ang Ginang ay iba. Dahil mula sa naguguluhang mukha ay napalitan ng ngiti. "Well, baka nga humina na talaga ang pick up mo, Hon. Dahil hindi mo napansin ang malagkit na tingin ni Scarlette sa anak natin. Ganoon din si Raven Andrew, ilang beses ko na siyang nahuhuling nakatingin sa dalaga," muli ay pahayag ng Ginang nakalipas ang ilang sandali. "Kung ganoon ay tama lang pala ang tinuran ni Pareng Joe kanina kina Pareng Leo. Iyon nga lang ay hindi ko inaasahang on the spot. But since that Scarlette left our home now, wala tayong ibang gagawin kundi ang tulungan ang binata natin upang maibalik siya rito," saad din ni Ginoong Phillip. Walang magulang na hindi nagnanais para sa kabutihan ng anak. Kaya't na sumalungat si Ginang Princess Ann sa naging pahayag ng asawa. ZURICH PORT, SWITZERLAND Dahil sa kagustuhang makalayo sa pamilya Harden at mailigaw sila ay naisipan ni Scarlette na bumaba sa Zurich Airport sa Switzerland. Ngunit nagtungo sa Zurich Port upang makasakay sa pamosong barko ng mga Mondragon ang MARGARITA INTERNATIONAL CRUISE SHIP. Napag-alaman naman kasi niyang may stop over ito sa United Kingdom. "Mabuti na rin pala at nabanggit nila dati sa akin na ngayong araw ang daong ng barko rito sa Zurich. Kailangan ko itong gawin upang tuluyan ko silang mailigaw," aniya sa kaniyang isipan. 'Tsk! Tsk! Bakit ka ba kasi biglang nagkayas, aber?' Panunutil pa nga ng inner mind niya. "Lintik na pag-ibig kasi. Noon, pangarap kong ibigin siya. Subalit kung kailan---" Kaso ang monologue portion niya ay naudlot. Dahil na rin sa salita ng nasa admission of passengers. "Kabayan o foreigner?" dinig niyang tanong ng nasa ticketing. "Kabayan po, Ma'am. Here's my passport as my ID." Iniabot niya ang passport sa babaeng nagtanong. Tahimik naman nitong tinanggap bago muling ibinalik ang paningin sa computer. Then... "Keep the change, Ma'am. Huwag ka na pong tumangi. Dahil kaunti lang po iyan. Maiwan na po kita rito at hanapin ang maging cabin ko. Have a nice day po," pahayag na lamang niya . Pagod siya! Kaya't kailangan niya ang magpahinga. Laking pasasalamat lamang niya dahil madali lang niya itong nahanap o ang cabin. Kaso! Sa paglapat pa lamang ng likod niya sa higaan ay rumagasa sa kaniyang isipan ang naging dahilan kaya't muli siyang umalis sa tahanan ng mga taong mahahalaga sa kaniya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD